You are on page 1of 4

ANG MGA KARANASAN NG MGA PILING TAONG – BAYAN

Ang mga kalaban at bumabatikos kay Marcos ay ikinulong tulad nina Senador
Benigno Aquino Jr., Jose Diokno, Jovito Salonga, Ramon V. Mitra, at dating Senador
Francisco “Soc” Rodrigo. Sina Joaquin “Chino” Roces, ang tagapagbalita ng manila
Times; si Teodoro Locsin, ang patnugot ng Philippine Free Press, at ang mga
mamamahayag sa diyaryo na si Maximo Soliven at Armando Doronila ay ikinulong din.
Naging dahilan ang mga ito ng pagbuo ng mga samahan laban sa Diktadurang Marcos.

EUGENIO “GENY” LOPEZ JR.


- anak ni EUGENIO LOPEZ SR. ay ikinulong din at pinagbintangang may balak
ipapatay si Marcos. Inangkin ng mga Marcos at kanyang mga crony ang malaking
kompanya ng mga Lopez bilang kapalit ng pagpapalaya kay Geny subalit hindi naman
din siya pinalaya.

LINO BROCKA
- isang mahusay na director, ay inakusahan at ipinakulong din ni Marcos dahil gumawa
siya ng mga subersibong pelikula laban kay Marcos. Isa sa kanyang nilikha ang “Bayan
Ko” ay ipinagbawal na ipalabas sa ating bansa. Noong 1983, itinatag ni Lino Brocka ang
organisasyong Concerned Artists of the Philippines (CAP). Dalawang taon niya itong
pinamunuan. Ang layunn nito ay ipagalaban ang karapatan at Kalayaan ng mga tao.
Naging aktibo ang mga kasapi nito sa mga rali laban sa pamahalaan lalong lalo nan
nang paslangin si Ninoy Aquino.

BENJAMIN “BEHN” CERVANTES


- Isang propesor, aktor, director, at freedom fighter ay isa rin sa mga bumatikos kay
Marcos. Kasama siya sa mga ipinakulong ni Marcos. Isa siya sa nagsulong ng Free the
Artist, Free the Media Movement, Justice for Aquino, Justice for All (JAJA), Congress
for the Restoration of Democracy (CORD), at National Alliance for Freedom, Justice,
and Democracy.

BENIGNO “NINOY” AQUINO JR.


- ay isang senador bago ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar. Isa si Aquino
sa mga ipinabilanggo ni Marcos dahil sa pagtutol niya sa pamamalakad ng
pamahalaang Marcos. Nang siya ay magkasakit, pinayagan siyang pumunta sa United
States upang magpagamot.

PAGPASLANG KAY BENIGNO “NINOY” AQUINO JR.


- Masayang hinintay ng mga taong hindi nasisiyahan sa pamamalakad ni Marcos ang
pagbabalik ng lider ng oposisyon na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr mula
sa United States. Nagsabit sila ng mga dilaw na laso bilang tanda ng kanilang
kasiyahan. Dumating si Ninoy lulan ng jet ng China Airlines buhat sa Taipei noong
Agosto 21, 1983.
- Siya ay nasa ilalim ng proteksyon ng Aviation Security Command (AVESCOM) sa
pamumuno ni Heneral Luther Custodio.
- Siya ay pinaslang ng pinagbibintangang bayarang miyembro ng New People’s Army
(NPA) na isang gunman na si Rolando Galman pagkababa niya ng eroplano noong
Agosto 21, 1983. Ang kanyang pagkamatay ay gumimbal sa buong bansa.
- Siya ay Inilibing noong Agosto 31, 1983. Mahigit sa dalawang milyong mamamayan
ang nakiluksa at naghatid sa kanya sa huling hantungan.

MGA PANGYAYARI MATAPOS PASLANGIN SI AQUINO


- Sunod- sunod na rali at demonstrasyon bilang protesta laban sa nangyari kay Ninoy at
sa mga katiwalian sa pamahalaan.
- Nagsabi sila ng dilaw na laso at nagsuot ng dilaw na damit at hiningi ang pagbibitiw ni
Marcos sa panunungkulan.
- Nagsama – sama ang lahat ng uri ng mamamayan, magkakaiba man ang antas sa
pamumuhay sa lipunan, babae at lalaki, Muslim at Kristiyano, mayaman o mahirap na
pinagunahan ni Gng. CORAZON C. AQUINO, ang biyuda ng bayaning lider na
naglakad sa kalye kung saan sila ay pinaulanan ng dilaw na confetti.

MGA REAKSYON SA MGA PATAKARAN NG PAMAHALAAN


 Naghirap ang maraming Pilipino
 Nasikil ang kanilang Kalayaan kaya’t naghimagsik ang kanilang damdamin.
 Nagkaisa ang mga magsasaka, manggagawa, kabataan, at propesyonal na
humingi ng pagbabago sa pamahalaan.
 Nagkaroon ng sunud – sunod na rai at demonstrasyon upang maibalik ang
Kalayaan at katarungan sa ating bansa.
 Inilantad ng mga mamamayan ang kanilang pagkamuhi sa diktaduryang
pamamahala ng Marcos.
 Nagalit ang mga mamamayan sa mga paglabag sa karapatang pantao at mga
patayan na dulot ng sagupaan ng mga military at mga rebelde.
Enero 17, 1981 – nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon Blg 2045 na
nagwakas sa Batas Militar sa Pilipinas.
Abril 7, 1981 – Pinagtibay ang pamahalaang parlamentaryo ng Bagong Republika. Ito
ay sinang – ayunan ng taong – bayan sa isang referendumsa mga panulakang
pagbabago sa Saligang Batas 1973.
Hulyo 16, 1981 – Nagdaos ng halalan para sa panguluhan ng bansa ayon sa itinakda ni
Pangulong Marcos. Ito ay upang magkaroon ng normalisasyon sa bansa matapos alisin
ang Batas Militar. Nakatunggali ng Pangulong Marcos sa halalan sina Martolome
Cabangbang at Alejo Santos. Si Marcos pa rin ang nagwagi bilang pangulo sa halalang
iyon.
MGA PANGYAYARING NAGING SANHI NG PAGBAGSAK NG EKONOMIYA
 Pagpaslang sa kalaban at pangunahing kritiko ni Pangulong Marcos na si dating
Senador Benigno “NINOY” Aquino Jr noong Agosto 21, 1983 nang siya ay
bumalik sa Pilipinas.
 Pagkakaroon ng sunud – sunod na rali at demonstrasyon na humiling na bigyang
– katarungan ang pagpaslang kay Aquino.
 Paglisan ng mga dayuhang namumuhunan sa mga kalakal sa bansa.
 Paglipat ng mga puhunan ng mga negosyanteng Pilipino sa ibang bansa dahil sa
takot na magkaroon ng digmaang sibil.
 Pag – alis ng mga mamamayan ng kanilang perang nakalagak sa mga bangko
dahil sa takot na ito ay mawala.
 Pagsara ng maraming bangko.
 Pagtanggi ng mga bangko na magpautang pang muli sa pamahalaan dahil sa
takot na hindi ito mababayaran.
 Pag – iwas ng mga turista na pumunta sa ating bansa dahil walang seguridad
dito.
 Pagbaba ng halaga ng pananalapi.
 Paghina ng produksyon dahil sa kakulangan ng pondo na naging dahilan ng
pagbawas ng mga manggagawa o tuluyang pagsasara ng mga pabrika at
paghina ng pangangalakal.

SNAP ELECTION, 1985


- Nagpatawag ng si Pangulong Marcos ng Snap Election o biglaang eleksyon noong
Pebrero 7, 1986 upang patunayan na Mabuti ang kalagayan ng Pilipinas.
- Tumakbo si Gng. Corazon “cory” Aquino sa pagka Presidente at Salvador “doy” Laurel
sa pagka – Besi – Presidente laban kay pangulong Marcos at Arturo Tolentino.
- Nagwagi sa halalan sina Cory Aquino at Doy Laurel na botong 800, 000 ayon sa
NAMFREL o National Citizens’ Movement for Free Election. Ang NAMFREL ay isang
kilusan na kinabibilangan ng mga mamamayan na nagbigay ng libreng serbisyo upang
mabantayan ang mga presinto at maiwasan ang pandaraya sa halalan.
- ang opisyal na pagbibilang sa resulta ng snap election ay isinagawa ng Commission
on Election (COMELEC) sa Philippine International Convention Center (PICC).
- Tatlong libong computer encoders ang umalis noong Pebrero 9 bilang protesta sa
nakita nilang pandaraya sa bilangan.
- Iprinoklama sina Marcos – Tolentino bilang nagsipagwagi ayon sa opisyal na resulta
ng COMELEC.
- Maraming tao ang nagalit. Tumanggi si Corazon Aquino na kilalanin ang resulta ng
COMELEC at nanawagan sa mga taong – bayan na magdaos ng civil disobedience at
hiniling na huwag kilalanin ang Pamahalaang Marcos.
ANG SIMULA NG EDSA PEOPLE POWER 1
Pebrero 22, 1986 – tumiwalag sa Gabinete ni pangulong Marcos sina Juan Ponce
Enrile, Ministro ng Tanggulang Pambansa at Heneral Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of
Staff ng Sandatahang Lakas. Ipinahayag nila sa telebisyon ang kanilang pagbibitiw sa
tungkulin. Ipinahayag din nila na si Corazon aquino ang tunay na nanalo sa halalan at
hiniling na magbitiw si Marcos sa kanyang tungkulin. Nanawagan din sila sa mga
mamamayan na suportahan sila at bigyan ng proteksyon ang mga militar na tumiwalag
sa pamahalaan. Ang ginawa nilang ito ang naging simula ng EDSA People Power 1.
- Nanawagan si Jaime Cardinal Sin sa mga estasyon ng radio sa mga mamamayan
upang tulungan sina Enrile at Ramos.
- Nanawagan din si Agapito Aquino ang nakababatang kapatid ni Ninoy Aquino.
- Nagkatipon – tipon ang napakaraming tao sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA)
sa pagitan ng Kampo Aguinaldo at Kampo Crame. Nagdal sila ng pagkain at inumin.
Naghanda sila sa anumang mangyayari.

ANG PAGSALUBONG SA MGA TANGKE


- Nagpadala si Marco ng mga sundalo at tangke sa EDSA ngunit buong tapang itong
sinalubong ng mga mamamayan, kasama ang mga pari at madre.
- May dala silang mga bulaklak, rosary, at pagkain. Ibinigay ito sa mga sundalo.
Pinakiusapan nila ang mga loyalistang sundalo na huwag paputukin ang mga baril at
tangke sa kapwa nila Pilipino.
- Tinatayang may tatlong milyon ang mga taong nagpunta sa EDSA, sa Channel 4, at
sa Mendiola Bridge na malapit sa Malacanang upang ipakita ang kanilang pagsuporta
sa rebolusyon at mapaalis sa kapangyarihan si Marcos. 90% ang kabuuang bilang ng
mga sundalong pumanig kina Enrile at Ramos.

You might also like