You are on page 1of 2

Yung kaisipan na kapag ibinigay mong lahat at wala kang itinira para sa sarili mo at isipin na

nakita ng Diyos yung ginawa mo kaya bibigyan ka nya ng kinakailangan mo at sosobrahan pa


Niya dahil naging mabuti kang tao at nagtiwala sa Kanya ay hindi totoo.

1. Ang sakripisyo ay isang bagay na dapat pinag aaralan ng husto at hindi dapat iniaasa na
lamang sa isang tao o sa Diyos man na nagmamahal sayo.

2. Kailangan mo munang patunayan na karapat dapat ka sa pagmamahal ng Diyos mo. Kung


hindi ka makasunod sa utos nya hindi ka karapat dapat. Maaaring di nga nawawala ang
pagmamahal Nya ngunit hindi iyon nangangahulugan na pagpapala ang makakamit mo imbis na
kaparusahan sa hindi pagsunod sa kanya.

3. Magsakripisyo ka man ng hindi nag iisip lalo na at hindi ka naman sumusunod sa kanya ay
isang napakalaking pagkakamali. Kung mapagbigyan ka man nya ay isang himala na
magbubunga ng kamalian sa sarili niyang utos. At mawawalan ng katotohanan ang kanyang
pagiging perpekto.

4. Hindi mo maaaring sabihin na mabuti kang tao kung nagtiwala ka lang sa kanya at hindi mo
maaaring sabihin na may tiwala ka sa kanya kung naging mabuti ka lang na tao. May
pagtitiwalang masama at may mabuting tao na kulang sa pananampalataya.

5. Wag basta magtiwala totoong may kalaban. Na marunong din mag isip at gagamitin lahat
para madaig ka at mapalayas. Madali niyang nakukuha ang simpatiya ng iba dahil lahat ibibigay
niya madaig ka lang. Napakaamo niyang tingnan. Parang hindi makakagawa ng kasalanan.
Ngunit dahan-dahan kung kumilos, unti-unti hanggang sa hindi mo namamalayan wala ka ng
gagalawan. Mag-ingat sa iyong bawat kilos. Ang pagkagalit ay isang mahinang paraan ng
pakikipaglaban. Mag-isip ka muna bago sumigaw. Mag-isip ka muna bago magalit.

6. Ang pagkakaroon ng kalaban ay hindi purong galit o muhi. Ang pakikipaglaban ay paglaban
para sa iyong kinatatayuan. Paglaban para sa sariling buhay. Piliin mo ang iyong buhay. Ang
lahat ay dapat pumili sa sariling buhay. Ang pakikipaglaban ay simpleng pagtiteritoryo. Kung
hindi mo ipaglalaban ang sa iyo walang hanggan kang tatakbo.

7. Mag-isip na parang isang heneral ng isang malaking hukbo. Alam kung kailan lalaban at alam
kung kailan hindi.

8. Dapat alam mo kung kailan dapat gamitin ang pandinig. Minsan ang galit ay di mapipigilan.
Kung walang proteksiyon ang tainga walang proteksiyon ang kaluluwa.

9. Talino ang gamitin mo. Matagal ka ng nagdurusa sa kamangmangan mo. Panahon na para
sarili naman ang tulungan mo. Nakita na ng Diyos at nasaksihan ang kabutihan mo. Panahon na
para ikaw naman mismo ang tumulong sa sarili mo.

You might also like