You are on page 1of 4

The Goodgirl’s Revenge

Mga Katangian:

*Matangkad

*Maparaan

*Nais maging kapwa para tiba-tiba

*Nais maging Piloto

Mga Katangian:

* Matangkad

* Mahilig matulog

* Nais maging Co-pilot


I. Pamagat: “The Good Girl’s Revenge” (The Four Bad Boys and Me Book II)

~ Ang libro na ito ay tungkol sa isang babaeng nagbalik galing ibang bansa.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ang mga kaganapan ay ang gugulo sa buhay ni
Candice Gonzales.

Manunulat: Tina Lata (Blue_Maiden)

~ Si Tina ay naging manunulat nung siya ay 19 na taong gulang pa lamang,


siya ay pumasok sa mundo ng wattpad nuong 2012. Ang kanyang mga istoryang
naisusulat ay base sa kanyang sariling karanasan buhay, libro, pelikula, at musika.

Tauhan:

~ Candice Gonzales – Siya ay isang nerd, weird at di kilalang babaeng na


makakakilala ng mga taong gugulo ng kanyang buhay.

~ Charles Gonzales – Kuya ni Candice Gonzales. Pinakamatanda sa grupo.


Siya ang pinakabasagulero sa kanilang apat. Laging nakikipag-away, Gwapo,
Masungit at snobero.

~ Jeydon Lopez – Lider ng grupo, at pinaka-badboy. Tinitingala dahil siya


“daw” ang hari ng school. Gwapo, mayaman, sikat, habuling na babae, at Captain
Ng Basketball Team.

~ Troy Mendoza – Bestfriend ni Jeydon. Cute, mayaman, at makulit. Siya


ang womanizer ng kanilang campus sa dami ng babae na kanyang pinaiyak.

~ Marky Lim – Huling lalake sa kanilang grupo. Silent type at may sariling
mundo. Magaling kumanta.

~ Stacey Marie Chua – Siya na queen bee ng school na maganda, sexy, at


ang magpapahirap sa buhay ni Candice Gonzales.

~ Tiffany Chua – Maganda, sexy, at may gusto kay Troy Mendoza.


Bestfriend ni Candic Gonzales.

~ Shawn Lucas Dela Fuente – Dating bestfriend ni Jeydon Lopez. Naging


malapit sa puso ni Candice Gonzales.

~ Kimberly Tan – Siya ang first love at first break up ni Jeydon Lopez. Siya
ang dahilan kung bakit naghiwalay si Candice at si Jeydon.

~ Dave Lopez – Ama ni Jeydon Lopez. Ang tumututol sa pag-iibigan nila


Jeydon at Candice Gonzales.

Tagpuan:

~ Xavier University – School nila Candice Gonzales at Jeydon Gonzales.


~ Gonzales Mansion – Bahay nila Candice at Charles Gonzales.

~ Lopez Mansion – Bahay ni Jeydon at ang kanyang ama na si Dave Lopez.

~ Playground – Unang tagpuan ng dalawang bida.

~ Eiffel Tower – Memorable place ng dalawang bida (Love Lock)

Buod:

~ Book II:

Dumating ang kanyang muling pagbabalik, ang di inaasahang babaeng


nerd,weird at sobrang bait na naging isang matapang, palaban, at higit sa lahat ay
hindi nagpapa-api. Dahil sa kanyang pagbabalik, marami ang magugulat sakanyang
pagbabago at pagiging matapang.

Pag ka pahinga ni Candice sa bahay ay biglang nag iwan sa kanya ng


mensahe si Stacey at sinabing sila ay mag punta ng Bar, agad naman na sumang
ayon dito si Candice. Pag pasok palang ni Candice ay may nabunggo siyang isang
babae at galit na galit ito dahil hindi daw siya tumingin sa daan. Tinignan lamang
siya ni Candice at nagsabi ng “sa tingin mo mababangga kita kung naka tingin ka
sa dinadaanan mo?” Tinignan siya ng masama ng babae; sigaw lamang ito ng
sigaw at naiirita na si Candice dahil sa kaartehan nito. Nagsalita na si Candice at
nag-iwan ng katagang “matutu kang gumalang sa mas nakakaganda sayo” tumigin
sa kanya ng masama ang babae at siya ay sinabihan ng walang hiya. Si Candice ay
muling nag salita at sinabing ang “pag iinarte may binabagayan pero sa kaso mo
hindi” ng dahil sa pagkapahiya ay umalis na lamang ang babae at walang nagawa.
Kung siya parin ang dating Candice na mabait ay yuyuko lamang iyon at hihingi ng
paumanhin sa babae. Ngunit ng dahil sa pagbabago ay hinding hindi na siya
papayag na api-apihin lamang ng ibang tao. Sa hindi inaasahang pagkakataon,
nakita naman ni Candice si Kimberly, na siyang naging dahilan ng paghihiwalay nila
ni Jeydon. Isa rin ito sa nasampulan ng kanyang pagbabago. Hindi inaasahan ni
Kimberly iyon at siya ay nagulat sa laki ng pinagbago ni Candice na ngayon ay
lumaban at nagpakita ng tapang. Umalis na lamang sila Kimberly at Jeydon dahil sa
pagkapahiya at pagkagulat.

Dumating ang araw ng pasukan at pumasok na si Candice, gulat at mangha


ang mga estudyante ng Xavier University. Ngunit tila ba ay pinaglalaruan sila ng
tadhana, Naging kaklase niya sila Jeydon at Kimberly pati na rin sila Marky, Troy at
Tiffany. Dahil sa katalinuhang taglay ni Candice ay puro papuri ang kanyang
natanggap mula sa ibang tao. Hanggang sa dumating yung araw na kanyang
natuklasan na si Dave Lopez ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at set up lamang
ang lahat dahil kung hindi siya iiwan ni Jeydon ay sisirain nito ang buhay ni
Candice. Si Dave Lopez ay ang ama ni Jeydon. Dahil sa mga natuklasan ni Candice,
hindi ito naging hadlang sa tunay na nararamdaman niya para kay jeydon na
naging dahlia pa ito upang lalong mahalin ni Candice si Jeydon.
Sila ay nagkabalikan at muling sinubok ng tadhana. Si Jeydon ay nagkasakit
ng isang malalang sakit na Cancer na siyang magiging dahilan ng paghihiwalay ulit
nila Candice dahil ayaw niya na itong masaktan kapag siya ay nawala na sa
mundong ibabaw; mas pinili na lamang niya na ito ay hiwalayan. Sa pangalawang
pagkakataon, nalaman niya na ang sakit ni Jeydon ay sabi-sabi lamang at gawa
nanaman ito ng ama ni Jeydon, Dave Lopez, upang paghiwalayin ulit sila. Puot at
galit ang naramdaman ni Jeydon Lopez sa kanyang ama dahil sa pangalawang
pagkakataon ay ito na naman ang siyang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay
ng kanyang taong pinakamamahal. Kaya napagpasyahan ni Jeydon na umalis na
lamang sa puder ng ama upang hindi na siya magulo nito. Siya ay nagsumikap sa
buhay upang makapag-aral. Siya ay nagtrabaho sa isang Cafe at nabigyan ng
pagkakataon na makapag aral muli. Dahil mahal nila ni Candice ang isa’t isa ay
hindi nawala ang pagmamahalan sa pagitan nila kahit na sila ay sinubok pa ng mga
problemang lalong nagpatibay sa kanilang pagmamahalan at tiwala sa isa’t isa na
malalampasan ang kahit ano mang hamon o problema na dumating sa kanilang
buhay.

Uri ng Panitikan: Nobela – Tinatawag ding kathambuhay, Ito ay isang mahabang


kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.

Teorya: Romantisismo

Bisa sa:

* Bisa sa Isip – Matapos kong mabasa ang kwento ay dito ko natuklasan na


kailangan mong maniwala sa iyong sarili at hindi sa ibang tao.

* Bisang Panlipunan – Hindi lahat ng impormasyon ay totoo kung galing ito


sa ibang tao at hindi lahat ng taong nasa paligid mo ay mapagkakatiwalaan.

* Bisang Pandamdamin – Grabe! ako ay naantig sa pagmamahalan nila


Candice at Jeydon. Ang storya ay naghatid ng kasiyahan, kalungkutan, at pagka-
inis.

Kalagayang:

* Kalagayang Panlipunan –Dito makikita ang isang magulong buhay ni


Candice Gonzales na kanyang kinaharap, dito makikita na ang mga taong
nakapaligid sayo ay mayayaman at may itsura na magiging sanhi ng paghihiwalay
nila Candice at Jeydon.

* Kalagayang Sosyal – Mapapahalagahan natin ang mensahe ng nobela dahil


dito natin matutunghayan ang tunay na pag-iibigan na pinipilit paghiwalayin ng
mga taong nakapaligid dito.

You might also like