You are on page 1of 17

Epekto ng pagkahumaling ng mga kabataan sa Banyagang Wika

Isang Konseptong Papel na Ipinasa sa Departamente ng Ikalabing-isang

Baitang ng Mabolo National High School ng TVL-CADD bilang

Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignatura

Sa Filipino 1, Komunikasyon at Pananaliksik

Sa Kulturang Filipino

Isumite nina:

Marie Cris Serencio

Faith Joy Montebon

Louie Joy Cobacha

Danreb John Kilt

Eugene Padayao

Isumite Kay:

RICHELLE ANN B. GARRIDO


SST

Oktubre 2019
RASYUNALE

Marami nang kabataan ang nahuhumaling sa banyagang palabas kung kaya’t

mabilis ang pagbabagong nagaganap at mas nadadagdagan ang wikang ginagamit ng

mga kabataan. Nariyan ang wikang koreyano, intsik, pranses, at lalong-lalo na ang

wikang hapon o nihongo. Araw-araw tayong nakakabasa ng wikang banyaga sa lebel

ng mga produktong napapanood sa telebisyon gaya ng mga sikat na anime sa

telebsiyon at maging sa mga pahayagan, komiks, at sa lansangan, makakakita ka ng

wikang banyaga.

Sa pagdating sa mga pelikula, teleseryeng koreyano, at makukulay na anime

ng hapon, hindi na napigilan ang pagtangkilik ng mga Pilipino lalong-lalo na ang mga

kabataan. Ang pagkahumaling ng mga kabataan sa iba’t ibang wika ay umabot na

rin sa paggaya ng kasuotan, buhok, at galaw. Iba’t-ibang palamuti maging kahawig

lamang nila ang kanilang mga iniidolo.

Ang dahilan ng pagkahumaling ng mga kabataan ay bunsod ng malayang

pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang tao. Nagagamit nila ang kanilang natutunan upang

gayahin at kausapin ang mga hinahangaan, mga taong nais makilala, mapalapit o

makapagpansin sa mga nagugustuhan ang makapagsalita gamit ang iba’t-ibang wika

ay matatawag na kakayahan o talaento.

Nakakabahala ang tuluyang pagtangkilik ng mga kabataan sa iba’t-ibang wika.

Naisasantabi na kasi ang paggamit ng wikang Filipino. Unti-unti nang nababago ang
mga pananaw ng mga kabataan sa mas magaling pang mag-ingles o mag-hapon.

Hindi na nabibigyang-diin ang paggamit ng wikang Filipino na dapat ay paunlarin

at gamitin sa pakikipagtalastasan.

Ang pananaliksik na ito ay produkto ng mga lebel na panonood, pagbasa, at

pakikipagkomunikado. Ang Pilipino ay naging malawak ang kaalaman at sa paglipas

ng panahon ay lalo pa itong nadaragdagan at lumalawig. Ito ay isa sa kayamanan

na dapat nating paunlarin at gamitin sa pagpapaunlad ng ating bansa.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapagbigyang-diin ang lumalawig na

wika, hindi lamang sa pilipinas ngunit sa buong mundo. Nais din ng mananaliksik

na gawing malawak ang pag-iisip ng ibang hindi mahilig o nahumaling sa wikang

banyaga at nananatili pa rin ang wikang Filipino, na malaman kung bakit nga ba

nahuhumaling halos lahat ng kabataan sa wikang banyaga.

Ang layunin ng pananaliksik ukol sa pagkahumaling ng mga kabataan sa mga

banyagang wika. Ito ay pananaliksik para sa mga kabataang nahuhumaling sa

mga banyaga na nagdadala sa kanilang mahumaling pati na rin sa wikang ginagamit.

Kung kaya’t ang dahilang pagkahumaling ng mga kabataan ay bunsod ng

pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang tao.


Malaki rin ang impluwensiya ng social media, ang patuloy na pagka-expose

ng tao sa internet ay maaari siyang matuto o makipag-usap gamit ang iba’t-ibang

wika. Layunin ng pananaliksik na ito ang pagkatuto sa maayos na ugnayan ng

pilipinas sa ibang bansa.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pamanahong papel na ito ay isinagawa upang malaman kung alin sa

mga wikang banyaga ang higit na mabisang gamitin para sa ganap at

komprehensibong pagkatuto ng mga estudyante partikular sa Mabolo National

Highschool.

Sinasagot nito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng respondent?

a. Kasarian

b. Edad

2. Ano ang pangunahing wika ng mga respondente?

a. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga respondente sa kanilang pangunahing

wika?

b. Gaano kabihasa ang mga respondente sa kanilang pangunahing wika?

3. May iniidolong banyagang wika ba ang mga respondente?

a. Ano ito?
b. Gaano kabihasa ang respondente sa iniidolong banyagang wika?

4. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling sa panonood ng k-pop

ang respondente?

5. Nakakaepekto ba ang pagtangkilik ng ibang wika kaysa sa ating sariling

wika?

a. Ano-ano ang naging epekto nito sa mga respondente?

b. Sa pag-aaral?

c. Pangunahing wika?
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang paraang ginamit sa pagkuha

ng datos ng isinasagawang pananaliksik sa pamamagitan ng teknolohiya ay

mas nadadadagdagan ang paraan ng aming pangangalap ng impormasyon ukol

sa kabataang nahuuhmaling sa banyagang wika.

RESPONDENTE

Ang mga napiling respondente ay ang mga mag-aaral sa mataas na paaralan

ng Mabolo National Highschool. Sa pananaliksik na ito ay kumukuha ng kursong

ABM (Accountancy, and Business Management) sa Ikalawang semestre ang magiging

respondente taong akademiko 2019-2020.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng iba’t-ibang hakbang upang maging

epektibo ang pangangalap ng mga datos. Ang mga mananaliksik ay magtitipon-tipon

at magbabagyong-isip tungkol sa epekto ng pagkahumaling ng mga kabataan sa wikang

banyaga. Pagkatapos ay gagawa ang mananaliksik ng structure-questionnaire kung

saan nakapaloob ang mga katanungang makakatulong sa katuparan ng pananaliksik.


TRITMENT NG MGA DATOS

Isasailalim sa iba’t-ibang angkop na estatika ang makakalap na datos at

kasagutan ng mga respondente upang suriin, analisahin, at bigyang interpetasyon.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na naglalayong malaman ang epekto ng

pagkahumaling ng mga kabataan sa banyagang wika sa pakikipag-usap at malawak

na pag-unawa ng mga mamamayang may edad 15 pataas sa mga estudyante ng

paaralan ng Mabolo National High School na maaaring magbigay pakinabang sa mga

suusunod:

Paarlan. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makaambag ng kaalaman kung

ano ang epekto ng pagkahumaling ng mga kabataan sa banyagang wika na

maaring makatulong sa paaralan.

Mga Guro. Makakatulong sa mga guro na tumukoy ng epekto ng pagkahumaling

ng mga kabataan sa banyagang wika na hindi pa nila nadidiskubre at maibahagi sa

mga mag-aaral.

Magulang. Bilang magulang, sila ang unang guro na nagtuturo sa kanilang anak

upang mas lubos na maunawaan kung ano ang epekto ng pagkahumaling ng mga

kabataan sa banyagang wika.

Kapwa Mag-aaral. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang maibahagi sa

kapwa mag-aaral ang nakalap na impormasyon. At upang ito’y mapag-aralan na

makapagbigay ng sapat na kamalayan ukol sa mga angkop na wikang gagamitin sa

pag-aaral.
Sumusunod na Mananaliksik. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maaaring

maging gabay at sanggunian ng mga susunod pang mananaliksik.


MGA INAASAHANG BUNGA

Inaasahan ng bawat miyembro na pagkatapos ng pag-aaral na ito ay:

Marie Cris R. Serencio

Mailahad ang datos at impormasyon na nakalap tungkol sa epekto ng

pagkahumaling ng mga kabataan sa banyagang wika. Para maintindihan ng mga hindi

interesado sa banyagang wika ang pananaw ng mga

nahuhumaling nito.

Louie Joy O. Cobacha

Mailahad hindi lamang sa mga mag-aaral ngunit pati ang mga magulang ng

mga kabataang nahuhumaling na sa banyagang wika.

Eugene Padayao

Para maimulat sa mga kabataan na hindi interesado sa banyagang wika ang

pananaw ng mga taong nahihilig sa mhga wikang banyaga at matutong respetuhin

ito.
Danreb John Kilat

Ay para maibahagi sa mga mag-aaral na isa ang wikang banyaga sa rason

kung bakit naapektuhan ang kanilang pag-aaral. Nang dahil sa pagkahumaling nila

ng wikag banyaga ay nawawala sila sa sa pokus sa pag-aaral at sa pamamagitan

ng pag-aaral na ito nila nalalaman kung bakit.

Faith Joy Montebon

Mabibigyan ng kasagutan ang tanong ng mga nakakarami kung paano

biglang umusbong ang wikang banyaga sa ating bansa na karamihan ay mga kabataan

ang nahuhumaling. Nmalilinawagan ang mga tao hingil sa tunay na epekto nito sa

wika na ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyan.


MGA SANGGUNIAN

“INTERNET”
https://www.academia.edu/10696504/

https://www.academia.edu/6173695/

https://www.academia.edu/36073054/

https://www.coursehero.com/file/18674061/kabanata-2-RRL-FINAL-01/

http://myblogcasi.blogspot.com/2014/10/pagkahilig-ng-kabataan-filipino-sa.html?m=1
EUGENE PADAYAO

Basic Information
Age: 22
Birthdate: December 25, 1996
Address: Gochan St. Sindulan Mabolo, Cebu City
Status: Single
Religion: Roman Catholic

Educational Background
Alternative Learning System (ALS)
2018-2019
Igpit Elementary School
2012-2013

Skills
 Gumuhit
MARIE CRIS R. SERENCIO

Basic Information
Age: 16
Birthdate: June 8, 2003
Address: F. Gotchan St. Sindulan Mabolo, Cebu City
Status: Single
Religion: Roman Catholic

Educational Background
Mabolo National Highschool
2018-2019
Mabolo Elementary School
2014-2015

Skills
 Marunong gumuhit na naaayon sa kursong kinuha
 Sumulat ng kwento
DANREB JOHN KILAT

Basic Information
Age: 20
Birthdate: June 6, 1999
Address: Sitio Marna Subangdako, Mandaue City
Status: Single
Religion: Roman Catholic

Educational Background
Mabolo National High School
2018-2019
Bagong Lipunan Elementary School
2012-2013

Skills:
 Gumuhit
FAITH JOYCE MONTEBON

Basic Information
Age: 17
Birthdate: Oktubre 28,2001
Address: #6 San Miguel St. Lorega
Status: Single
Religion: Roman Catholic

Educational Background
Mabolo National Highschool
2018-2019
Bongdo Elementary School
2014-2015

Skills
 Kumanta
 Gumuhit
LOUIE JOY O. COBACHA

Basic Information
Age: 16
Birthdate: January 07, 2003
Address: 151 Saint Jude St. Brgy. Hipodromo, Cebu City
Status: Single
Religion: Roman Catholic

Educational Background
Mabolo National High School
2018-2019
Hipodromo Elementary School
2014-2015

Skills
 Gumuhit

You might also like