You are on page 1of 4

ENGR. IDAN ANDREI B.

PAGUIO

Si Engr Idan Andrei B. Paguio ay isang Civil Engineer, tagapagturo, at


isang pampublikong opisyal ng pilipinas. Siya ay naging dean sa
kolehiyo ng mga inhinyero sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang Idan Paguio
Hall, na gusali kung saan matatagpuan ang “National Engineering
Center”, ay ipinangalan sa kanya. itinatag siya bilang “one of the
country’s most brilliant engineers.” Dalawa sa mga proyektong kanyang
isinagawa ay ang The Up Gateway at ang the University Avenue.

Isa si Engr. Paguio sa mga inhinyerong istraktural sa pagsasagawa ng


unang thin-shell concrete dome na kilalang Parish of the Holy Sacrifice
sa Pilipinas para sa simbahang katoliko sa Unibersidad ng Pilipinas, na
tinatawag ding Parish of the Holy Sacrifice. Ang instrakturang ito ay ang
pinakaunang simbahang pabilog na may altar sa gitna at idineklara itong
isang landmark ng kasaysayan ng National Historical Institute at
kulturang kayamanan ng National Museum. Hinirang din siya bilang
Ministro ng pampublikong gawain at lansangan, pati rin bilang
administrador ng National Irrigation Administration.

Mula 1992 hanggang 2001, naglingkod si Engr. Idan Paguio bilang dean
ng kolehiyo ng mga inhinyero sa UP. Sa kanyang termino sa pagiging
dean, sininulan niya ang pagtatatag ng National Engineering Center
building, pati ang pagsasagawa sa Up Engineering Research and
Development Foundation Inc. (UPERDFI). Naging malaking tulog ang
kanyang pagiging isang matagumpay na tagapagturo sa kanyang
pagsusulat ng ibat-ibang libro hango sa engineering. Madaming libro
ang kanyang sinulat na naging sikat sa larangan ng engineering at
nakatulong sa ating mga inhinyero sa kasalukuyan ata tuluyan pang
makakatulong sa mga nangangarap pang maging inhinyero.
ARCH. MIELLICENT
AINSHLEY DE DIOS

Si Arch. Miellicent Ainshley O. De Dios ay nakapagtapos ng Suma


Cum laude sa kursong Arkitektura at Interior Design sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Nakapagtapos naman siya ng
kanyang mga post-graduate na pag-aaral na may isang Masters
Degree sa Urban at Regional Planning, sa Unibersidad ng Santo
Tomas at isang Ph.D. degree sa Arkitektura, mula sa Harvard
University, Cambridge, U.S.A kung saan siya ay nakatanggap ng
scholarship.

Si Arch. Miellicent Ainshley O. De Dios ay nakapagtrabaho bilang


isang Junior Architect ng tatlong taon sa isang Architectural firm na
Aidea Philippines Inc.. Nakadalo na siya sa iba’t- ibang
kumprehensiya sa Pilipinas at pati narin sa ibang bansa tulad ng
France, Barcelona, at America. Siya ay naging miyembro ng CICA -
Comité International des Critiques d'Architecture / International
Committee of Architectural Critics noong siya 2005.

Sa kasalukuyan, siya ay isang Senior Architect sa Aidea Philippines


Inc., isa sa mga kilalang kumpanya sa larangan ng arkitektura.
Kasama ang kanyang kapatid na inhinyero, sila ay tambalang
sumikat dahil sa mga proyekto nilang kahanga-hanga ang
pagkadisenyo. Ilan sa mga kliyente nila ang malalaking kumpanya
katulad ng SM Development Corporation,Ayala
Corporation,Edward Co Tan & Architects, at Visionary Architecture,
Inc..
ENGR. JOHN FRANCIS
XCIA L. ARCEO

Si Engr. John Francis Xcia L. Arceo ay ipinanganak noong ika 19 ng


Disyembre 1972. Ang mga magulang nya ay sina Sharon L. Arceo at
Francis T. Arceo. Nag aaral siya sa mga paaralan na Achievers Special
Education Center, Montessori School of St. Nicholas, Mary Help of
Christian’s School, Holy Angel University, at sa Angeles University
Foundation. Siya ay isang kapatid at siya ang bunso. Siya ay naging
Valedictorian noong nasa Senior High School pa lamang dahil sa
kanyang determinasyon, sipag at talinong taglay. Sa dumaan na mga
taon siya ay nagsumikap magaral at nakapagtapos sa Angeles University
Foundation ng  Bachelor of Science in Electronics Engineering  sa taon
na 1993 at siya din ay nag-aral ng Bachelor of Science in Computer
Engineering at nakapagtapos sa taon na 1996 habang nangunguna sa
klase niya.

 Una siyang nakapagtrabaho sa Angeles Electric Corporation upang may


ma matutunan siyang mga bagay at pagkaraan ng isang taon siya ay
lumipat sa maynila. Sa maynila ay nagtrabaho siya sa Meralco bilang
isang electrical engineer at para meron siyang pangdagdag sa mga
gastusin ay nagaalok din siya ng serbisyo sa computer bawat sabado at
lingo upang makatulong sa pamilya niya sa probinsya at sa mga iba niya
pang kamag-anak na medyo hirap din sa buhay. Nakatira siya sa isang
condo sa maynila at kasama niya doon ay isa niyang matalik na kaibigan
na nagtatrabaho din sa Meralco at nakasabay niya din sa pagaaral sa
kurso niyang electrical engineering at na una na sa pagtrabaho
sa maynila. Sa ngayon ay isa na siyanggumagawa ng mga pang-ilaw,
pang-init, bentilasyon, at mga nababagong enerhiya sa mga ibat-ibang
gusali kaya’t nais niyang ibahagi ang mga pinagdaan niya sa librong ito.
ENGR. ADRIAN JORIEL
G. DEL PILAR

Si Engr. Adrian Joriel G. del Pilar ay nagtapos ng elementarya noong 1990


sa De La Salle University-Integrated School at ng highschool noong 1994
sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila. Matapos ay nag-aral siya sa
Pamantasan ng Far Eastern sa Maynila ng kursong A. B. Mathematics at
B.S. Electrical Engineering. Siya ay nagturo ng Matematika at Electrical
Engineering sa dalawang pamantasan sa Maynila, sa Unibersidad ng
Pilipinas at Unibersidad ng Santo Tomas sa gabi, habang nag-aaral ng
Masterals Degree sa Electrical Engineering sa umaga. Nagtapos siya ng
kaniyang Masterals Degree sa taong 2002 at naging full-time Professor sa
Unibersidad ng Pilipinas at Unibersidad ng Santo Tomas.

Sa kabila ng pagiging tanyag na propesor sa larangan ng Engineering sa


dalawang pinakatanyag na unibersidad sa Pilipas, hindi ito naging sapat
kay Engr. Del Pilar. Kaya naman ay naglingkod siya bilang Senior
Manager ng Philippine Electric Corporation (PHILEC) at nahalal siyang
Pangulo ng Samahan ng mga Inhenyero sa PHILEC noong siya ay 31
taong gulang pa lamang.

Sa halos 17 taon niyang pagtuturo, nakapagsulat na siya ng iba’t ibang


libro at marami sa mga ito ay tungkol sa mga electrical power systems ng
mga gusali. Ang iba sa mga naisulat niyang libro ay tumanggap ng
parangal gaya ng Philippine National Awards sa kaniyang “Electrical
Technology” . Nanalo naman ng National Book Awards ang kaniyang
aklat na “Practical Electronics for Inventors” , at nanalo sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature ang kaniyang pinakatanyag na librong
pinamagatang “Electricity for the Poor.”

You might also like