You are on page 1of 16

Mga Karahasan sa

Paaralan:
Pag-iwas at Pagsugpo sa
‘BULLYING’

Inihahandog ng

LASALLIAN JURISTS DE LA SALLE LIPA


Ano ba ang ‘BULLYING’?

 pang-aasar o panloloko sa kapwa;


maaaring maging paulit-ulit sa
paglipas ng panahon

 Maaaring mangyari sa paaralan, sa


pamilya, sa lipunang pangkalahatan,
o maging sa internet
Kailan masasabi kung ang isang gawain ay
‘bullying’?

 “VerbalBullying”, pagsasabi o
pagsusulat ng mga bagay na
nakapanghihiya at nakakasakit ng iba.
 Panunukso (teasing)
 Pagtawag ng mapang-aping pangalan
(name-calling)
 Hindi naaangkop na komentong sekswal
(sexual labelling)
 Panlalait (taunting)
 Pagbabanta (threatening)
Kailan masasabi kung ang isang gawain ay
‘bullying’?

 “SocialBullying”, nakakasama sa
reputasyon ng isang tao o relasyon.
 Pag-iwan ng isang tao nang sinasadya
(isolation)
 Pagsasabi sa ibang bata na huhwag
kaibiganin ang taong niloloko
 Pagkakalat ng mga maling pahayag
tungkol sa isang tao (gossiping)
 Pagpapahiya sa isang tao sa publiko
(humiliation)
Kailan masasabi kung ang isang gawain ay
‘bullying’?

 ”PhysicalBullying”, pisikal na
pananakit sa isang tao o sa kanyang
mga ari-arian.
 Panununtok o paninipa o pangungurit
 Panghaharang o panunulak
 Pagkuha o paninira ng mga bagay ng
isang tao
 Pagsenyas ng masama o bastos gamit
ang mga kamay
Sino ba ang madalas nagiging ‘bullied’?

Ang mga batang sa paningin ng


iba ay may kakaibang anyo,
pinanggalingan, kultura,
personalidad, panlipunang grupo, o
paraan ng pagpapahayag ng
sekswalidad ang madalas na biktima
ng bullying.
Ano ang nagiging sanhi ng isang bata upang
maging isang ‘bully’?

 Isang pangangailangan upang


pangunahan at sakupin ang iba;
 Labis na pagiging masimbuyo
(impulsive);
 Problema sa pamamahala ng galit,
pagkabalisa, panibugho at iba pang
mga negatibong damdamin; at
 Kahirapan sa pagtanggap ng ibang
mga bata sa pagiging iba nito.
Ano ang nagiging sanhi ng isang bata upang
maging isang ‘bully’?

Ang pananakot o pananakit ng iba ay mas


madalas din mula sa pamilya kung saan ang
mga magulang o iba pang mga kamag-anak ay:
 nagpapakita ng maliit na pagmamahal at
interes;
 gumagamit ng puwersa, banta, kahihiyan o
pananakot upang makuha ang kanilang mga
nais; at
 labis na mapagpahintulot (hinahayaan na
lamang kung ito ay nagpapakita ng karahasan).
Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying
sa ‘bullied’ at ‘bully’?

MGA PANANDALIANG EPEKTO SA ‘BULLIED’

 Matinding depresyon at laging mukhang malungkot;


 Pagkawala o pagbaba ng pagtingin at pagpapahalaga sa
sarili;
 Hirap sa pagtulog na kalimitang binabangungot;
 Pananakit ng tiyan o kaya pagsama ng pakiramdam o
pagkakaroon ng lagnat;
 Pagkabalisa tungkol sa pagpunta sa paaralan o pagsakay
ng bus;
 Paglalakwatsa o hindi pagpasok sa paaralan;
 Pagkabalisa tungkol sa pagdalo sa mga panlipunang
gawain; at
 Pagbagsak sa mga exam at resulta ng grado sa
eskwelahan
Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying
sa ‘bullied’ at ‘bully’?

MGA PANGMATAGALANG EPEKTO SA


‘BULLIED’
 Talamak na depresyon na humahantong
sa pagpapakamatay;
 Pangmatagalang sikolohikal na
pagkatrauma ;
 Mapanirang pag-uugali sa sarili; at
 Pag-abuso sa alak, droga at
paninigarilyo.
Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying
sa ‘bullied’ at ‘bully’?

MGA PANANDALIANG EPEKTO SA ‘BULLY’


 Kahirapan sa pagpapanatili ng mga
pakikipagkaibigan sa iba;
 Kawalan ng kahusayan sa paaralan;
 May kaugaliang magbulakbol at madalas
bumagsak sa mga pagsusulit; at
 Mas mataas na panganib para sa pag-
abuso sa alak.
Anu-ano ba ang nagiging epekto ng bullying
sa ‘bullied’ at ‘bully’?

MGA PANGMATAGALANG EPEKTO SA


‘BULLY’
 Pagtaas ng porsyento ng mga nahatulan ng
isang krimen sa edad na 24;
 Pagdami ng mga umiinom at gumagamit
ng alak at mga bawal na gamut;
 Pagtaas ng posibilidad na maging mapang-
abuso sa magiging asawa at anak; at
 Patuloy na nahihirapan sa pagpapanatili ng
pangmatagalang relasyon.
Paano ba natin maiiwasan o masusugpo ang
bullying?

SA ESKWELAHAN:
 Guidance counseling ukol sa bullying
 Pangangalap ng impormasyon mula sa mga
estudyante ukol sa mga naganap at nagaganap
na bullying; at pagpapaalam sa kanila kung ano
ang bullying
 Pagiging mapanuri ng mga guro sa kanilang mga
estudyante ukol sa mga kaparaanan ng bullying
 Sapat na patnubay ng mga nakatatanda sa mga
estudyante
 Pagpapatupad ng mga polisiya o batas sa loob
ng paaralan laban sa bullying.
Paano ba natin maiiwasan o masusugpo ang
bullying?

SA LIPUNAN AT SA PAMILYA:
 Mahigpit na patnubay, gabay at pang-unawa
ng mga magulang ay lubos na kailangan.
 Pagkakaroon ng family couNseling o pag-
uusap sa bawat miyembro ng pamilya.
 Protektahan ang mga bata laban sa
anumang klase ng pang-aabuso tulad ng
pananakit na maaaring magdulot ng trauma.
 Ang pagkakaroong ng mahigpit na batas at
polisiya na pupuksa sa mga ganitong uri ng
pang-aabuso o “bullying”.
Paano ba natin maiiwasan o masusugpo ang
bullying?

SA BULLY AT BULLIED:
 Kagandahang-asal na magmumula sa pamilya at sa
tulong ng paaralan.
 Ang pagkakaroon ng kaalaman sa batas at karapatan
laban sa iba’t-ibang uri ng pang-aabuso o “bullying”.
 Ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili at pagiging
independent bilang isang indibidwal ay lubos ding
makakatulong.
 Lubos na pagmamahal at pang-unawa galing sa
pamilya ang isa sa mga bagay na dapat ibigay sa
mga bata o bawat miyembro ng pamilya.
 Pagkakaroon ng kaalaman sa tamang pakikisalamuha
sa iba’t-ibang uri ng tao.

You might also like