You are on page 1of 7

Pagpagawa ng mga “Mini Side Walk Shed” sa Capiz State University,

Fuentes drive at Tiza Roxas City Datiles St., Lungsod ng Roxas


City ni John Paul B. Buenafe, Dianara L. Blancaflor at Juliana Rae
Contreras, Panukalang Proyekto para sa Filipino, Pagbasa at
Pagsulat sa Piling Larangan, St. Anthony College of Roxas City
Inc.

A. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Maraming mga lansangan sa lungsod ng Roxas City ang


nangangailangan ng masisilungan sa ano mang klase ng panahon.
Mainam na mayroong mapupuntahan ang mga tao kung umuulan at
mainit na panahon. Sa unti-unting pagtaas ng populasyon, hindi
na maiiwasan ang pagdami ng taong makaksalubong mo sa isang
araw. Isa rin sa nagiging rason kung bakit nagkakaroon ng
aksidente sa lansangan ay ang wala sa lugar na paglakad o
dinadaanan ng mga tao. Sa pagiwas sa aksidente kinakailangan na
mayroong ligtas na lugar na malalakaran ang mga tao sa pangaraw
araw na transaksyon. Hindi lahat ng tao ay may sasakyan na pang
trasportasyon, payong na proteksyon sa ulan at araw, kaya’y
mainam na magpagawa ng malalakaran dahil lahat din ang
magkakaroon ng benipisyo. Ayon sa pagaaral nina Bradley Harrison
atbp. Sa 464 na mag aaral, ay apat lang sa kanila ang may dalang
paying. Tatlong babae at iisang lalake.

Isa rin ang trapiko sa mga suliraning hindi pa gaanong


naaayos. Dahil sa walang maayos na lugar na pwedeng malakaran
ang mga tao, hindi na maikakaila na sa kalye na mismo sila
naglalakad na nagiging sanhi ng trapiko.

Nagiging benipisyo din ito sa mga mag-aaral galing eskwela,


dahil sa pagdami ng bilang ng mga mag aaral na naglalakad araw-
araw, mas magiging mainam ang pagpagawa ng proyektong gaya nito.
Sa ginawang obserbasyon ng mga nananaliksik, hindi ligtas na
walang “side walk shed” na malalakaran ang mga tao. Sa pagtaas
ng populasyon ng ating bansa ay tumataas din ang bilang ng mga
mag aaral.

Dulot ng matinding paginit ng panahon, maiiwasan din ng


taong magkaroon ng sakit tulad ng “heatstroke” na bunga ng
matinding tag-init, hindi natin maitatanggi na unti unti na
numinipis ang ating ozone layer. Sa panahon ng tag ulan may mga
sakit din na maiiwasan tulad ng ubo, sipon, lagnat at pananakit
ng ulo.
Ginagawa ang mga “side walk shed” hindi lang para may
malalakaran ang mga tao, kung hindi ay magiging proteksyon
din ito sa kanilang pang araw-araw na transaksyon.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Hangad ng pag-aaral na magpaggawa ng mga “side walk shed” sa


mga piling lungsod ng Roxas city. Upang matugunan ito, nais ng
papel na maisagawa ang sumusunod:

1. Hangad ng proyektong ito na makapagpatayo ng matibay na


sidewalk shed sa piling barangay sa lungsod ng Roxas City.
2. Matukoy ang magiging epekto nito sa mga tao lalo na sa mga
magaaral, empleyado at Commuters.

C. KAHALAGAN NG PAG-AARAL

 Mag aaral- Sa pagtaas ngayon ng bilang ng mag aaral ay


magiging mainam ang proyektong ito sapagkat hindi lahat
sa kanila ay may payong o ano mang uri ng proteksyon sa
init at ulan.
 Empleyado- Magkakaroon din ng benipisyo ang mga
empleyado sa proyektong ito dahil magkakaroon sila ng
mas ligtas at mabilis na daan patungo sa kanilang
pinagtarabauhan.
 Commuter – Nakatatak na sa isipan ng mga tao na ang
aksidente ay maaring mangyari sa ano mang oras ng araw
pero ang mahalaga ay maari itong maiwasan. Sa
pagpapatayo ng isang malalakaran na ligtas ay bababa din
ang bilang ng aksidente sa kalsada.

D. Saklaw at Limitasyon

- Ang proyektong ito ay nakatuon lamang sa pagpapatayo ng “Mini


Side Walk Shed” sa piling barangay sa lungsod ng Roxas City
na may habang 400 metros sa Capiz State University, Fuentes
Drive at Tiza Roxas City Datiles St.
Hindi na sakop ng proyektong ito ang babaan ng mga sasakyang
pangtransportasyon.

E. Konseptwal na Balangkas
Ayon sa artikulo ni Nate Berg na pinamagataan The Sidewalk
of the Future Is Not So Concrete, ang mga lungsod ay nag-
eeksperimento sa iba't ibang mga materyales - mula sa pinainit
na mga panel hanggang sa may kakayahang umangkop na goma -
ngunit ang pinakamahusay na kapalit ay may lumabas pa.
Ang kongkreto ay matagal nang go-to material para sa mga
sidewalk dahil malakas at mura ito. Ang kongkreto ay may mga
sagabal din, lalo na para sa mga lungsod na hangarin na mapabuti
ang kakayahang maglakad. Ang mga ugat ng punungkahoy ay maaaring
mag-crack ng kongkreto, na lumilikha ng mga peligro para sa mga
naglalakad (lalo na ang mga gumagamit ng wheelchair at mga
magulang na nagtutulak sa mga stroller), at higit pa ang isang
puno ay lumalaki ang mas nakapalibot na mga sidewalk swells.
Ang mga malalatagan ng niyebe mga lungsod mula sa New York
hanggang Minneapolis ay nagsimula na mag-eksperimento sa
pinainit na mga sidewalk. Kahit na karaniwang ibinubuhos gamit
ang tradisyonal na kongkreto, ang mga sidewalk na ito ay naka-
embed sa isang vascular system ng tubing na nagdadala ng
pinainit na tubig, nagpainit sa ibabaw ng sapat lamang upang
matunaw ang snow at yelo.
Dahil sa teknolohiya may isang lumalagong interes sa
paggamit ng mga sidewalk - at ang mga taong naglalakad sa kanila
- bilang mga generator ng enerhiya. Ang isang kumpanya ng U.K.
na tinawag na Pavegen ay lumikha ng isang recycled tile paving
tile na nagko-convert ang presyon ng mga yapak sa pedestrian sa
kuryente ng kinetic.
Ngunit ang pinakakaraniwang bagong teknolohiya ng sidewalk
ay ang nababaluktot na goma na sidewalk. Kadalasan ang mga
composite ng mga lumang gulong at recycled na plastik, ang mga
materyales na nakabase sa goma na ito ay naglalayong pigilan ang
mga ugat ng puno ng pagkasira sanhi ng kongkreto na mga slab.
"Ang goma ay isa lamang sa maraming iba't ibang mga ideya, at
ako ay agnostiko kung aling teknolohiya o kung alin sa mga
bagong uri ng sidewalk na ginagamit namin," sabi ni Blumenfield.
"Kung makakahanap kami ng isang materyal na epektibo ang gastos
at nagbibigay-daan para sa recharge ng tubig, nais kong makita
ito kahit saan."
INPUT

Ang paggawa ng “sidewalk shed” sa Avenue Highway at San


Roque Extension lungsod ng Roxas City.

PROCESS

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng balangkas patungkol sa mga lugar


sa lungsod ng Roxas City, Capiz kung saan maaring gumawa ng
“sidewalk shed”. Ginamit nila ang mapa ng Roxas City upang maging
gabay nila.

OUTPUT

Ang positibong resulta ng paggawa ng “sidewalk shed” sa


Avenue Highway at San Roque Extension lungsod ng Roxas City.
F. Rebyu ng mga kaugnayan na pag-aaral

- Maraming lugar na ang gumawa ng proyektong ito. Nagging mabuti


ang mga aksyon ng ginawa itong proyekto.
Ayon kay Michael Kolomatsky: noong HUnyo 14, 2018 ang mga
sidewalk ay nagbagsak, ang mga pansamantalang metal at kahoy na
istruktura na kung minsan ay nakakaramdam ng nakakatakot na
maglakad sa ilalalim, ito ay nasa lahat ng dako sa New York City.
Hindi sila maganda, ngunit ginagawa nila ang mahalagang
pagpapaandar ng pagprotekta sa mgha pedestrian mula sa mga gusali
at iba pang mga panganib sa konstruksyon sa itaas. Ang pagkamatay
ni Grace Gold, isang freshman ng Bernard na tinamaan ng isang
bumagsak ba bahagi ng isang gusali sa West 115th Street noong 1979,
ito ay nagtulak sa mga batas na umuustos sa mga malaglag, sinabi
ni Tim Hogan, representante ng komisyoner para sa pinapapatupad sa
New York City Department of Buildings. Mahigit sa 8,000 mga
malaglag ang kasalukuyang nasa lugar sa lungsod – pagtatapos
hanggang katapusan, humigit kumulang 300 milya. Karamihan sa ay
hindi bababa sa isang taon, ngunit ang pinakaluma sa 409 Edgecomb
Avenue sa Harlem, ay nasa lugar na higit sa 12 taon dahil sa
patuloy na pag-aayos sa harapan. Ang makasaysayang gusali ay
nagging tahanan ng maraming mga kilalang African-American,
kabilang ang scolat at kritiko na si W.E.B. Si Du Bois at ang
Supreme Court Justice Thurgood Marshall, kapwa nila nakatira doon
nooong 1940s.
Ang mga residente ng North Port ay maligaya sa marinig ang
tungkol sa mga kapana-panabik na mga sidewalk na dumadaloy sa buong
lingsod. Amg aming layunin ay simple. Upang mabigyan ng kasiyahan
ang mga residente, ngunit ligtas pa rin ang paraan upang maglakad,
tumakbo, magbisikleta at tamasahin ang aming magagandang lungsod.
Mula noong 2013, ang City of North Port ay nagtayo ng higit
sa 5.89 milya ng sidewalk. Ang magagandang pag-unlad na ito ay
magpapatuloy. Sa susunod na limang taon, ang lungsod ay may pondo
ng $600,000 taun-taon para sa parehong dissenyo at pagtatayo ng
mga sidewalk. Pagpapabuti ng Sidewalk Eldron Avenue/Crittendon
Street Sidewalk Project: Ang mga bagong sidewalk ay nakatakdang
maitayo sa Eldron Avenue (mula sa Salford Boulevard hanggang
Crittendon Street) at sa Crittendon Street (mula sa LaFrance Avenue
hanggang Eldron Street). Nagsimula ang konstruksyon sa dul ng
kanluran (malapit sa La France Ave & Crittendon St)at sumulong sa
intersection ng Eldron Salford.

G. Metodo ng Pag aaral


Kinakailangan ng 22 manggagawa para sa dalawang lugar na
paglalagyan ng proyekto. Mas mainam na marami ang manggagawa para
mapabilis ang pagawa. 12 manggagawa para sa sidewalk shed sa
Fuentes Drive at Tiza Roxas City Datiles St. Tatagal ang
konstruksyon ng 3 buwan.
Sa proyektong ito tinatayang nasa Php 2,000,000 ang kabuuang
halaga ng inilalaan sa mga sumusunod na pagkakagastusan.

Gastusin ng proyekto:
Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Aytem Presyo ng
pangkalahatan
750 metros Haligi ng bakal o PHP 225,000
patayong suporta
20 piraso Mga pipes na bakalna tubo PHP 38,000
o cross bracing
17 piraso Pipe na bakal PHP 17,000
20OO metros Bakal na kubyerta PHP 560,000
20 piraso Plywood parapet PHP 7,800
15 piraso Electrical lighting PHP 6,750
22 Manggagawa PHP 716,100
40 bag Simento PHP 3,600
2 cubic meter Buhangin PHP 2,000
40 piraso Hallow blocks PHP 680
20 piraso(9m) bakal PHP 3,100
pagkain PHP 75,000
TOTAL PHP 1,654,930

H. Talaan ng mga Aktibidades


- Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itinakda ang mga
sumusunod na mga Gawain o hakbangin.
Gawain Petsa
Pagtingin ng posibleng Agosto 30,2019
lalagyan ng proyekto
Pagsukat ng haba ng lugar na Agosto 31, 2019
papatayuan ng proyekto
Pagbili ng mga materyales na Setyembre 1-5,2019
kakailanganin sa proyekto
Umpisahan na ang paggawa ng Setyembre 6,2019
proyekto
Pwede na gamitin ng mga tao Desyembre 21,2019
ang ginawang mini sidewalk
shed
I. Mga Sanggunian
- NorthPort,2019,(https://www.cityofnorthport.com/government/
city-services/public-works/sidewalk-projects)
- Michael Kolomatsky, 2018,
https://www.nytimes.com/2018/06/14/realstate/sidewalk-
construction-sheds-daily-count.html
- City of New York, 2019,
https:/www1.nyc.gov/site/buildings/safety/sidewalk-
sheds.page
- https://www.citylab.com/life/2014/05/the-sidewalk-of-the-future-
is-not-so-concrete/371377/

You might also like