You are on page 1of 4

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

TABYULAR NA PRESENTASYON SA PANANALIKSIK

Bilang ng Pangkat: Group 1


Taon at Kurso: BSCE 2- Evening
Pangalan ng Miyembro:
1. Christine Joy Aleo
2. Ian P. Isok
3. Ronelo Calliet
4. Vhan Russel Gemuta
5. Vince Carlo S. Tomo

BAHAGI NG NILALAMAN NG MGA BAHAGI


PANANALIKSIK
Paksa: "Kabisaan ng Paggamit ng Aspalto bilang Alternatibong
Pamagat Materyales sa Paggawa ng Kalsada"

Rasyonal at Ang kalsada ay isa sa mahalagang papel para sa


Kaligiran ng Paksa kaunlaran ng ekonomiya sapagkat nagbibigay ito ng
makabuluhang kontribusyon upang ang lipunan ay
lumago at bumuti. Kung kaya't naging kritikal ito sa
paglaban sa kahirapan sa kadahilanan na ito ay
nagbibigay ng access sa mga serbisyo sa trabaho, sa
panlipunan, sa kalusugan at sa edukasyon.

Sa pag aaral na ito isinaalang-alang rin ng mga


mananaliksik ang mga kakulangan ng paggamit ng
kongkretong semento kumpara sa aspalto. Ang Pilipinas
ay matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng tinatawag
na “ring of fire”, na nagdudulot ng madaming bilang ng
mga bagyong pumapasok. Kabilang dito ang bagyong
Odette na sumalanta nakaraang taon na ang nakakalipas.
Ang delubyong ito ay naging sanhi ng pagkasira ng mga
kalsada. Para madaanan ang mga kalsada,
nangangailangan ito ng agarang pagkukumpuni.

Bilang karagdagan, ang mga aksidente sa kalsada ay


naging mas madalas dahil sa mga istatistikal na rekord na
ito; 26 porsiyento ay sanhi ng pagkakamali ng driver
habang 5 porsiyento ay sa mga nasirang kalsada. bukod
dito, ang matinding aksidente ay dulot sa mga lubak at
madulas na kalsada na sanhi ng paggamit ng kontretong
semento kung kaya't ang aspalto ay gaganap
ng isang mahalagang bahagi para sa mabilis at mabisang
pagbuo ng mga lubak. Ang aspalto ay di hamak na mas
"masikip" kaysa sa kongkreto. Ang kongkreto ay hindi
sumisipsip ng mga spills, mga kemikal sa sasakyan,
at iba pang mga kontaminant hindi tulad ng ginagawa ng
aspalto. Bukod pa rito, kapag umuulan, ang kongkretong
materyal ay mas malamang na magdulas.

Isinaalang-alang ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-


aaral na may kaugnayan sa kalsada upang sa layunin
malaman ang kabisaan ng Paggamit ng Aspalto bilang
Alternatibong Materyales sa paggawa ng kalsada. Dahil
ang karaniwang pagsusuri
ng ibang mananaliksik ay ang konkretong semento ay mas
matibay at mas ligtas kung ihambing sa aspalto.
Paglalahad ng Ang paksang "Kabisaan ng Paggamit ng Aspalto bilang
Suliranin Alternatibong Materyales sa Paggawa ng Kalsada" ay ang
(Tatlong pag-aaral na naglalayong matukoy ng malawakan ang
pangunahing pagsasamantala ng Aspalto bilang kapalit sa konkretong
suliranin) semento sa paraan ng pagsagot sa mga sumusunod na
suliranin:
1.) Gaano katagal tatagal ang isang Aspalto na daanan?
2.) Ano ang mga salik na nagdudulot ng pagkasira ng
aspalto?
3.) Anong kapaki-pakinabang ng Aspalto sa mga tuntunin
ng pag-install at pagkumpuni?

Kahulugan ng Aspalto
Katawagan -Ang aspalto, aspalton, o alkitran (Ingles: asphalt para sa
(Kahulugan ng aspalto, tar at pitch para sa alkitran) ay malagkit, itim, at
mga terminong malapot na likido o medyo-solido na mayroon ang
ginamit sa karamihang mga petrolyo at ilang mga likas na deposito.
pananaliksik) Karaniwang ginagamit ito na panambak sa kalsada.
Ngunit maaaring partikular na tumukoy din ang alkitran
sa maitim, malapot at madikit na sustansiyang
nagmumula sa mga uling at kahoy. Halimbawang gamit ng
alkitran ang pagpapahid nito sa ilalim ng mga kotse at
pagpipinta sa kahoy.

Kalsada
-Ang kalsada, lansangan, daan o kalye (mula sa kastila
calzada at calle) ay isang uri ng landas o ruta na
pangtransportasyon, pampaglalakbay, o pangtrapiko ng
sasakyan o kaya ng mga tao o maaaring mga hayop
lamang na nag-uugnay ng isang lokasyon papunta sa isa
pa.

Kongkreto
-Ang kongkreto, konkreto, o kungkreto ay isang
materyales sa pagtatayo na binubuo ng semento pati na
rin ang iba pang mga mala-sementong mga materyales
tulad ng lumipad na abo at mag-abo semento,
pinagsasama-sama (karaniwan isang magaspang
pinagsasama-sama tulad ng bato, apog, o ganayt, kasama
ang isang pinong pinagsasama-sama tulad ng buhangin),
tubig, at pang-kimikang paghahalo.

Materyales
-Ang materyales ay ginagamit upang gumawa ng mga
gusali o konstruksiyon.

Semento
-Ang semento ay isang pambigkis na tumitigas at
maaaring bumigkis sa ibang materyal na magkasama.
Ginagamit ang semento sa pagtayo ng bahay o kalsada.
Layunin at
Kahalagahan ng
Pag-aaral

Batayang Nais ng mga mananaliksik na malaman kung gaano


Konseptwal katagal o tatagal ang isang aspalto sa kalsada at ang
(Sundin ang matukoy ng malawakan ang pagsasamantala ng Aspalto
format na nasa bilang kapalit sa konkretong semento kung kaya’t
susunod na magsasagawa ang mga mananaliksik ng paglilimbag ng
pahina) kwestyuner o survey na naglalaman ng mga katanungan
hinggil sa paksang pinag-aaralan.

Ang mga mananaliksik ay mamamahagi ng mga


nasasabing kwestyuner o survey sa mga motorista upang
magkalap ng mga impormasyon o datos hinggil sa
paksang pinag-aaralan.

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay umaasa na


matukoy kung ang aspalto ay epektibo bilang mga
alternatibong materyales sa paggawa ng kalsada.
Saklaw at
Limitasyon ng
Pag-aaral

Disenyo ng
Pananaliksik
Mga Sangguniang Kahulugan ng aspalto. (n.d.).
Ginamit Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Aspalto
Kahulugan ng kalsada. (n.d.).
Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Lansangan
Kahulugan ng Kongkreto. (n.d.).
Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Kongkreto
Ano ang Materyales. (n.d.).
Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Materyales_na_pangtayo
Ang Semento ay. (n.d.).
Nakuha mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Semento
Batayang Konseptwal format. (n.d.).
Nakuha mula sa https://philnews.ph/2021/09/07/batayang-konseptwal-
halimbawa-at-kahulugan-nito/

You might also like