Professional Documents
Culture Documents
Ils Pagbasa Group 2
Ils Pagbasa Group 2
Tekstong Prosidyural:
Woven Straw Bag
Isinumite nina:
Isinumite kay:
G. Reynan Yubal
Disyembre 2022
Prosidyur sa Pagsasagawa ng Woven Straw Bag gamit ang Recyclable Straws
Alam nating lahat na maraming plastik na materyales ang nasasayang sa ating kapaligiran.
Dahil dito, maraming plastik ang itinatapon na nagpapakalat kalat na lamang sa mga daanan.
Matatagpuan ang mga plastik kahit saan, at kung magpapatuloy ito, makakasama ito sa ating
kapaligiran. Kung wala tayong gagawin para mabawasan ang mga negatibong epekto sa ating
mundo, sino ang dapat na unang kumilos at ano ang dapat nating gawin?
Bilang isang grupo, kami ay gumawa ng produktong may malaking tulong sa kapaligiran
upang maibahagi sa lahat na kung kaya namin ay kaya nyo ring gumawa ng isang produktong
hindi lamang para sayo, kundi para sa ikabubuti ng ating mundo. Ang aming produkto ay isang
Bag na gawa sa recycle na materyales katulad na lamang ng mga recycable straws na tiniyak
naming isang daang prosyentong malinis.
Mga Materyales:
• Glue Gun
• Gunting
• Ribbon (2 yarda)
• Brown Yarn
Paraan ng paggawa:
1. Kinakailangang (½) gupitin sa kalahati ang recyclable straws at bahagya itong lapatin
gamit ang daliri
2. Ang ginupit na kalahati ng straw ay iyong gagamitin. ikabit ang kabilang dulo ng straw at
ipasok sa isa pang dulo ng straw (½ kalahati ng straw)
3. Pagsama-samahin ang nagawang straw sa pamamagitan ng pagsuot ng mga nagawang
straw sa butas ng isa pa; ituloy lang ang proseso na ito hanggang sa makabuo ng matibay
na buhol.
(Sa pagpapatibay nito maaari kang maglagay ng glue gun sa pagdikit upang hindi
matanggal.)
4. Gawin ang pangatlong proseso at ikabit ito sa isa pang pares, gawin ito hanggang maging
sampu (10) na pares ng pinagdikit-dikit na magsisilbing alalay sa pagbuo ng bag.
5. Dugtungan ang nasa itaas na bahagi nito upang mabuo ang nasa paligid ng woven bag.
6. Matapos gawin ang pagkakabit ng mga straws, idikit ang plastic tubes na magsisilbing
hawakan ng bag na iyong ginawa gamit ang isang yarn.
7. Pagtapos ay puluputan ng ribbon ang itaas na bahagi ng straw bag at gawan ito ng laso para
sa pinaka huling disenyo ng woven straw bag.