You are on page 1of 5

Hulyo 24, 2012 Martes

I. Layunin

1.Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi ng mag-anak at kapwa


2. Nagsasabi ng totoo sa magulang/nakatatanda at iba pang kasapi ng mag-anak sa lahat
ng
pagkakataon upang maging maayos ang samahan
3. Naipakikita ang pagmamahal sa kapwa sa lahat ng pagkakataon at sa oras ng
pangangailangan

II. Paksang Aralin

Paksa: “Alam Ko ang Damdamin ng Iba”


Sanggunian: K-12 Curriculum Guide sa Eduaksyon sa Pagpapakatao I, ph. 15
K-12 Teaching Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao I, ph. 23-25
K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao I – Activity Sheet, ph. 45-53

Kagamitan: larawan, tsart

III. Pamamaraan
A. Alamin
1. a. Pampasiglang-Gawain
Pagpapaawit sa mga mag-aaral ng “Masaya kung Sama-Sama”

“Masaya Kung Sama-Sama”


Masaya kung sama-sama
Ang magkakapamilya
Masaya kung sama-sama
At may tawanan.

Kay inam ng buhay


Kung nag-aawitan
Masaya kung sama-sama
At nagmamahalan.

b. Itanong sa mga bata, Mahal ba ninyo ang inyong pamilya? Bakit?

c. Pagsasabi ng mga bata ng mga gagawin nila na nagpapakita ng


pagmamahal o
pagmamalasakit sa kapamilya.
Hal. Kapamilyang maysakit

2. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan sa mga mag-aaral.

3. Pagtalakay
Ano ang nakikta ninyo sa mga larawan?
Ginagawa n’yo rin ba ang mga ito?
Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing nakagagawa kayo ng mabuti sa inyong kapwa?

4. Alamin

Panuto: Gaano kadalas mo ginagawa ang mga sitwasyon sa ibaba? Lagyan ng tsek (/)
ang iyong sagot. Babasahin ng guro sa mga mag-aaral
Palagi Paminsan- Hindi
minsan
1. Iniiwasan ko ang
sumagot kung hindi ako
tinatawag.
2. Iniiwasan ko ang
magsalita kung may
nagsasalita na.
3. Gumagawa ako ng
tahimik upang hindi
makaabala sa iba.
4. Iniiwasan kong
sigawan an gaming
kasambahay o
katulong.
5. Iniiwasan ko
magsalita ng masama
sa iba.
6. Iniiwasan kong
makasakit ng
damdamin ng aking
kapwa.
Kabuuan

B. Isaisip

a. Balik-aral
Balikan ang mga sagot ng mga bata sa Alamin. Palagi n’yo bang ginagawa
ang
mga sitwasyon? Paminsan-minsan o hindi mo ginagawa?

b. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng maysakit.

c. Paglalahad
Pag-usapan ang mga ginagawa ng mga bata kung mayroong maysakit sa
kanilang bahay.

c. Pagtalakay
Ano-ano ang mga gawain ang makakapagpasaya sa maysakit?
Ano-ano ang mga paraang maaari ninyong gawin upang maipakita ang
inyong
pagdama sa nararamdaman ng iba?
Magiging masaya ba kayo kung paminsan-minsan ay hindi mo tinitingnan
ang
damdamin ng iyong magulang, guro, kamag-aral at kapwa?

d. Paglalagom
Sa aralin natin ngayon, paano ninyo maipakikita ang pagmamahal at
pagmamalasakit sa pamilya lalo na sa maysakit?

e. Panghuling Gawain
Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M
kung
hindi.

_________1. Iniiwasang magsalita ng masama sa mga kapamilya na maysakit.

_________2. Pinagtatawanan ang lolo o lola na maysakit.

_________3. Lumakad ng marahan lalo na kung may natutulog o maysakit.

_________4. Sinisigawan ang mga kasambahay.

_________5. Makipag-usap ng may katamtamang lakas ng boses.

C. Isagawa

a. Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.

Gawain 1
Basahin:

Parating ang pinsan nina Amy at Tony na


si Isay mula sa probinsya. May sakit siya at
kailangangang magpagamot. Umiisip sila ng
paraan kung paano nila mapapasaya si Isay.
Maaari mo ba silang tulungang
magplano ng mga dapat gawin upang
mapasaya si Isay?

Panuto: Kulayan ang ng pula kung ang larawan ay maaaring makapagpapasaya kay Isay.

Larawan ng mag-anak na nakasakay


sa bangka.

Larawan ng batang babae na naka


dungaw sa bintana habang
pinapanood ang mga batang
naglalaro sa ulanan.

Larawan ng dalawang batang babae


na naglalaro ng seesaw.

Gawain 2
Panuto: Iguhit ang kaya mong gawin upang mapasaya ang may sakit na si Isay.
Gawain 3
Panuto: Kulayan ang larawang nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

Larawan ng batang Larawan ng dalawang


sinisigawan ang ksamabahay bata na masayang
na may dalang pitsel na sinalubong ang kanilang
tubig. lola.

Larawan ng batang babae na Larawan ng batang babae


may kaarawan habang na pinagtatawanan ang
binibigyan siya ng cake ng isang matangdang pulubi.
kanyang ate.

D. Isapuso

a. Pagpapakita ng larawan sa mga mag-aaral.

Larawan ng dalawang batang lalaki na


nagsuntukan.

b. Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Nagawa mo naba ang kumuha ng laruan na
hindi sa iyo? Kung
ikaw kaya ang inagawan, ano ang mararamdaman mo?

c. Kung nagawa ninyo ang ganitong pangyayari, ano ang maari mong gawin
upang humingi ng
paumanhin sa nagawa mong pananakit ng kanyang damdamin.

d. Ano ang maaari mong gawin upang mawala ang tampon g isang kaibigan sa
iyo? Iguhit sa loob ng
kahon ang inyong sagot.

Tandaan:
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa
iyo.”
E. Isabuhay

a. Pakuhanin ang klase ng malinis na papel. Ipasulat sa papel ang mga nagawa nilang
pangyayari sa kanilang kapwa na nakasakit ng kanilang damdamin. Maaaring 1 o 2
lamang
na pangungusap. Gabayan ang mag mag-aaral na makasulat.
b. Maaaring ipapunit sa mga bata ang papel na kanilang sinulatan. Mag-isip ng isang
seremonya para rito.
c. Pagawin ang mga mag-aaral ng liham o kard na humihingi ng paumanhin sa kanilang
nagawa. Gabayan sila sa paggawa nito.
d. Ipabigay ang liham o kard sa taong kanilang nasaktan.

e. Pagsasanay
Pakinggan ang kalagayang sasabihin ng guro gaya ng:

“Ipalagay mo na nakasakit ka ng damdamin ng kapwa. Paano mo kaya ipapakita na


nagkamali ka?”

Gawin ang sumusunod:


1. Pumili ng kapareha. Magpalitan ng idey kung ano ang magagawa upang maalis
ang tampong
kapwa.
2. Bumuo ng isang pangkat na maaaring magkaroon ng sampung kasapi. Ibahagi
ang napag-
usapan sa tambalan.
3. Ipakitang-kilos ang napag-usapan.
4. Itanong ang kanilang naramdaman pagkatapos gawin ito.

F. Subukin

Panuto: Iguhit ang  kung ginagawa mo ang sinasabi ng pangungusap at  kung hindi.

Iguhit Mo ang Sagot Mo!

1. Gumagawa ako ng tahimik upang hindi


makaabala sa iba.
2. Iniiwasan ko ang sumagot kung hindi tinatawag.

3. Nakikipag-unahan ako sa pagbili ng pagkain


kung recess.
4. Tinutulungan ko ang kaklase kong may
kapansanan
5. Sinisigawan ko an gaming katulong o
kasambahay.

You might also like