You are on page 1of 8

AP 10: HISTORIKAL NA PAG-UNLAD NG 1864

KARAPATANG PANTAO  First Geneva Convention – dinaluhan ng


539 B.C.E labing-anim (16) na mga bansa at ilang
 Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia ang estado sa US upang magpulong sa Geneva,
Babylon Switzerland. Layunin nitong isaalang-alang
 CYRUS CYLINDER ang pag-aalaga sa mga may sakit at sugatang
 Baked-clay cylinder na naglalaman sundalo nang walang diskriminasyon.
ng: 1948
1. Pagkakapantay ng lahi  Itinatag ng United Nations ang Human
2. Kalayaang pumili ng relihiyon Rights Commission
3. Kalayaan mula sa pang-aalipin  Eleanor Roosevelt – tagapangulo ng HRC
 Tinaguriang “world’s first charter of human  Nilagdaan at ipinatupad ang Universal
rights” Declaration of Human Rights, ang
 Kinakitaan din ng kaisipan sa karapatang kasalukuyang nangangalaga sa karapatang
pantao ang mga bansang India, Greece at pantao sa modernong panahon
Rome.
 Ang pagtatatag ng relihiyon sa Asya tulad AP 10: URI NG KARAPATANG PANTAO
ng Hinduism, Kristyanismo, Buddhism, KATANGIAN NG K.P
Taoism at Islam ay nakapaglahad ng mga 1. Likas sa tao (inherent)
kodigo tungkol sa moralidad, dignidad ng 2. Pandaigdigan (Universal)
tao at tungkulin nito sa kapwa. 3. Di-mahahati (Indivisible)
1215 4. Di-maiaalis (Inalienable)
 Magna Carta Libertatum
 Tinatawag ding Great Charter of Liberties URI NG K.P
 Nilagdaan ni Haring John I ng England noon 1. NATURAL/LIKAS
June 15, 1215  Karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi
 Ito ay naglalaman ng: ipagkaloob ng estado
1. Hindi maaaring dakpin, ipakulong, at  Kaloob o bigay ng Diyos
bawian ng ari-arian ang sinuman Hal: karapatang mabuhay, magmahal,
nang walang pagpapasiya ng maging malaya, magkaroon ng ari-arian
hukuman 2. KONSTITUSYONAL
2. Paglilimita sa kapangyarihan ng hari  Karapatang kaloob at pinangangalagaan ng
1628 estado
 Petition of Right  Galing sa Saligang Batas o Constitution
1. Hindi maaaring magpataw ng buwis (Fundamental law of the land)
nang walang pahintulot ng  Hindi maaring palitan o tanggalin ng
Parliament legislative body
2. Pagbabawal ng pagkulong ng walang
sapat na dahilan KLASIPIKASYON:
3. Pagbabawal sa pagdeklara ng batas 1. Politikal – kapangyarihan ng mga
militas sa panahon ng kapayapaan mamamayan na makilahok ng tuwiran o di
1787 tuwiran sa pagtatag at pangangasiwa sa
 Inaprubahan ng United States Congress ang pamahalaan
kanilang Saligang Batas sa panahon ng Hal: Citizenship, Suffrage
panunungkulan ni Pang. George
Washington. 2. Sibil – karapatang titiyak sa pribadong
 Naglalaman ng Bill of Rights na ipinatupad indibidwal na maging kasiya-siya ang
noong Disyembre 15, 1791. Ito ay kanilang pamumuhay ng walang nilalabag
nagbibigay proteksyon sa lahat ng na batas
mamamayan at sa iba pang naninirahan sa Hal: Karapatan sa malayang pagpapahayag,
bansa. Privacy, edukasyon, proteksyon laban sa
1789 diskriminasyon, malayang pagpili ng
 Natagumpay ang French Revolution na relihiyon
wakasan ang pamumuno ni Haring Louis
XVI 3. Sosyo-ekonomikal – karapatang sisiguro sa
 Nilagdaan din ang Declaration of Rights of katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong
Man and the Citizen na naglalaman ng kalagayan ng indibidwal
kanilang mga karapatan
Hal: Karapatang makapaghanap buhay, 3) World War II
karapatan sa sapat na pagkain 4) Atomic Bombings
5) Concentration Camps sa panahon ni
4. Karapatan ng Akusado – nagbibigay ng Adolf Hitler
proteksyon sa indibidwal na inaakusahan NILALAMAN:
Hal: Miranda Rights (binabasa ng mga pulis  Preamble – Art. 1- Likas na karapatan
pag may kinukulong na tao)  Art. 3 - Art. 21- Karapatang Sibil at Politikal
 Art. 22 – Art. 27- Karapatang Sosyo-
3. STATUTORY – pinagkakaloob ng ekonomikal at Kultural
binuong batas na maaaring tanggalin sa  Art. 28 – Art. 30- Tungkulin ng Tao na
pamamagitan ng panibagong batas itaguyod ang karapatang pantao ng iba.
Hal: Karapatang makatanggap ng Minimum
Wage
BILL OF RIGHTS
AP 10: UNIVERSAL DECLARATION OF  deklarasyon at enumerasyon ng mga
HUMAN RIGHT karapatan at pribilehiyo na isinaayos sa
konstitusyon upang protektahan sa mga
UDHR paglabag ang isang indibidwal at paglilimita
 Dokumentong naglalaman ng mga sa kapangyarihan ng estado.
karapatang pantao na may
kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay NILALAMAN:
ng tao. Section 1: Right to life, liberty, and property • you
should not be deprive of your life, liberty, and
ASPETO: property
1) Sibil Section 2: Right against unreasonable searches and
2) Politikal seizures
3) Sosyo-ekonomikal Section 3: Every person has the right to keep his
4) Kultural communication or correspondence a secret.
 Binansagang “International Magna Section 4: Freedom of Speech. Right to a Free
Carta for all Mankind” Press; Freedom of Assembly; the Right of Petition
 Naging pundasyon ng ibang bansa sa Section 5: Freedom of Religion Section
pagbalangkas ng kanilang sariling Section 6: The liberty of abode & the right to travel.
Saligang Batas Section 7: The right to information.
 Oktubre 24, 1945- pagtatag ng United Section 8: Right to form associations.
Nations nang hindi magtagumpay ang Section 9: The Right to Just Compensation.
League of Nations sa mga karahasan na Section 10: Non-Impairment Clause.
nangyayari sa mundo Section 11: Free Access to Court
 Disyembre 10, 1948- Pagtanggap ng UN Section 12: Right of Person under Custodial
General Assembly sa UDHR Investigation
 Disyembre 10 – International Human Rights Section 13: The Right to Bail & against Excessive
Day Bail
 Eleanor Roosevelt- tagapangulo ng Human Section 14: Rights of the Accused • Right to Due
Rights Commission sapanahon ng pagbuo Process of Law in Criminal Cases • Innocent until
ng UDHR Proven Guilty • The Right to Confront One’s
 John Peters Humphrey- isang Canadian na Accuser • Basis for Trials in Absentia.
tinawag ng UN Secretary-General upang Section 15: Writ of Habeas Corpus
manguna sa pagbabalangkas ng UDHR Section 16: Right to Speedy Disposition of Cases.
(principal drafter) Section 17: Right against self- incrimination
 Rene Cassin- nanalo ng Nobel Peace Prize Section 18: The Right to political beliefs and
para sa kanyang kontribusyon sa aspirations.
pagbabalangkas ng UDHR. Section 19: The prohibition against cruel, degrading
NAGKAROON NG UDHR DAHIL: (upang or inhuman punishment
maiwasan ang mga ss:) Section 20: Non- Imprisonment for debts
1) Holocaust- pagpatay at pagdiskrimina sa Section 21: Right against double jeopardy
mga Jews Section 22: Ex post facto law and bill of attainder
2) Genocide- pagpapapatay ng isang
malaking pangkat ng lahi
MGA ORGANISASYONG NAGTATAGUYOD SA KARAPATANG PANTAO

PANDAIGDIGANG ORGANISASYON
ORGANISASYON DESKRIPSYON ADBOKASIYA
1. Amnesty  Pandaigdigang kilusan -magsagawa ng pananaliksik at
International  May mahigit 7M na tagasuporta kampanya laban sa pang-aabuso
 Motto: “it’s better to light a candle sa karapatang pantao.
than to curse the darkness”
 Aktibo sa Pilipinas -mabigyan ng katarungan ang
mga biktima ng panlabag.
2. Human Rights  Itinatag ni Jack Healey (h.r activitist) -maging boses ng mga walang
Action Center  Nakikipagugnayan sa mga pinuno ng boses
pandaigdigang sining (musika,
teatro, pelikula at printed material)
upang maipalaganap ang karapatang
pantao.
3. Global Rights  Pinapalakas ang mga aktibong -magtaguyod ng repormang
kalahok na itala at ilantad ang mga patungkol sa karapatang pantao
pang-aabuso at magbigay ng serbisyong-legal
4. Asian Human  Aktibo sa pakikipaglaban para sa -magkaroon ng higit na
Rights Commission karapatang pantao sa Asya kamalayan sa karapatang pantao
at pagsasakatuparan sa Asya.
5. African  Itinatag sa Ethiopia -magbigay ng intrerpretasyon sa
Commission on  Quasi-judicial body African Charter on Human and
Human & People’s People’s Rights
Rights
PAMBANSANG ORGANISASYON
1. Philippine Alliance of Human  Nilahukan ng mahigit sa 100 organisasyon mula sa iba’t
Rights Advocates (PAHRA) ibang bansa
2. Philippine Human Rights  Konektado sa UN Department of Public Information at
Information Center (PhilRights) UN Economic and Social Council
3. KARAPATAN: Alliance for the  Alyansa ng mga indibidwal, organisasyon at grupo
Advancement of People’s Rights
4. Free Legal Assistance Group  Pambansang grupo ng mga human rights lawyer
(FLAG)  Itinatag nina: Jose Diokno, Lorenzo Tanada, Joker
Arroyo
5. Task Force Detainees of the  Layunin nitong matulungan ang mga political prisoners
Philippines (TFDP) kung saan sila ay nagkakaloob ng suportang legal,
pinansyal at moral sa kanilang mga pamilya

KARAPATAN NG MGA BATA


DEPENISYON NG ISANG BATA AYON SA UNITED NATIONS CONVENTION ON THE RIGHTS
OF THE CHILD (UNCRC)
 Mga indibidwal na may gulang na 17 at pababa, maliban sa mga bansang may sariling batas tungkol sa
“legal age”.
BAKIT MAHALAGANG MAGKAROON NG MGA KARAPATAN NG MGA BATA?
 Magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay at mahubog ang kanilang kakayahan upang magtagumpay sa
buhay at maging yaman ng bansa sa hinaharap.

BUOD NG NILALAMAN NG KARAPATAN NG MGA BATA BATAY SA UNCRC (next page)


Artikulo 1 – Kahulugan ng bata
Artikulo 2 – Pagkapantay-pantay ng bawat bata
Artikulo 3 – Pagbibigay pansin sa nararapat na kalagayan at kapakanan ng mga bata sa pagtakda ng mga
polisiya at batas
Artikulo 4 – Pagtatakda sa tungkulin ng pamahalaan na tiyakin ang paggalang, pangangalaga at pagpapatupad
sa karapatan ng mga bata
Artikulo 5 – Paggalang ng pamahalaan sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya
 Inilahahad sa artikulo 6-40 ang karapatan ng mga bata

 Magkaroon ng ligtas at malusog na buhay, at legal at rehistradong pangalan, nasyonalidad, manirahan at


maalagaan ng kanilang magulang.

 Magkaroon ng karapatang makapagpahayag ng kanilang saloobin at magkaroon ng tinig sa mga


pagpapasyang makaaapekto sa kanilang buhay

 Magkaroon ng karapatan sa pag-alam ng impormasyong makabubuti sa kanilang kalusugan at pagkatao,


kalayaan sa pag-iisip, pananampalataya, pribadong pamumuhay, at paglahok sa organisasyon.

 Magkaroon ng espesyal na karapatan sa pangangalaga sa mga ampon, refugee, biktima ng digmaan o


kaguluhan, may mga kapansanan at naaakusahan ng paglabag sa batas.

 Magkaroon ng mabuting pangangalagang pangkalusugan , standard of living, edukasyon, libangan at


paglalaro.

UGNAYAN NG KARAPATANG PANTAO AT PAGKAMAMAMAYAN


 Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay niyang karapatang pantao
 Ang katipunan ng mga karapatan ay nagsisilbing pundasyon ng estado sa paggawa ng mga batas at
polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga Pilipino.
 Tungkulin ng pamahalaan na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibidwal, proteksyunan laban sa
pang-aabuso at pagsasagawa ng mga positibong aksyon para lubos na matamasa ng mamamayan ang
ginhawang dulot ng karapatang pantao.

ANTAS NG KAMALAYAN NG MAMAMAYAN SA PAG-UNAWA AT PAGSASAKATUPARAN NG


KARAPATANG PANTAO
ANTAS 1 – PAGPAPAUBAYA AT PAGKAKAILA
-walang pasubaling pagpapaubaya sa mga paglabag ng karapatang pantao
Hal: Pagsasawalang kibo sa mga isyung tungkol sa karapatang pantao, tagamasid lamang
ANTAS 2 – KAWALAN NG PAGKILOS AT INTERES
-may limitadong kaalaman tungkol sa karapatang pantao. Kawalan ng interes na igiit ang
kanyang mga karapatan dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga kondisyong
panlipunan, ekonomiko at politikal sa bansa
Hal: hindi lubos na alam ang taglay na karapatang pantao kaya kapag ito ay nalabag mas
gugustuhin na lamang na hindi gumawa ng aksyon o ipagbahala nalang
ANTAS 3 – LIMITADONG PAGKUKUSA
-kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao, paghahanap ng solusyon gamit ang karaniwang
pamamaraan tulad ng paglalahad ng reklamo
Hal: Nais mong makatulong sa mga paglabag sa karapatang pantao sa pamamgitan lamang ng
pagrereklamo o pagsusumbong sa tamang kinaukulan
ANTAS 4 – MILITANCE, PAGSASARILI AT PAGKUKUSA
-May kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa karapatang pantao sa pamamagitan ng
matatag at sama-samang pagsisikap
Hal: pagbuo ng organisasyon o samahan na nagtataguyod at tumutulong sa mga naabuso at
gumagawa ng epekto sa kanyang lipunang kinabibilangan.
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
A. ELEKSYON
1. MAMAMAYAN – Pinakamahalagang element ng estado; nasa ating kamay ang pagtugon sa mga isyu
at hamong panlipunan na ating kinakaharap at susi ng pagbabago
2. Dapat kalimutan ang MALING PANANAW na pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang-
solusyon ang mga isyung panlipunan at sila ay inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat n gating
pagngangailangan. Ang ganitong pananaw ay nagdudulot ng sentimyentong PANINISI.
3. Artikulo II, Sek.1 – Ang Pilipinas ay estadong REPUBLIKANO AT DEMOKRATIKO. Ang ganap
na kapangyarihan ay nasa angkin sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng awtoridad ng
pampamahalaan.
4. Ang mamamayan ay dapat na aktibong nakikisangkot sa mga diskurso sa pamamahala.
5. Kung may KAALAMAN AT KAMALAYAN ang mamamayan sa lipunan, ito ang magtutulak sa
mamamayan na maging aktibong makilahok sa pagbigay katugunan sa mga isyu sa lipunan. Mas
mahalaga ang rito ang PAGTUGON ng mismong mamamayan.

ELEKSYON – Pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan.


 Isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiya ng Saligang Batas

ARTIKULO V – KARAPATAN SA HALAL (Suffrage)


MGA KWALIPIKADONG BUMOTO:
1. Mamamayan ng Pilipinas
2. Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
3. 18 taonng gulang pataas
4. Tumira sa Pilipinas nang kahit sa isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto nang hindi
bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.
MGA DISKWALIPIKADONG BUMOTO:
1. Mga nasentensiyahan na makulong ng di bababa sa isang taon. Maaaring bumoto matapos ang limang
taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
2. Mga nasentensiyahan ng mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversionat firearms law at
anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaaring bumoto matapos ang limang taon pagkatapos
niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya.
3. Mga idineklarang baliw ng mga eksperto.

 Sa pamamagitan ng pagboto, nakakapili ang mga mamamayan ng mga opisyal na sa tingin nila ay
makapaglilingkod ng maayos. Nakikita na ang mamamayan ay ang pinaggalingan ng kapangyarihan ng
mga halal na opisyal na siya ay may kapangyarihan na tanggalin ang hindi ginagampanan nang maayos
ang kanilang sinumpaang tungkulin. Tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.
 Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Isang Pilipino = isang boto. Ang isang boto ay lubhang
makapangyarihan dahil maari nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.
BALAKID SA PAKIKILAHOK NG MGA TAO SA ELEKSIYON:
 Pagbebenta ng kanilang boto – Ayon kay Gregorio Lardizabal, (Commissioner, Commission on
Elections), noong halalan 2016, talamak parin ang insidente ng pamimili ng boto sa kabila ng
automated na election. Dahil dito maaaring maupo sa pwesto ang mga sarili lamang ang iniisip.

B. PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY


 Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng
bayan sa paraang higit pa sa pagboto.
 Isa dito ang pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamhalaan upang iparating
ang pangangailangan ng mamamayan.
CIVIL SOCIETY – sector ng lipunan na hiwalay sa estado
BINUBUO NG:
1. Kilos protesta
2. Lipunang pagkilos
3. Non-governmental organizations (NGOs)/People’s Organization (POs)
HINDI KASALI:
1. Tahanan 3. Partidong Politikal
2. Negosyo 4. Armadong grupo na nagnanais pabagsakin ang pamhalaan
 Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at maggiit ng
accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado.
 Mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikakaunlad ng bansa (Horacio Morales)
 Sa pamamagitan ng civil society, ang mga mamamayan ay ang pinanggalingan ng soberenya ng isang
estado (Randy David).
 Ang paglahok sa civil society ay kinikilala ng Saligang Batas: “the state encourage non-governmental,
community-based, or sectoral organizations to effective and reasonable participation at all levels of
social, political and economic decision making.”
MGA PARAAN NG PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY:
 Kilos protesta
 Lipunang Pagkilos
 Volunteer Organizations
 Grassroots orgs (GOs) - sectoral groups (e.g. tricycle drivers, magsasaka, kabataan)
 People's orgs (POs)- suportahan ang mga programa ng PO
TUNGKULIN NG NGO AT PO
 TANGOS (Traditional NGOs)- proyekto para sa mahihirap
 FUNDANGOS (Funding-Agency NGOs)- tulong pinansyal sa POs
 DJANGOS (Development, Justice, and Advocacy NGOs)- nagbibigay ng suporta sa komunidad tulad ng
ligal at medical na serbisyo
 PACO (Professional, Academic at Civic orgs)- binubuo ng mga propesyonal at galing sa sektor ng
akademya
 GRIPO (Government-run and initiated POs) -binubuo ng mga pamahalaan
 GUAPO (Genuine, Autonimous POs)- POs na itinayo ayon sa initiatibo ng mga mamamayan
KAHALAGAHAN NG PAGLAHOK SA CIVIL SOCIETY
 Maglungsod ng mga proyektong naglalayon na paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan
 Pagsasagawa ng mga pananaliksik tungkol sa adbokasiyang ipinaglalaban upang magising ang
kamalayan ng mamamayan
 Direktang pakikipagugnayan sa pamahalaan.

C. PAGSASAGAWA NG PARTICIPATORY GOVERNANCE


PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON NG PARTICIPATORY GOVERNANCE
DEMOCRACY INDEX AT CORRUPTION PERCEPTION INDEX – dalawang mahahalagang pag-aaral
tungkol sa estado ng demokrasya ng ating bansa.
ECONOMIST INTELLIGENCE UNIT – pinag-aralan nito ang kalagayan ng demokrasiya sa 167 bansa sa
buong mundo na naglalaman ng limang kategorya na pinagbabatayan sa index na ito:
1. Electoral process
2. Civil liberties
3. Functioning of government
4. Political participation
5. Political culture
Ayon sa 2016 Democracy Index:
 Ang Pilipinas ay pang limampu sa kabuuang 167 na bansa.
 Ang Pilipinas ay itinuturing na ‘flawed democracy’ – may malalang nagaganap at nirerespeto ang mga
karapatan ng mamamayan nito ngunit nakakaranas ng suliranin sa pamamahala tulad ng mahinang
politikal na pakikilahok ng mamamayan.
 Ayon sa index, hindi tayo maituturing na ganap na demokrasya.
 Labing siyam na bansa lamang na maituturing na may ganap na demokrasya. Nangunguna rito ang
Norway.
 Japan at South Korea ang itinuturing na pinakamataas na marka sa index sa Asya bagamat itinuturing na
flawed democracy.
TRANSPARENCY INDEX
 Katiwalian/korupsyon- pinakamalaking hamong kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan
- Tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
- Pagpapalawig ng interes ng pamilya, mga kasamahan, mga kaibigan, at sarili ng mga nanunugkulan sa
pamahalaan (Ayon kay Co et. al., 2007)
- nagkakaroon ng katiwalian bilang bunga ng monopolyo sa kapangyarihan, malawak na pagbibigay ng
desisyon, at kawalan ng kapanagutan. (Ayon kay Robert Klitgaard, 1998)
 Pangkat na lumalaban sa katiwalian: “Corruption ruins lives”
 Laging laganap ang katiwalian sa mga bansang kolonya dahil ginagamit ito bilang instrument ng
pananakop.
CORRUPTION PERCEPTION INDEX
 Naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian ng isang bansa.
 Maaring makakuha ang mga bansa ng 0 –pinakatiwali hanggang 100-pinakamalinis na pamahalaan.
 2016 – Denmark at New Zealand, nakakuha ng pinakamataas na marka na 90/100. Ang Somalia naman
ang pinakamababa na may 10/100. Ang Pilipinas ay nakakuha ng 35/100 at ika-101 sa 176 na mga
bansa. Karamihan ng mga bansa na may mababang ranggo ay galing sa Asya-Pasipiko. Ang dahilan ng
mababang ranggo na ito ay dahil:
1. Hindi pagiging accountable ng pamahalaan
2. Kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan
3. Lumiliit ang espasyo para sa civil society
GLOBAL CORRUPTION BAROMETER NG TRANSPARENCY INTERNATIONAL
 Kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinion ng mga tao tungkol sa katiwalian sa
kanilang bansa.
 2013- 19% respondent ay nagsasabing lumala ng husto ang katiwalian sa bansa, 12% lumalwak nang
kaunti ang katiwalian, 31% walang pinagbago at 35% nabawasan nang kaunti at 2% malaki ang ibinaba
ng katiwalian. Sa institusyon ng pamahalaan ang mga pulis ang itinuturing na pinakatiwali at sinusundan
ng ibang opisyal ng pamahalaan.
PARTICIPATORY GOVERNANCE
 mahalagang paraan ng mamamayan para maisakatuparan an gating iginigiit na pagbabago sa
pamahalaan.
 Isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupaad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
 Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa “elitist democracy” kung saan ang
desisyon ay nanggagaling lamang sa mga namumuno.
 Ang participatory governance ay nagdudulot ng pagbuo ng social capital o tiwala sa pagitan ng
pamahalaan, civil society at mga mamamayan, na isang mahalagang element ng demokrasya at
mabuting pamamahala.
MGA PARAAN NG PAGSASAGAWA NG PARTICIPATORY GOVERNANCE:
1. Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan (Information Drive/ Dissemination)
Hal: Pagdalo sa public hearing, pagsasagawa ng survey
2. Pagsasama ng mamamayan sa consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan.
- Consultation: paghingi ng pamahalaan ng opinion ng mamamayan sa napapanahong isyu at
programang ipinapatupad nito.
3. Pinakamataas na paraan ng paglahok: kasama ang mamamayan sa mismong pagpapatupad ng mga
programang nito
CASE STUDY 1: Participatory Budgetting sa Porto Alegre, Brazil
 Magkasamang binalangkas ng pamahalaan at mga mamamayan ang budyet ng lungsod.
 Naipaparating ng taumbayan ang kanilang pangangailangang nararapat na paglagakan ng sapat na
badyet.
 Ang pondo ng bayan ay nailalagak sa proyektong kinakailangan ng mga mamamayan.
CASE STUDY 2: Pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamahalaan sa lungsod ng Naga
 Local Government Code of 1991-testamentong kinikilala ang papel ng mamamayan sa pamamahala.
Pagkilala sa papel ng mga POs at NGOs
 Ang participatory governance ng Naga ay nakaangkla sa mga sumusunod na prinsipyo:
1. Progresive development Perspective – tumutukoy ito sa paniniwalang kayang magbago ang lumang
sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
 Pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan
 Pagtatag ng kakayahan ng pamamahala
 Pagmamalaki sa sarili
2. Functional partnerships – Walang monopoly ng lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga programa.
Pagsali sa mga Pos at NGOs
3. People’s Participation –Kinikilala ang napakahalagang papel ng mamamayan

You might also like