You are on page 1of 17

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 13
ANG KLASE NG PISIKA

Ang klase ay isang pook na parihaba at may malalaking bintana


na may karali1 na dinadaanan ng maraming hangin at liwanag. Sa
kahabaan ng dingding na bato ay may tatlong baitang na bato na
nalalatagan ng kahoy, puno ng mga estudyante na ang pagkakahanay ay
alinsunod sa kaayusang alpabetiko; sa ibayo ng pasukan, sa ilalim ng
isang larawan ni Santo Tomas de Aquino, ay nalalagay ang upuan ng
propesor, mataas ng dalawang baitang sa magkabilang panig. Nandoon
ang isang magandang pisara na may balangkasang nara2 na hindi halos
nagagamit sapagka’t nakasulat pa ang viva! Na nakita roon magmula pa
sa simula ng araw ng pasukan,3 doon ay walang anumang
kasangkapang matino o sira.4 Ang mga dingding na pinturado ng ng
puti at sa ilang dako ay mga bricks na may iba’t ibang kulay upang
maiwasan na magasgasan, ay hubad na hubad; ni isang guhit, ni isang
inukit, ni bahagyang kasangkapan na ukol sa pisika! Ang mga nag-aaral
ay hindi nangangailangan at walang naghahanap ng pagtuturo sa
pamamagitan ng eksperimento sa isang aralin na ukol sa siyensiyang
experimental; pagdaan ng mga taon ay gayon ang pagtuturo at hindi
nagulo ang Pilipinas,5 kundi patuloy pa nga ring gaya ng dati.6
Paminsan-minsan ay bumababang mula sa langit ang isang
instrumento na ipinakikitang malayo sa estudyante na gaya

MGA PALIWANAG

1 Karali – tinatawag natin na grills na nakalagay sa bintana.

2 Naka-frame na pisara

3 Ipinapakita ni Rizal na walang boardwork ang mag-aaral. Talagang hindi


nagamit ang blackboard ito ay dahilan sa hindi pa nabubura ang nakalagay na
Viva (o welcome) sa mga mag-aaral na pumasok noong Hunyo at sa panahunan
ng nobela ito ay tumatapat ng buwan ng Enero.

4 Masaya na sana si Rizal kung may nakita siyang aparato kahit na sira. Isang
mataas na anyo ng panghihiyang.

5 Walang paki-alam ang mga mag-aaral sa uri ng edukasyon na kanilang


tinatanggap.

6 Ang eksperimento ay magbibigay ng bagong tuklas na karunungan – dahilan


saw ala nito, walang nabago sa Pilipinas bunga ng pananaliksik ng kaniyang
mga kabataan.
mapanambang nangakaluhod, tingnan mo ako subalit huwag
hihipuin.7 Pana-panahon, pag nagkakaroon ng propesor na may
magandang loob, ay nagtatakda ng isang araw sa loob ng taon upang
dalawin ang misteryosong kabinete at mula sa labas ng salamin, ang
mga kasangkapang di maturan ang kabuluhan, na nangakahanay sa
loob ng mga kinalalagyan; walang makararaing nang araw na iyon ay
nakakita ng maraming tanso, maraming kristal, maraming tubo, bilog,
gulong, kampana, atbp.;8 at hindi na hihigit pa roon ang pagtatanyag, ni
hindi nagugulo ang Pilipinas. Higit pa roon ay alam ng mga estudyante
na ang mga kasangkapang iyon ay hindi binili dahil sa kanila; hindi
hangal ang mga prayle! Ang kabineteng iyon ay ginawa upang ipakita
sa mga dayuhan at sa mataas na kawaning nanggagaling sa Espanya,
upang sa pagkakita noon ay igalaw ang ulo na may kasiyahang-loob,9
samantalang ang umaabay sa kanila’y ngumingiting ang ibig sabihin
wari’y:

“Eh! Inakala ninyong ang matatagpuan ay mga mongheng huli


sa kapanahunan? Kami ay kapantay ng mga kasalukuyan; mayroon
kaming isang kabinete!”10

At isusulat, pagkatapos, ng mga dayuhan at matataas na


kawani, na pinasalubungan ng galanteng pagtanggap, sa kanilang mga
paglalakbay o mga tala, na:11 Ang Real y Pontificia Universidad ng Sto.
Tomas sa Maynila, na pinamamahalaan ng bihasang Orden Dominikana,
ay may isang mainam na lanoratoryo ng pisika na ukol sa ikatututo ng
kabataan… Sa taun-taon ay may dalawang daa’t limampu ang nag-aaral
ng tinurang asignatura, at marahil dala ng katamaran, ng pagwawalang-
bahala, sa kauntian ng kakayaha ng Indiyo o iba pang sanhing likas sa
kanila o bagay na di mawatasan…hanggang sa ngayon ay hindi pa

7 Ang pagtuturo na may aparato ay higit na demonstration teaching lamang.


8
Ang mga mag-aaral para makita ang mga aparato ay higit na field trip ang aktibidad.

9 Katulad ng evaluation na ginaganap sa mga paaralan sa elementary at


sekondarya o kaya ay sa panahon na ginaganap ang accreditation sa isang
kolehiyo. Ipinapakita sa mga bisita ang mga aparato ng paaralan. Tandaan na
ang pinakamahusay na panahon sa isang paaralan ay sa panahon na mayroon
silang evaluation o accreditation.

10 Simbolismo ng kaalaman na nakatago o hindi ipinagagamit.

11 Binigyan ng galanteng entertainment o maaring mga regalo ang mga


evaluator at accreditor.
sumisipot ang isang kahi’t munti man lamang na Lavoisier, isang Secchi,
ni isang Tyndall, na lahing Malayong Pilipino.12

Datapwa’t upang mapagkilala ang katotohanan ay sasabihin


namin, na sa kabineteng ito nag-aaral ang tatlo o apat na pung
pumapasok sa ampliacion sa ilalim ng pamamahala ng isang
nagtuturong gumaganap naman ng mabuti sa kanyang tungkulin;
nguni’t sa dahilang ang lalong marami sa mga nag-aaral ay galing sa
Ateneo ng Jesuita, na ang pagtuturo doon ay sa eksperimento sa loob ng
laboratoryo, ay wala ring malaking kabuluhan ang gayong pangyayari,
na, di gaya nang kung ang makasamantala noon ay ang dalawang daa’t
limampung nagbabayad ng kanilang matricula, bumibili ng aklat,
nangag-aaral at gumugugol ng isang taon at walang namumuwangan
pagkatapos. Ang nangyayari, liban sa isang kapista o utusan na naging
bantay ng mahabang panahon sa museo, kailan man ay walang
nabalitang may napala sa mga isinaulong liksyon na pinagkakahirapan
muna bago matutuhan.

Nguni’t balikan natin ang klase.

Ang katedratiko ay isang batang Dominikano na gumanap nang


kahusayan at bantog sa kanyang pagtuturo sa ilang katedra13 sa
kolehiyo ng San Juan de Letran. Bantog siya sa kahusayan at
pagiging pilosopiyang dieyalektiko14 at isa sa mga may mainam na
maaasahan sa loob ng kanyang orden. Ang matatanda’y may
pagpapahalag sa kanya at kinaiinggitan siya ng mga bata sapagka’t sila
man ay mayroon ding pangkat-pangkat.15 Iyon ang pangatlong taon na
ng kanyang pagtuturo at kahi’t nang taong iyon lamang siya magtuturo
ng pisika at kimika ay kinikilala na siyang marunong, hindi lamang ng
mga nag-aaral, kundi pati ng mga kagaya niyang palipat-lipat na mga

12 Pansinin ang evaluation na galanteng tinanggap ng unibersidad, mahusay


ang pagkakaulat at ang sinisisi ay ang mismong mga estudyante.

13 Katedra – ay nangangahulugan na upuan para sa isang posisyon. Sa


simbahan ito ang katungkulan na pagka-obispo at sa nobelang ito ay
tumutukoy sa upuan o katungkulan sa pagtuturo.
14
Pansinin na ang espesyalisasyon ng guro ay pilosopiyang diyalektika. Isang twist na ginawa ni Rizal
upang ipakita sa atin kung ano ang leksiyon na itinuturo niya sa klase na tunay na salungat sa pamagat ng
kabanatang ito.

15 Pagpapangkat-pangkat o paksiyon sa loob ng mge guro sa loob ng UST o/at


maging sa loob ng orden.
propesor. Si Padre Millon16 ay hindi kabilang ng maraming guro na sa
taun-taon ay palipat-lipat ng katedra upang magkaroon ng kaunting
pagkabatid sa karunungang napag-aralan sa gitna ng ibang nag-aaral,
na walang pagkakaiba kundi ang pangyayaring iisang bagay lamang ang
pinag-aralan,17 tumatanong at hindi tinatanong,18 may mahigit na
pagkabatid ng wikang Kastila at walang pagsusulit pagkatapos ng
pag-aaral.19 Hinahalungkat ni Padre Millon ang karunungan, kilala
niya ang pisika ni Aristoteles20 at ang kay Padre Amat;21 maingat
niyang binabasa ang Ramos22 at maminsan-minsan ay tumutunghay sa

16 Padre Millon – simbolikal ang pangalan na ito na maaring ginamit ni Rizal


para inisin ang mayamang korporasyon ng mga Dominicano sa Pilipinas. Ang
katotohanan, kahit na iisang pari ang direktang ginamit ni Rizal sa kabanatang
ito, ay makikita naman sa mga susunod na bahagi na siya ang eksaktong
larawan ng Dominicano sa Pilipinas sa panahon ng kolonyalismo sa Espanya.

17 Ang ibang nagtuturo na kasama ni Padre Millon ay halos kapareho lamang


ng kaniyang estudyante na kaparehong nag-aaral lamang. Mapansin na ang
kaalaman niya ay pilosopiya – o paggamit ng salita sa pamamagitan ng
paghahaka.
18
Sinuman na nagtuturo ng araling pisika/physics ay higit na mas malaki ang kaniyang papel na magsalita
sa pamamagitan ng lektura at tanungin ng mga estudyante, ito ay dahilan sa masyadong komplikado ang
aralin.
Ang paglalarawan ni Rizal kay Padre Millon ay nagpapakita na ang kahusayan niya ay diyalektikal –
nagtatanong lamang siya mula sa mga sinasabi ng estudyante at tila wala siyang maibabahaging kaalaman
sa kaniyang estudyante sa pisika.

19 Kaya lamang parang mahusay si Padre Millon ay dahilan sa magaling siyang


gumamit ng wikang Espanyol. Parang isang guro, na hindi ganap na alam ang
aralin ngunit napakahusay naman sa wikang Ingles.

20 Dito makikita ang kahusayan ni Rizal sa paggamit ng salita para ipabatid


niya ang isang malaking kabalintunaan. Ang higit na alam ni Padre Millon ay
ang Pisika ni Aristotle – ang katotohanan ang aralin na pinalaganap ni Aristotle
ay METAPISIKA at hindi PISIKA. Parang ang aralin ay ATRONOMIYA at ang
itinuturo ng guro ay ASTROLOHIYA.

21 Felix Torres Amat (1772-1847). Nagsilbing arsobispo ng Astorga, Espanya


(1833-1847). Isang manunulat at ang kaniyang pinakamahalagang likha ay ang
pagsasalin ng isang edisyon ng Biblia sa wikang Espanyol.

22 Ang aklat na ito ni Ramos y Lafuente ay pinamagatang Elementos de física y


química : obra escrita para el estudio de ambas ciencias en los institutos de
segunda enseñanza, escuelas profesionales y seminarios conciliares. Maaring
ang tinutukoy rito ang 6th Edition ng aklat na nalimbag noong 1880.

Bakit maingat niya binabasa ang aklat ni Ramos y Lafuente?


Ganot.23 Gayunman ay iginagalaw kung minsan ang ulo, na wari’y nag-
aalinlangan, mangingiti at bubulong ng: transeat.24 Tungkol sa kimika
ay inaakalang mayroon siyang di-karaniwang kabatiran sapul noong sa
pag-alinsunod sa isang banggit ni Sto. Tomas, na ang tubig ay isang
halo, ay maliwanag niyang pinatunayan na ang taga-langit na doktor ay
nagpauna nang malaki sa mga Berzelius, Guy Lussac, Bunsen at iba
pang materialista, na pawang may munti o malaking kahambugan.25
Datapwa’t kahit na naging propesor sa geografia ay mayroon siyang mga
ilang pag-aalinlangan tungkol sa kabilugan ng mundo at gumagamit ng
may makahulugang ngiti pagsasalita nang pag-ikit at pagligid sa araw, at
binabanggit yaon:26

Ang sa bituing pagbubulaa’y


Isang pagbubulaang mainam…

Ngumingiting malisyoso sa ilang teorya tungkol sa pisika at


inaakalang hibang, kung di man bangaw, ang Heswitang si Secchi27, na
umano’y ang pagputol nito ng pari-parisukat sa ostiya ay anak ng

Dalawa ang maaring ipagpalagay. Una ay ang hindi niya masyadong kapa o
kabisado ang isang makabagong aklat sa Pisika. O nag-iingat na mayroong
nilalaman ang aklat na kontra sa paniniwala niyang pangrelihiyon.

23 Ang higit na tinutunghayan ni Padre Millon sa aklat ni Adolphe Ganot ay


ang mga illustration sa mga prinsipyong pang-pisika.

Basahin ang :
Faidra Papanelopoulou, Agustí Nieto-Galan, Enrique Perdiguero. Popularizing science and
technology in the European periphery, 1800-2000(Ashgate Publishing, England 2009) p. 89.
By
http://www.nzeldes.com/Miscellany/Ganot.htm

24 Pass/pumasa – na ang maaring ibig sabihin ay naintindihan niya ang


prinsiipyo ng pisika o ang prinsipyo na nakalagay sa mga textbook ay walang
tunggalian sa kaniyang paniniwalang pangrelihiyon.

25 Mas higit na pinapahalagahan ang mga papanaw ni St. Thomas Aquinas


kaysa sa mga siyentipiko.

26 Nakatagpo kaya si Rizal ng ilang mga propesor sa UST sa kaniyang


kapanahunan na hindi naniniwala na ang mundo ay bilog?

27 Father Pietro Angelo Secchi SJ (29 June 1818 – 26 February 1878) was an
Italian astronomer. He was Director of the Observatory at the Pontifical
Gregorian University (then called the Roman College) for 28 years. He was a
pioneer in astronomical spectroscopy, and was one of the first scientists to state
authoritatively that the Sun is a star. (Wikipedia)
pagkahibang sa astronomiya, at dahil doon, ang sabi’y pinagbawalang
magmisa, marami ang nakapuna sa kanyang pagkamuhi sa siyensiya
na kaniyang itinuturo;28 nguni’t ang mga kapintasang ito’y medaling
unawain sa bagay, mga kontradiksiyon ng pag-aaral at relihiyon, at
madaling malilinawan, hindi lamang sa dahil ang siyensiya ng pisika ay
galing sa ekperimentasyon, sa onserbasyon at panghihinuha,
samantalang siya’y malakas sa pilosopiya, lubos na ukol sa paghuhulu-
hulo, sa palagay at kuro,29 kundi sa dahilang siya’y mabuting Dominiko,
na magiliw sa karangalan ng kanyang kapisanan, ay hindi mangyayaring
malugod sa isang katarungang hindi ikinabantog ng isa man sa kanyang
mga kapatid – siya na ang unang hindi naniniwala sa kimika ni Sto.
Tomas – nguni’t ikinadakila ng ibang samahang kalaban, sabihin na
nating katunggali nila.

Ito ang propesor nang umagang iyon, na matapos mabasa ang


talaan ay ipinauulit sa mga tinuturuan ang mga isinaulong liksiyon na
walang labis, walang kulang. Ang mga ponograpo ay umalinsunod, ang
ilan ay mabuti, at iba’y masama, ang iba’y pautal-utal. Ang
makapagsasabi nang walang mali ay nagtatamo ng isang mabuting guhit
at masamang guhit ang magkamali nang higit sa makaitlo.30

Ang isang batang mataba, na inaantok at ang mga buhok ay


tuwid at matitigas na wari’y balahibo ng isang sepilyo, ay naghigab at
nag-inat na iniunat ang mga kamay na wari’y nakahiga pa sa banig.
Nainsulto ang katedratiko at pinag-isipang gulatin ito…31

“Oy! Ikaw, antukin, aba! Cosa? Perezoso tambien (Ano? Tamad


ka rin ba?), siguro hindi mo alam ang liksyon, ha?”

Hindi lamang hindi pinupupo ni Padre Millon ang lahat ng nag-


aaral, katulad ng sinumang mabuting prayle,32 kundi, kinakausap pa

28
Ipinapapansin na ang isa sa katangian ng mahusay na guro ay ang pagkakaroon niya ng enthusiasm sa
araling kaniyang itinuturo at ang pagnanais na ipaalam sa kaniyang mga mag-aaral ang kaangatan nito sa
ibang mga aralin.
29
Binigyan ni Rizal ng pagkakaiba ang relihiyon at siyensiya: Ang una ay kuro-kuro, ang huli ay mula sa
pangmasid.
30
Isang matinding batikos ni Rizal sa sistema ng edukasyon na inuulit ang mga pinasaulong ng guro mula
sa libro.
31
Maaring hindi binigyan ni Rizal ng pangalan ang estudyanteng ito, subalit sa kabanatang ito ay hindi
simulado na ibinigay ni Rizal ang NAKAKATUWANG APELYIDO ng mag-aaral na ito.

32 Ibig sabihin ay hindi mabuting prayle si Padre Millon. Ang ginakamit niyang
pagtawag sa kaniyang mga mag-aaral ay ang depresiyatibong TU o Ikaw. Maliit
ang pagtingin sa kaniyang mga estudyante.
sila ng wikang-tindahan, bagay na natutuhan sa katedratiko sa
Canones.33 Kung sa gayong pananalita ay inakala ng reberendo na
kutyain ang mga nag-aaral o ang mga banal na takda ng mga concilio ay
bagay na hindi pa napagpapasyahan kahit pinagtatalunan na nang
mahaba.34

Ang pagkakatukoy ay hindi ikinamuhi ng mga nag-aaral kundi


ikinagalak pa at marami ang nangagtawanan; yaon ay nangyayari sa
araw-araw.35 Gayunman ay hindi natawa ang mataba; biglang tumindig,
kinuskos ang mga mata at wari’y makina ng bapor ang nagpagalaw sa
ponograpo,36 at sinimulan ang pagsasabi nang:

“Salamin ang tawag sa lahat ng pinakintab na ibabaw na


gumagawa ng repleksiyon ng liwanag at larawan ng bagay na itinatapat
rito; ang mga ito ay binabahagi sa salaming metal at salaming kristal…:

“Hintay, hintay, hintay!” ang biglang pigil ng katedratiko.


“Jesus, anong kagaralgalan! Tayo ay nasa punto kung saan ang mga
salamin ay nahahati sa metal at kristal, eh? Ngayon kung bigyan kita ng
isang bloke ng kahoy, ng isang piraso ng kamagon halimbawa, mahusay
makintab at barnisado, o ng isang tipak ng itim na marmol na barnisado
rin, o ng isang parisukat na asabatse, na kung saan ay sumasalamin sa
mga imahe ng mga bagay na nasa harap nila, paano mo uriin ang mga
salamin ito? "37

Ang tinatanong dahil hindi nila alam ang sasabihin o hindi


naintindihan ang tanong, ay nagbalak na makalusot sa pamamagitan ng

33 Sumundot pa si Rizal na kaya bastos si Padre Millon ay dahilan sa ganito


ring paraan siya tinuruan ng kaniyang mga guro sa Canon o kautusan ng
simbahan.

34 Nang-aasar si Rizal sa kawalang galang ng prayle – kung ang magaspang na


ugali na ito ay pambabastos sa mga esudyante, subalit higit na pambabastos
sa aral ng simbahan ukol sa kagandahang asal at tamang pakikitungo sa mga
tao.

35 Pagpapakita ni Rizal ng kamanhiran ng mga estudyanteng Pilipino sa pang-


iinsulto. Tanggap na ng mga mag-aaral na sila ay bastusin ng kanilang mga
guro.

36 Kahanga-hanga ang pagtutulad na ito, ang hyperbole ay kakatwa dahilan sa


ang malaking makina ng bapor ang nagpatakbo ng ponograpo.
37
Mapapansin na ang talakayan ay higit na metapisika at hindi pisika.
pagpapakita na alam niya ang pinag-aaralan. Kaya’t nagpatuloy sa
pagsagot na parang rumaragasang baha.

“Ang mga una ay binubuo ng tanso o haluang metal (alloy), at


ang pangalawa ay binubuo ng isang lapad na kristal na ang dalawang
harap ay kapwa kininis at ang isang panig nito ay may nakadikit na
pahid na tinggang puti.”

“Tum, tum, tum, hindi iyan!38 Dominus vobiscum (Sumainyo


nawa ang Maykapal) ang sinasabi ko sa iyo at ang isinasagot mo sa akin
ay requiescat in pace (Nawa’y mamahinga siya sa kapayapaan)!”

At inulit sa wikang tindahan ng mabait na katedratiko ang


katanungan na nilahukan sa bawa’t patlang ng mga cosa at aba.

Hindi makalabas sa problema ang kaawa-awang binata. Nag-


aalinlangan totoo kung nararapat niyang isama ang kamagong sa mga
metal,39 ang marmol sa mga kristal40 at ang asabatse ay iwan sa
alanganin,41 hanggang sa ang kalapit niyang si Juanito Pelaez ay
bumulong sa kanya ng lihim, na:

“Ang salaming kamagong ay kasama ng mga salaming kahoy!”

Inulit ng lito nating binata ang kanyang nadinig, kaya’t nag-ihit


sa katatawa ang kalahati ng klase.

“Ikaw ang mabuting kamagong!” ang sabi ng katedratiko na pilit


na tumawa. “Tingnan natin kung alin gusto mong tukuyin na salamin:
ang pangmukha, per se, in quantum est superficies, o ang substansiya na
bumubuo ng ibabaw na ito o kaya’y ang bagay na kinapapatungan ng
salaming ito, ang pinagbuhatang materyales na naiba dahil sa
pagkakabago sa kanya ng tinatawag na pangmukha, sapagka’t
maliwanag na sa dahilang ang pangmukha ay kabaguhan ng mga
katawan, ay hindi mangyayaring mawalan ng kabagayan. Tingnan
natin, ano ang sasabihin mo?”

38 Katok: Parang sa ating panahon ay nasasabi natin sa ating kausap na hindi


nakakasakay ang knock, knock, knock.

39 Inaakalang metal dahil sa katigasan ng kahoy

40 Inaakalang Kristal dahilan sa makinis at nababasag ang marmol.

41 Hindi niya matiyak dahil sa ang asabatse/jet ay wala sa uring mineral


“Ako? Wala!” ang isasagot sana ng kahabag-habag na hindi na
maalaman kung ano ang pinag-uusapan dahil sa karamihan ng mga
pangmukha at mga pagbabago na bumabayong masakit sa kanyang
tainga; nguni’t nakapigil sa kanya ang udyok ng kahihiyan; kaya’t balot-
kahapisan at pinapawisan na, noong inulit nang marahan:

“Tinatawag na salamin ang lahat ng ibabaw na pinakintab…”

“Ergo, per te, ang salamin ay ang ibabaw,” ang sabat ng


katedratiko. Linawin mo sa akin ang ganitong bagay. Kung ang ibabaw
ay siyang salamin ay iba sa kabagayan ng salamin ang ano mang
nalalagay sa likuran, sa dahilang ang nasa likod ay hindi
makapagbabago sa nasa harapan, id est, sa ibabaw, quae super faciem
est, quia vocatur superficies facies ea quae supra videtur (Kung ano ang
nasa ibabaw ng mukha ay tinatawag na pang-ibabaw ng mukha
sapagka’t nakikita sa kaibabawan), pinaaayunan mo o hindi?”

Lalo pang nanindig ang buhok ng kaawa-awang binata na wari’y


hinila ng isang puwersang malakas na magneto.

“Sinasang-ayunan mo ba o hindi?”

"Kahit ano! Anuman ang nais mo, Padre, "ay ang kanyang naiisip,
ngunit hindi siya mangahas sa ipahayag ito ay mula sa takot ng
panlilibak.42 Iyon ay isang mahirap na kalagayan sa katunayan, at hindi
kailanman siya napasubo sa isang mas masahol pa rito.43 Mayroon
siyang munting gunita na hindi mapa-ayunan ang kahit napakaliit na
bagay sa mga prayle, na hindi nila pinalalabasan ng lahat ng pangyayari
at kapakinabangang mahahaka,44 kundi’y magsabi na ang kanilang
mga lupaing ari at mga kurato.45 Kaya’t ang iniudyok ng kanyang
anghel na tagapag-adya ay ipagkait nang buong tibay ng kaluluwa at
katigasan ng kanyang buhok ang anumang bagay, at handa nang
bumitiw ng isang matinding nego!,46 sa dahilang ang hindi umaamin

42 Maliit na salita, subalit ipinakita na ang pangunahing parusa sa


kumakalaban sa prayle ay ang panlilibak.

43 Pagpapakita na ang pinakamasahol na kapalaran ng isang Pilipino ay ang


magkaroon ng konprontasyon sa prayle.

44 Ang lahat ng sagot ay dapat na para sa kapakinabangan ng prayle at ang


hindi kaayon nito ay mapapasa-panganib.

45 Ito ang pinakamatibay na patotoo. Ang lupain o hacienda na napasakamay


ng mga prayle na ang isa sa ginamit na halimbawa ni Rizal ay ang kay
Kabesang Tales. Ang kurato na nakuha nila sa mga paring Pilipino.
ng anuman ay walang tinatanggap, ang sabi sa kanya ng isang
kawani sa hukuman; datapwa’t ang masamang ugaling hindi nakikinig
sa udyok ng sariling budhi, ang di pananalig sa mga taong nakaaalam
ng kautusan at ang paghanap ng abuloy sa iba gayong sukat na ang
kanyang sarili, ay siyang sa kanya’y sumira. Hinuhudyatan siyang
umayon ng mga kasama, lalo na si Juanito Pelaez, at sa pagpapadala sa
masama niyang kapalaran ay bumitiw ng isang umaayon po ako, padre,
na ang boses ay malamlam na waring ang tinuran ay In manus tuas
commendo spiritum meum (Inihahabilin ko sa iyong mga kamay ang
aking kaluluwa).47

“Concedo antecedentem,” ang ulit ng nagtuturo na ngumiting may


kahulugan, “ergo, maaaring kayurin ko ang tinggang puti ng isang
salaming kristal, palitan ng kaputol na bibingka at salamin din ba ang
kalalabasan. Ha? Ano? Magkakaroon tayo ng salamin?”

Ang binata’y tumingin sa mga bumubulong sa kanya nguni’t


nang makitang sila’y pawang gulilat din at hindi maalaman ang turan
ay nalarawan sa kanyang mukha ang mapait na pagsisisi. Deus
meus, Deus meus, quare dereliquiste me (Diyos ko, Diyos ko, bakit
Mo ako pinabayaan), ang ipinahahayag ng kanyang hapis na
paningin samantalang ang kanyang mga labi’y bumibigkas ng
nilintikan!48 Walang nangyari sa kanyang kauubo, binatak ang petsera
ng kanyang baro, itatayo ang isang paa, pagkatapos ay ang isa naman,
walang matagpuang kalinawan.

“Siya, may ano tayo?” ang ulit ng nagtuturo na natutuwa dahilan


sa kaniyang pangangatwiran.

“May bibingka?” ang bulong ni Juanito Pelaez, “may bibingka!”

“Tumigil ka, hangal!” ang sigaw na tuloy ng di magkantututong


binata na ibig maiwasan ang kagipitan sa paraang mang-away.

“Tingnan natin, Juanito, kung maipapaliwanag mo ang bagay na


ito!” ang tanong ng katedratiko kay Pelaez.

46
Ipinapakita rito ang pagtutol ng budhi ng mag-aaral na pasakop sa hindi tamang pamamaraan ng prayle.
47
Nailarawan ni Rizal sa mag-aaral na ito, ang pagsuko ng kaniyang isipan at budhi sa kagustuhan ng isang
taong manlulupig ng isip.

48 Siguro si Rizal ay natatawa matapos niyang mailarawan sa ganitong


kaayusan ang mag-aaral na ito. Isang napakagandang paglalarawan ng mukha
ng hipokrisiya.
Si Pelaez, na isa sa mga kinagigiliwan niya, ay dahan-dahang
tumindig, nguni’t siniko muna si Placido Penitente na siyang sumusunod
sa talaan. 49 Ang ibig sabihin ng pagsiko ay:

“Huwag kang malilingat at tulungan mo ako!”

“Nego consecuentiam, padre!” ang sagot na walang kagatul-gatol.

“Aha, kung gayo’y probo consecuentiam! Per te, ang makintab na


ibabaw ay siyang tunay na salamin.

“Nego suppositum!” ang putol ni Juanito nang maramdamang


binabatak siya ni Placido sa amerikana.

“Papaano? Per te…”

“Nego (Tinututulan ko)!”

“Ergo (Samakatwid), inakala mo na ang nasa likuran ay siyang


esensiya ng harapan?”

“Nego!” ang sigaw na lalo pang malakas, dahil sa


pagkakaramdam ng isa pang batak sa kanyang amerikana.

Si Juanito, o lalong tumpak, si Placido, na siyang nagdidikta, ay


hindi nakakahalatang ang nagagamit niyang taktika ay ang sa Insik:
huwag tumanggap ng kahit ng isa mang pinakamabait na dayuhan
upang di siya masalakay.50

“Papaano ba tayo?” ang tanong ng nagtuturo, na may kaunting


kalituhan at di mapalagay, na tinitingnan ang ayaw magparaang mag-
aaral, “Ba ang mga sangkap sa likod makakaapekto sa, o ay ito ay hindi
makakaapekto sa, sa ibabaw?"

Sa tiyak na katanungang ito, na maliwanag, na wari’y ultimatum,


ay hindi maalaman ni Juanito ang isasagot at wala namang iudyok sa
kanya ang kanyang amerikana. Walang mapala sa kahuhudyat kay
Placido; si Placido ay alinlangan. Sinamantala ni Juanito ang sandaling

49 Alphabetical ang arrangement ng recitation. Kailangan na pansinin ang


apelyido ng mga mag-aaral na ginamit ni Rizal sa mga eksena ng kabanatang
ito. Si Pelaez ang nakasalang ngayon, ano ang pangalan ng kaniyang
sinundan?

50 Tumutukoy sa patakarang pagsasara ng mga Tsino sa kanilang bansa sa


mga dayuhan.
pagkakatingin ng katedratiko sa isang nag-aaral, palihim na inalis sa
paa ang mahigpit na saping suot, at niyapakang malakas si Placido na
sabay ang sabing:

“"Sabihin mo sa akin ang sagot, magmadali, sabihin sa akin!"

“Distingo…aray! Napakahayop ka!” ang sigaw na hindi kinukusa


ni Placido na tinitingnang pagalit si Juanito, samantalang hinihipo ang
kanyang sapatos na katad.

Nadinig ng propesor ang sigaw, tinitigan sila at nahulaan ang


nangyayari.

“Oy, ikaw, espiritu sastre!”51 ang sabi, “hindi ikaw ang tinatanong
ko, dahil ginawa mo ang magligtas sa iba ay tingnan natin, iligtas mo
ang katawan mo, salva te ipsum, at ipaliwanag mo sa akin.”52

Tuwang umupo si Juanito at bilang pagtanaw ng kanyang utang


na loob ay pinalawit pa nito ang dulo ng kaniyang dila para sa tumulong
sa kanya. Samantalang ito ay namumula sa kahihiyan, ay tumindig at
bumulong nang di malinawagang mga pagdadahilan.

Tiningnan siyang sandali ni Padre Millon, na waring lumalasap


sa tingin ng isang pagkain. Kay inam siguro na pangayupapain at
ilagay sa kahihiyan ang magarang binata na iyong, palaging mainam
ang bihis, taas ang ulo at aliwalas sa paningin!53 Isa ring kawanggawa
ang gayon: kaya’t ipinatuloy nang buong puso ng nagtuturo ang gawain,
na maliwanag na inulit ang katanungan:

“Sinasabi ng aklat na ang mga salaming metal ay binubuo ng


tanso o pagkakahalo ng iba’t ibang metal (alloy), totoo o hindi?”

51 Tinawag na espiritu sastre sa dahilang siya ay lihim na tumutulong kay


Juanito sa pamamagitan ng paghila sa suot nitong amerikana.

52 Ang katotohanan ang naligtas si Juanito Pelaez ang iniligtas ng


katedratiko.Dahilan sa inalis niya ang tanong kay Juanito at inilipat kay
Placido Penitente.

53 Mula sa mga binanggit na pangmasid ni Padre Millon ay nagawa ni Rizal na


mailarawan ang kaniyang naising hitsura ng mga mag-aaral ng Unibersidad sa
kaniyang kapanahunan. Makikita ito sa tulang Juventud Filipina na kaniyang
nilikha na nagsasabi na: Itaas mo sa araw na ito, ang iyong malinis na noo,
Kabataang Pilipino, Magandang pag-asa ng aking bayan”
“Sinasabi ng aklat, padre…”54

“Liber dixit ergo ita est (Ganyan ang sinasabi ng aklat), hindi mo
nasa ang dumunong pa kaysa aklat… At pagkatapos ay idinugtong na
ang mga salaming kristal ay binubuo ng isang palas na kristal, na ang
dalawa niyang mukha ay kininis at ang isa sa kanila ay may pahid na
tinggang puti, nota bene,. “Tunay ba ito?”

“Kung sinasabi ng aklat, padre…”

“Ang tinggang puti ay metal?”

“Tila po, padre; sinasabi ng aklat…”55

“Metal nga, metal nga, at ang ibig sabihin ng salitang alloy ay


ang pagkakahalo niya sa asoge na isa ring metal. Ergo ang isang
salaming kristal ay isang salaming metal; ergo ang mga
pagkakabahagi ay hindi maliwanag, ergo ang pag-iiba-iba ay masama,
ergo… Papaano mo ito ipapaliwanag, espiritu sastre?”

At tinindihan ang mga ergo at ang mga mo ng buong diin at


ikinindat ang mga mata na waring ang ibig sabihin ay “prito ka na!”

“Dahilan ay …” ang bulong ni Placido.

“Kung gayon ay hindi mo naiintindihan ang liksyon, budhing


aba, na wala ng alam ay nanunulsol pa sa kapwa.”56

Ang buong klase ay hindi nagdamdam sa gayon, inari pang


mainam ng marami ang pagkakatulala, kaya’t nangagtawanan. Kinagat
ni Placido ang kanyang mga labi.57

“Ano ang pangalan mo?” ang tanong ng pari.

Matigas na sumagot si Placido.

54 Ang sagot ni Placido ay isang paniniyak na hindi siya malalagay sa


alanganin, nanangan siya sa nakasulat sa aklat.
55
Sa paraan ng pagsagot ni Placido ay waring siya ang guro.

56 Naiintindihan ni Placido ang leksiyon, subalit ang hindi mapagmaparaya at


ang paniniwala ng katedratiko na siya lamang ang tama ay sapat upang huwag
makapagpahayag ng sariling kaisipan ang mga mag-aaral.

57 Isang puna ni Rizal sa mga mag-aaral ng UST. Nagagawa nilang pagtawanan


ang ibang kaklase, samantalang nangyayari rin sa kanila iyon.
“Ah! Placido Penitente, mukha ka pang Placido Soplon o
Soplado. Nguni’t bibigyan kita ng Penitencia (parusa) dahil sa iyong mga
sopladuria (kahambugan).”

At tuwang-tuwa sa kanyang mga paglalaro ng pananalita ay


ipinag-utos kay Placido na turan ang liksyon. Sa kalagayang iyon ng
binata ay nagkaroon ng mahigit na tatlong mali.58 Nang makitang
gayon ng paring natututo ay itinangu-tango ang ulo, binuksang dahan-
dahan ang talaan at banayad na banayad na tinunghan, samantalang
binabanggit na marahan ang mga pangalan.

“Palencia… Palomo… Panganiban… Pedraza… Pelado…59


Pelaez… Penitente. Aha! Placido Penitente, labinlimang araw na kusang
pagliban sa klase.”60

Si Placido ay umunat.

“Labinlimang pagliban, padre?”

“Labinlimang kusang paglibansa pagpasok,” ang patuloy ng


nagtuturo. “Kung gayo’y isa na lamang ang kulang upang maalis sa
talaan.”

“Labinlimang pagkukulang, labinlima?” ang ulit ni Placido na


nagugulumihanan, “makaapat pa lamang akong nakaliban, at kung
bagaman ay ngayon ang ikalima.”

“Husito, husito, senolia (tama, tama, maginoo)!” ang sagot ng pari


na minasdan ang binata sa ibabaw ng kanyang salaming may kulob na
ginto. “Kinikilala mong nagkulang ka ng makalima, at ang Diyos ang
nakababatid kung hindi ka nagkulang nang higit pa sa roon! Atqui sa
dahilang bihira kong basahin ang talaan, at sa bawa’t pagkahuli ko sa
isa ay nilalagyan ko ng limang guhit, ergo, ilan ang maakalimang lima?

58
Ipinakita ni Rizal na sa harapan ng isang saradong isipang guro ay hindi maaring makapag-isip ng
maliwanag ang isang mag-aaral. Sa NMT, ang mga mag-aaral sa primarya ay pinapalo, sa kolehiyo naman
ay hinihiya.

59 Kung ito ang listahan ng mga estudyante – lumilitaw sa ayos ng mga


sumagot sa klase ang huli ay si Penitente, na sumunod kay Pelaez, ang unang
sumagot na binatang may buhok na parang sepilyo ay si Pelado – na ang
kahulugan ay tinalupan/peeled.

60 Tinatawag na kusang pagliban, dahilan sa walang excuse letter.


Nakalimot ka na marahil ng multiplikar! Makalimang lima ay
ilan?”61

“Dalawampu’t lima.”

“Husito, husito! Sa gayon ay nakalalamang ka pa ng sampu,


sapagka’t makaitlo lamang kitang nahuli sa pagkukulang… Uy! Kung
nahuli kita sa lahat ng pagliban mo, a… At ilan ang makaitlong lima?”

“Labinlima…”
“Labinlima, parejo camaron con cangrejo!” ang tapos ng nagtuturo
na itinupi ang talaan, “pag nagkabiso ka pang minsan ay, sulong!
Apuera de la fuerta (sa labas ng pintuan)! Th! At ngayon ay isang
pagkukulang sa liksiyon sa araw-araw.”

At muling binuksan ang talaan, hinanap ang pangalan at nilagyan


ng isang munting guhit.

“Siya, isang munting guhit!” ang sabi, “pagka’t wala ka pa ni isa


man lamang!”

“Padre,” ang sabi ni Placido na nagpipigil pa, “kung lalagyan po


ninyo ng pagkululang sa liksyon, padre, ay dapat po naman, padre,
na alisin ninyo ang pagliban ko sa pagpasok na inilagay ninyo
ngayon sa akin.”

Ang pari ay hindi sumagot; inilagay munang dahan-dahan ang


pagkukulang, tiningnang ikiniling ang ulo – marahil ay mainam ang
pagkakaayos ng guhit – tiniklop ang talaan at pagkatapos ay pakutyang
tumanong:

“Aba! At bakit, Ñol?”

“Sapagka’t hindi malilirip, padre, na ang isang tao’y magkulang sa


pagpasok at makapagbigay ng liksyon…ang sabi po ninyo, padre, ay ang
naroon at ang wala…”

“Naku! Metapisiko pa, wala pa lamang sa panahon! Hindi


malilirip, ha? Sed patet experientia at contra experientiam negantem,
fusilibus est arguendum (pag ang isang tao’y hindi umaalinsunod sa
itinuturo ng karanasan ay gumagamit ng lakas sa pakikipagtalo), alam
mo? At hindi mo malirip, pilosopo, na mangyayaring magkasabay na

61 Gaya ng napansin ng nagsasaliksik na ang klase ay hindi talakayan ukol sa


PISIKA, higit itong METAPISIKA, mapansin sana na sa bahagi lamang na ito
gumamit ng matematika sa talakayan.
magkulang sa pagpasok at hindi matuto ng liksiyon? Diyata’t ang
hindi pagpasok ay katuturan na ng karunungan? Ano ang sasabihin
mo pilosopastro (nagkukunwang pilosopo)?”

Ang huling binyag na ito’y siyang naging patak na


nakapagpaapaw sa sisidlan. Si Placido, na kinikilalang pilosopo ng
kanyang mga kaibigan ay naubusan ng pagtitiis, inihagis ang aklat,
tumindig at hinarap ang paring nagtuturo.

“Sukat na, padre, sukat na! Maaari pong lagyan ninyo ako ng
mga pagkukulang na ibig ninyong ilagay, nguni’t wala po kayong
karapatang lumait sa akin.62 Maiwan kayo sa inyong klase sapagka’t
hindi na ako makapagtitiis pa.”63

At umalis na nang walang paalam.

Ang buong klase ay nasindak: ang gayong pagpapakilala ng


karangalan ay hindi pa halos nakikita: Sino ang makaaakala na si
Placido Penitente… Ang paring nagtuturo, na nabigla, ay napakagat-
labi at minasdan siya sa pag-alis na itinatango ang ulo na may
pagbabala. Ang boses ay nanginginig na sinimulan ang sermon na ang
salaysayin ay ang dati rin, kahi’t lalong malakas at lalong mapusok ang
pangungusap. Tinukoy ang nagsisimulang pagmamataas, ang di
paglingap ng utang na loob sapul pagkatao, ang kapalaluan, ang di
paggalang sa mga nakatataas, ang kapalaluang iniuudyok sa mga
binata ng espiritu ng kadiliman, ang kakulangan sa pinag-aralan, ang
kadahupan, atbp. Matapos iyon ay tumuloy naman sa pagpaparunggit
at pagkutya sa hangad ng ilang sopladillo na magturo pa sa kanilang
mga guro at magtatayo ng isang akademya na ukol sa pagtuturo ng
wikang Kastila.

“Ha, ha!” anya, “iyang mga kamakalawa lamang ay babahagyang


makabigkas ng si Padre, no Padre ay ibig pang lumalo sa mga inubanan
na sa pagtuturo? Ang sadyang ibig matuto ay natututo mayroon man
o walang mga akademya! Marahil iyan, iyang kaaalis pa lamang ay isa
sa mga may panukala! Kay inam ng kalalabasan ng wikang Kastila sa
mga ganyang tagapagtanggol! Saan kayo kukuha ng panahong
ipaparoon sa akademya gayong halos kinakapos kayo sa ikagaganap sa
kailangan ng klase? Ibig naming matuto kayo ng wikang Kastila at
masalita ninyong mabuti upang huwag ninyong sirain ang aming tainga

62 Isang lihim na panunulsol ni Rizal sa mga estudyante ng UST na


ipakipaglaban nila ang kanilang mga karapatan.

63 Tandaan na ang sumulat ng nobela ay umalis din ng pag-aaral sa UST.


sa inyong mga gawi at inyong mga P,64 nguni’t una muna ang
katungkulan bago ang pagdadasal; tumupad muna kayo sa inyong pag-
aaral at saka kayo mag-aral ng wikang Kastila at pumasok pa kayong
manunulat kung ibig ninyo.”

At nagpatuloy sa gayong kasasalita hanggang sa tumugtog ang


kampana at matapos ang klase, at ang dalawang daan at tatlumpu’t apat
na mag-aaral, matapos makapagdasal ay umalis na wala ring natutunan
kagaya nang pumasok, nguni’t nangagsihingang wari’y naalisan ng
isang malaking pataw sa katawan. Ang bawa’t isa sa mga binata’y
nawalan ng isang oras pa sa ganyang pamumuhay, at kasabay noon ang
isang bahagi ng karangalan at pagpapahalaga sa sarili, nguni’t sa isang
dako naman ay nararagdagan ang panghihina ng loob, ang di pagkagiliw
sa pag-aaral at ang mga pagdaramdam ng mga puso. Matapos ito’y
hingan sila ng karunungan, karangalan, pagkilala ng utang na loob!

De nobis post hoec, tristic sententia fertur (at saka pagkatapos,


walang nalalabi sa atin kundi pawang malulungkot na hatol)!

At gaya rin ng dalawang daa’t tatlumpu’t apat na ito’y dinaan


ang mga oras ng kanilang klase ng libo at libong mag-aaral na nauna sa
kanila, at, kung hindi maaayos ang mga bagay-bagay, ay daraan ding
gayon ang mga susunod at magiging mga batingol, at ang
karangalang sinugatan at ang sigabong ligaw ng kabataan ay
magiging pagtatanim at katamaran, na gaya ng mga alon, na
nagiging maputik sa ilang pook ng dalampasigan, na sa
pagsusunuran ay lalo’t lalo pang lumalapad ang naiiwan ng yagit.
Datapwa’t iyong mula sa walang katapusan, na nakakakita sa mga
ibubunga ng isang kagagawan na nakakalas na wari’y sinulid. Iyong
tumitimbang ng mga sandali at nagtakda sa kanyang mga nilalang na
ang unang batas ay ang paghanap ng ikasusulong at ng kawastuan.
Iyong, kung tapat, ay hihingi ng pagtutuos na dapat hingan, ng dahil sa
mga yuta-yutang pag-iisip na pinalabo at binulag nang dahil sa
karangalang pinawi sa yuta-yutang tao at nang dahil sa di-mabilang na
panahong lumipas at gawang nawalan ng kabuluhan! At kung ang mga
turo sa Ebanghelyo ay may tining na katotohanan ay mananagot din
ang mga yuta-yutang hindi nangatutong itago ang liwanag ng
kanyang pag-iisip at ang karangalan ng kanyang budhi, gaya rin
naman nang pag-uusisa ng panginoon sa alipin ng salaping
ipinanakaw niya dahil sa karuwagan!

64 To confuse the letters p and f in speaking Spanish was a common error


among uneducated Filipinos.

You might also like