You are on page 1of 4

2 uri ng pangungusap

Pangungusap

Lipon ng mga salita na buo ang diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang simuno at panag-uri.

Pangkayarian (Function Words)

Pang-ugnay - ang mga ito ay nagpapakita ng kaugnayan o relasyon ng isang salita o parirala sa iba
pang salita o parirala sa loob ng pangungusap

Pangatnig (conjunction words) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay.

hal. at, o, ni, kapag, pag, kung, dahil, sapagkat, kasi, upang, para, kaya, nang

Pang-angkop - ang -ng, na at -g

-ng - ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.

hal. Masayang naglalaro ang mga bata. malaking ugat, pusong mamon, murang bilihin

na - ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig

hal. Mataas na kahoy ang kanyang inakyat. malinis na hangin, Diyos na makapangyarihan

-g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.

hal. masunuring bata, luntiang halaman, kalayaang nakamit

Pang-ukol - bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay na pinag-


uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon.

hal. ng, laban sa/kay, hinggil sa/kay, para sa/kay, labag sa, ukol sa/kay, tungo sa, ayon sa/kay, mula sa,
alinsunod sa/kay, nang may, tungkol sa/kay, nang wala,

hal. Ayon kay Jose Rizal, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan."

Para sa kanila itong regalo, Mula sa Pilipinas ang mga Pinoy, Tungkol sa mga bata ang pinag-uusapan
nila, Para sa mga bata itong pagkain.

Pananda - ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap

Pantukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy ng tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang
uri.

Pantukoy na pantangi - Si, Sina, Kay, Kina, Ni, Nina

hal. Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Mi Tangere. Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

Pantukoy na Pambala - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana - ang, ang mga

hal. Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

Nagtulong-tulong ang mga mag-aaral sa panggawa ng collage.

Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pangawing o Pangawil - ay pananda sa ayos ng pangungusap at pandiwa ang tagapag-ugnay ng paksa at


panaguri.

hal. Ako ay nalilito. Ang atlas ay isang uri ng aklat. Si Almira ay gumagawa ng kanyang takdang- aralin.
Pangnilalaman (Content Words)

Mga Nominal - sapagkat kapwa ginagamit na panawag sa tao, hayop, bagay, pook o pangyayari

Pangngalan (NOUN) - pasalitang simbolo ang tinutukoy au ngalan ng tao, bagay, hayop, pook,
pangyayari.
TAO BAGAY HAYOP POOK PANGYAYARI
Anak Lapis Aso Korea Kasalan
bata aklat pusa bayan kaarawan

Dalawang Klasipikasyon ng Pangalan

a. Pantangi - tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari.

hal. Ninoy Aquino, Cavite, Philippines, Normal University

b. Pambalana, karaniwan o balanang ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.

hal. silid-aklatan, pahayagan, paaralan, pangulo

Uri ng Pambalana

Kongkreto o Tahas - mga bagay na tumutukoy sa bagay o materyal na nakikita at maaaring hawakan

hal. kagubatan, prutas, gulay

Di Kongkreto o Basal - diwa o kaisipan ang tinutukoy at hindi materyal (hindi nakikita o nahahawakan ngunit
nadarama)

hal. pagsisikap, pag-asa, paglinis

Lansakan - nangangahulugan ng bilang o dami na pinagsama-sama ngunit ang bilang ay walang katiyakan

hal. klase

Mga gamit ng pangngalan

Simuno o Paksa (subject) - pangngalan na pinag-uusapan sa pangungusap

hal. Ang katutubo ay humihingi ng paumanhin.

Ang mga nilikha ay ipinagkatiwala sa atin ng Maykapal.

Kaganapang Pansimuno (Subject Compliment) - pangngalang sumusunod sa panandang ay

hal. Ang kanin ay pagkaing laging nasa hapagan-kainan.

Si Pamulak Manobo ay dakilang bathala ng mga Bagobo.

Pamuno (Appositive) - ang simuno at isa pang pangngalan nasa paksa ay iisa lamang

hal. Si Mang Carlito, isang magsasaka ay nagtanim ng palay.

Si Pamulak Manobo, ang bathala ng mga Bagobo ay mapagmahal sa tao.

Pantawag (Direct Adress) - pangngalang tinatawag sa pangungusap.

hal. Mario, bungkalin mo ang lupa at taniman ng palay.

Si Pamulak Manobo, ipasala po ninyo ang ulan.

Layon ng Pandiwa (Direct Object) - pangngalan pagkatapos ng pandiwa

hal. Naglatag ng dahon sa mesa ang mga bathala.

Layon ng Pang-ukol (object of the preposition) - pangngalang pinaglalaan ng kilos

hal. Ipinagkaloob sa mga katutubo ang gintong bintil.


Panghalip (PRONOUN)

ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na gamit na sa parehong pangungusap. Ang
salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit"

Panghalip Panao (Personal Pronoun)

Ang Panghalip panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap, at pinag-uusapan, Ito ay


maaaring isahan o maramihan.

hal. Una -Ako, ko, akin, amin, kami, atin, tayo, kami, kita

dalawahan- inyo, iyo, mo, ikaw, kayo, inyo, ninyo,

maramihan- siya, kanila, kaniya, niya, nila, sila, kanila,

Panghalip Pamatlig (Demonstrative Pronoun)

ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Inihalili rin ito sa


pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap, o nag-uusap.

Malapit sa nagsasalita - ito, nito, ganito, heto, dito

Ito ay masarap na prutas. Dito ka maghiwa ng gulay.

Heto na ang pasalubong ko sa inyo.

Malapit sa kinakausap - iyan, niya, ayan, diyan

Iyan ang libro ko. Ayan na sa likod mo ang asong ulol. Diyan mo ilapag ang mga bayong.

Malayo sa nag-uusap - ayon, hayon, iyon, yaon, noon, doon

Iyon ang bahay nila Paolo. Ayon ang magnanakaw. Doon tayo kumain

Panghalip Pananong (Interrogative Pronoun)

hal. ano, ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin

pantao (sino, kanino) Sino ang kumuha ng bolpen? Kanino kaya mapupunta ang gantimpala?

bagay, hayop, lugar (ano, alin) Ano ang laman ng kahon? Alin dito ang sa iyo?

bagay, hayop, lugar, tao (ilan) Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?

Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)

ay mula sa salitang "saklaw", kaya' may pahiwatig na "pangsaklaw" o "pangsakop" ay tinatawag na


indefinite pronoun - literal na "panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak.

hal. lahat, madla, sinuman, anuman, pawang, alinman

Panghalip Pamanggit

(mula sa salitang banggit, kayat pakahulugang pambanggit o pangsabi) ay may mga halimbawang
kinabibilangan ng mga salita o pandugtong

hal. na, -ng

Panghalip na Patulad

ay inahalili sa itinutulad na bagay

Ganito - malapit sa nagsasalita Ganito ang paggawa niyan.

Ganyan - malapit sa kausap Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon - malayo sa nag-uusap Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog.


Kaukulan ng Panghalip

Palagyo - kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap.

hal. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan.

Tayo ay magtitipid upang mabili nating ang ating gusto.

Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.

Paari - ito ay nagsasaad ng pang-angkin ng isang bagay sa loob ng pangungusap

hal. Ang bahay nila ay malapit paaralang iyong papasukan.

Ang aking lolo ay isang sastre.

Palayon - ginagamit na layon ng pang-ukol(preposition) o pandiwa (verb)

hal. ang batas na ito ay makasasama para sa madla.

Pandiwa

Panuring - ginagamit na panuring bagamat magkaiba ang binibigyang turing

Pang - uri

Pang-abay

You might also like