You are on page 1of 25

SCENE 1:

Narrator: Balitang balita sa buong Kamaynilaan ang isang malaking pagtitipon na


magaganap sa mga huling araw ng Oktubre. Lahat ay aligaga at labis na naghahanda
para sa pakikipagsosiyalan sa nasabing pagdiriwang.

Babae 1: Oy, alam mo ba, kumare? Isang pagdiriwang daw ang magaganap sa bahay
nina Kapitan Tiyago!

Babae 2: Aba, kina Kapitan Tiyago ng aba, ine? Hmmm… Naturalmente lamang na
ito’y magiging magarbo!

Lalaki: Aba siyempre, ano! Paniguradong magdaratingan ang mga donya’t don sa
tahanan ng mga Santiago De Los Santos!

Babae 1: Ay, tama ka diyan!

Babae 2: Kaya’t kailangan talaga nating magsipaghanda!

Lalaki: Pasosyalan na naman ito!

Babae 2: Hayy. O, Bueno! Mauna na ko, ha? Magkita-kita na lang tayo doon!

Lalaki: Bueno, siya sige, Mabuti pa nga!

Babae 1: Oh, sige, paalam na sa inyo! Kita kita na lang!

-EXIT LAHAT-

Scene 2: ISANG SALU-SALO

Tiya Isabel: Buenos Tardes, mga seniora, senior! Maligayang pagdating sa tahanan ng
mga Santiago De Los Santos!

BAWAT PAPASOK:

-grupo ng kababaihan
-mga lalaki
-mga nasa bilog na lamesa

Mga babae: Magandang gabi, Tiya Isabel!


Tiya Isabel: Magandang gabi din, mga dilag! Magtipon muna kayo diyan, habang
nagaantay ng mga bisita ah!
Mga babae: Salamat po.

Babae 1: Grabe! Napakaganda ng bahay nila, anoh?

Babae 2: Sobra! Parang isang palasyo!

Babae 3: TAWANAN!

Mga Lalaki:

Lalaki 1: Napakaganda naman dito, ano? Napakadaming palamuti.

Pari Damaso ay papasok, uupo, nakakunot ang noo.

Pari Salvii: Oh, nasan si Kapitan Tiyago?

Tiya Isabel: Siya’y hindi pa dumarating, eh. Teka, paumanhin ngunit magpupunta
muna ako sa kusina (pagod na dahil sa katandaan)

-haay, andaming tao! –(pabulong na reklamo)

Narrator: At sa isang bilog na lamesahang kinauupuan nina Pari Damaso,


umaalingasaw ang masaklap na paglalarawan ng prayle ukol sa ugali ng mga Indiyo.

Padre Damaso: Hindi ba ninyo batid na marami sa mga Indiyo ang mangmang?

Laruja: Padre Damaso, hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indiyo?

Padre Sibyla: Maaaring masaktan mo si Kapitan Tiyago.

Damaso: Hmp! Matagal nang ipinagpalagay ni Tiyago na siya’y hindi isang Indiyo.
Inuulit ko, wala nang makakatalo sa kamangmangan ng mga Indiyo.

Narrator: Biglang natigil ang usapan nang dumating si Kapitan tiyago kasama si
Crisostomo Ibarra.

Tiyago: Mga kaibiga, inkinagagalak kong ipakilala sa inyo, ang dahilan ng pagsasalong
ito… ang anak ng nasira kong kaibigan, si Don Crisostoma Ibarra. Kararating lamang
nya mula sa Europa.
Crisostomo: Buenos Noches Amigos. Sa mga kura sa aking bayan… at sa matalik na
kaibigan ng aking ama, Padre Damaso (hindi pinansin) …patawarin po ninyo ako sa
aking pagkakamali.

Damaso: Hindi ka nagkakamali. Ako nga si Padre Damaso, ngunit kailanma’y hindi ko
naging matalik na kaibigan ang iyong ama.
Tinyente: Kayo nga ba ang anak ng yumaong si Rafael Ibarra?

Crisostomo: Sa inyong lingkod, Senor Tinyente.

Tinyente: Maligayang pagdating. Nawa’y mas naging mapalad kasyo kaysa sa inyong
ama.

Crisostomo: Maraming Salamat po.

Utusan: Nakahanda na ang hapunan!

Narrator: Ang mahahalagang tauhan ay patungo na sa hapagkainan! Hindi


sinasadyang naapakan ni Tinyente Guevarra ang laylayan ng bestida ni Donya
Victorina.

Victorina: Wala ka bang mga mata?

Tinyente: Mayroon po, Senora. Mga matang mas malinaw pa kaysa sa inyo. Ngunit ako
ay nakamasid sa kulot niyong buhok.

SA HAPAGKAINAN.

Laruja: Senor Ibarra, sa halos pitong taong ninyong pamamalagi sa ibang bansa, anong
pinakamahalagang bagay ang Nakita nyo?

Crisostomo: Nang natutunan ko ang kasaysayan, nalaman kong ang kalayaan o ang
pagkakaalipin ng isang bansa ang nagdidikta ng kasaganahan o paghihilakos nito.

Damaso: Nagawa mong lustayin ang iyong yaman para lamang diyan? Wala ka na
bang nakitang mas mahalaga? Isa kang bulag! Kahit ang isang bata’y alam yan!

Crisostomo: Nagpapasalamat ako’t palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa’y
ipagpaumanhin ninyo ako. Kagagaling ko lamang sa mahabang biyahe at may
aasikasuhin pa ako bukas. Para sa Espana at Pilipinas!

Tiyago: Huwag ka munang umalis, darating pa si Maria Clara.


Ibarra: Bibisitahin ko po siya bukas. Sa ngayon ay may importante pa akong dapat
gawin.

Narrator: Nakaalis na nga si Ibarra.

Damaso: Nakita na ninyo? Ganyan ang nangyayari sa mga kabataang ipinapadala sa


Europa! Nagiging mayabang at mapagmataas! Kaya nararapat lamang talagang
ipagbawal na ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa.

END OF SCENE.

SCENE 3: EREHE AT PILIBUSTERO.

NARRATOR: Hindi alam ni Ibarra kung saan siya pupunta. Naglalamig sa kalsada at
siya’y walang tiyak na matutuluyan. Kaya nama’y nagmasid masid sya sa paligid ng
kanilang bayan, sa may simbahan at inaala na rin niya ang mga alaala niya sa kaniyang
nilisang bayan.

(dantayan siya sa balikat ng isang kamay)

IBARRA: Ay, kayo ho pala yan, Tinyente!


TENYENTE: Pasensiya na , Ibarra, ngunit gusto lamang kita sabihan na mag-ingat.
IBARRA: Mag-ingat po saan, Tenyente? Kagaya ng ama ko, ako ay walang kaaway.
TENYENTE: Wag kang masyadong pakasiguro, Ibarra. Baka ikaw ay magsisi. Hayy.
Hangga’t sa pinakahuling oras ng kaniyang pagkakakulong, hindi naniniwala si Don
Rafael na siya ay may mga kalaban.
IBARRA: Mapaumanhin po, Tenyente. Kung di po ako nagkakamali ay naging
napakabuti niyo sa isa’t isa ng aking ama. Maaari nyo po bang isalaysay sa akin ang
kapalaran ng sinapit ng aking ama?
TENYENTE: Ay! Ngayo’y hindi niyo pa pala alam?
IBARRA: Opo, hindi ko pa po alam.
TENYENTE: Gaya nga ng pagkakabatid ng karamihan, sa bilangguan namatay ang
inyong ama.
IBARRA: Sa bilangguan? Sinong nabilanggo?
TENYENTE: Kayo naman ho! Ang inyong ama na si Don Rafael ang nabilanggo.
IBARRA: Ang ama ko, nabilanggo? Sigurado ho ba kayo na iyan ang aking ama?
TENYENTE: Iisa lamang naman po si Don Rafael Ibarra.
IBARRA: Tam apo kayo diyan, nag-iisa lamang ang ama ko.
TENYENTE: Isang napakayamang tao sa San Diego ang ama ninyo ngunit iba ang
pananaw niya sa buhay kaya’t siya ay pinaratangan ng simbahan. Siya ay tinawag na
erehe at pilibustero. Ang kura paroko ay palagi siyang pinariringgan sa kanyang mga
pabasa bagama’t hindi binabanggit ang kaniyang pangalan. Dahil ito sa pagkakamatay
niya sa isang artilyero.

FLASHBACK:

TENYENTE: Isang araw, isang grupo ng mga bata ang nang-aasar ng isang mang-mang
na artilyero. At dahil sa busilak ang puso ng inyong ama, ng mapansing sinasaktan ang
mga bata ng artilyero ay ipinagtanggol ito ng iyong ama. Ngunit napakalakas ng
pwersa ng iyong ama, kaya ay napatay niya ang artilyero. Dahil ditto ay nakulong ang
iyong ama sa kulungan, pinaratangang erehe at pilibustero at sa bilangguan na din
namatay.

END OF FLASHBACK.

IBARRA: Bakit ganito kasaklap ang nangyari sa aking ama?


TENYENTE: Nasa iyo ang pakikiramay ko, Ibarra. Ngunit hahayaan ko ng si Kapitan
Tiyago ang magtuloy ng storya para sa iyo.
IBARRA: Maraming Salamat po.
TENYENTE: Mag-iingat ka, Ibarra.

SCENE 4: PAGSUSUYUAN SA ASOTEA

MARIA CLARA: Bakit kaya wala pa siya?

NARRATOR: Sinilip ni Maria Clara ang bintana upang Makita kung sino ang
dumating. Ngunit Nakita niya si Crisostomo ay agad siyang tumakbo sa kanyang silid
at nagpaganda. Pumasok naman si Crisostomo at siya’y sinalubong ni Tiya Isabel.

CRISOSTOMO: Magandang araw po, Tiya Isabel.

TIYA ISABEL : Magandang araw din sayo iho.

CRISOSTOMO: Nandito po ba si Maria Clara?

TIYA ISABEL: Maupo ka na lamang iho at tatawagin ko siya sandal.

NARRATOR: Si Tiya Isabel ay kumatok sa pinto ng silid ni Maria Clara.

TIYA ISABEL: Maria Clara, si Tiya Isabel mo ito.

MARIA CLARA: Pasok po kayo, tiya.

TIYA ISABEL: Iha, nariyan na si Crisostomo. Paghihintayin mo pa ba siya?


MARIA CLARA: Hindi na po, tiya.

Lumabas si Maria Clara.

CRISOSTOMO: Hindi pa rin kumukupas ang iyong ganda, Maria Clara.

NARRATOR: Nagtungo silang dalawa sa Asotea.

MARIA CLARA: Hmp! Nakapunta ka lang sa Europea, tumamis na ang iyong mga
salita. Marahil maraming magagandang babae sa ibang bansa ang nahulog sa
pambobola mo.

CRISOSTOMO: Mahal ko, alam mo bang ako ay isang mapalad na nilalang?

MARIA CLARA: Mapalad? Bakit? Dahil sa mga babae mo?

CRISOSTOMO: Mapalad dahi ipinagpasya ng ating mga magulang na ikasal ako sa


pinakamagandang babae na ngayon ay nasa aking harapan.

MARIA CLARA: Asus! Binola pa ako.

CRISOSTOMO: Labis akong nangulila sa iyo, Maria.

MARIA CLARA: Higit akong nangulila, Crisostomo.

CRISOSTOMO: Patawarin mo ako kung ako’y magpapaalam na. Kailangan ko nang


umuwi sa San Diego dahil bukas ay Araw ng mga Patay. Hanggang sa muli, mahal ko.

MARIA CLARA: Sandali.

NARRATOR: Pumitas ng mga bulaklak si Maria Clara at binigay ang mga ito kay
Crisostomo.

MARIA CLARA: Ialay mo ang mga ito sa iyong mga magulang.

CRISOSTOMO: Maraming Salamat, mahal ko.

NARRATOR: Lumakad na si Ibarra.

MARIA CLARA: Mag-iingat ka, mahal kong Crisostomo.

END OF SCENE.
SCENE 4: ARAW NG MGA PATAY

May dalawang lalaki naghuhukay sa sementeryo.

LALAKI 1:Sinunod mo ba ang utos niya?

LALAKI 2: Tumigil ka na nga sa kakatanng, maghukay ka na lang diyan!

LALAKI 1: Ayoko na! Ayoko nang maghukay!

NARRATOR: Dumating sina Crisostomo at ang kanyang alalay.

CRISOSTOMO: Nasaan ba?

ALALAY: Sa likod po ng malaking krus, senyorito.

CRISOSTOMO: Dito ba?

ALALAY: Ngunit… hinid po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at


ipagtatanong ko.

NARRATOR: Nilapitan ng alalay ang naghuhukay at nagtanong.

ALALAY: Alam mob a kung saan ang malaking krus na itinirik ditto?

LALAKI 2: Ah, iyong malaking krus? Sinunog ko na iyon.

ALALAY: Ano? Bakit mo naman ginawa iyon?

LALAKI 2: Napag-utusan lamang ako ng malaking kura.

CRISOSTOMO: At anong ginawa mo sa bangkay?!

LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga
Intsik.

CRISOSTOMO: At ginawa mo naman?!

LALAKI 2: Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at


umulan pa nang gabing iyon kaya… itinapon ko na lamang ito sa ilog.

CRISOSTOMO: Itinapon?! Isang kabaliwan ang iyong ginawa!


NARRATOR: Lumakad si Crisostomo at nang makita niya si Padre Salvi, sinunggaban
nya ito.

CRISOSTOMO: Anong ginawa mo sa aking ama?!

SALVI: Nagkakamali ka. Wala akong ginawa sa–

CRISOSTOMO: Anong wala?!

SALVI: Hindi ako! Tinitiyak ko sayo. Hindi ako, kundi si Padre Damaso.

NARRATOR: Binitawan sya ni Crisostomo at tuluyan nang lumayo.

END OF SCENE.

SCENE 5: ANG DALAWANG SAKRISTAN.

Narrator: Nangangampana nag dalawang sakristan na sina Basilio at Crispin.

BASILIO: Magpahinga muna tayo, Crispin.

Naupo silang dalawa sa may sulok.

CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?

BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?

CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.

BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa
iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.

CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. Kuya… Kapag
nalaman ito ng Inay… natatakot ako.

BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman mawawala si Inay. Tahan na. Wag kang
mawalan ng-

Narrator: Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.


SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang
pagpapatunog ng kampana. At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang
hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!

CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.

SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa!

NARRATOR: Hinawakan ng sacristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng


hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa kapatid.

BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan nyo na po-

NARRATOR: Sinaktan ng sacristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos


makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.

CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!

BASILIO: Crispin…

NARRATOR: Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at
tumakas siya gamit ang lubid ng kampana.

END OF SCENE.

SCENE 6: ANG PAMILYA NI SISA.

NARRATOR: Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak.

SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko… Hindi ko isya hahayaang
magutom… Kaya naghanda ako ng masarap na pagkain…

NARRATOR: Biglang dumating ang lasing na si Pedro.

PEDRO: May makakakain ba?

SISA: Mayroon.

PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo’t nagugutom na ko!

SISA: Ahh– oo, narito na.

NARRATOR: Kinain ni Pedro lahat ng pagkain.


SISA: Wala nang natira? Ngunit paano’ng mga anak mo?

PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?!

SISA: Wala. Wala-

PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon?

SISA: Nasa kumbento pa. Pero uuwi na rin sila-

NARRATOR: Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa.

SISA: Sandali, hindi mo ba sila hihintayin?

PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto!

NARRATOR: At umalis na nga si Pedro.

SISA: Kawawa naman mga anak ko. Magsasaing na lamang ako ulit.

NARRATOR: Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio.

BASILIO: Inay! Inay! Gising pa ba kayo? Inay!

SISA: Basilio! Anak ko! Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?

BASILIO: Tumakbo po ako sa kumbento. Takot na takot na po ako. At si Crispin po-

SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya?

BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil
pinagbintangan siyang nagnakaw.

SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo,
kailangan nating magdusa?

BASILIO: Inay…

SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika, heto… heto ang kanin at tawilis. Kumain
ka, anak ko.

BASILIO: Ngunit hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay.


SISA: Alam ko, anak. Naghanda ako ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong
ama.

BASILIO: Dumating si Itay?

SISA: Oo.

BASILIO: Pero umalis din siya agad, hindi po ba?

SISA: Basilio!

BASILIO: Patawad po, Inay.

NARRATOR: Isinira ni Sisa ang pinto at siya’y napabuntong-hininga.

SISA: Diyos ko… ano bang gagawin ko?

END OF SCENE.

SCENE 7: ANG PAGKABALIW NI SISA

NARRATOR: Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga
gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan.

UTUSAN: Para saan ang mga yan, ale?

SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.

UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan bai to?

SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.

UTUSAN: Crispin? Kung ganon, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos
magnakaw ng batang iyon, ay tumakas irn! Inutusan pa nga ako ng mga kura na
magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta na ang mga guardia
civil sa inyong tahanan upang hulihin ang magnanakaw mong anak.

SISA: Hindi… hindi magnanakaw ang mga anak ko.

NARRATOR: Tumatakbong tumungo si Sisa at Nakita niya ang mga guardia civil.

GUARDIA CIVIL: Ikaw ba si Sisa, ang ina ng magnanakaw?


SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.

GUARDIA CIVIL: Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon.
Sabihin mo na kung saan mo itinago si Crispin!

SISA: Senor, ilang araw ko na hong hindi nakikita si Crispin.

GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong
mga anak!

SISA: Senor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila
magagawa ang magnakaw, maniwala kayo.

NARRATOR: Dinala ng mga guardia civil si Sisa sa kuwartel.

GUARDIA CIVIL: Mabubulok ka sa bilangguan hanggang hindi ka nagsasabi ng totoo!

NARRATOR: Dumating ang alperes at nalaman ang tungkol kay Sisa.

ALPERES: Kamalian yan ng kura! Pakawalan nyo siya at wag nyo na siyang
gagambalin pa, at kung gusto ng kura na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin nyo
sa kanya na manalangin siya kay San Antonio!

NARRATOR: Agad nilang pinakawalan si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang mapapakain ang gobyerno sayo! Ha!
Ha! Ha!

NARRATOR: Tumakbo si Sisa patungo sa kanilang bahay.

SISA: Crispin! Basilio! Mga anak ko! Nasaan na kayo?

NARRATOR: May nakita siyang damit na duguan.

SISA: Ano to? Damit ni Basilio? Dugo.. bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo
ng anak ko! Ang magnanakaw kong anak1 Ako ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha!
Ha! Dugo!

NARRATOR: At tuluyan nang nabaliw ang kawawang si Sisa.

END OF SCENE.
SCENE 8: ANG PANGINGISDA

NARRATOR: Si Maria Clara ay masayang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga


kaibigan.

KAIBIGAN 1: Maria Clara, kumusta na kayo ni Ibarra?

MARIA CLARA: Kami ni Ibarra? Anong “kami” ni Ibarra?

KAIBIGAN 2: Hindi ba’t kararating lamang niya?

MARIA CLARA: Oo… sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming
mangingisda…
MGA KAIBIGAN: Uyyyyy…

Hindi katagalan…

MARIA CLARA: O, nandito ka na pala, Crisostomo.

IBARRA: Maaari na ba tayong umalis, mahal ko?

MARIA CLARA: Kung iyan ang nais mo…

Sa palaisdaan…

ELIAS: Senorita Maria Clara, saan po ninyo gusting pumunta?

MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?

ELIAS: Naku hindi po, senorita. Ilang sandal na lamang at makakarating na rin tayo
doon.

MARIA CLARA: Ano iyon?

ELIAS: Marahil ay kahoy lamang po.

IBARRA: Kahoy pa rin bai yon?

ELIAS: Sandali lamang po at titingnan ko– isang buwaya!!!

MARIA CLARA: May buwaya!


ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na nag
buwaya na iyan!

MARIA CLARA: Crisostomo, nanganganib ang buhay niya!

IBARRA: Huwag kang mag-alala, mahal ko. Ililigtas ko siya.

MARIA CLARA: Ibarra!

Makalipas ang ilang sandali.

MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung anon a ang nangyari sa kanila!

TAUHAN: Ligtas sila! Ligtas sila!

ELIAS: Maraming Salamat po sa pagligtas ninyo sa buhay ko, Senor Ibarra! Balang
araw, sa panahong kailangan ninyo ng tulong, nakahanda po akong tulungan kayo.

KABABAIHAN: Isa kang tunay na bayani, Ibarra! Mabuhay ka!

END OF SCENE.

SCENE 9: ANG PANGHUGOS.


NARRATOR: Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaonn ng
panulukang -bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.

GOBERNADOR: Senor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng


bato.

IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador.

NARRATOR: Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada.

IMBENTOR: Isang maling galaw mo lamang, tiyak patay ka.

NARRATOR: Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at
ito’y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang Nakita.

IBARRA: Ano’ng ibig– Elias?

ELIAS: Mag-iingat kayo, Senor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka
ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat.
Tumakbo palayo si Elias.

IBARRA: Sandali– Ano’ng nangyari sa taong ito?

TAUHAN: Muntik na kayong patayin ng taong iyan!

GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama nyang balak.

IBARRA: Kung ganon, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya.

TAUHAN: Paumanhin Senor Ibarra, ngunit hindi ba’t pinagtangkaan nya ang inyong
buhay?

IBARRA: Oo nga, ngunit… siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang
matanggap? Pinapatawad ko na siya.

KABABAIHAN: Ang bait-bait talaga niya. Mabuhay ka, Crisostomo Ibarra!

END OF SCENE.

SCENE 10: ANG PANANGHALIAN.

NARRATOR: Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang
ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban
kay Ibarra.

IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mob a ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan?

MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko.

NARRATOR: Sa kabilang bahagi ng hapagkainan, nagdadabog ang galit na kura.

DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na
ang tingin niya sa kanyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain
mong sino kung umasta!

MARIA CLARA: Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.

IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.

DAMASO: Katulad lamang siya ng kanyang ama! Akalain mong isang desente ngunit
hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan…
IBARRA: Patawarin mo ako, Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!

DAMASO: … tama lamang na siya’y pinarusahan na mamatay sa kulungan at–

NARRATOR: Hinid na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil


sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim.

IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit wag na wag ninyong babastusin
ang alaala ng aking ama!

KABABAIHAN: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo.

IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano nyo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito
ay naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At
ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alaala nito. Ganito ba ang Gawain ng isang
alagad ng Diyos?

MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap… alang alang man lamang sa akin, wag mong
saktan si Padre Damaso!

NARRATOR: Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso.

IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka Nakita nyo na kung may
dugo ba talagang dumadaloy sa mga ugat ng taong iyan!

Lumisan si Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.

END OF SCENE.

SCENE 11: SI DONYA CONSOLACION AT SISA

NARRATOR: Naririnig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawait kaya ipanatawag


niya ito sa mga guardia civil.

CONSOLACION: Mga guardia civil!

GUARDIA CIVIL: Bakit po, Senora?

CONSOLACION: Sino iyang kumakanta?

GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw.


CONSOLACION: Dalhin nyo sya rito.
GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Senora.

NARRATOR: Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa.

GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Senora

CONSOLACION: Pakantahin nyo siya

GUARDIA CIVIL: Hoy baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!

NARRATOR: At umawit naman si Sisa.

CONSOLACION: Magaling! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.

GUARDIA CIVIL: Opo, Senora.

NARRATOR: Umalis ang mga guardia civil.

CONSOLACION: Hoy baliw!

SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw!

CONSOLACION: Sumayaw ka!

SISA: Sumayaw?

CONSOLACION: Gayahin mo ako.

Sumayaw ang Donya.

SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw!

CONSOLACION: Hoy! Hindi ako ang baliw! Ikaw!

SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!

CONSOLACION: Oo, ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw!

SISA: Ayoko. Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw! Ha! Ha! Ha!

NARRATOR: Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo.

CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray!

NARRATOR: Biglang dumating ang alperes at inawat ang Donya.

ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?


CONSOLACION: Bitawan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na yan!

ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?

SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!

ALPERES: Mga guardia civil! Bihisan niyo at gamutin ang babaeng ito! Bukas ay ihatid
niyo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.

END OF SCENE.

SCENE 12: SI ALFONSO LINARES

NARRATOR: Sa tahanan nila Kapitan Tiyago, ay dumating ang mag-asawang de


Espadana kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang
alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.

TIYAGO: O Dona Victorina, kayo pala. Tuloy kayo.

VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel.

TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayo-

VICTORINA: Ah oo-

ALFONSO: Magandang araw po, ako ng apo pala si Alfonso Linares.

TIYAGO: Magandang araw rin sayo, iho.

TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara?

ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio.

Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara.

TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam?


MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po akong aking ulo, doktor.

ALFONSO: Dona Victorina, siya po ba si Maria Clara?

VICTORINA: Oo, Alfonso.

ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya.

Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso.

TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso.

DAMASO: Nasaan na siya?

TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kaniyang silid.

Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso.

DAMASO: Maria Clara!

MARIA CLARA: Padre Damaso… Salamat po sa pagbisita ninyo.

DAMASO: Labis akong nag-alala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad.

MARIA CLARA: Opo.

DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna.

MARIA CLARA: Opo, padre.

NARRATOR: Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala.

VICTORINA: Padre Damaso..

DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo?

VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gusting ipakilala sa inyo, padre.
Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.

DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos?

ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre.


DAMASO: Ano’ng saya ko’t sa wakas ay Nakita na kita, iho.

ALFONSO: Ako rin po, Padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala.

VICTORINA: Nandirito po siya, upang maghanap ng mapapangasawa, padre.

DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan… maghintay ka lamang, iho.

END OF SCENE.

SCENE 13: ANG DALAWANG DONYA

NARRATOR: Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadana


kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Dona Consolacion.

CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman yan! Ang papangit naman ng dumadaan!

VICTORINA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?

CONSOLACION: Bakit, natamaan ka ba? Ha! Ha! At anong sinabi mo? Labandera?
Gusto mo labhan ko yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?

VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung


sino kang maganda!

NARRATOR: Bumaba si Dona Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa.


Tiyempo naming dumating ang alperes.

CONSOLACION: Anong alperes?! Gusto mong magtuos tayo?

VICTORINA: Hindi kita uurungan!

NARRATOR: Namagitan si Don Tiburcio sa kanilang labanan.

ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!

VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo yang asawa mong mangkukulam!

ALPERES: Kung hindi ka lang isang babae-

TIBURCIO: Tayo na, Victorina, wala tayong mapapala sa mga iyan.

CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot!


NARRATOR: Nagtungo ang mag-asawang de Espadana sa tahanan ni Kapitan Tiyago.

VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes
na iyon?

TIBURCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya?

VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka
makakasal kay Maria Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!

END OF SCENE.

SCENE 14: ANG PAGDAKIP KAY IBARRA

NARRATOR: Nagtungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.

ELIAS: Tao po! Tao po!

IBARRA: Elias!

ELIAS: Senor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.

IBARRA: Anong ibig mong sabihin?

ELIAS: May pag-aala pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.

IBARRA: Ngunit sino ang…?

ELIAS: Hinid ko po alam kung sino ang may pakana nito, Senor.

IBARRA: Ano ba ang dapat kong gawin?

ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito.
Magtungo kayo kahit saan–iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap
ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.

IBARRA: Maraming Salamat, kaibigan.

NARRATOR: Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni


Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunod-sunod na putok. Sumigaw ang
alperes sa labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake.
Bigla namang may kumalabog sa pinto.
IBARRA: Sino yan?

SARHENTO: Kami’y mga alagad ng batas!

IBARRA: Bakit po-

SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin!

NARRATOR: Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni


Ibarra at sinunog ito at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na
ang buong bahay.

END OF SCENE.

SCENE 15: TUGISAN SA LAWA

NARRATOR: Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo
Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso
Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At
makalipas ang ilang sandal Nakita niya ang isang bangkang paparating.

MARIA CLARA: Crisostomo…

IBARRA: Mahal ko… tinulungan ako ni Elias na makatakas.

MARIA CLARA: Patawarin mo ako, mahal ko.

IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo… dahil kailangan
ko nang lumayo sayo… sa lugar na ito…

MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-
aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong…

IBARRA: Nalaman kong ano?

MARIA CLARA: …. Ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre
Damaso.

IBARRA: Paano-
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang
iibigin ko, Crisostomo.
IBARRA: Paalam, Maria Clara…

NARRATOR: Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara.

IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?

ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Senor.

IBARRA: At pagkatapos?

ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.

IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang
magkapatid?

ELIAS: Para saan pa?

IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at
sa lahat ng tulong mo.

ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo!

NARRATOR: Sinundan sila at sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.

ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?

IBARRA: Oo.

ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili… ililigaw ko sila.

IBARRA: Huwag Elias, labanan natin sila-

ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.

NARRATOR: Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga


putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog.

END OF SCENE.

SCENE 16: ANG PALIWANAG NG PARI


NARRATOR: Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng kamatayan ni
Crisostomo.

MARIA CLARA: Hindi!!! Hindi ito maaari… mahal ko…

DAMASO: Ano’ng nangyari sa’yo, anak ko?

MARIA CLARA: Masaya na po ba kayo?


DAMASO: Ano’ng ibig mong sabihin-

MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko.

DAMASO: Ngunit-

MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si
Alfonso… at hindi ako magpapakasal sa kanya.

DAMASO: Ngunit-

MARIA CLARA: Kung itutuloy nyo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…
magpapakamatay na ako!

DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako… kung nanghimasok ako sa inyo
ni Ibarra… sa buhay mo. Patawad, anak ko.

MARIA CLARA: Magmomongha na lamang ako.

DAMASO: Kung iyan ang iyong kagustuhan.

NARRATOR: Iniwan ni Maria Clara ang nakaluhod niyang ama.

DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?

END OF SCENE.

SETTINGS:GUBAT

(Paika-ikang naglalakad si Basilio patungo sa kanilang tahanan. Nasasabik na siyang


makitang muli ang kanyang ina at kanyang kapatid. Matagal-tagal na rin siyang hindi
nakakauwi. Habang naglalakad siya ay may napansin siyang isang babae na pamilyar
sa kanya….)
Basilio: Nay? Nay! Nanay! Sandali (Hinabol niya ang kanyang ina ngunit takbo pa rin
ng takbo si Sisa. Hanggang sa tumigil sa pagtakbo si Sisa kaya naabutan siya ni Basilio
at niyakap agad.)
Sisa: Sino ka? Hindi ikaw ang anak ko.(Sabi niya habang kinakalasa ng yakap ng anak.)
Nasa kumbento ang mga anak. Naku baka nakauwi na ang mga iyon,sigurado akong
pagod sila. Ah magluluto na lamang ako ng kakainin nila. (Aalis na sana si Sisa ng
pigilan siya ni Basilio sa pamamagitan ng pagyakap ditto ng mahigpit…)
Basilio: Nay… Ako poi to si Basilio hindi niyo na po ba ako nakikilala? Nay… (Sambit
ni Basilio habang naiyak. Pinagmasdan ni Sisa ang anak at unti-unti niya itong
nakilala…)
Sisa: Basilio! Anak! (At mahigpit niya itong hinagkan hanggang sa nakarinig sila ng
isang putok ng bala.)
Basilio: Nay…. Nay! (Sigaw niya ng makita niyang dahan dahang nawawalan ng buhay
si Sisa. Nakita niya na may dugo ito sa likod….) Nay!!!!! (Sigaw niyang muli habang
nakahiga ang nanay niya sa kanyang bisig.) Nay….Wag mo akong iwanan nay….
(May isang lalaking sugatan at sira-sira na ang damit ang darating halos pagapang na
siyang lumapit kayna Basilio hawak niya rin ang parte ng katawan niya na may tama
ng bala….)
Elias: S-sino ang b-babaeng iyan?
Basilio: Siya po si Sisa…. Nanay ko. (Tugon nito ng naiyak)
Elias: Makinig kang mabuti sa akin. May sugat ako at dalawang araw na akong hindi
kumakain at umiinom,ilang oras na lamang siguro ay mamamatay na rin ako. Ganito
ang ga—aahhh (Namimilipit na siya sa sakit ng kanyang sugat) Sunugin mo ang mga
bangkay namin ng iyong ina. Kung walang dadarating na sinuman ay hukayin mo ang
mga ginto na ibinaon ko. Ariin mong iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pagaaral.
(Hingal na hingal na sambit ni Elias.Bago malagutan ng hininga si Elias ay tiningnan
niya ang papalubog na araw at…) Mamamatay akong hindi man lang makikita ang
bukang-liwayway sa mahal kong bayan. Kayong mga nakasaksi nito,batiin niyo siya at
huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa Inang-bayan.
(Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng buhay ni Elias.)

You might also like