Radikalismo Sa Lipunang Pilipino

You might also like

You are on page 1of 7

Radikalismo sa Lipunang Pilipino: Manipestasyon ng Tatlong Modernong

Dula sa Eksperimentasyong teatrikalismo.

Ni Pat V. Villafuerte

Ang Dula bilang Sistema ng Pinagsama-samang Desisyong Artistiko

Ang dula ay isang sining na nagbibigay kasiyahan sa pamamagitan ng imitasyon


o representasyong artistiko. Ito rin ay kumbinasyon ng sensong pandramatiko at
panteatro. Hindi tulad ng tula, kwento o nobela na ginagamitan ng salita ang dula
ay ginagamitan ng kilos at usapang artistiko.

Ayon Kay Balmaceda (1947)

Ang dula ay isang uri ng akda na simula sa tula o tuluyang pangungusap na


naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga salitaan at kilos ng mga
tauhang tumutupad upang itanghal sa dulaan. Ang tinitiyak na drama at yaong
karaniwang may maigting na paksa at makabuluhang suliranin.

Walang katapusan ang suliranin samakatuwid ito ay larawan ng daigdig na sakmal


ng kabiguan, kabagutan, kapalaluan, kahungkagan at karahasan. Kayat
maihahambing ang daigdig na isang malaking dulaan ng buhay at tayo ang mga
nagsisiganap.

Ayon Kay Rufino Alejandro (1949) sa kanyang tulang “pagbaba ng tabing” ang
mundo’y dulaan at tayo ang mga nagsisiganap na may kani-kaniyang
ginaganapan

Ayon naman Kay Balmaceda (1947) ang dulaan ang siyang tanghalan ng mga
bagay na nangyayari, mga mangyayari at maaaring mangyari sa isang Bayan o
lahi. Samantala mula naman kay Hubbell (1922). Ang dula ay isa sa maraming
Paraan ng pagkukuwento.

David (1960). Itoy nagmula sa salitang griyego na nangangahulugang gawin o


kilos. Ang mga salita, kilos, musika’t sayaw ay nagtutulong-tulong upang mabuo
ang likhang daigdig-sining…..ang Teatro.

Habang pinapanood o binabasa natin ang isang dula ito ay nagdadala ng


kasiyahan o di Kaya nama’y kalungkutan sapagkat nakikibahagi tayo
pansamantala sa mga aktor at habang natatapos ang dula ay marahang
nagbabalik ang realidad sa ating sarili. Ang dula ang tagahulma ng uri ng buhay
na angkop sa ating katauhan, paniniwala at mithiin.

Ang kasaysayan ng dula ay kasaysayan ng tao. Sumibol na gabinlid at kumikilos


bilang pinagsama-samang desisyong artistiko. At dahil sa inilalarawan nito ang
realidad ng buhay sa pagdaan ng panahon at sa paglaganap nito nasilang ang
mga bagong lahi, pinanabikang ebolusyon, ang pagdakila sa halagang
pangkatauhan at paglantad ng kamalayang sosyo- pulitikal. Dahil dito masasabing
ang dula ang pinakareplika ng isang buhay na panitikan, at ang kanyang
kasaysayan ay siyang kasaysayan ng kanyang bansa.

Ang Dramatikong Realismo at Teatrikalismo sa Modernong Dula nina Jose


Javier Reyes, Bienvenido Noriega Jr., at Renato Villanueva

Si Henrik Ibsen na tinaguriang “Ama ng Modernong Dula sa Daigdig” ay


nagpatunay ng posibilidad ng pagkakaroon ng dramatikong realismo sa teatro.
Samakatuwid naman ang realismo ng dula ay pagsasanay ng paglikha o
pagtatakang makalikha sa tanghalan ng mga ilusyong nagaganap sa tunay na
buhay.

Ang mahalaga sa dula ay ang kaisahang pandramatiko na natatamo lamang sa


pamamagitan ng dignidad at sinseridad na siyang kabuuan ng tinatawag na
simplisidad ng sining (Metwally,1973)

Mabubuo ang ilang pwesa ng realidad sa pamamagitan ng isang makina lamang


na dapat gamitin ang teatro na katagpuan ng Kalayaan, katotohanan, at katatagan.

Ang realismo sa dula ay may puwang sa teatro, lalo’t kung ang inilalantad ay ang
makatotohanang pangyayari sa buhay ng bawat nilikha, sa kabilang dako, ang
realismo sa teatro ay nangangahulugan ng pagsasanay sa tanghalan ng paglikha
ng mga ilusyon sa realidad ng buhay.

Mayroong tatlong mandudula sa dekadang ito na walang takot na lumantad sa


umaampuyong tawag ng kadakilaan, ganun rin sa tuwing mababanggit ang
realismo ng dula at nasasangkot ang mga kamalayang sosyal sila ay sina Jose
Javier Reyes, Bienvenido Noriega Jr., at Renato Villanueva. Tatlong bagong lakas
na tagapagpalaganap ng konsepto ng demokrasya sa larangan ng pagsulat at
tagapaglahati ng ideolohiya ng demokratikong radikalisasyon sa repormang
pansining, ang modernong dula, tatlong bagong punlang kumikilala sa mabungang
ugnayan ng panitikan ng manunulat at ng lipunan upang patuloy na magkakulay
ang nabuong istruktura ng imahinasyon, damdamin at realidad.

Sa hangaring mailuklok ang modernong dula sa pedestal ng mapanghamong


lipunan at sa mithiing malinaw na salalayan ng realidad sa buhay Pilipino, tatlong
dula ang naging pragmentasyong nakaapekto sa estado ng literature sa bans ana
siyang naghubad sa nakamaskarang mukha na mapagbalatkayong lipunan: Ang
Lamat ni Jose Reyes , Ang Kulay Rosas na mura ang isang pangarapni
Bienvenido Noriega Jr., Nana ni Renato Villanueva.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Sinasabing ang dula ay sining sapagkat ito ay repleksiyon ng buhay ng tao, kayat
ito ang ginamit ng mga modernong manunulat ng dula upang maipakita ang radikal
na lipunang Pilipino.

Ang mga sumusunod na pahayag at literatura ay kinuha sa mga nailimbag na


kagamitan katulad na lamang ng aklat at maging sa tulong na rin ng internet. Ang
mga sumusunod ay mga literaturang tumatalakay sa radikalismo at dula.

LITERATURANG MAY KAUGNAYAN SA RADIKALISMO

Ayon kay Boncocan, R. (2010). Dalawang mahalagang tema ang dinaanan at


dinadaanan ng kasaysayan ng kilusang radikalismo sa Pilipinas, una ang pagkamit
ng pundamental na pagbabago sa lipunang ginalawan at ikalawa ang mithiing
magkaroon ng isang malaya at makataong lipunan.

Samantala para sa mga manunulat na Filipino na nagsusulat din sa wikang Filipino


at bernakular na wika, ang tiyak na paggamit ng wika ay isa nang hayagang
manipestasyon ng pagkamakabayan. Ang pagbakas sa tunguhin ng mga
manunulat ng kilusang propagandista at ng kilusang rebolusyonaryo ng panahon
ng Espanyol at ang mandudulang itinuturing na “sedisyosong” dula o drama
simbolico ay bahagi ng kilusang radikalismo na iniugnay sa tradisyong Makabayan
( Aguilla, 1981).

LITERATURANG MAY KAUGNAYAN SA DULA

Puna Naman ni Doreen Fernandez (1996) na ang teknik, pamaraan at estilo ng


mga dula ay hango sa kumbensyonal na gawi sa teatro noon. Ngunit ang
modernista ay nakalakip sa "their concern--national in dimension, political in
character, with persuasion and action as goals. Unlike indigenous drama, they
were not limited to regional or community boundaries" dahil ang pakay nila ay
magpasiklab ng damdamin/diwang humihingi ng kalayaan at kasarinlan.
Nadulutan ng perspektibong makabago ang sensibilidad ng Filipino hinggil sa
espasyo/lunan at panahon ng kapamuhayan na lihis sa kinagisnan. Sa paghahalu-
halong ito ng iba't ibang tipo o genre, masisilip ang isang tanda ng modernismo.

Sa Pag-aaral ni Evasco, E. (2003). Sa mga dula ni Rolando tinio naniniwala si


Tinio na ang mandudula ay tagapag-ingat ng pangarap. Sa pamamagitan ng
pangangarap, nailuluwal ang dalumat. Ang pangangarap din ay magdudulot ng
pag-unlad sa lipunan. Dagdag pa ni Tinio, nalulugmok ang lipunan sa kahirapan
dahil mabibilang na lamang sa mga Pilipino ang nangangahas mangarap .
Samakatuwid, Ang pag-aaral ni Villafuerte patungkol sa manipestasyon ng tatlong
dula patungkol sa radikalismo sa lipunang Pilipino ay mayroong pagkakatulad
gaya na lamang ng kay Boncocan, R. (2010) ito ay ang magkaroon ng pagbabago
ngunit ang pinagkaiba lamang ay sa dula makikita ang manipestyon na gusto ng
pagbabago samantalang ang isa ay isang pag-aaral sa pulitika ng bansa.
KAUGNAYAN SA KASALUKUYANG PANAHON

Ang mga Pilipino ay namumuhay ng payak at simple taglay ang dugong


nanalaytay ng pagiging iisang lahi, pinagbibigkis ng kariktan ng tradisyon at kultura
o maging panitikan. Ang mga bayani na siyang lumaban para sa Bayan ay may
malaking ambag sa kung ano ang kinahahantungan ng panitikang Pilipino sa
panahong kasalukuyan, sapagkat sila and naging dahilan upang maisatitik ang
mga literatura. Kasabay ng pag-usbong ng makabagong panahon tunay na
kapansin-pansin ang patuloy na pag-unlad nito. Ang akdang binasa ay
maihahambing sa isyung panlipunan tulad ng modernisasyon, sapagkat tayoy
patuloy na hinuhubog ng makabagon panahon. Pag-usbong ng mga teknolohiya
ay may malaking impluwensiya sa panitikan. Ang ganap na pagbabago sa
panitikan ay isang patunay na ito’y umuunlad, tulad ng isang ibong malayang
nakakalipad o ng tubig sa ilog o dagat na patuloy na umaagos tungo sa hangaring
makaalpas sa Hamon na kinakaharap.

Bilang karagdagan Ang Kahirapan, pagkalulong sa droga, maagang pagbubuntis,


krimen, panghuhusga at marami pang iba ay ilan lamang sa mga napapanahong
manipestasyon ng tatlong modernong dula sa modernong panahon na nabanggit
ni Villafuerte.
Reaksyon:

Tunay ngang hindi maikakaila na ang dula ay isang sining may kakayahang
bihagin ang emosyon at ipakita ang realidad na tila nakaharap ka sa salamin. Kaya
naman hindi na nakapagtataka kung ito ang nakitang kaparaaanan ng mga
manunulat ng dula at mandudula upang iparating, himukin ang iba pa para sa
hinihinging pagbabago.

Likas na sa ating mga Pilipino ang maging masiyahin sa kabila ng mga pagsubok
na kinakaharap natin, kayat higit na kapani-paniwala ang mga pahayag patungkol
sa dula. Isang larawan na nagsasabing ang kasysayan ng tao ay kasaysaysan ng
dula.

Isang katotohanan na ang mundo ay isang entablado upang itanghal natin ang
ating mga sariling buhay may kasiyahan, kalungkutan at kasalanan, binibigyan din
tayo nito ng Kalayaan na ihambing ang ating mga sarili at pansamantalang ilapat
ang ating mga kwento sa mga nagsisiganap sapagkat iyon ang tunay na dula ang
ipakita sa iyo ang realismo at radikalismo ng buhay.

napag alaman din o natutunan na ang dula ay isa sa mga humubog sa ating
pagiging Pilipino, hinubog nito ang kultura, kasaysayan at maging ang literature
na siyang nagbihis at nagbigay pagkakakilanlan sa atin.
Mga Pinagkunan:

Boncocan, R. (2010). Ang Pag-unlad ng Kilusang Radikalismo sa Pilipinas.

San Juan, E. ( 2017) Kontra-Modernidad:Pakikipagsapalaran Sa Pagtuklas Ng


Sarili Nating Mapagpalayang Kabihasnan.

http://rizalarchive.blogspot.com/2017/03/
https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/download/4513/4076

You might also like