Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere - Final Script
Noli Me Tangere - Final Script
Noli Me Tangere
Basilio: Mga pangarap, mga liwanag at dilim. Sa kapanahunan ng kadiliman, marami ang nagdurusa,
marami ang nananahimik ngunit napapahamak. Oo, naninirahang takot at naghihinagpis, hihintayin ko
ang araw na itong lahat ay lilipas, malayo sa kabiguan at pang-aapi. Kaya kayong mga kalaban ko, mga
dayuhan, huwag niyo akong salingin.
Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat, salamat sa inyong pagdating.
(nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos ko, nasaan ka na!(audience ang parang kausap)
Tiya Isabel: Hesusmaryosep!Maghintay lang kayo, mga bulagsak!(aalis sa set na para bang nagmamadali)
Padre Damaso: Tsk, nakakainis, ilang taon na akong nagserbisyo sa San Diego, ngayo’y inilipat ako sa
isang bayan; napakawalang asal na mga Indio!(walang kausap, nagsasalita habang pagala-gala)
(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. . .Si Padre Sibyla ay nasa isang
tabi pinapanuod si P.Damaso at makikisawsaw sa usapan ng dalawa)
Lalaking kulay mais ang buhok: Padre, isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!
Padre Damaso: Wala akong pakialam, buwisit, napakatamad talaga ng mga Indio, at makasalanan pa!
Hindi marunong magkumpisal tsk, walang pagbabago sa kalagayan ng bayan!
Padre Damaso: HMP!Matagal nang ipinagpalagay ni Tiago na siya’y hindi isang Indio. Inuulit ko, wala
nang makatatalo sa kamangmangan ng mga Indio!
Lalaking kulay mais ang buhok: Eh, padre, ang sakit mo naming magsalita, parang hindi mo matalik na
kaibigan si Kapitan Tiago, at, ninong ka naman ng anak nyang si Maria Clara. Hindi ba kaibigan mo din
yung yumao na si Don Raph. . .
(sumabad si Padre Damaso)
Padre Damaso: Tumigil ka!Para kang kung sinong nagmamarunong, umalis ka sa aking paningin!
Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama niyang si. . . .
Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya akong Makita kayong lahat.
Kapitan Tiago: Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)
Ibarra: Ah, Reberensya, kayo po ba si Padre Damaso? Ang matalik na kaibigan ng aking yumaong ama na
si Raphael Ibarra!
Padre Damaso: Ha! Bata, ako nga si Padre Damaso, paumanhin ngunit ni minsa’y hindi ko naging kaibigan
ang iyong ama!
Tiago: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan!
Tinyente: Mayroon po, Senyora. Ngunit ako ay nakamasid sa kulot ninyong buhok..
Victorina: Argh…
Crisostomo Ibarra: Naku, baka ako nga ang nalimutan ng bayang ito.
Crisostomo Ibarra: Ah, nais ko pong mas makilala ang bansa kong sinilangan at malaman kung bakit at
paano namatay ang aking ama.
Padre Damaso: Bata, pumarito ka dito sa Pilipinas upang makilala ang bayang ito? Alam nating lahat na
mga Indio ang nakatira sa lupaing ito! Napakaliit na bagay ang sinadadya mo rito, walang mahalaga dito
sa bayang ito!
Crisostomo Ibarra: Reberensya, huwag po kayong magsalita ng ganyan, mayaman itong bayang Pilipinas
tulad ng Inang Bayang Espanya!
Padre Damaso: Ha! Ganito na ba ang mga binata ngayon? Nagmamarunong! Walang asal, sinasagot pa
ang reberensya, parang matalinong magsalita!
Crisostomo Ibarra: Senyores, huwag kayong magtaka sa aming dating kura, ganyan na yan siya dati pa at
hindi na nagbabago. Patawad, ngunit kailangan ko nang umalis.
Kapitan Tiago: Aba, hijo, kararating mo lamang dito, atsaka, dadating din si Maria Clara ngayong gabi,
sinundo na siya ni Isabel.
Crisostomo Ibarra: Salamat po sa inyong pagtanggap sa akin dito, ngunit, marami pa akong dapat
asikasuhin, pupunta ako dito bukas na bukas din.
(curtains off)
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama.
CRISOSTOMO: Tila may nalalaman kayo tungkol sa pagkamatay ng aking ama. Maaari ba ninyong sabihin
sa akin?
TINYENTE: Wala ba kayong nalalaman? Sa pagkakaalam ko, namatay ang iyong ama sa loob ng
bilangguan.
CRISOSTOMO: Sa bilangguan?! Nakulong po ang aking ama? Hindi kaya kayo’y nagkakamali lamang?
TINYENTE: Hindi ako maaaring magkamali. Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Si Rafael Ibarra,
siya na pinagbintang erehe at pilibustero ni Padre Damaso.
CRISOSTOMO: Maaari ba ninyong sabihin sa akin ang buong pangyayari? Bakit po siya nakulong?
TINYENTE: Noon ay mayroong isang Kastilang mangmang at masama ang ugali na naging kolektor ng
buwis. Nang siya’y nangongolekta, minsan siyang napagkatuwaan ng mga bata…
Flashback:
*offstage voice* TINYENTE: Naglalakad ang kolektor dala-dala ang isang lapis at papel. Pinagtatawanan
siya ng mga bata.
BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis niyang dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng sabi n’yo?
*offstage voice* TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang isang bata
at ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
*offstage voice* TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang kolektor. Dahil
dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat, at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil
sa kabiguan niyang makalaya, nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay.
*offstage voice* IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan... Ama ko...
(curtains off)
Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang ama niya’y pinagbintangan
ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit, hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais
niyang ipagpatuloy ang mga magagandang pangarap ng kanyang ama.
Kapitan Tiago: Clarita, sa palagay ko masmaganda na lumipat ka sa Malabon, hindi na kasi sa San Diego
seserbisyo ang ninong mo na si Padre Damaso, inilipat na siya. Sige, maghanda ka na ng mga damit at
magpaalam ka na sa iyong mga kaibigan.
Tiya Isabel: Pinsan! Ano ka ba, mas-hiyang ang anak mo sa San Diego, sigurado akong masisiyahan siya
doon, nandoon kasi si Ibarra.
Tiya Isabel: Ano ba yung dalagang iyon, Clarita! Si Crisostomo nandito! Halika nga dito, ikaw talaga,
pahiya-hiya ka pa!
Maria Clara: Hmph, nakalimutan mo na ata ako, sigurado ako na may nakita kang ibang babae sa
bansang pinuntahan mo.
Crisostomo Ibarra: Maari ba kitang malilimutan? Araw at gabi ay ikaw ang aking iniisip!
Maria Clara: Ikaw talaga! Hindi talaga kita nakalimutan, natatandaan ko pa yung mga oras na naglalaro
tayo. Noong nasa beateryo ako, sinasabihan ako na kalimutan kita, pero hindi, Hindi kita makalimutan
Crisostomo!
Sepulturero 1: Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo!
Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukay
na sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kaya
itinapon ko nalang sa ilog.
Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana sa sementeryo ng
mga makasalanan?
ALALAY: Ngunit…hindi po rito ang natatandaan ko. Sandali lamang po at ipagtatanong ko.
LALAKI 2: Sinabi sa akin ng malaking kura na dalhin ko raw ito sa libingan ng mga Intsik.
LALAKI 2: ‘Wag po kayong magalit, senyor. Masyadong mabigat ang bangkay, at umulan pa nang gabing
iyon kaya…itinapon ko na lamang ito sa ilog.
Crisostomo Ibarra: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka! Anong karapatan mong
ipahukay ang bangkay ng aking ama!
Padre Salvi: Binata, Hindi kita naiintindihan, wala akong pinahukay dito!
Crisostomo Ibarra: Huwag kang magsinungaling! Nagkamali ka sa paghukay ng bangkay ng ama ko!
Padre Salvi: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Ang pinalitan ko na Pari,
si Padre Damaso!
BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang nila sa iyo? Kahit isang taon
pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran iyan.
CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw. kuya…Kapag nalaman ‘to ng
Inay...natatakot ako.
BASILIO: Tahan na, Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan ng--
SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang pagpapatunog ng kampana…At
ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!
Hinawakan ng sakristan sa braso si Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio
sa kapatid.
BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan n’yo na po—
Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi na halos makatayo. Muli niyang hinila si
Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng hagdan.
BASILIO: Crispin…
Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng
kampana.
End of Scene.
SISA: Marahil ay gutom na gutom na ang mga anak ko...Hindi ko sila hahayaang magutom...Kaya
naghanda ako ng masarap na pagkain...
Biglang dumating ang lasing na si Pedro.
SISA: Mayroon.
SISA: Basilio! Anak ko! Anon’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan?
BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang
nagnakaw.
SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating
magdusa?
BASILIO: Inay…
SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko.
SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama.
SISA: Oo.
SISA: Basilio!
End of Scene.
Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng
utusan.
UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y matapos magnakaw ng batang iyon,
ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan
ay papunta na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga magnanakaw mong anak.
KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak mo! Wala kang mapapala sa
kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama!
SISA: Opo, ako nga ho si Sisa, ngunit hindi po magnanakaw ang mga anak ko.
GUARDIA CIVIL: ‘Wag mo nang ipagkaila, kung ayaw mong lumala pa ang sitwasyon. Sabihin mo na kung
saan mo itinago si Crispin!
GUARDIA CIVIL: Eh, kung ganoon, isauli mo na lamang ang perang ninakaw ng iyong mga anak!
SISA: Señor, kahit pa minsang nagugutom ang mga anak ko, hinding-hindi nila magagawa ang magnakaw,
maniwala kayo.
GUARDIA CIVIL: Sinungaling! Pero kung iyan iyong gusto, Ikaw ang ikukulong naming hanggang hindi
isinasauli ng mga anak mo ang mga ninakaw nila.
SISA: Pero wala ho talagang ninakaw ang mga anak ko, Señor. Parang awa n’yo na, ‘wag n’yo po akong
ikulong…
ALPERES: Kamalian ‘yan ng kura! Pakawalan n’yo siya at ‘wag n’yo na siyang gagambalin pa, at kung gusto
ng kura na na maibalik ang kanyang mga ginto, sabihin n’yo sa kanya na manalangin siya kay San
Antonio!
GUARDIA CIVIL: Umalis ka na rito! Wala nang maipapakain ang gobyerno sa’yo! Ha! Ha! Ha!
SISA: Ano ‘to? Damit ni Basilio? Dugo…Bakit may sugat ang anak ko? Ha! Ha! Ha! Dugo ng anak ko! Ang
magnanakaw kong anak! Ako’ ang ina ng mga magnanakaw! Ha! Ha! Ha! Dugo!
End of Scene.
MARIA CLARA: Oo…sa katunayan ay papunta na siya dito ngayon at sabay kaming mangingisda…
Hindi katagalan…
Sa palaisdaan…
MARIA CLARA: Nais ko sanang pumunta sa palaisdaan ng aking ama. Malayo pa ba?
ELIAS: Naku hindi po, señorita. Ilang sandali na lamang at makakarating na rin tayo doon.
ELIAS: Kaya pala nauubos na ang mga isda sa ilog na ito! Kailangang mamatay na ang buwaya na iyan!
MARIA CLARA: (Umiiyak) Nasaan na sila? Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.
End of Scene.
Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na
itatayo ni Ibarra.
GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato.
Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito’y namatay. Nagulat ang
lahat sa kanilang nakita.
ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang
sasabihin sa inyo ang lahat.
TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit hindi ba’t pinagtangkaan niya ang inyong buhay?
IBARRA: Oo nga, ngunit...siya ang nasawi. Ano pa bang parusa ang dapat niyang matanggap?
Pinapatawad ko na siya.
End of Scene.
DAMASO: Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa
kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa, aba’y akalain mong sino kung umasta!
MARIA CLARA: ‘Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko.
IBARRA: Kung alam mo lamang kung ganoo ako nagtitimpi sa kurang iyan.
DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit hindi rin marunong
gumalang sa batas ng simbahan…
IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero hindi ko na ito matitiis pa!
Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-
hawak ang isang patalim.
IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit ‘wag na ‘wag ninyong babastusin ang alaala ng aking
ama!
IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n’yo nasabing siya’y alagad ng Diyos? Ang taong ito ang naghatid sa
aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin
ang alala nito. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos?
MARIA CLARA: Crisostomo! Pakiusap…alang-alang man lamang sa akin, ‘wag mong saktan si Padre
Damaso.
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung may dugo ba talagang
dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan!
End of Scene.
GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! Umawit ka! Awit na! Awit na!
SISA: Sumayaw?
SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw!
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray!
ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano?
SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n’yo siya sa
tahanan ni Crisostomo Ibarra.
End of Scene.
Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang
Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara.
VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso
Linares, ang inaanak ng inyong bayaw.
End of Scene.
SCENE 13 Ang Dalawang Donya
CONSOLACION: Bakit, nataman ka ba? Ha! Ha! At ano’ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko
‘yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa?
VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda!
Bumaba si Doña Consolacion hawak-hawak ang latigo ng asawa Tiyempo namang dumatig ang alperes.
ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
VICTORINA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na ‘yon?!
VICTORINA: Ikaw Alfonso! Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi ka makakasal kay Maria
Clara, at malalaman ng lahat ang tunay mong pagkatao!
End of Scene.
IBARRA: Elias!
ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito.
ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.
ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor.
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito. Magtungo kayo kahit
saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa
bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.
Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla
silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas. Nataranta silang lahat at
nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may kumalabog sa pinto.
Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad na
umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.
End of Scene.
Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Pinag-uusapan ng mga panauhin
ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay nito ang balitang ikakasal na si Maria
Clara sa kastilang si Alfonso Linares. Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan
ang ilog. At makalipas ang ilang sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-aalinlangan ka sa akin
kapag nalaman mong…
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...
IBARRA: Paano—
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang ang iibigin ko, Crisostomo.
IBARRA: At pagkatapos?
IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid?
IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at sa lahat ng tulong
mo.
IBARRA: Oo.
Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo
ang ilog.
End of Scene.
MARIA CLARA: Wala na siya. Patay na si Crisostomo. Wala na ang taong mahal ko...
DAMASO: Ngunit—
MARIA CLARA: Tanging si Ibarra lang ang mahal ko, walang iba. Hindi ko mahal si Alfonso…at hindi ako
magpapakasal sa kanya.
DAMASO: Ngunit—
MARIA CLARA: Kung itutuloy n’yo pa rin ang pagpapakasal sa aming dalawa…magpapakamatay ako!
DAMASO: Patawarin mo ako, iha. Patawarin mo ako…kung nanghimasok ako sa inyo ni Ibarra…sa buhay
mo. Patawad, anak ko.
DAMASO: Diyos ko, ito na ba ang parusa sa lahat ng aking nagawang kasalanan?
End of Scene.
BASILIO: Inay!
SISA: Ha! Ha! Ha! Anak? Hindi kita anak…hindi kita kilala.
Pumasok si Sisa sa libingan ng matandang kastila.
SISA: Basilio?
ELIAS: Iho…
ELIAS:Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko, iho. At sa sandaling
mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan hanggang sa maging abo. Pagkatapos, maghukay ka
at may makikita kang kayamanan, gamitin mo ito sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba?
End of Scene.