You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION 
Region I
PANGASINAN DIVISION II
THIRD QUARTERLY ASSESSMENT ARALING PANLIPUNAN – 7
2016 - 2017

Pangalan:
Taon at Pangkat:
Paksang-Guro:
Petsa:

Panuto: Suriin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot at bilugan ang
letra.

1. Ano ang pamamaraang ginamit ng mga Hindu sa pamumuno ni Mohandas Gandhi upang
ipakita ang kanilang pagtutol sa mga Ingles?
a. ​passive resistance c.
pagbabago ng pamahalaan
b. armadong pakikipaglaban d. pagtatayo
ng mga partido political

2. Naghangad din ng kaniyang kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito
upang matamo ang kaniyang hangarin?
a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin c. Binoykot ang mga
produktong Ingles
b. Itinatag ang Indian National Congress d. Tinulungan ang mga
Ingles sa panahon ng
digmaan
3. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-tanggap sa
mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian?
a. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayonn sa pamantayang Ingles.
b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat.
c. Pagkakaroon ng r​ acial discrimination​ sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan.
d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.

4. Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Great Britain noon 1947, nahati ito sa
dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano ang naging epekto nito sa katayuan
ng bansa at mamamayan?
a. Nahimok na mag-alsa ang mga Muslim sa mga Indian.
b. Nahati ang simpatiya ng mamamayan sa dalawang estado.
c. Nagsilikas ang karamihan ng mamamayan sa ibang bansa.
d. Nagkaroon ng kaguluhan sa pamumuno.

5. Ang dahilan ng patuloy na paglalabanan ng India at Pakistan ay ang kapwa nila nais
angkinin ang teritoryong Kashmir. Ano ang naging epekto ng sigalot na ito sa kanilang
nasyonalismo?
a. Naniniwala ang dalawang magkalabang bansa na pag-aari nila ang Kashmir.
b. Nais ng dalawang bansa na patunayang makapangyarihan sila.
c. Umaasa ang mamamayan na malulutas din ang sigalot na ito.
d. Tumanggi ang dalawang bansa sa pakikialam ng United Nations Organization (UNO) sa
paglulutas ng kanilang suliranin.

6. Noong sinakop ng mga Ingles ang India, nagsimulang pinakialaman ang politika ng bansa
sa pamumuno ng British East India Company. Naging mababa ang pagtingin ng mga Ingles
sa kultura ng Indian. Maging ang pamamahagi ng mga lupain ay binago rin ng mga Ingles.
Dahil dito, napilitan ang mga manggagawang Indian na mag-aral ng Ingles upang
mapaunlad ang sariling kakayahan sa paghahanapbuhay. Anong implikasyon ang mabubuo
sa ganitong kaganapan?
a. Ang pananakop ng mga dayuhan ay nagsilbing aral sa mga Indian.
b. Ang pananakop ng mga Ingles sa India ay nakatulong sa pag-unlad ng kulturang India.
c. Ang pananakop ng mga Europeo ay lalong nagpahirap sa kabuhayan ng mga Indian.
d. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nakaapekto sa anumang aspekto ng pamumuhay ng
mga Indian.

7. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?


a. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon
ang
kaunlaran ng bansa.
b. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
c. Natutuhan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
d. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

8. Sa pakikipagsapalaran nakamtan ng India ang kasarinlan. Anong uri ng nasyonalismo ang


isinagawa ni Gandhi laban sa pananakop ng Great Britain?
a. ​aggressive
c. p
​ assive
b. d​ efensive
d. radikal
9. Aling pangyayari ang pumukaw sa damdaming nasyonalismo ng bansang India?
a. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko
b. Pagpapatupad ng ​economic embargo​ ng mga Ingles
c. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi
d. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian

10. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a. Pag-unlad ng kalakalan
b. Pagkamulat sa kanluraning panimula
c. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
d. Paggalugad at pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas

11. Isinusulong naman ni Mahatma Gandhi ang kaniyang pananaw na ang pinuno ng bansa ang
siyang dapat magpakita ng pagpapahalaga sa moralidad. Ang pagpapahalaga na sinasabi ni
Gandhi ay ang:
a. Maging tapat sa mamamayan at sa konstitusyon
b. Mabuting relasyon sa karatig-bansa
c. Pagkakaroon ng isang asawa at isang pamilya
d. Maging bukas o t​ ransparent ​sa lahat ng kaniyang gawain sa tulong sa bayan

12. Dalawang anyo ng nasyonalismo ang ipinakita ng mga Indian laban sa mga British. Isa dito
ay ang kilusang pinamunuan ni Bal Gangadhar Tilak na tinawag na Rebolusyonaryong
Kilusan dahil gumamit ito ng marahas na pagkilos. Ang nakatawag pansin ay ang
pinamunuan ni Mohandas K. Gandhi dahil:
a. Mga bata ang kinasangkapan niya sa pakikipaglaban sa British
b. Namahagi siya ng mga produktong Hindu
c. Isinagawa niya ito kasama ang mga guro
d. Gumamit ng paraang tahimik tulad ng hindi pagsunod sa mga kagustuhan ng mga British

13. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang
mga Asyano ay matutong:
a. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin
b. Pagiging mapagmahal sa kapwa
c. Makisalamuha sa mga mananakop
d. Maging laging handa sa panganib

14. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang epekto sa mga
bansang Asyano. Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa
mga bansang Asya?
a. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot
nang mabilis na pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang pamilihan.
b. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng
pananakop ng mga bansang kanluranin.
c. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at
dayuhan.
d. Ang naging pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ay ang tagatanggap ng mga
produktong kanluranin.

15. Ano ang ipinahihiwatig ng tagumpay ng kampanya ni Mohandas Gandhi sa kolonyalismo ng


mga Ingles sa India?
a. Mahusay na rebolusyonaryong lider ni Mohandas Gandhi.
b. Maaring labanan ang kolonyalismo sa mapayapang paraan.
c. Ang pang-aapi ng mga kolonyalista ay may katapusan.
d. Naging simbolo si Mohandas Gandhi ng pagkakaisa ng mamamayan sa India.

16. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magandang dulot ng pananakop ng mga Ingles
sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Indian lalo na ng kababaihan?
a. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India
b. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mamamayan ng India
c. Pagbabawal sa ilang matatandang kaugaliang Indian tulad ng ​sati​ at f​ emale infanticide
d. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng ​foot binding a
​ t c​ oncubinage

17. Ano ang kahalagahan ng mataas na antas ng edukasyon sa isang bansa?


a. Ito ay nagsisilbing instrument sa pagsulong ng nasyonalismo at interes ng bansa
b. Pinagaganda ang imahe ng bansa kapag ito ay may mataas na bahagdan ng edukasyong
mamamayan
c. Magandang negosyo ang mga pampribadong paaralan na napagkukuhanan ng buwis ng
pamahalaan
d. Pinalalaki nito ang oportunidad ng mga tao na mangibang bansa.

18. Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
a. Dahil dito ay nagtutulungan ang magkakaratig bansa sa Asya
b. Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
c. Maaaring lumaki ang kita sa mga usaping black market
d. Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa

19. Bakit muling nabuo ang bansang Israel?


a. Dahil sa layuning lumakas ang Judaism
b. Sa kagustuhang magsama-samang muli ang mga Hudyo
c. Upang matamo ang kanilang kaligtasan
d. Dahil sa pananakop ng ibang lupain

20. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Araling Panlipunan at naatasang
magpresenta ng mga aral sa kasalukuyan ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya at kung paano ito mapagyayaman hanggang sa hinaharap. Alin ang mas
angkop na gamitin sa isang ​video conferencing​.
a. Multimedia presentation at pagtalakay
b. Pagkukuwento at pagtatanong
c. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
d. Debate at pag-uutos ng dapat gawain

21. Ang unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa timog at kanlurang Asya ay naganap
noong:
a. Ika-16, ika 17 – siglo c.
ika-18, ika-19 siglo
b. Ika-17, ika-18 siglo
d. ika-15, ika-16 siglo
22. Ang unang rutang ginamit sa kalakalan sa Asya sa pagitan ng mga Europeo at mga Asyano
ay ________.
a. Sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.
b. Syria at dadaan sa Golpo ng Persia
c. Karagatang Indian hanggang Egypt
d. Mula sa China hanggang Egypt

23. Ang krusada ay itinatag mula 1096 hanggang 1273 ng simbahan at ng mga kristiyanong
hari upang ____.
a. Mabawi ang banal na lugar na Jerusalem sa Israel.
b. Upang ang kanluranin ay makarating sa Asya.
c. Upang kanluranin ay makarating sa Asya
d. Ipakita ang katapangan ng mga taga Europeo.

24. Ang Renaissance ay salitang Prances na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang”. Ito ay
naganap sa huling bahagi ng _____.
a. Huling panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
b. Gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
c. Pagsulong ng makabagong panahon.
d. Unang panahon at sa kalagitnaang pagsulong ng makabagong panahon

25. Ang “The Travels of Marco Polo” ay inilahad ni Marco Polo noong 1477 upang malaman ng
mga taga Europeo ang Asya ay may ___________.
a. May magagandang tanawin sa Pilipinas.
b. Kalakalang maunlad sa Asya.
c. May magagandang kabihasnang umusbong sa Asya lalo na sa bansang China.
d. Malaman ang panunungkulan niya sa kaharian ni Kublai Khan.

26. Ang Merkantilismo ay prinsipyong pang ekonomiya kung saan ang batayan ay kayamanan
ng bansa ay _________.
a. Ang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.
b. Ang dami ng bilang ng lakas paggawa.
c. Marami ang namumuhunan ng negosyo.
d. Marami ang bumibili ng iba’t ibang produkto.

27. Alin sa sumusunod ang hindi pangunahing salik ng Imperyalismo noong ika-18 siglo ay
_______.
a. Dahil sa udyok ng Nasyonalismo.
b. Dulot ng Rebolusyong Industriyal.
c. Mga kapitalismo o ang pamumuhunan.
d. Matigil ang ugnayan ng Asyano at mga Europeo

28. Bakit ang nasyonalismo sa kanlurang Asya ay hindi katulad ng Nasyonalismong naipakita ng
mga bansa sa Timog Asya? Ano kaya ang naging dahilan nito?
a. Dahil karamihan sa mga bansa rito ay hawak ng dating malakas at matatag na
Imperyong Ottoman.
b. Walang pagkakaisa ang mga bansa sa kanlurang Asya.
c. Hindi angsikap ang mga lider upang makamit ang kalayaan.
d. Pinatapos pa ang unang digmaang pandaigdig.

29. Sa pamahalaan Demokrasya hawak ng mamamayan ang kapangyarihan sa pamahalaan


dahil sa _____.
a. Lawak ng mga local na pamahalaan ang kapangyarihan.
b. Ang namamahala nito ang naganap na awtoridad.
c. Dahil pinamumunuan ng isang diktador.
d. May pantay-pantay na karapatan at pribilehiyo ang bawat mamamayan.

30. Sa pamahalaang Teokrasya ang mga lider ng relihiyon ang namumuno bilang isang
_______.
a. Kinatawan ng kanilang Diyos c.
pinakamakapangyarihang pinuno
b. Isang kinatawang diktador d.
kinatawan ng kanilang mamamayan

31. Bakit isinulong ng mga kababaihan ng Timog at Kanlurang Asya ang kahalagahan ng
pag-organisa ng kanilang samahan ay upang ________.
a. Maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses.
b. Para di maalis ang diskriminasyon sa mga kababaihan
c. Maibalik ang dati nilang kalagayan sa lipunan
d. Maisagawa ang pansariling interes.

32. Nanguna si Reyna Ranea-Al-Abdulla ng Jordan sa kampanya laban sa pang-aabuso sa mga


kababaihan. Sa Egypt pinamumunuan naman ni Susan Mubarak ang National Council on
women sa kampanya upang _____.
a. Baguhin ang batas pampamilya at ang pagbabawal sa pagkapon sa kababaihan.
b. Pagkakaroon ng libreng eduaksyon sa mamamayan.
c. Dumami ang maging lider na kababaihan.
d. Manatili sa tahanan at para mangalaga sa kanilang pamilya.

33. Bakit mahalaga na magkaroon ng magandang edukasyon ang mamamayang Asyano?


a. Ito ang kayamanan ng isang tao na hindi maaaring makuha ng sinuman.
b. Kailangan ng isang bansa.
c. Para ipagyabang sa ibang lahi.
d. Para maging daan sa kinabukasan

34. Ipinatupad sa bansang India noong 1992 ang Look Easy Strategy na patungkol sa kanilang
ekonomiya ay upang _______.
a. Lalong umunlad ang kanilang bansa
b. Para lalong gumanda ang ugnayan panlabas nito sa ibang bansa
c. Mabago ang kanilang ekonomiya
d. Mapagtibay ang kaunlaran ng kanilang bansa

35. Ang ilang bansa sa Asya ay kabilang sa “Third World” sa kadahilanang nakararanas ng
_____.
a. Pagkakaroon ng mahinang ekonomiya c. sakop pa rin sila ng
ibang bansa
b. Mababa ang kanilang kabuhayan d. kulang sa
lakas paggawa

36. Ang pag-alsa ng mga sundalong Indian sa mga Ingles bilang pagtutol sa pagtatangi ng lahi
o racial discrimination ay tinawag na _______.
a. Indian Muslim League c.
Indian National Congress
b. Rebelyong Sepoy
d. Amritsar Massacre

37. Ang layunin ng pagkakatatag ng All Indian National Congress sa panig ng mga Hindu ay
upang makamit ang __________.
a. Kalayaan ng India
c. hindi nila pagbabayad ng buwis sa mga Ingles
b. Hiwalay na estado para sa mga Muslim d. pagtupad sa Civil
disobedience

38. Ang Civil disobedience o hindi pagsunod ng mga taga India sa pamahalaang Ingles ay
pinatupad ni Mohandas Gandhi dahil dito siya ay________.
a. Hinuli at ikinulong ng mga Ingles c. pinatapon
sa ibang bansa
b. Pinalawak ang protesta d.
pinarusahan ng kamatayan

39. Sa pagsulong ng Nasyonalismo ang isang bansa na naghahanda upang maging isang
Malaya at isang nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang
Europeo ay tinatawag na_____.
a. Sistemang mandato c.
paghangad ng pagsasari
b. Sistemang maging Malaya d.
bansang nagsasarili

40. Ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga German Nazi sa mga Jew o Israelita ay
patakarang___.
a. Patakarang Holocaust c.
Patakarang Zionism
b. Sistemang Mandato d.
patakarang Jew Zionism

41. Ang Hindu na nakapag-aral sa pamantasan sa England at namuno upang ipaglaban ang
hinaing ng mga Indian laban sa mga mananakop na Ingles ay si________________.
a. Mohandas Karamchad Gandhi c. Mohammed
Ali Jinnah
b. Mustafa Kemal Ataturk d.
Ayatollah Kho

42. Ang pagsiklab ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay pagpapakita ng mga lider
Nasyonalista sa Asya upang ________________.
a. Matamo ang kalayaan sa kamay ng mga Imperyalista.
b. Magkaroon ng pagkakaisa
c. Magbago ang kanilang kabuhayan
d. Umigting ang labanan ng dalawang panig

43. Ang mga bansang Sri Lanka, Maldives, Yemen na matatagpuan sa Timog at Kanlurang Asya
ay may anyo ng pamahalaan na ______________.
a. Republikang Pederal c.
Republikang Teokratik
b. Republika
d. Republikang Militar

44. Ang Parliyamentong Demokrasya ay anyo ng pamahalaang umiiral sa Timog at Kanlurang


Asya na kinabibilangan ng bansang _____________.
a. Bhutan, Nepal
c. India, Iran
b. Bangladesh, Israel
d. Jordan, Pakistan

45. Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng mga kanluranin ay
nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang damdaming Nasyonalismo. Dahil dito______.
a. Natuon ang pagpapakita at pagpapadama nito sa pamamagitan ng paglaban sa mga
kanluranin
b. Pagtangkilik sa mga kanluranin
c. Tuloy ang pananakop ng mga Ingles na bansa sa Asya
d. Nanatili ang kalakalan ng Asya at Europeo.

46. Ang Look East Strategy ay isang patakarang pang-ekonomiya na kung saan may kaugnayan
sa ugnayang panlabas ng bansa na ipinatupad noong 1992 sa bansang ____________.
a. India b. Iraq
c. Iran d. Pilipinas
47. Alin sa mga sumusunod ang di naging resulta na pangunahing salik sa Imperyalismo noong
ika-18 siglo ay ____________.
a. Dahil sa udyok ng Nasyonalismo
b. Dulot ng Rebolusyong Industriya
c. Ang Kapitalismo
d. Ang Ideolohiyanismo

48. Paano nagsimula ang ugnayan naganap sa mga Europeo at mga Asyano noong unang
panahon______.
a. Sa pamamagitan ng pananakop
b. Pagpapalitan ng mga kalakal
c. Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig
d. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

49. Ang Masjid o Moske ay kilalang Arkitekturang Islamik dahil itinuturing itong________.
a. Pinakamahalagang pagpapahayag ng SIning Islamik
b. Na banal na dambana
c. May kinalaman sa relihiyon
d. Batay sa kalagayan ng mga Muslim

50. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may kinalaman sa Ekonomiya sa Asya________.
a. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
b. Sumulpot ang mga kolonyal na Lungsod
c. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng
produktong kanluranin
d. Nagtatag ng maayos at Sentralisadong pamahalaan.

Inihanda nina:

LEONARDO A. CALADO
ZENAIDA D. MANAOIS
ROWENA E. SOTELO
PRINCESS QUEZON
Paksang-guro

Iwinasto ni:

DANILO T. SIBLAG
Head Teacher III
BENIGNO V. ALDANA NATIONAL HIGH SCHOOL

If you want to have the answer key, Like our page ​https://www.facebook.com/kto12Curriculum/​ send
us your request, name, address, work, and email address in private message. Thank you!

You might also like