You are on page 1of 3

JEHOVAH SHAMMAH CHRISTIAN COMMUNITY SCHOOL

645 Zinnia St. Paciano Rizal, Bay, Laguna

LEARNING PLAN
FILIPINO 8
YUNIT I: SALAMIN NG KAHAPON BAKASIN NATIN NGAYON
Aralin 1: Mga Salitang Nagpapahayag ng Katotohanan at Kuro-kuro

M-T-W

CONTENT STANDARD (PAMANTAYAN SA PANGNILALAMAN)


Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng
Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

PERFORMANCE STANDARD (PAMANTAYAN SA PAGGANAP)


Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
1. Makilala ang bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan na nagpapakilala sa kultura at
tradisyon ng mga Pilipino.
2. Mapahalagahan ang pagbibigay ng sariling kuro-kuro sa mga detalyeng nagpapahayag ng
pagiging totoo o hindi totoo.
3. Makasulat ng sariling bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan na angkop sa kasalukayang
kalagayan n gating lipunan.
ESSENTIAL QUESTION (MAHALAGANG TANONG)
1. Bakit mahalagang masuri ng isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 4 ng Konstitusyon?
2. Bakit kailangang mapapahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman sa kalagayang
pulitikal ng bansa?
3. Paano matutukoy ang makatotohanan at di- makatotohanang pangyayari sa awit.
SIGNIFICANT UNDESTANDING (MAHALAGANG KAALAMAN)
1. Mahalagang masuri ang isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 4 ng Konstitusyon dahil ito ay
Nirebesang Konstituson ng Pilipinas 1987 at patungkol ito sa bawt usaping pulitika na dapat
kasangkutan ng mga mamamayan. Ito ay nagpapalawak ng kaalaman sa pangyayaring
nagaganap sa lipunan. May malaking epekto ang mga kaalaman na ito upang maipakita ng
mga mamamayan, partikular na ang mga kabataan ang kanilang interest sa mga
kaganapan sa bansa.
2. Matutukoy ang makatotohanan at di-makatotohanang pangyayari sa awit kung babasahin
ito at iintindihin ang storyang nakapaloob sa awit na sinulat ni Florante at Laura. Ang mga
makatotohanan na pangyayari ay maiiugnay sa pangyayari sa totoong buhay na
kabaligtaran naman ng di-makatotohanan.
Firm Up
Gabayan ang mga mag-aral na kilalanin ang mga personiladad buhat sa larawan at ipatukoy sa kanila
ang mga dakilang kontribusyon ng mga ito para sa bayan.
Kilalanin ang mga personalidad buhat sa larawan at tukuyin ang kanilang dakilang kontribusyon para
sa bayan. Maaaring iba’t iba ang sagot ( pahina 237 -238)
Sagutin: Bakit kaya may mga nilalang na handing magsakripisyo ng kanilang sarili upang makpaglingkod
at maipaglaban ang kanilang isang bayan? Maaaring iba’t iba ang sagot

GAWAIN 1
 Pasagutan ang gawain sa aklat. Matapos itong masagutan ay magkaroon ng malayang
talakayan ang buong klase.
 Tukuyin ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng analohiya. Hayaan ang mga
mag-aaral na piliin ang salitang kukumpleto sa analohiya mula sa kahon.
(Inaasahang kasagutan)
1. Mabilis 6. maliitin
2. Leon 7. kalungkutan
3. Gumagalaw 8. tagapagtanggol
4. Luha 9. masama
5. Babag 10. pumulas

B. Ipabasa sa klase ang akdang tatalakayin

GAWAIN 2
Pagkatapos na mabasa ng mga mag-aaral ang akda pasagutan ang gawain A. Ipagawa ang
gawain B at hayaang bigyan ng interpretasyon ng mga mag-aaral ang mga napiling saknong ng
awit. Magkaroon ng malayang talakayan bago dumako sa gawain C. (pahina 244-247)

SAGUTIN: Bakit mahalaga ang kakayahan sa pagtukoy sa mga makatotohanan at hindi


makatotohanaang pangyayari sa ating lipunan, lalo na sa usaping pulitikal? Maaaring iba’t iba ang
sagot

DEEPEN (Pagpapalalim)

GAWAIN 1
Talakayin ang sanaysay na naglalaman ng salitang batas.

GAWAIN 2
Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo at gabayan sa pagbuo ng plano sa pagpapanatili ng
kapayapaan.
PAMANTAYAN SA PAGBUO NG PLANO
a. Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang planong pagpapanatili ng kapayapaan
b. Ang mga pangkat ay tatalakay sa mga sumusunod na sitwasyon:
c. Ang planong pag-iisipan ay dapat na makatotohanan at maaaring magamit ng iyong
komunidad.
d. Ang mga planong nabuo ay kailangang ibahagi sa klase.
TRANSFER ( Paglilipat)
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsulat ng isang panata. Ipabasa sa kanila ang pamantayan na dapat
sundin ng isang panata,
Pamantayan sa pagsulat ng isang panata.
a. Sumulat ng isang panata na naglalaman ng pangako sa bayan na ito ay paglilingkuran tulad ng
ginagawang pagtatanggol ni Florante ng Albanya.
b. Ang panata ay dapat na maging kapani-paniwala at makatotohanan sa mga makababasa nito.
c. Ang panata ay dapat binubuo ng isang talata lamang na amy lima hanggang pitongg pangungusap.
d. Dapat isaalang-alang ang tamang gramatika sa pagsulat ng panata.

Pamantayan sa pagmamarka

PAMANTAYAN PUNTOS

1. Ang panatang isinulat ay orihinal. 10

2. A nag panata ay naglalaman ng mga pangakong 10


gawain upang mapaglingkuran ang bayan tulad ng
ginawang paglilingkod ni Florante.
3. Ang pangakong inialay sa ayan ay kapani- 10
paniwala at makatotohanan.
4. Ang panata ay napagpaalas ng kahusayan sa 10
gramatika.

Values Integration: an gating mga pinuno sa pamahalaan ay mga tinalaga ng panginoon nna manguna sa
isang sambayanan. Kinikilala ng Dioos ang mga taong niluklok ng sambayanan upang mamuno sa isang
bansa o pamayanan.

You might also like