Professional Documents
Culture Documents
Ang Tayutay
Ang Tayutay
Ang Tayutay ay isang salita o grupo ng mga salita na kadalasang ginagamit upang maipahayag ang isang
emosyon sa paraang hindi karaniwan upang makabuo ng mas malalim na kahulugan. Ito ay hindi literal kundi
isang patalinghaga na minsa'y ginagamit bilang simbolo.
MGA URI NG TAYUTAY
1) ALITERASYON (Alliteration) - Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa:
a. Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kaniya kasama si Marco. (makikita, mga,
mata, Maria, masasayang, Marco)
7) PAGTUTULAD (Simile) - Isang di-tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang
pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng, makasing, at magkasim.
Halimbawa:
a. Parang hari si Tonio kung mag-utos.
10) PAGBIBIGAY - KATAUHAN (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:
a. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.
11) PAGMAMALABIS (Hyperbole) - Lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung
pagkasusuriin.
Halimbawa:
a. Narinig ng buong mundo ang iyong sigaw.
b. Huminto ang pagtibok ng aking puso nang makita kong may kasama siyang iba.
13) PAGPAPALIT-SAKLAW (Synecdoche) - Ito ay ang pagbabanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.
Halimbawa:
a. Apat na mata ang patuloy na tumititig sa kanya.
14) PAGLUMANAY (Euphemism) - Ito ay paggamit ng mga piling salita upang pagandahin ang isang
dikagandahang pahayag.
Halimbawa:
a. Sumakabilang buhay kagabi ang ama ni Nena. (sumakabilang buhay - namatay)
15) PANAWAGAN (Apostrophe) - Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
a. O tukso! Layuan mo ako!
b. Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan.
c. Kamatayan nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.
16) PAGHIHIMIG (Onomatopeia) - Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito.
Halimbawa:
a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinundan ng pagguhit ng matatalim na kidlat.
b. Ang tik-tak ng relo ay nangibabaw.
17) PAG-UYAM (Irony) - Isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit itinatago sa paraang waring
nagbibigay-puri.
Halimbawa:
a.Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang humahanga.
18) PAGTATAMBIS (Oxymoron) - Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na
mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Halimbawa:
a. Kailan nagiging tama ang mali?
20) TANONG RETORIKAL (Rhetorical Question) - Ito ay isang tanong na walang inaasahan sagot na ang
layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa:
a. Natutulog ba ang Diyos?
b. Bakit napakalupit ng kapalaran?