You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa mga


kanluranin.
2. Naipapaliwanag ang mga epektong maidulot na haharapin ng Japan mula sa mga kanluranin.
3. Naiprepresenta ang mga pag-unlad ng Japan sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at
sandatahang lakas.
4. Naiisa-isa ang mga impluwensyang nakatulong sa Japan mula sa mga bansang Gemany,
England, at United States.
5. Nasusuri ang naging resulta ng modernisasyon sa Japan.
6. Nakapagbabagi ng sariling ideya kung paano papaunlarin ang sariling bansa sa iba’t ibang
larangan.

II. Nilalaman

A. A. Paksa: Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan

Balangkas ng Aralin:
1. Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Pakikitungo ng China at Japan mula sa
Kanluranin
2. Epektong Dulot na Haharapin ng Japan mula sa mga Kanluranin
3. Pag-unlad ng Japan sa Edukasyon, Ekonomiya, at Sandatahang Lakas
4. Impluwensya ng Japan mula sa Germany, England, at US
5. Resulta ng Modernisasyon sa Japan

B. Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pahina 324-325

C. Kagamitan: charts, laptop, Manila paper, marker, at iba pa.

III. Pamaraan

A. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati ng Guro
c. Pagtatala ng Liban
d. Balik-aral : Socratic Questioning

Mga Katanungan :
1. Ano ang dalawang rebelyon ang umusbong sa China?
2. Sino ang namuno sa Rebelyong Taiping?
3. Magbigay ng isang layunin ng Rebelyong Taiping.
4. Bakit tinawag na Rebelyong Boxer?
5. Nagtagumapay ba ang Rebelyong Taiping at Boxer?
B. Pagganyak: Bidyo

1. Ano ang ipinahihiwatig ng kanta?


2. Ano ang nais ng mga Pilipino sa
pakikipaglaban?
3. Mahalaga ba ang kalayaan? Bakit?
4. Mahal niyo ba ang inyung bansa?
5. Ano ang gagawin niyo kapag may mga
mananakop?
6. Kung mahal natin ang ating bayan atin itong
poprotektahan laban sa mga mananakop.

C. Paglalahad

Batay sa pinanood na video, ano kaya ang ibig ipakahulugan nito ?


Sa araw na ito, tatalakayin natin ang“Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan”

D. Pagtalakay

Pangkatang Gawain

E. Pamprosesong Tanong
-Paano nagkakatulad ang pakikitungo ng China at Japan sa pananakop ng mga
Kanluranin?
- Sa paanong paraan nagkakaiba ang China at Japan sa pakikitungo sa mga kanluranin?
Ano ang ginawa ng China? Sa Japan?
- Sa kabila ng pananakop nagkaroon ba ng nasyonalismo sa Japan? Sino ang namuno
nito?
-Ano ang nakita ni Mutsuhito kung lalaban sila sa mga kanluranin?
-Ano ang napagtanto ng mga Hapones kung sila ay lalaban sa mga kanluranin?
-Anong naging resulta matapos tanggapin ng mga Hapones ang mga kanluranin?
-Anong mga pagbabago ang nagawa ni Emperador Mutsuhito sa kanyang pamumuno?
-Anong pagpapaunlad ang naganap sa larangan ng edukasyon ng Japan?\
-Anong pagpapaunlad ang naganap sa larangan ng ekonomiya ng Japan?
-Anong pagpapaunlad ang naganap sa larangan ng sandatahang lakas ng Japan?
-Ano ang ginawa ng mga Hapones sa kabila ng pananakop ng mga kanluranin?
-Ano ang natutuhan ng mga Hapones sa Germany?
-Ano ang natutuhan ng mga Hapones sa England?
-Ano ang natutuhan ng mga Hapones sa United States?
-Paano pinaunlad ng mga Hapones ang paraan sa pamamahala, kalakalan at
pakikipagdigma?
-Ano ang naging bunga mula sa mga natutuhan ng mga Hapones sa mga kanluranin?

a. Paglalahat

-Sa kabuuan, umunlad ang nasyonalismo sa Japan sa paraan na tinanggap nila ang mga
kanluranin sa kanilang bansa upang maiwasan ang digmaan at tinularan ang mga
pamamaraan at ginamit ang mga impluwensyang hatid mula sa mga kanluranin upang
mapaunlad ang kanilang bansa sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at sandatahang
lakas.

b. Paglalapat/ Aplikasyon
Masasalamin ba sa kasalukuyang panahon sa Pilipinas ang pagbabagong naganap dulot
ng damdaming makabansa o nasyonalismo?

Integration (Hal, sistema ng edukasyon- K-12 Curriculum)

c. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral , paano niyo papaunlarin ang sarili nating bansa?

IV. Pagtataya

Panuto: Bilogan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong panahon ang pinamunuan ni Emperador Mutsuhito?


a. Meiji Restoration c. Dinastiyang Qing
b. Rebelyong Boxer d. Rebelyong Taiping
2. Ang mga sumusunod ay impluwensya mula sa mga kanluranin maliban sa isa.
a. edukasyon c. agrikultura
b. ekonomiya d. sandatahang lakas
3. Sa anong bansa tinularan ng mga Hapones ang pagkakaroon ng isang sentralisadong pamahalaan.
a. England c. United States
b. Germany d. China
4. Ang pagkakaroon ng sistema ng edukasyon ay natutuhan ng Japan mula sa bansang _________.
a. United States c. England
b. Germany d. China

5. Sa anong paraan natuto ang mga Hapones ng makabagong kaalaman sa pamamahala, kalakalan, at
pakikipagdigma?
a. nakiglaban sa kanluranin c. nanakop ng ibang lupain
b. nakipagkaibigan sa kanluranin d. nagpadala ng mga iskolar sa Europe

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin ang tungkol sa “Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Indonesia” at sagutan ang mga
sumusunod:
1. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Indonesia?
2. Paano ipinamalas ng mga Indones ang damdaming nasyonalismo?
3. Makatarungan ba ang pagkamit ng rebolusyon upang makamit ang kalayaan? Pangatwiran.

Ipinasa ni:
Reynan O. Horohoro
Pre-Service Teacher
Ipinasa kay:
Ms.Omely P. Lapinid
Cooperating Teacher

You might also like