You are on page 1of 6

Third (3rd) Periodical Test

Filipino 3

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Date: January 25, 2019 Teacher: Ms. Ma. Lalaine Paula P. Zapata

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. “Masungit talaga ang aking lola kaya hindi kami gumagawa ng bagay na mabilis
niyang ikagagalit”, ani ni Mar. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Mabait b. masayahin c. magagalitin

2. Tatagain na ng lalaki ang ahas na nakita niya sa daan nang bigla siyang pigilan ng
kanyang kasama. Ang salitang tatagain ay nanganaguhulugang ________?
a. Huhulihin b. isislid sa sako c. unday ng gulok

3. Binitawan ni Ilog ang sawa sa pagkapigil sa bunto’t. ano ang ibig sabihin ng salitang
pagkapigil?
a. Pag-alpas b. paghuli c. pagkontrol

4. Pinanood nila ang kagila-gilalas na katapangan ni Ilog. Ang salitang may salungguhit
ay nangangahulugang ________.
a. Kamangha-kamangha b. kagalit-galit c. nayayabangan

5. Tinupad ng aking nanay ang aking kahilingan na magkaroon ng magarang damit. Ano
ang ibig sabihin ng kahilingan?
a. Paghingi ng gusto b. ayaw c. hindi gusto

Panuto: Ikahon ang pangngalan na naiiba sa grupo ng mga pangngalan sa bawat bilang.

1. tatay papa tiyo itay


2. panganay bunso kuya magulang
3. kaibigan binata pinsan kapatid
4. tita ale ninong yaya
5. lola impo lelang ate
6. pangulo senadora propesora doktora
7. senyor nobyo labandero ginang
8. manlalaro binibini pasyente pasahero
9. paaralan pisara silid-aklatan guro
10. anak ama ulila ina
11. ministro arsobispo pari madre
12. bayan lalawigan mamamayan lungsod
13. aktres sirena lakambini diyosa
14. tsikiting ninuno bata sanggol
15. kabayo kalabaw kambing kabukiran

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa gamit ng pangungusap.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tayo ay kailangang magkaisa.


a. panghalip panao na maramihan b. posisyon na patindig

2. Nakatayo siya nang matagal.


a. panghalip panao na maramihan b. posisyon na patindig

3. Mapula ang labi ni Rica.


a. bahagi ng bibig b. bangkay

4. Ang labi ng namatay ay ililibing na.


a. bahagi ng bibig b. bangkay

5. Nagluto si nanay ng upo.


a. uri ng gulay b. posisyon sa upuan

6. Nakaupo ang mga bata nang maayos.


a. uri ng gulay b. posisyon sa upuan
Panuto: Isulat muli ang pangungusap sa patlang. Gumamit ng malalaking titik kung saan ito
kinakailangan.

1. ako ay si rowena tolentino.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. pumapasok ako sa mababang paaralan ng san isidro.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. ang aking guro ay si bb. martha gonzales.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. ako ay magiging walong taong gulang sa buwan ng agosto.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. sina gregorio at maria tolentino ang aking mga magulang.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat panuto. Gawin ang hinihingi nito.

1. Gumuhit ng isang malaking parisukat. Sa loob nito ay isulat ang mga pangalan ng iyong
tatlong paboritong karakter sa libro o kwento. Lagyan ng “star” sa gilid ang pangalan ng
iyong pinaka paborito sa tatlo.
2. Isulat ang iyong buong pangalan. Bilugan ang mga patinig. Salungguhitan ang iyong
apelyido.

3. Kulayan ng dilaw ang pang-apat na bilog. Kulayan ng berde ang pang-anim. Isulat ang
unang titik ng iyong pangalan sa ikalima. Gumuhit ng puso sa loob ng pangatlong bilog.

4. Lagyan ang keyk ng tamang bilang ng mga kandila ayon sa iyong edad. Isulat ang petsa
ng iyong kaarawan sa kanan ng keyk. Isulat ang pangalan ng nais mong matanggap na regalo
sa kaliwa.

5. Kulayan ang mesa ng kayumanggi. Gumuhit ng baso sa ibabaw ng mesa. Gumuhit ng bola
sa ilalim ng mesa. Kulayan ito ng pula.
Panuto: Tamang pagbaybay ng salita. Makinig mabuti sa mga salitang bibigkasin ng guro.
Isulat ito sa inihandang patlang.

1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwento.

Ang Pulang Langgam at Itim na Langgam

Ang mga pulang langgam ay masipag na insekto dahil hindi sila tumitigil hanggat
hindi sila nakakahanap ng kanilang pagkain samantalang ang mga itim na langgam naman ay
mga tamad at hahanap lang ng pagkain pag kanila ng kinakailngan.

Isang araw panay ang paglalaro ng mga itim na langgam samantalang ang mga pulang
langgam naman ay patuloy na nagiipon ng kanilang mga pagkain, ng biglang dumating ang
tag-ulan at wala man lang naipong pagkain ang mga itim na langgam at hindi sila makalabas
upang kumuha ng pagkain dahil sa patuloy na pagulan.

Walang magawa ng mga itim na langgam kung hindi humingi ng pagkain sa mga
pulang langgam dahil sa kanilang kagutuman at hindi naman nagdalawang isip ang mga
pulang langgam at binigyan nila ito ng 2 pirasong mani at 3 butil ng bigas.

Pinagsabihan ng mga pulang langgam ang mga itim na langgam na “simula ngayon
dapat magsipag na kayo at matutong maghanap ng inyong makakain” at dahil dun naging
masipag na ang mga itim na langgam tulad ng mga pulang langgam.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino sa nabasang kwento ang mga tamad na langgam at walang ginawa kung hindi
maglaro?

a. Itim na langgam b. pulang langgam c. kahel na langgam

2. Anong kulay ng mga langgam ang masisipag maghanap ng kanilang pagkain?

a. Itim na langgam b. pulang langgam c. kahel na langgam

3. Bakit hindi makalabas upang kumuha ng pagkain ang mga itim na langgam?

a. Dahil maraming tao


b. Dahil sobrang init
c. Dahil sa patuloy na pagulan o dahil sa ulan

4. Anong pagkain ang ibinigay ng mga itim na langgam sa mga pulang langgam?

a. Mais at tinapay b. Mani at bigas c. kanin at kendi

5. Ilang pirasong butil ng bigas ang ibinigay ng mga pulang langgam sa itim na langgam?

a. 2 pirasong mani at 3 butil ng bigas


b. 3 pirasong mani at 2 butil ng bigas
c. 2 pirasong mais at 3 butil ng bigas

You might also like