Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere Script
Noli Me Tangere Script
Noli Me Tangere
Tiya Isabel: Diyos ko! Narito na pala kayo, magandang gabi sa inyong lahat,
salamat sa inyong pagdating. (nakaharap sa bisita). . .Ay naku, Tiago, Diyos
ko, nasaan ka na!(audience ang parang kausap) (may mababasag na
pinggan: sound effect)
(napatigil si Padre Damaso ng kausapin ang lalaking kulay mais ang buhok. .
.Si Padre Sibyla ay nasa isang tabi pinapanuod si P.Damaso at
makikisawsaw sa usapan ng dalawa) Lalaking kulay mais ang buhok: Padre,
isang Indio din ang may-ari ng bahay na ito!
Tiya Isabel: Aba, nandito na ho ang aking matalik na pinsan, at ang kasama
niyang si. . . . Ibarra: Ah, Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin po, Masaya
akong Makita kayong lahat. (nagpalakpakan, liban kay Ibarra) Kapitan Tiago:
Ah, eh, oh sige Crisostomo, iiwan muna kita. (alis sa set)
Tiago: Ah, kilala niyo pala si Padre Damaso, handa na ang hapunan! (curtains
on. . .palit ng set..habang nagpapalit ng set…*offstage voice*) Victorina:
Argh… wala ka bang mata?!
TINYENTE: Mag-ingat kayo, Señor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa
inyong ama.
BATA 2: Hindi ba’t hindi siya marunong magsulat? Para saan kaya ang lapis
niyang dala? Ha ha ha!
KOLEKTOR: Tigilan n’yo ko! Baka kung ano ang magawa ko sa inyo! Ano’ng
sabi n’yo?
*offstage voice*
TINYENTE : Hinabol ng kolektor ang mga bata. Hinagisan niya ng baston ang
isang bata at ito’y natamaan. Nahuli niya ito at kanyang sinaktan.
KOLEKTOR: Ikaw, ano’ng sabi mo?!
BATA: Ahh! Nagbibiro lamang po ako. Ahh--
RAFAEL IBARRA: Bitawan mo sila! Tinulak ni Don Rafael ang kolektor ng
buwis at ito’y nawalan ng balanse.
RAFAEL IBARRA: Hindi ko mapapayagang saktan ninyo ang mga bata.
*offstage voice*
TINYENTE: Sa kasamaang palad ay ilang minuto lamang ay namatay ang
kolektor. Dahil dito’y hinuli ang iyong ama at ikinulong. Tinakwil siya ng lahat,
at pinagbintangan ng kung anu-ano. Dahil sa kabiguan niyang makalaya,
nasira ang kanyang kalusugan at sa bilangguan na namatay
*offstage voice*
IBARRA: Kaya pala... Kaya pala hindi sinabi ni Kapitan Tiyago ang dahilan...
Ama ko... (curtains on..gabi ulit)
(Set: Nakaupo si Ibarra nakatingin sa langit..gabi) (curtains off)
Narrator: Masaklap na karanasan ang dinanas ni Don Crisostomo Ibarra, ang
ama niya’y pinagbintangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa. Ngunit,
hindi ang paghihiganti ang agad inisip ng binata, nais niyang ipagpatuloy ang
mga magagandang pangarap ng kanyang ama. (curtains on/music on)
Crisostomo Ibarra: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka!
Anong karapatan mong ipahukay ang bangkay ng aking ama!
Padre Salvi: Binata, Hindi kita naiintindihan, wala akong pinahukay dito!
Crisostomo Ibarra: Huwag kang magsinungaling! Nagkamali ka sa paghukay
ng bangkay ng ama ko!
Padre Salvi: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama
mo! Ang pinalitan ko na Pari, si Padre Damaso! Crisostomo Ibarra:
Hindi…hindi ako makapaniwala!
SCENE 5
Ang Dalawang Sakristan Nangangampana ang dalawang sakristan na sina
Basilio at Crispin.
BASILIO: Magpahinga na muna tayo Crispin. Naupo silang dalawa sa may
sulok.
CRISPIN: Magkano ba ang kita mo ngayong buwan, Kuya?
BASILIO: Dalawang piso, bakit ba?
CRISPIN: Nais kong bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko.
BASILIO: Sira ka ba, Crispin? Diba’t tatlumpu’t dalawang piso ang binibintang
nila sa iyo? Kahit isang taon pa akong magtrabaho, hindi ko mababayaran
iyan.
CRISPIN: Ngunit wala talaga akong ninakaw! Wala akong ninakaw.
kuya…Kapag nalaman ‘to ng Inay...natatakot ako. BASILIO: Tahan na,
Crispin. Hindi rin naman maniniwala si Inay. Tahan na. ‘Wag kang mawalan
ng--
Naputol ang kanilang pag-uusap nang dumating ang Sakristan-Mayor.
SAKRISTAN: Basilio, may multa kang dalawang real dahil sa hindi tamang
pagpapatunog ng kampana…At ikaw Crispin, hindi ka maaaring umuwi
hanggang hindi mo isinasauli ang ninakaw mo!
CRISPIN: Ngunit wala po talaga akong ninakaw.
SAKRISTAN: Magsisinungaling ka pa! Hinawakan ng sakristan sa braso si
Crispin at hinila ito pababa ng hagdan. Ngunit nakahawak rin si Basilio sa
kapatid.
BASILIO: Matagal na po naming hindi nakikita ang aming Inay. Pagbigyan
n’yo na po— Sinaktan ng sakristan-mayor si Basilio hanggang sa ito’y hindi
na halos makatayo. Muli niyang hinila si Crispin at ito’y ikinaladkad pababa ng
hagdan. CRISPIN: Kuya, tulungan mo ako! Papatayin nila ako!
BASILIO: Crispin… Nang nakaalis na ang dalawa, pilit niyang iniahon ang
kanyang sarili at tumakas siya gamit ang lubid ng kampana.
End of Scene.
SCENE 6
Ang Pamilya ni Sisa Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga
anak.
SCENE 7
Ang Pagkabaliw ni Sisa Tumungo si Sisa sa kumbento dala-dala ang isang
bakol na puno ng mga gulay. Nakita siya at kinausap ng utusan.
UTUSAN: Para saan ang mga ‘yan ale?
SISA: Para sa kura, nais ko sana siyang makausap.
UTUSAN: May sakit ang kura ngayon, tungkol saan ba ito?
SISA: Hindi pa kasi umuuwi ang anak kong si Crispin.
UTUSAN: Crispin? Kung gano’n, ikaw ang ina ng magnanakaw? Aba’y
matapos magnakaw ng batang iyon, ay tumakas rin! Inutusan pa nga ako ng
mga kura na magpunta sa kwartel at magsuplong. Sa katunayan ay papunta
na ang mga guardia civil sa inyong tahanan upang hulihin ang mga
magnanakaw mong anak.
SISA: Hindi…hindi magnanakaw ang mga anak ko.
KUSINERA: Hoy! Ina ng mga magnanakaw! ‘Wag mong iyakan ang mga anak
mo! Wala kang mapapala sa kanila dahil nagmana saila sa kanilang ama!
End of Scene.
SCENE 8
SCENE 9
Ang Panghugos Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng
panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra.
End of Scene.
SCENE 10
IBARRA: Maria Clara, kung hindi lamang kita mahal, baka nakita n’yo na kung
may dugo ba talagang dumadalo’y sa mga ugat ng taong iyan! Lumisan si
Ibarra at iniwan ang umiiyak na si Maria Clara.
End of Scene.
SCENE 11
CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw!
SISA: Aray! Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya.
ALPERES: Consolacion! Ano ba itong ginagawa mo?! CONSOLACION:
Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na ‘yan!
ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga,
ano?
SISA: Dugo! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Dugo! Ha! Ha! Ha!
ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n’yo at gamutin ang babaeng ito.
Bukas ay ihatid n’yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra
. End of Scene.
End of Scene.
SCENE 13
End of Scene.
SCENE 14
Ang Pagdakip kay Ibarra Natungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
IBARRA: Elias! ELIAS: Señor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis
na kayo sa lugar na ito.
IBARRA: Ano’ng ibig mong sabihin?
ELIAS: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing
nagpasimuno nito.
IBARRA: Ngunit sino ang…?
ELIAS: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Señor.
IBARRA: Ano pa ba ang dapat kong gawin?
ELIAS: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang
mga ito. Magtungo kayo kahit saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam
ko pong mahirap ang basta-basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit,
wala na pong ibang paraan.
IBARRA: Maraming salamat, kaibigan. Pumunta si Ibarra sa tahanan nila
Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni Padre Salvi ang dasal. Bigla silang
nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa labas.
Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla
namang may kumalabog sa pinto.
IBARRA: Sino ‘yan?
SARHENTO: Kami’y mga alagad ng batas!
IBARRA: Bakit po—
SARHENTO: Arestado ka! Sumama ka sa amin! Mahinahong sumama si
Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at sinunog ito at agad
na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang buong bahay.
End of Scene.
SCENE 15
IBARRA: Hindi masama ang loob ko sa’yo. Ako ang patawarin mo...dahil
kailangan ko nang lumayo sa’yo...sa lugar na ito...
MARIA CLARA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko,
mag-aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong…
IBARRA: Nalaman kong ano?
MARIA CLARA: ...ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si
Padre Damaso...
IBARRA: Paano—
MARIA CLARA: Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang
ang iibigin ko, Crisostomo.
IBARRA: Paalam, Maria Clara... Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si
Maria Clara.
IBARRA: Elias, saan ba tayo tutungo?
ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor.
IBARRA: At pagkatapos?
ELIAS: Mamuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa.
IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong
parang magkapatid?
ELIAS: Para saan pa?
IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong
pamilya at sa lahat ng tulong mo.
ELIAS: May paparating! Magtago kayo gamit ang mga damo. Sinundan sila at
sinalubong ng mga bangkang lulan ng mga guardia civil.
ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan?
IBARRA: Oo.
ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila.
IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila—
ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo.
Tumalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, nakatanggap siya ng mga putok.
Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog.
End of Scene.
SCENE 16
Ang Paliwanag ng Pari Nakatitig ni Maria Clara sa pahayagang naglathala ng
kamatayan ni Crisostomo.
End of Scene.
SCENE 17
End of Scene.