You are on page 1of 10

Ang pagsulat ay:

- Ang pagsulat ay bunga ng pangangailangan ng tao na magpahayag at


magpabatid ng kanyang nararamdaman o nais sabihin.
- Ito ay proseso ng pagpapahayag ng isipan, talino at damdamin sa pamamagitan
ng mga simbolo, titulo o mga salita.
- Ayon kina Donald et. Al, models for clear wrinting, ang pagsulat ay
isang proseso, isang gradwal na progresibong proseso na nagsisimula sa
pananaliksik at nagtatapos sa pamamagitan ng isang imbensyon.
- Ang pagsulat ay malawak at makabuluhang Gawain.

Ang pagsulat bilang Multi-dimensyonal na proseso, itinuturing na ang pagsulat


ay isang multi-dimensyonal na proseso sapagkat hindi lamang ang proseso ng pag-iisip
ang kinakailangan ditto, sangkot din ang damdamin, pagkilos ng mga kamay gayundin
ng mga mata.

Mga proseso:

Prosesong kognitibo- ginagamit ng manunulat ang kanyang isip upang


makapagplano at makapagtakda ng kanyang isusulat. Dito matamang pinag-
iisipan ang lalamanin ng kanyang sulatin na isinasaalang-alang ang kanyang
audience.

Proseso ng motibasyon- ang manunulat ang kukumbinsi sa kanyang sarili para


magsulat. Ditto papasok ang kanyang matinding hangarin, paniniwala at pag-
uugali na makaimpluwensya sa kanyang pagsusulat.

Proseso ng pag-alala- karaniwan itong nagmumula sa nagging karanasan,


nabasa at napakinggan ng manunulat.

Proseso ng pagsasatitik- hindi na lamang ang isip ang gumagana kundi ang
mga bahagi ng katawan na ginagamit sa pagsulat. Ito na ang pagsulat ng bawat
diwang prinoseso ng isipan upang matunghayan ng mambabasa.

Sosyo-kognitibong pananaw- intelektuwal na gawain ang pagsusulat sapagkat


inuuri at inuusisia niya ang nilalaman ng kaniyang susulatin. Ang produksyon ng
impormasyon at kaalamn ay nilikha mismo ng manunulat bunga ng kanilang
imahinasyon.
Layunin ng manunulat:

1. Magpabatid- makapagbigay-impormasyon at makapagdagdag ng karunungan


sa kanyang mambabasa.

2. Maghikayat- hindi lamang ang kabatiran tungkol sa paksa ang pokus ng


manunulat ditto kundi higit upang mabago ang pananaw o mapapaniwala niya
ang kanyang mambabasa sa kanyang prinsipyo o sa kanyang tinatalakay.

3. Maging malikhain- naipapakita ng manunulat ang kanyang kahusayan sa


paggamit ng wika.

Paghahanda sa pagsulat:

▪pagpili ng paksa
●brainstorming- tumutukoy ito sa pagdaan sa proseso ng pag-iisip. Binibigyan ng
pagkakataon ang sarili na umisip ng mga ideya na maaaring magamit upang makapili
ng paksa.
●free writing- ang paglalaan ng sampung minuto na isulat ang lahat ng laman ng
isipan na hindi isinasaalang-alang ang kaisipan, kakipalan at kaugnayan ng mga
konsepto sa isa’t-isa. Isa itong mahusay na solusyon sa suliranin ng mga manunulat
nab aka sila ay magkamali o sila ay walang maisulat.
●Pagsasaliksik at pagbabasa- nagagawa ng manunulat na magsaliksik ng mga paksa
buhat sa kanilang mga nababasa.

Dapat isaalang-alang ang uri ng mambabasa

●edad, edukasyon, interest at stado sa bahay..


Mga simulain sa pagsulat:
Aktuwal na pagsulat-
-Sa bahaging ito sisimulan ng manunulat na buuin ang kanyang sulatin. Ditto rin
niya pagpapasyahan kung paano niya ilalahad ang kanyang paksa, paano ang
pagbuo sa katawan ng sulatin at kung pag-iisipan ang maganda at epektibong
pamagat.
Pag-eedit at pagrerebisa
-Binubuo ng apat na salik ang bahaging ito. Ang pagdaragdag, pagsasaayon,
pag-aalis at pagpapalit. Tumutukoy ang pagrerebisa at pag-eedit sa muling pagbasa sa
sulatin, muling pagsulat at muling paglalapat ng mga ideya at kaisipan.
Ang Teksto o Sulatin

-ang isang sulatin o teksto ay bunga ng isinagawang pag-iisip, pagsulat at


pagrerebisa. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi. Panimula, Katawan at ang Wakas.
Panimula- mahalaga ang bahaging ito ng teksto dahil ito ang makatatawag-pansin sa
isang mambabasa na pagtapunan ng kanilang oras ang ginawang sulatin.
Katawan- ang buhay ng isang teksto ay ang katawan nito. Ditto nakalahad ang lahat ng
datos at impormasyon buhat sa isinagawang pananaliksik. Ang bahaging ito ang
tatalakay sa mismong kabuuan ng paksa o sulatin.
Wakas- itinuturing na ang wakas ang pinakakatapusan ng pagtalakay sa paksa, ito ay
nararapat pa rin na nakapagpapanatili ng kasiglahan ng mga mambabasa.

Mga bahagi ng Teksto o Sulatin:

Pamagat o titulo
-ang maayos at mahusay na paglalagay ng pamagat o titulo ay nakatutulong sa
mambabasa para mahikayat silang basahin ang kabuuan ng teksto o sulatin.
Simula o Introduksyon
-nakapukaw ng atensyon ng mambabasa, nakaakit ng kawilihan ng mambabasa at
nagsasaad ng pangunahing paksa o kaisipan.

Paraan sa Pagsulat ng Simula:

Magsimula sa isang katanungan


-ang isang nakakaintrigang tanong ay madaling makakuha ng atensyon ng
mambabasa.
Magsimula sa pamamagitan ng isang anekdota
-ang anekdota o isang maikling istorya ay isa sa pinakamabisang paraan para maging
kaaya-aya ang simula ng isang teksto.
Magsimula sa isang kakaiba o bagong kaalaman, ideya at opinion.
- Naglalayon ang paraang ito na makakuha ng panibagong kaalamn ang
mambabasa.
Direktang pagtukoy sa mambabasa
- Binibigyan ng pagkakataon ng manunulat na direktang isangkot ang mambaabsa
sa loob ng kanyang sulatin o tekstong isinulat.
Direktang paglalahad ng nakakaakit na paksa
- Maituturing na isang napakagandang simula ang mahusay na paggamit ng mga
salita sa pagbuo ng paksa.
Maglarawan ng isang indibidwal, bagay o lugar
- Kung ang geksto ay may kinalamn sa tao, bagay o lugar na kaakiba o kaakit-akit,
maaaring magsimua sa isanng mahusay na paglalarawan.
Magsimula sa isang dayalogo
- Ang tuwirang pagsasalita ng mga tauhan o manunulat tuon sa mga mambabasa
ay nakakatawag ng pansin at mahusay na pagsisimula.
Magsimula sa pamamagitan ng isang sipi
- Ang paggamit ng tuwirang sipi bilang simula ay madalas ding epektibo para
lalong mapalitaw ang pangunahng paksa o kaisipan ng teksto.

Katawan

- Ang katawan ang siyang sumusuporta sa simula o introduksyon.


Kaisahan- ang kaisahan ay tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng bawat
pangungusap at lagging may kakayahan ang mga pangungusap na ito na maipalwanag
ng mabuti ang nais ipaunawa ng pangunahing paksa o kaisipan ng teksto.
Kaayusan- ang kaisipan ay lagging konektado at maayos ang daloy ng mga
pangungusap.
Diin- lagging mayroong namumukod-tanging ideya na tatatak sa mambabasa at
pupukaw sa kanilang damdamin.
Wakas o kongklusyon- mag-iwan ng makabuluhang mensahe.

Mga Uri ng Pagsulat

Teknikal na pagsulat
- Ito ay isang uri ng pormal na pagsulat na amy kinalaman sa ibat-ibang larangan
tulad sa kompyuter, kemistri, aerospace…
Problemang pangMetapisika:
Pilosopiya ng relihiyon, pilosopiya ng pag-iisip, pilosopiya ng pagdama at pilosopiya
ng wika at pilisopiya ng agham.
Akademya ng pagsulat
- Kadalasang seryuso. Mundong akademya. Ang mga mag-aaral ay pinagsusulat
ng ibat-ibang uri ng sulatin at ang maging tagahatol o kritiko ng kanilang isinulat
ay ang kani-kanilang mga guro.
Halimbawa:
Sanaysay sa paglalahad ng mga karanasan sa klase, ulat, pamanahong papel o
sulatin at papel pananaliksik na binigyan ng pauna at reaksyon.

Reperensyal na pagsulat
- Ang pagsulat na ito ay naglalayong maglahad ng impormasyon a nakabatay o
hango sa isang tiyak na sanggunian.
Halimbawa:
Libro, balita, ulat, manwal at iba .
Pampahayagang pagsulat
- Ito ay isang matalinong propesyon na naglalayong makipagtalastasan sa
lipunan. Ang pampahayagang manunulat ay inaasahan na lagging susulat ng
makatotohanan patungkol sa isang isyu at pangyayari at hindi hinahaluan ng
sarilng palagaykundi kinakailangan.

Kasanayan sa akademikong pagsulat

Pagbuo ng konseptong papel

- Sa anumang uri ng sulatin, mahalaga at malaki ang kinalamn ng papgpaplano.


Isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Katuturan/kahalagahan ng paksa o pag-aaral
. -Ilahad sa maikling talata ang mga isyu na bumubuo sa pag-aaral.
2. Layunin
- Ilahad ang mga layunin ng gagawing pag-aaral o sulatin.

3. Pamamaraan
– importatnte malamn ang tamang kapamaraanan upang matugunan ang mga
sagot sa gagawing pag-aaral.

4. Ebalwasyon/analisis
- Sa bahaging ito makikita at madedetermina ang mga layunin at mga inilatag na
katanungan.
5. Sanggunian/reference
- Idagdag ang mga aklat sa sangguniang baagi sa pagbuo ng konseptong papel.

Pagbabalangkas

- Ang balangkas ay banghay at gabay sa pagsulat.


Mga Uri ng Pagbabalangkas:
1. Balangkas na papaksa- gumagamit ang balangkas na papaksa ng mga salita o
parirala para sa ilo o heading.

2. Balangkas na pangungusap- gumagamit ng isang buong pahayag o


pangungusap sa ulo o heading.
3. Balangkas na patalata- gumagamit ng mga pahayag na may maikling buod
upang ipaliwanag ang bawat isa.

Mga uri ng pagbubuod:

Sinopsis- isinusulat ito sa sariling pangungusap, mas pinaikli ngunit ang diwang
tinataglay ay mananatiling naroon.
Presi/Precis- ay hindi personal na interpretasyon o ekspresyon ng sariling opinion sa
mga ideya.
Hawig/Paraphrase- ito ay ang pagpapahayag ng ibang ideya sa pamamgitan ng
sariling pananalita.
Abstrak- ito ay isang lagom ng isang pinal na papel o tesis.
Sentisis- ito ay ang pagsasaayos at pagdudugtongdugtong ng mga magkakahiwalay
na bahagi at ideya ng isang sulatin upang makabuo at maging ganap ang diwa.
Direktiba/tuwirang sipi- ito ay tuwirang pagkuha ng sinabi o pahayag ng isang tao.

Kasaysayan

Sining na pagsasalin- ay kinakailangan sa isang mahusay na pagsasalin, subalit ang


mga linggwist at philosophist ay amalki ang paniniwal at kamalayn na ang proseso ng
pagsasaln ay higit na angkop isakatuparan sa isang masining na paglalarawan.
Agham na pagsasalin- ang pokus ay nasa paglalarawang aspeto nito.

Kasaysayan ng pagsasalin
Unang yugto
- Ang pagsasaling-wika sa pilipinas ay masasabing magkaanyo noong panahon
ng pananakop ng mga kastila, kaugnay na pagpapalaganap ng kristiyanismo.

Ikawang Yugto
- Ang naging pangunahing kasangkapan noong ng kastila ay krus o relihiyon.
- Ang mga amerikano naman ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng wika.
Ikatlong Yugto
- Ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales, pampaaralan na nasusulat sa
ingles, tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian.gramatika at iba
pa.pagpapatupad ng Bilinggual.

.Larangan ng pagsasalin

Mga uri nito:


Intalingual- ito ay pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika.
Interlingual Translation- tinatawag rin itong translation proper. Ito ay may layuning
mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan ng mga verbal sign sa ibang wika.
Intersemiotic o transmutation- ito ay pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang
masistemang simbolo patungo sa iba.
Ikaapat na Yugto
- Ay ang pagsasalin ng mga katutubong panitikang di-tagalog.

Apat na kategorya ng pagsasalin ayon kay savory

1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa.


Halimbawa: second handbook are sold here.
Salin: nagbibili rito ng mga librong gamit na.
2. Saling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa karaniwang
mambabasa.

Halimbawa :fate of the earth.


Salin: satanas sa lupa.
3. Saling sumasaklaw sa ibat-ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan
o tula sa tula.
4. Saling siyentipiko o teknikal
Halimbawa: astronomy
Salin: astronomiya

Dalawang uri ng salin:

1. Lantad na salin o overt translation


- Ang lantad na salin ay karaniwang kailangan ng orihinal na teksto ay nakatali sa
kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng
pinagmulang wika.
2. Di lantad na salin o covert translation
- Ay karaniwang kapag ang alinmang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala.

Katangian ng isang tagapag-salin:

- Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot, sa gramatika, panitikan,


kultura at sa paksang isasalin.

Mga pamantayan sa pagsasalin ng wika:

1. Higit na pahalagahan ang wikang kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa


wikang nakasulat.
2. Isaalang alang ang kaisahan sa anyo ng mga salitang hinihiram sa ibang wika.
3. May mga salitang magkasingkahulugan.
4. Maging matipid sa paggamit ng mga salita.
5. Sa pagsasalin, hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan.
6. Hanggat maari, iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa
ibang wika sa pilipinas subalit hindi kahulugan.
7. Ang mga daglat o aknonim na tinatanggap na o kinikilalang unibersal ay di na
kailangan iayon sa baybay na kautusan sa Filipino.

Mga suliranin sa pagtutumbas;

1. Isa-isang katumbas- ditto ang isang tagapagsalin ay dapat na gumamit ng


diksyunaryong bilingual.
Halimbawa: instrument-kagamitan
2. Isa-isa sa maraming katumbas.
Halimbawa : bata- young child, protégée at mistresss.
3. Marami sa isang katumbas.
Halimbawa; manghang ang sili, mainit ang plantsa, may lagnat ang bata- Hot
Mga katangian ng teksto:

1. Pagpapaliwanag- ang isang teksto ay maaring may mga katangiang


panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika.

Elements of poetry

Rhythm- a pattern created with sound.


Meter- basic structural make-up of the poem.
Stanza- group of lines.
Rhyme- basically similar sounding words.
Rhyme scheme- pattern of rhyme.
Theme- central idea.
Symbolism- thought using symbols.
Imagery- creating an image.
Poetry- epression/writing of imaginary events.
Technical- uses techniques to find the best words to ekpress.

Basic technique in writing poetry:

1. Structure- group the words by lines to stanza.


2. Phonetic technique
End rhyme-words with the same rhyme
Last syllable rhyme
Double rhyme
Assonace- repetition of vowel sound.
Alliteration- repetition of consonant
Consonant- repletion of consonant at the end of syllable.

Types of Feet:

Trochee- stressed followed by unstressed.


Lamb- unstressed followed by stressed.
Anapist- two stressed followed by one stress.

Problems in translating poetry.

1. Linguistic problem- unrecognize words.


Halim. JAN- a name or a month.
2. Literary or aesthetic problem- convey the words.
3. Socio cultural problem-

Angela manalag Gloria: CHANGE- sonnet; when her husband died.


Lilia lopez chua: OPEN-END QUALITY,- free verse; independence freedom.
Carlos A. Angeles: LANDSCAPE- went to landscape where his wife has gone.
Edith I. Tiempo: BONSAI- dedicated to her daughter, to show her love to her daughter.
Rene Estella Amper: SA BABAYE NGA NAGHUBO DIDTO SA BAYBAYON SA
OBONG
Jose La Villa tierra: BALLAD O A MOTHER’S HEART-
Adonis Durado: PANSIT
Corazon Almerino: BINNANGKAL, PENELOPE

You might also like