You are on page 1of 3

Volunteer, isang salita

Pero malaki ang ginagampanan sa madla

Kaya mo ba ito?

Alam mo ba ang kung paano?

Mahirap kaya? Natry mo na?

Sus ano bang mapapala mo dyan?

Kundi pagod lang ng katawan

Pero teka? Bakit mo ginagawa?

Para ba maging sikat at masabing ang bait niya?

Ang maging isang volunteer, masaya ba?

Iyong tipong naeenjoy mo ba?

Maglingkod at magsakripisyo, ayos ka pa ba?

Kaibigan, ano bang prinsipyo mo?

Kasi ang pagiging volunteer ang alam ko

Maging selfless at isipin ang ibang tao

Sabi kasi nila mas mapalad ang nagbibigay

Kaysa tumatanggap, kaya magbigay

Magbigay ng tulong, tara ika'y sumabay

Maging Red Cross volunteer

Na walang kaarte arte

Umaarangkada sa kalsada kapag may nadisgrasya

First aid, CPR ano pa ba pare?

Lumulubog sa baha, mailigtas lang ang mga taong sinakuna

Magbigay ng relief goods, magpasaya ng mga bata

Kahit madumihan, maputikan, mabasa ang iyong damit

Deadma lang kasi merong taong sayo nakakapit

Umaasa na ika'y may mabibigay na pag-asa

Dahil lugmok na lugmok na sila

Volunteer, hindi siya biro


Dugo't pawis mo ang ilalaan mo

Matulunging kamay

Iyong iwagayway

Magpakita ng malasakit sa mga tao

Kahit hindi mo man mga kadugo

Na bente kwatro oras, ika'y nagbibigay ng serbisyo

Serbisyo na walang kinikilingan

Walang prinoprotektahan

Yong serbisyong totoo na walang kaplastikan

Na kapwa ko alaga ko

Na hindi mo mahal pero kailangan mahalin mo

Baka ito yong sinasabing essence ng buhay mo

Ang magsilbi sa kinagisnang bayan mo

Hindi man madali pero lahat kakayanin

Lahat ng hirap hindi mo iisipin

Tirik na araw, umulan o bumagyo man

Para sayo wala lahat nang 'yan

Ang mahalaga sayo may magawa

Sa mga taong nangangailangan kahit anong oras na

Kahit ika'y puyat at ika'y pagod na

Hindi mo yan iniinda

Isang simpleng salamat, ngiti, masaya ka na

Ang sarap sa feeling na nakakatulong ka

Walang hinihintay na kapalit pero napakaworth it

Kahit na minsan talagang ika’y magkasakit

Kung nasa puso mo ang makatulong

Kahit pangalan mo ay hindi man uugong

Ok lang lahat kasi alam mo

Na lahat ng ginagawa mo
Ay para sa kapakanan ng maraming tao

Volunteer, isang salita

Ay panindigan ito ay mahirap talaga

Kung walang kang pagtitiis, pagtyatyaga

Pagkukusa At pagmamahal sa iyong kapwa.

Wala man itong grade o kapalit na pera,

Basta alam ko sa Ating Maykapal pag naging volunteer ako

May pogi points ako sakanya.

Buhay ng isang Volunteer akda ni Thea

You might also like