You are on page 1of 8

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO II

I. Layunin:

 Nabibigyan ng kahulugang literal at matalinhaga ang isang salita ayon


sa sitwasyong pinaggagamitan.
 Naisasagawa ang iba’t-ibang paraang ginagamit sa pagpapakahulugan
sa salita ayon sa sitwasyong pinaggagamitan.
 Nakakapagpahayag ng may pagtitiwala sa sarili.

II. Paksang- Aralin

Paksa: Pagpapakahulugan ng Salita Ayon sa Sitwasyong Pinaggagamitan

Kagamitan: plaskard, larawan at mga makukulay na papel.

Sanggunian: Hiyas sa Wika 2 p. 48

III. Pamamaraan/Estratehiya

Gawaing- Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo tumungo sa Magsisitayo ang lahat at
tatalakayin natin sa araw na ito mananalangin.
manalangin muna ang lahat. Sa ngalan ng Ama ng Anak… Amen.

2. Pagbati
Magandang Hapon at Mabuhay sa Magandang hapon din po sa inyo
inyong Lahat! Kamusta kayo ngayong Binibining Lara! Mabuhay!.
araw? Mabuti naman po.

3. Pagtala ng mga Liban


Sa klaseng ito, meron bang Tatayo ang ang bawat lider ng grupo
lumiban ngayon sa araw na ito? at sasabihin kung sino ang liban sa
klase.
B. Balik-Aral
Bilang balik-tanaw sa ating pinag-aralan
ano ang kahulugan ng idyoma? Mam ang idyoma po ay…

Magaling!
1. Pinagtaasan siya ng kilay ng
kanyang kaibigan. - pinagsupladahan
2. Halos tambakan ng isang kilong
pulbos ang kanyang mukha. - makapal mag- make-up
3. Nasaktan ang dalaga dahil sa
sinabing siya ay may utak-biya. - mahina ang ulo
4. Nahihiya siyang pumunta sa
sayawan dahil parehong kaliwa ang paa
niya. - Hindi marunong sumayaw
5. Si Ana ay kadupaang-palad ni Rose.
6. Ang pag-ibig ko’y di magbabago - Matalik na kaibigan
itaga mo sa bato.
- Tandaan

Magaling! Nasagot ninyo ng


mahusay ang mga salitang nasa Bigyan natin sila ng Aba Matindi! ang
plaskard. mga nagsisagot.

C. Pagganyak

Magpapakita ng mga larawan ng


buwaya, ahas, at baboy.

Alamin.

Suriin ang mga sumusunod na


larawan at subuking hanapin sa loob na Ang mga mag-aaral ay susuriin ang
nasa kahon ang mga salitang maaaring mga larawan at iuugnay ang mga
iugnay sa mga ito. salita na nasa kahon sa mga larawan
ng hayop.

Buwaya---- sakim, madaya, gahaman

Ahas--- traydor, taksil

________ ________ _______ Baboy---- magulo, marumi at salaula


________ ________ ________
________ ________ ________
magulo madaya matinik sakim

matinik salaula taksil timawa

traydor marumi gahaman


Madali mo bang naiugnay ang mga salita Opo Maam!
sa loob ng kahon sa mga larawan ng
hayop?
Mahusay kung gayon!
Sakim, madaya at gahaman maam
Anu-ano ang mga salitang naiugnay
sa buwaya?

Tama! Madaya, sakim, at gahaman


ang mga salitang dapat na naiugnay sa
salitang buwaya.

Anu- ano namang salita ang naiugnay Taksil at traydor maam


mo sa ahas?

Tama kang muli! Taksil at traydor


ang mga salitang dapat na naiugnay sa
salitang ahas.

Tingnan nga natin kung naiugnay


ninyo rin sa larawan ng baboy. Salaula (gamol), magulo at marumi
Magaling! Naiugnay niyo rito ang naman sa baboy!
salitang marumi, magulo at salaula.

Kung gayon, may kaugnayan sa


araling tatalakayin sa mga sandaling ito
ang mga pinag-ugnayan ng mga larawan
at mga salita.

D. Paglalahad

Okay class, Ipinagmamalaki ng


Wikang Filipino ang malawak at
mayaman nitong bokabularyo.

Maitanong ko lang , Ipinagmamalaki Opo, maam Ipinagmamalaki po


mo ba ang Wikang Filipino? namin an gating Wika!

Maraming nalilikha at nabubuong


salita mula sa isang salita lamang.
Isa lamang sa maraming paraan ng
pagpapalawak ng isang simpleng
salita ay ang pagpapakahulugan ng
salita ayon sa sitwasyong
pinaggagamitan.

Ano nga ba ang ibig sabihin nito Maam ibig sabihin po kung paano
Class? ginamit ang isang salita sa isang
pangungusap o sitwasyon.
Magaling!

Balikan natin ang salitang buwaya.

Maraming maaaring ibigay na


kahulugan ng salitang buwaya depende
kung paano ito ginagamit sa
pangungusap.

Suriin ang dalawang pangungusap Susuriin ng mga mag-aaral ang


kung saan ginamit ang salitang buwaya. dalawang pangungusap at
magbibigay ng ideya kung ano ang
1. Inaalagaang mabuti ang mga napansin nila.
buwaya sa Manila Zoo.
2. Maraming buwayang naglipana sa
ating lipunan.

Ano ang napansin niyo sa dalawang Magbibigay ang mga mag-aaral ng


pangungusap? mga ideya ukol sa pangungusap.

Sa unang pangungusap ang tinutukoy


na buwaya ay… Isang uri ng hayop po maam.

Magaling ! isang uri ng hayop at


paano ninyo binigyang kahulugan ang Tunay na kahulugan ng buwaya o
salitang buwaya ? literal maam na kahulugan ng
buwaya na makikita sa dictionary
Tama! literal na kahulugan o tahas ng maam.
salitang buwaya.
ito ay ang paggamit ng salita sa loob
ng pangungusap kung saan, ang
Kapag sinabing literal o tahas na ibig iparating na kahulugan ng salita
kahulugan ng salita , ito ay ay ang tunay na kahulugan
_________________________ nito na maaaring matagpuan sa
diksyunaryo.
Samantalang sa ikalawang
pangungusap, ang tinutukoy na buwaya Isang taong sakim , madaya at
ay ang ________ ? gahaman mam sa pera.

Tama! taong sakim, madaya at


gahaman sa salapi at kapangyarihan at Mga Matatalinhagang salita maam
ang pagpapakahulugan sa salitang dahil malalim ang kahulugan nito sa
buwaya ay tinatawag natin na pangungusap na iyon.
__________

Magaling! Matalinhagang kahulugan.

ang paggamit sa pangungusap ng


Kapag sinabing matalinhagang mga salitang may
kahulugan naman ito ay matalinhagang kahulugan o may
_______________ natatagong ibang kahulugan.

Samakatwid, dalawang magkaibang


kahulugan ang naibigay sa salitang
buwaya sa dalawang sitwasyong
pinaggagamitan. Ang literal at
matalinhagang pagpapakahulugan ay
tinatawag natin na mga paraan ng
pagpapapakahulugan ayon sa
sitwasyong pinaggagamitan.
Ipapaliwanag ang naging kahulugan
Ganito rin ang kaugnay na paliwanag ng ahas at baboy ayon sa
sa salitang ahas at baboy. halimbawang binigay nila.

Naunawaan niyo ba at naiintindihan


ang aking mga paliwanag? Opo Maam, naiintindihan.

Kung gayon maaari bang magbigay


kayo ng halimbawa ng isang salita na Magbibigay ng mga halimbawang
may literal at matalinhagang kahulugan? pangungusap ang mga mag-aaral.
Indibidwal na Gawain
Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na
nagbibigay ng angkop na
pagpapakahulugan sa
salitang may salungguhit batay sa
pagkakagamit sa pangungusap.

1. Maraming plastik sa mundo kaya’t di


dapat agad-agad na magtitiwala.
a. sisidlan na yari sa materyal na Mag-aaral 1: Letrang B po maam.
plastik
b. taong may mapagkunwaring pag-
uugali
2. Mapait na karanasan ang sinapit Mag-aaral 2: Letrang B po maam.
ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
a. isang uri ng panlasa o lasa ng
pagkain
b. kabiguan at paghihirap na dinanas
sa buhay
3. Ubod ng hangin ang taong
nakausap ko kanina. Mag-aaral 3: Letrang A po maam.
a. mayroong mayabang na pag-uugali
b. nararamdamang dumadampi sa
balat ngunit hindi nakikita.
4. Napakaganda ng panahon kapag
kulay bughaw ang langit. Mag-aaral 4 : Letrang A po maam.
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng
ulap
b. pakiramdam ng taong walang
problema

5. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga.


a. uri ng pera na yari sa tanso Mag-aaral 5 : Letrang B po maam.
b. markang naiiwan sa balat matapos
maghilom ng sugat.

Pangkatang Gawain

Magkakaroon ng isang palaro na Pass


the message. 5 miyembro sa bawat
grupo sa dalawang pangkat.

Unang Mensahe : Ang tinapay ay isang


pagkain.

Pangalawang Mensahe: Kapag binato


ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Sa grupong mananalo ay mayroon


silang chips na katumbas ng recitation.

E. Paglalahat
Ang tinalakay natin sa araw na ito ay
Okay class, sino sa inyo ang ang mga paraang gingamit sa
makakapaglalahad ng ating tinalakay sa pagpapakahulugan ng isang salita
araw na ito? ayon sa sitwasyong pinaggagamitan,
at ito ang literal na kahulugan at
matalinhagang pagpapakahulugan.
IV. Pagtataya

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon


ang letra ng pahayag na nagbibigay-
kahulugan sa salitang sinalungguhitan.

1. Higit na maganda ang hitsura ng 1. C. Ipinapahid na kolorete.


babaeng hindi naglalagay ng
pintura sa mukha.
2. Madugo ang mga katanungan sa 2. A. Mahirap
pagsusulit.

3. Palaging hasain ang kutsilyo 3. E. Pagpapatalim sa anumang


upang tumalim. bagay na panghiwa.

4.Lumabas ang gitara sa katawan ng 4 B. Mga buto sa tagiliran


lalaki.
5.Nangangamoy usok ng inihaw na 5 . D. Lumalabas at sumasama sa
isda sa bakuran. hangin kapag may apoy.
A. Mahirap.
B. Mga buto sa tagiliran
C. Ipinapahid na kolorete o
make-up
D. Lumalabas at sumasama sa
hangin kapag may apoy.
E. Pagpapatalim sa anumang
bagay na panghiwa.
F. Instrumento sa musika
Takdang- Aralin
Ibigay ang kahulugan ng tayutay at
mga uri nito.

You might also like