You are on page 1of 1

Mica D.

Columa 7-Del Prado

Anim na taong gulang si Roselle nang magkasakit ng matinding hika. Dahil dito
ay kinailangan niyang uminom ng maraming gamot. Subalit lingid sa kaalaman ng mga
magulang, si Roselle pala ay may iba pang karamdaman. Siya ay mayroong rare
disease na kung tawagin ay Steven Johnson’s Syndrome. Ang immune system ni
Roselle ay nagkaroon ng matinding reaksiyon sa mga gamot sa hika na kanyang
iniinom. At makalipas ang labindalawang araw na pag-atake ng sakit ay unti-unting
nabulag ang kaawa-awang bata.
Sa kabila nito ay nanatiling matatag ang mga magulang ni Roselle. Sila ang
gumabay at nagsilbing mga mata ng bata para makapamuhay ito ng normal. Naniniwala
sila na hindi hadlang ang naging kapansanan ng anak para maabot nito ang kanyang
pangarap. Mula elementarya hanggang kolehiyo ay pinag-aral nila ang bata sa regular
na paaralan. At hind sila nabigo dahil katakot-takot na karangalan ang inuwi sa kanilang
tahanan ng anak nilang may kapansanan.
Noong elementary at high school, si Roselle ang naging class valedictorian. At
nang matapos ang kolehiyo, siya ang tinanghal na kauna-unahang vision-impaired
summa cum laude ng Ateneo de Manila University sa kursong BS Mathematics.
Ipinagpatuloy ni Roselle ang kanyang kasipagan sa pag-aaral at sunod na tinapos ang
kanyang Masters in Applied Mathematics sa UP Diliman. Dahil sa ipinakitang galing ay
agad siyang nabigyan ng magagandang oportunidad. Nagtrabaho siya bilang consultant
specialist sa ibat-ibang software companies sa North America at Europe.
Bukod sa trabaho ay abala din si Roselle sa kanyang adhikain na makatulong sa
iba pang kabataang bulag na gaya niya. Itinayo niya ang Project Roselle, ang proyekto
na nagbibigay ng special software sa mga public school para makadalo ang mga
kagaya niyang bulag sa regular na klase ng paaralan.
Tumatayo din siya bilang lecturer and speaker sa ibat-ibang leadership seminars,
graduation ceremonies and talks on self-improvement.
Sa kanyang mga naging tagumpay ay pinatunayan ni Roselle na hindi na niya
kailangan pa ng mga mata para masilayan ang magandang kinabukasan. Ang
pinaghalong pagtitiyaga at pananampalataya ang tanging instrumento ni Roselle para
pangarap ay abutin at magsilbing liwanag sa dilim.
Ang kwentong ito ay hango sa tunay na karanasan ni Roselle R. Ambubuyog, the first
visually-impaired Filipina to become summa cum laude at the Ateneo University in
2001.

You might also like