You are on page 1of 2

Rice tarrification law, hindi umubra

Pumalpak ang Republic Act No. 11203 na maibigay ang pinangakong benepisyo at tulong sa mga
magsasaka sa halip ay ginagamit ng mga mangangalakal o importers para pagkakitaan.

“In simple language, the reform essentially strengthened the bar gaining position of the traders — that
is the unintended consequence’, sabi ni Albay Rep. Joey Salceda.

Ang R.A. No. 11203 na nilagdaan at naisabata noong nakaraang Pebrero ngayong taon, na
nakapagpalaya sa pag-angkat ng bigas sa bansa at inilaan upang maresolba ang palala ng palala na
kakulangan ng bigas sa Pilipinas.

Nang maipatupad ang batas, nasisi ito sa malaking pagbagsak ng presyo ng palay at bigas na umabot sa
₱7 na naging dahilan ng gulo at ikinagalit bg mga magsasakang Pilipino.

Nagsumite si Salceda ng limang-pahina “aide-mèmoire” nitong Martes, ika-10 ng Septyembre. Ibinigay


niya ang kopya nito kina Pres. Rodrigo Duterte at Speaker Alan Peter Cayetano para sa paraan at aksyon
na gagawin ng gobyerno sa mga isyung nakapaloob dito.

Inuudyok ni Salceda ang Department of Justice at ang Philippine Competition Commission upang
imbestigahan ang mga posibleng pananabotahe sa ekonomiya pati na rin ang Department of Trade and
Industry at Department of Agriculture na paigtingin ang pagbabantay sa presyo ng palay at bigas.

Sinabi niya na pinagsasamantalahan ng mga importers ang kakulangan sa paggawa ng imbakan, tuyuan,
gilingan, at mga pasilidad ng transportasyon na kinakailangan upang direkta na maibenta sa mga
mamimili.

“They turned us into fools. In short, it’s bad traders cheating”, dagdag ni Salceda.
Duterte, idineklara ang ika-25 ng Hulyo bilang National Campus Press Freedom Day
Pormal na nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte ang batas na nagsasaad na sa tuwing ika-25 ng Hulyo ay
oobserbahan ang National Campus Press Freedom Day taon-taon.

Pinirmahan ni Pres. Duterte ang Republic Act No. 11440 o ang National Campus Press Freedom Day Act
noong nakaraang ika-28 ng Agosto. Ang nasabing batas ay naisapubliko noong Martes, ika-10 ng
Septyembre. Sinasabi ng panukala ang pagprotekta sa dyornalismong pangkampus ay bahagi ng
tungkulin ng gobyerno sa pagprotekta sa “karapatan na garantisadong ayon sa konstitusyon sa kalayaan
sa pagpapahayag, pagsasalita, at pa-imprentahan”.

“As part of media, the campus press is an important institution in promoting and protesting the freedom
of the press and the freedom of expression’, isinasaad ng batas. Ipinaguutos nito na ang lahat ng
institusyon sa edukasyon na magbigay ng todong suporta at tulong sa mga programa at aktibidad a pag-
ooberba ng National Campus Press Freedom Day.

Pagpapasa sa naturang batas ay sinasabi ng iba itinatanggi o itinataboy ng Administrasyong Duterte ang
mga akusasyon at paratang sa pag-iintimida sa mga mamamahayag pangkampus at pa-imprentahan na
parte ng mga komyunistang grupo.

Noon lamang nakaraang ika-23 ng Agosto, ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ay
kinondena ng grupo ang nasabing pananakot ng mga pulis sa The Pillars nang sila’y mag-organisa ng
pagsindi ng mga kanidla para sa mga biktima ng mga pagpatay sa Negros Island. Ito’y nagresulta sa
paghahain ng grupo ng reklamo laban sa mga sangkot.

Ikinalungkot ng grupo ang estado ng pahayagang pangkampus sa ilalim ng Administrasyong Duterte, lalo
na sa mga unibersidad na pinatatakbo ng gobyerno, na sinasabing ngayon ay nahaharap sa pananakpt at
pagsupil sa mga administrasyon ng paaralan na tauhan ng gobyerno.

You might also like