You are on page 1of 10

MODYUL

SA
FILIPINO
Ngayon ay malalaman natin kung gaano kalawak ang alam mo sa sining.

Paunang Gawain!

PANUTO: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Letra lamang ang isulat.

HANAY A HANAY B

1. Marilou Diaz Abaya a. mang-aawit


2. Jaguar b. director
3. Nonoy Zuniega c. pamagat ng pelikula
4. Gloria Romero d. artista
5. Parokya ni Edgar e. banda
PAGLALAHAD NG ARALIN

Pagsulat ng Rebyu ng isang Pelikula

1. Pamagat
ito ang magpapakilala sa pelikula.

2. Tema
tungkol saan ang nilalaman ng pelikula? Ano ang mensaheng pinapahayag nito?

3. Buod
ang pinaikling nilalaman ng pelikula

4. Direksyon
ito ang pamamaraan ng direcktor kung paano niya patatakbuhin ang pelikula.

5. Disenyong pamproduksyon
ito naman ay tumutukoy sa mga kasuotan at mga props na ginamit sa pelikula upang
higit itong maging katotohanan.

6. Sinematograpiya
ang pagbibigay ng anggulo sa mga eksena ang pinatutungkulan nito.

7. Makatotohanang Pagganap ng mga tauhan


ito ay tumutukoy kung sa paano binigyang-buhay ng mga atistang nagsiganap sa
pelikula ang mga karakter na kanilang ginagampanan.
8. Ang paglapat ng tunog
mahalaga sa isang pelikula ang mga tunog na maririnig.

9. Ang paglalapat ng musika


mahalaga ang aspektong ito sa isang pelikula dahil nakatutulong ito upang mabuhay
ang mga emosyon at damdamin ng mga manonood ng isang pelikula

10. Editing
ang pagdudugtong-dugtong ng mga eksena mula sa isang tagpo patungo sa isa pang
tagpo.

11. Screenplay
ang magagandang dayalogo sa isang pelikula ay naalala ng mga manonood hanggang
sa pagwawakas ng isang pelikula.

Pangalawang Gawain!

Isulat ang mga nalalaman ninyong mga pelikula.

PELIKULA

Pangatlong Gwain!
Manood ng isang pelikula at isulat ang inyong rebyu.

BANGHAY
ARALIN
I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakasusuri ng isang pelikula gamit ang pamantayan sa pagrerebyu ng


pelikula.
2. Natutukoy ang mga mahalagang salik sa pagrerebyu ng pelikula.
3. Napapahalagahan ang ilang piling pelikula sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng kaalaman ukol dito.
4. Nakapaglalahad ng isang maiksing linya sa isang pelikula.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Aralin 4, Pelikula, Pagsulat ng rebyu sa Pelikula


B. Sanggunian: Sulong 8, pahina 204-206,
https://www.youtube.com/watch?v=sNm-M0LvaH0,
https://www.youtube.com/watch?v=rYDeU0guS9
C. Kagamitan: Biswal, mga larawan, prodyektor, laptop

III. PROSESO NG PAGKATUTO

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtala ng liban
5. Pagbabalik-aral

A. PAGLALAHAD NG ARALIN

1. Pagganyak
Ano ang dayalogo na inyong na pakinggan?

2. Aktibiti
Panonood ng pelikula

3. Analisis

a. Ano ang pamagat ng pelikula?

b. Ano kaya ang naging tema ng pelikulang pinanood ninyo?

c. Naayon ba ang paglalapat ng musika sa pelikula o akma ba ito sa tema?


Magaling!

4. Abstraksyon

a. Ano ang naitutulong ng kasanayan sa wastong pagrerebyu ng pelikula?

b. Ano nga ba ang naitutulong ng pagkakaroon ng rebyu sa isang pelikula?

5. Aplikasyon

Mula sa inyong grupo kanina nais ko kayong magsama-sama muli para sa inyong pangkat.
Ang lahat ng bawat pangkat ay pipili ng isang pelikula na inyong napanood at ibibigay ninyo
kung anong pamagat ng naturang pelikula ngunit magkakaroon tayo ng kakaibang pangkatin
ang 1 at 2 pangkat ay ang gagawin ay pag-uulat tungkol sa kanilang na panood na pelikula at
ang makakakuha naman ng 3 at 4 na grupo ay magkakaroon ng isang pagbibigay buhay ng
pelikula kinakailangan ay makikita namen ang mga sumusunod.

a. Pamagat
b. Tema
c. Mga karakter
d. Direktor
e. Disenyong pangkasuotan
f. Pamosong linya
g. Komento ng mga manood

Andito ang rubriks ng inyong pag-uulat at pagtatanghal.

PAMANTAYAN!

“Buhalinya”

Pagkakaganap ng isang tauhan - 50%


Organisasyon ng isang grupo - 20%
Pagbitaw ng mga linya - 30%

Pangkalahatan na puntos -100%

“Pagtanghalinya”

Estilo ng pag-uulat - 30%


Naipaliwanag ng maayos ang nilalamam
- 50%
Maayos na presentasyon - 20%

Pangkalahatan na puntos -100%


I. PAGTATAYA

Kumuha ng ikaapat na bahagi ng papel.

1. Ano ang paksang tinalakay?

2. Ito ang magpapakilala sa pelikula?

3. Ito ang pagbibigay ng anggulo sa mga eksena ang pinatutungkulan nito?

4. Ito ang pagdudugtong-dugtong ng mga eksena mula sa isang tagpo patungo sa isa
pang tagpo?

5. Ito ang pinaikling nilalaman ng pelikula.

IV. TAKDANG-ARALIN

Para sa inyong takdang aralin kuhanin ninyo ang inyong mga kwaderno.

Hahanap kayo ng isang pelikula at sususuriin ninyo ito kung makikita ninyo ang mga
pamamaraan ng pagsusuri ng pelikula. Isususlat ito sa isang buong papel.

You might also like