You are on page 1of 2

Bedania, Lindsay B.

ABM-11

TEKSTONG PROSIDYURAL

PAG-GAWA NG COFEE JELLY

Mga Kasangkapan:

6 baso ng tubig

3 hanggang 5 na kutsara ng kape

1 hanggang dalawang kutsara ng asukal

1 pack ng unflavored na gulaman

1 lata ng evapora o kremdensada

Mga hakbang sa paggawa:

Unang Hakbang: Ihanda ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin. Kung maaari ay

hugasan muna ng maigi ang mga kagamitan bago ito gamitin.

Pangalawang Hakbang: Maglagay ng anim na baso ng tubig sa kaserola. Siguraduhing tama

lamang ang sukat nito.

Pangatlong Hakbang: Ihalo ang tatlong kutsara ng kape (depende sa iyong panlasa) at ang

asukal. Maari mo itong tikman upang makuha ang tamang lasa. Haluin ito ng mabuti hanggang

sa matunaw.

Pang-apat na Hakbang: Matapos mahalo ng mabuti ay matimplahan ay maari nang ihalo ang

gulaman. Tunawin ito ng mabuti.


Panglimang Hakbang: Pagkatapos haluin at matunaw ng gulaman ay sindihan ang lutan at ilagay

ito sa pinakamababang level ng init. Isalang na ang mixture.

Pang-anim na hakbang. Haluin lamang ito hanggang sa kumulo. Kapag kumulo na, maaari na

itong isalin sa isang tray upang maging buo ito.

Pangpitong Hakbang: Kapag buo na ang gulaman ay maaari na itong haitiin sa maliliit na parte.

Pangwalong Hakbang; Pagkatapos hatiin ay maari na itong ilipat sa mas malawak na lalagyan.

Pangsiyam na Hakbang: Buksan ang evaporada o kremdensada saka ihalo sa gulaman. Haluin ito

ng mabuti upang maikalat ito. Ilagay ito sa refrigerator o freezer upang lumamig.

Pangsampung Hakbang: Kapag malamig na ay maaari na itong kainin. Nakakagawa ito ng 10-15

na serving.

You might also like