You are on page 1of 4

MAIKLING KWENTO

 Isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o


ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
 Isa itong masining na anyo ng panitikan
 Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
 Karamihan sa mga ito ay maaaring mabasa sa loob ng isang upuan lamang.

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO

Binubuo ito ng mga Tauhan na magsisiganap, Tagpuan at Suliranin ng


kwento.

1.) Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa


kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring
bida, kontrabida o suportang tauhan.
Simula
2.) Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o
mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento.

3.) At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang


haharapin ng pangunahing tauhan.

Ito ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


Saglit na Kasiglahan
masasangkot sa suliranin.

Ito ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng


Tunggalian pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsa'y ang
sarili, ang kapwa, o ang kalikasan.

Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing


Kasukdulan tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Dito sa
bahaging ito nakakamit ang pinakamataas na anyo ng emosyon.

Ito ang bahagi ng maikling kwento na kung saan ang emosyon ay unti-unting
bumaba mula sa pinakamataas na anyo nito. Ito ang parte kung saan
Pagbaba ng Interes
naganap na ang katuparan o kasawian ng ipinaglalaban ng pangunahing
tauhan.

Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento


Kakalasan
mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.

Ito ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring


Katapusan
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
MGA URI NG MAIKLING KWENTO

inilalarawan an mga pangyayaring pangkaugalian ng mga


kwento ng tauhan tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang
pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng


kwento ng katutubong
mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng
kulay
mga tao sa nasabing pook.

nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa


kwentong bayan
kasalukuyan ng buong bayan.

pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi


kwento ng kababalaghan
kapanipaniwala.

kwento ng katatakutan Naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang


kwento ng madulang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa
pangyayari
tauhan.

ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang


tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri
kwento ng sikolohiko
ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

kwento ng
nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
pakikipagsapalaran

kwento ng katatawanan Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa

Maikling kuwento
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad,
kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

i love you irah by riv

Bilang isang masining na panitikan,naglalahad ng isang pangyayari ang maikling kuwento. Hindi katulad ng
nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento, higit na kakaunti ang mga tauhan nito, mas
mabilis ang paglalahad, at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita.
Layunin

Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari
sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa
mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Isa itong uri ng panitikan na nag-iiwan ng mga aral at kaisipan
sa mambabasa.
Kayarian

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang
pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may
isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

]Mga Elemento

 Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa.


 Saglit na Kasiglahan- Nagpapakita ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa
problema.
 Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
 Tunggalian- May apat na uri: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs. lipunan, tao vs. kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
 Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- Mensaheng inilalahad ng maikling kwento.
]Mga uri

May siyam na uri ng maikling kuwento:

 Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap
upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
 Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
 Sa kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
 Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
 Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
 Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari
na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
 Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan
ang paglalarawan ng kaisipan.
 Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.
 Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.
[baguhin]Tema

Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang
kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng
layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging mga sumusuno ang tema: palagay sa
mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala
sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan
ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng
manunulat sa mambabasa.

[baguhin]Mga Bahagi

Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:


[baguhin]Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o
suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente,
gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang
kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

[baguhin]Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman
ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.

[baguhin]Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para
bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.

You might also like