You are on page 1of 1

Kabanata 5: Pangarap Sa Gabing Madilim

(Buod)
Home > Buod > Noli Me Tangere > Kabanata 5

« Kabanata 4Kabanata 6 »

Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing
pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos
na sinapit ng kaniyang ama.

Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng ilog.
Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-
masid ang binata at pinanood ang mga nagtatanghal.

Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto. May mga
anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa
umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle.

Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara. Nabighani si
Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni
Ibarra ang mga batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman ito.

Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya Victoria
naman ay abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara.

Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na habang si


Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.

Aral – Kabanata 5
Sa kabila ng mga pinagdaraanan sa buhay, laging mayroong isang bituin na sumisimbolo sa
bagong pag-asa. Kahit may pagsubok na hinaharap, mayroon namang mga rason para mahanap
ang kagandahan ng buhay.

You might also like