Professional Documents
Culture Documents
Esp Lesson Plan
Esp Lesson Plan
Esp Lesson Plan
DIONY L. GONZALES
Hunyo 13-17, 2016
Unang Markahan
I. Layunin:
a. Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga /pagbibinata, sa kanyang mga talento, kakayahan, at kahinaan, hilig, at mga tungkulin
bilang nagdadalaga/nagbibinata
b. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang tungo sa paglinang ng apat na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
II. Nilalaman
Paksa: MANGARAP KA!
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay
at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at pagiging mabuti at mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong: Anu-anong mga pagbabagong inaasahan ko sa
aking pagdadalaga/pagbibinata? Alin sa mga kakayahanko ang dapat kong linangin? Anu-anong
mga bagay ang dapat ko nang kalimutan o iwaksi?
Sanggunian
Ikaapat na Markahang Pagsusulit, Taong Panuran 2015-2016 at Susi sa Pagwawasto
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-3
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Modyul 1; Pahina 1-6 Mga Kagamitan
Sagutang papel, bolpen, susi sa pagwawasto na nasa visual aids
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pag-uulat/Pagtatala ng liban
B. Pagganyak
Stetching upang mabuhay ang mga natutulog na kalamnan at diwa. Muling masayang pagbati
upang maganyan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa pagsusulit. Pagpapaala-ala na huwag
mangamba kung hindi makapapasa sa gagawing pagsusulit sapagkat hindi itatala ng guro ang
nakuhang grado. Iyon ay pagtataya lamang kung ano at hanggang saan ang kanilang nalalaman sa
mga darating na mga aralin.
D. Item Analysis
Kapag may oras pa ay ipagagawa ng guro ang pagtatala ng aytem.
1
IV. Takdang Aralin
|BANGHAYARALINSAESP7–DIONYL.GONZALES
Maghanda sa seating arrangement, sa isahang gawain sa susunod na pagkikita. Magdala ng
coloring materials, lumang magazines at pandikit.
II. Nilalaman
Paksa: MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA (Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Batayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala
sa sarili, paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa
paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at pagiging mabuti at
mapanagutang tao.
Mahalagang Tanong: Anu-ano ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong sarili ayon sa
mga kategoryang: (a) Pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki
(c) Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa (d) Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasaya
Sanggunian
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Gabay sa Pagtuturo ng Modyul 1; Pahina 1-4
EsP 7 Ikaapat na Markahan, Modyul para sa mga Mag-aaral; Pahina 6-8 Mga Kagamitan
Activity Sheet, Coloring Materials, “Star in Action” (Reward System) sa mga mag-aaral na
magbabahagi ng gawain sa harap ng klase.
III. Pamamaraan
E. Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagbati
Pagpuna sa kalinisan ng silid-aralan
Pag-uulat/Pagtatala ng liban
A. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang artista noon bata pa sila hanggang sa sila ay
maging ganap na dalaga at binata na. Tatanungin ng guro ang buong klase: “Anu- ano ang inyong napansin sa
mga pagbabagong naganap sa mga artistang ito?” Matapos magtawag ng ilang mag-aaral, sasabihin ng guro:
“Nais ko rin malaman kung anu-ano ang mga pagbabagong naganap sa inyo sa pamamagitan ng ating gawain.
Simulan na ito upang makapagbahagi pa tayo ng ating mga awtput.”
Panuto: Sa iyong activity sheet, itala ang mga positibong pagbabagong napapansin mo sa iyong
sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba. Magtala ng limang pagbabago sa sarili.
Pagkatapos, gumupit o gumuhit ng isang larawan na sa iyong palagay ay nagpapakita ng mga
kategoryang ito. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin mong gabay ang halimbawa sa unang
kategorya.
2|BANGHAYARALINSAESP7–DIONYL.GONZALES
1. Lalong lumalalim ang
pakikipagkaibigan sa mga
kapwa babae/lalaki.
2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian; nagkakaroon ng crush.
4. Iniiwasan ang pakikipag-away
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang proyekto sa paaralan
C. Pagtataya
Magkakaroon ng “star” ang mga mag-aaral na boluntaryong magbabahagi sa harapan. Bibilangin
ito ng guro sa susunod na lingo sa ikalawang araw upang maitala sa hanay ng “recitation” para sa
karagdagang marka. Ang resulta ng gawaing Pagtuklas ng Dating Kaalaman ang siyang magiging
pagtataya sa linggong ito
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga pagbabagong iyong
itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala naman ang iyong mga katangian noong
ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11 taon.
3|BANGHAYARALINSAESP7–DIONYL.GONZALES
Profayl Ko, Noon at Ngayon
Ikaw naman:
Pamantayan sa asal sa
pakikipagkapwa
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpapasiya
Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, isa-isahin at ipaliwanag ang mga pagbabago sa
iyong sarili mula noong walong taong gulang ka hanggang ngayon.
Tayain kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa iyong sarili
4|BANGHAYARALINSAESP7–DIONYL.GONZALES
Kung nakarating ka sa itaas ng bundok, positibo ang karamihan sa mga naging pagbabago sa iyo. Kung hindi
ka umabot dito, maaaring mas maraming negatibo kaysa positibong pagbabago sa iyo.
Magdala ng colored paper. (Magtatalaga ang guro ng kulay sa bawat pangkat [section] ng kanilang kulay)
5|BANGHAYARALINSAESP7–DIONYL.GONZALES