You are on page 1of 3

MODYUL 16: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA PAGGAWA

AT PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN
MAPANAGUTANG PAGLILINGKOD AT MATATAG NA
PANININDIGAN SA TUNGKULING SINUMPAAN
MGA GAWAIN AT ISYUNG KAUGNAY NG PAGGAWA NA
SUMASALUNGAT SA MGA PRINSIPYO NG MATATAG NA
PANININDIGAN AT MAPANAGUTANG PAGLILINGKOD
1.Paggamit ng kagamitan
Katuwang ng tao sa paggawa ang mga kagamitan upang
mapadali at mapagaan ang anumang trabaho. Ang mga ito ay
produkto mismo ng kaniyang talento na ipinagkaloob ng Diyos.
Ayong nga kay Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa
pagkamasalimuot ng mga kagamitan at sa pagkamulat niya sa
kaniyang ginagawa.
2.Paggamit ng oras sa trabaho
Ang pagganap ng Gawain sa oras at trabaho ay pagangkin ng
tiwala mula sa isang bagay na ipininagkatiwala sa iyo.
Masasagot mo lamang ito kung sinasabayan mo ang bawat
tikatik ng oras para gawin ang iyong obligasyon bilang
manggagawa.
3.Sugal
Ang pagsusugal ay mas karaniwang kilala bilang pustahan gamit
ang pera bilang produkto ng isang tiyak na laro. Ang posibilidad
ng panalo ay masyadong mababa dahil iniaasa lamang ito sa
pagkakataon ng pagkapanalo.
Karamihan sa taong kasangkot sa pagsusugal ay nakikipaglaban
na lamang para sa kasiyahan o bilang isang paraan ng
paglilibang.
4.Magkasalungat na interes o Conflict of Interest
Nangyayari ito kapag nangingibabaw ang personal na interes ng
isang tao lalo na kung ito ay magbibigay sa kaniya ng kasiyahan
at pakinabang.
Sa lahat ng matutukoy nating maling gawi, ang crab mentality
ang pinakadahilan kung bakit nagagawa ng tao ang hindi ayon
sa magandang ugnayan sa kaniyang kapuwa. Kapag umiral sa
ating puso ang galit at inggit sa kapwa, maaaring maging ugat
nito ang mapanirang salita, na hindi lamang ang kapuwa ang
maaapektuhan kundi ang pagbuo ng sarili.
KAPANGYARIHAN: Paano ba gagamitin sa mabuti o tungo sa
kabutihan?
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang
pasiya, kapasidad upang maka-impuwensiya sa saloobin at
paguugali ng iba, at lumikha ng panukala na makakabuti sa
lahat.
MGA ISYUNG SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN
1.Korapsiyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng
pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at
paglihis sa anumang kanais- nais na asal.
2.Pakikipagsabwatan o Kolusyon. Ito ay iligal na pandadaya o
panloloko, halimbawa nito ay ang pagtatakda ng presyo, limitahan ng
opurtunidad at iba pa.
3.Bribery o Panunuhol. Isang Gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog
sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap.
4.Kickback. ang bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa ponding
itinalaga sa kanya.
Upang maiwasa ang mga isyung ito, kailangang magkaroon ang tao ng
integridad. Ang integridad ay katapatan. Sa diksyunaryo, ipinaliwanag
ang kahulugan nito bilang “kalagayan ng tao kung saan siya ay buo,iisa
o kumpleto ang kaniyang pagkatao. Ang integridad ay pagpapakatao ito
ay ang pagka-sino na binubuo mo tungo sa iyong pagiging personalidad.
MGA DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG INTEGRIDAD
1.Nagbibigay-galang sa iyong sarili.
2.Bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan ka ng
ibang tao.
3.Ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya.
Ayon kay Mahatma Ghandi na nagsasabing “kung gusto mo ng
pagbabago at kung gusto mo ng mas mayo na buhay,dapat simulant
mom o ito sa iyong sarili.” Kung sisikapin ng bawat isa na magbago,unti
unting babago ang ating lipunan.

You might also like