Professional Documents
Culture Documents
Mga Babasahin Sa Daluma't Filipio
Mga Babasahin Sa Daluma't Filipio
Naisip ko naikwento na kaya ng tao ang lahat ng kwento sa mundo? Nabulatlat na
kaya ng tao ang lahat ng misteryo ng sandaigdigan? Naisip na kaya niya ang hindi pa
niya naiisip? Natuklasan na kaya niya ang hindi pa niya natutuklasan? Ano pa
kayang bagay ang hindi pa naaabot ng karunungan ng tao?
Imadyinin mo, isa ka nang ganap na doktor. At hindi lamang basta doktor;
nagpakadalubhasa ka sa panggagamot ng mata, ilong, tenga at bibig. Minaster mo
ang larangan ng internal medicine. Kabisado mo ang pasikut-sikot sa laman-loob ng
tao. At hindi lamang 'yan, dahil ikaw rin ay isang neuro-surgeon, kayang kaya mo
ang magbiyak ng bungo at tistisin ang napakasensitibo at napakamaselang himaymay
ng utak. Tinapos mo ang kursong ito with flying colors sa isang kilalang medical
school sa labas ng bansa. At hindi lamang 'yan, isa ka ring full-pledge nurse. Sarili
mo ang katu-katulong mo sa pag-oopera ng iyong mga pasyente. Bongga 'di ba...?
Ikaw na rin ang nagtitimpla ng mga gamot na inirereseta mo sa 'yong mga
parokyano. Kasi naman, isa ka ring lisensyadong pharmacist at chemist. Ibitin ka
man patiwarik, perfect mo ang ganoon at ganitong formula. Saulado mo
ang freezing at boiling point ng iba't ibang klaseng chemicals. Sa katunayan,
madalas kang maimbitahan bilang ispiker sa mga International
Conferences pagdating sa science. Eh, bakit naman hindi? Eh isa ka ring well-renown
scientist. Nakuha mo ang iyong pagkaduktorado sa larangan ng mathematics,
physics, biology, botany, zoology, genetics at engineering. Kamakailan lang nga ay
ginawaran ka nang natatanging pagkilala ng National Aeronautics and Space
Administration o NASA dahil sa iyong pambihirang kontribusyon sa larangan ng space
science.
Nang magbuhos ng kahenyuhan ng langit ay pinalad kang masalo mo ang lahat.
Dahil bukod sa propesyon na nabanggit, nagpakadalubhasa ka rin sa propesyon ng
pagsisinungaling! Yes, you are also a lawyer by profession. Mantakin mo, minamani
mo lang ang lahat ng uri ng batas. Kayang-kaya mo itong paikutin, bilugin, ituwid ang
baluktot at baluktutin ang tuwid. Gamay na gamay mo ang mga pasikut-sikot lalo na
sa larangan ng International Law. Matunog ang iyong pangalan pagdating sa
mga diplomatic relations sa iba't ibang nasyon sa mundo. Eh, bakit hindi? Bukod sa
pagiging de-kampanilyang abogado at de-kalibreng political
scientist; napapakinabangan mo rin ang mga natapos mong degree sa sociology,
cultural anthropology, history at economics. 'Wag nang isama rito ang kinagigiliwan
mong libangan at ito ay ang magsalita at makipag-usap sa iba't ibang lenggwahe at i-
analyze ang etymology, phonology, morphology at syntax ng mga lenggwahe sa
mundo. Lintik... polyglot na nga lingguist pa!
Kung bibilangin mo ang dekada, taon, araw, oras at minuto na iyong gugugulin
para matapos ang lahat ng karunungang ito siguradong ito na ang literal na
pagsusunog ng kilay. At tinitiyak kong hindi lang basta kilay ang masusunog o kung
hindi man masunog ay siguradong mamumuti na ang lahat ng buhok mo sa katawan
para lamang mapagtagumpayan ang lahat ng propesyong ito. Ilang lapis, bolpen,
notbuk at papel ang makukunsumo para lagakan ng mga impormasyong napag-
aralan? Ilang quizzes, exams, projects at recitations ang dapat ipasa para ang lahat
ng ito ay mapagtagumpayan? Magkanong halaga ng kwarta ang uubusin para
matustusan ang pag-aaral? Anong uri ng sakripisyo ang pagdadaanan para makamit
ang lahat ng ito?
Malamang kaysa hindi; limang pulgada na ang salamin mo sa mata ay wala ka
pang natatapos ni isa sa alin mang propesyon na nabanggit. Baka malimutan mo na
rin ang maligo at magsuklay. Baka pati ang paghihinuko ay malimutan mo na rin.
Baka sa sobrang subsob mo sa pag-aaral ay malimutan mo na ang itsura ng 'yong
mga magulang, kapatid, kasambahay, kaibigan at pati na ang iyong sarili. Paano na
ang personal life? Ang 'yung love life? Ang 'yung social life? Ang 'yung night life? Oh
my God... pa'no na ang sex life?
Sadyang ang buhay ay walang katapusang pag-aaral ngunit hindi rin
nangangahulugang kailangan mo ang sangkatutak at sangkaterbang diploma para
maunawaan mo ang buhay at maintindihan mo kung paano ang mabuhay. Minsan,
nagsisilbing pasaporte na lamang ito para sabihing may pinag-aralan ka. Nagiging
tatak para ituring kang matagumpay sa maraming taon na iginugol mo sa
pakikipagbolahan sa loob ng eskwelahan. Talaga bang solve na ang kahirapan pag
natapos mo ang BS at AB courses?
Mahirap kalaban ang gutom at kapag sikmura na ang nagtanong, nabobobo ang
isip. Sa mga nagtataasang presyo ng bilihin mula sa langis at kuryente hanggang sa
mga basikong pangangailangan ng tao tulad ng tubig, asukal at bigas; ano pang
halaga ang may pinag-aralan?
Mahirap ang walang makain at ayaw kong magutom. Bukas, isusugal ko ang aking
kapalaran sa pakikipagbalyahan at pakikipagsiksikan sa napakahabang pila para
maging studio contestant sa isang game show. Dito, hindi kailangan ang diploma.
Hindi ring kailangan ang form 137 at form 138. Wala ring saysay ang transcript of
records at wala ring bigat ang dami ng medalya o titulong nakakabit sa pangalan.
Gamit lamang ang tigas ng mukha, tapang ng hiya at kapal ng apog; susungkitin natin
ang suwerte. Gawin nating puhunan ang pagiging kawawa, ang pagiging mangmang
at walang alam. At sapagkat, tayo ang gumagawa ng ating kapalaran nasa ating
kamay ang pangarap na jackpot. Kaya nga sa katanungang "pera o bayong," magde-
deal ka ba o no deal? Nasa sa'yo ang pagpapasya!
http://mgasigawsakawalan.blogspot.com/2010/06/simpleng-pangarap.html
This essay won Second Prize for Sanaysay in the 2005 Palanca Awards
http://hayzkul.blogspot.com/2016/06/anim-na-sabado-ng-beyblade-buong-kwento.html
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa
iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko
maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang
pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila
taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw
ako.
Alam mo, parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi at ano ka! May
datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit
naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat
ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko
nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan
namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong
malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon
ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko
kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap
magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa.
Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya,
kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata
pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko,
siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong
isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag
nangangailangan.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay
namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa
Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa
akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din
ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko
para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na
kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at
sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng
utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking
puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan
o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama
lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para
sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib
sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin,
nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan.
Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta.
Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man,
nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang
pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan,
naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong
nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong
may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid
nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa
mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin.
Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos
mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at
walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang
laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong
angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw
na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal
na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo
pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-
usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng
mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang
sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol
naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: "Ina ninyo ako!
Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat
ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating
nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
www.facebook.com