You are on page 1of 26

Kilalang-kilala si

Mang Anton sa nayon ng


Palong-Palong. Siya ang
may pinakamagandang
halamanan doon.
Berdeng- berde ang
kanyang gulayan. Sari-
sari naman ang mga
bulaklak sa kanyang
bakuran.
Isang umaga, natigil sa pagdidilig si Mang Atong.
“Ano ang nangyari rito? Bakit kayo nagkakagulo?
Tanong ni Mang Atong.
“Dumating po si Tipaklong na gutom na gutom.
Kasama niya ang tropa at dito sila lumusong,” sagot ni
Ilang-Ilang.
Lumalim ang mga
kunot sa noo ni Mang
Atong. Madaling-araw
lumulusob ang mga iyon
habang masarap ang
kaniyang tulog. Pinaalala
niya kay Aling Bebang na
gisingin siya nang mas
maaga kinabukasan.
Inakala ni Mang Atong
na mas maaga na siyang
gumising ngayon. Tiyak na
aabutan niya ang tropa ng
mga Tipaklong na gutom na
gutom. Tahimik at malalim
ang idlip ng mga pananim.
Dahan-dahan siyang
naglakad papuntang gulayan
habang nagmamanman.
Maingay at
nagkakagulo roon.
“Dito naman pala
nagpista ang mga
tamad!”
Umaalon ang
kanyang dibdib.
Malalim ang iniisip.
Hindi natulog si Mang
Atong nang gabing iyon.
Walang mintis ang kanyang
patibong. Habang kumakain
ng sariwang kangkong,
nahuli si Tipaklong.
Takbuhan naman ang mga
kasamang kampon.
“Huwag kang mag-
alala, pakakawalan din
kita,” sabi ni Mang Atong.
“Maawa ka na,
magugutom ako dito.
Huwag mo akong ikulong.”
Talagang gugutumin
kita. Itatali ko pa ang iyong
mga paa. Mula ngayon ay
hindi ka na makatatalon,”
pananakot ni Mang Atong.
Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko na
rin ang tali ng iyong mga paa. Pero magtrabaho ka,
kapalit ng pagkain at pagtira.”
Bumilis ang takbo ng dugo ni Tipaklong.
“Kahit ano, gagawin ko,” malakas ang kanyang
tugon.
Pinakain siya ni Mang
Atong ng kanin at galunggong.
Isinama siya sa gulayan
pagkatapos.
Binungkal niya ang lupa at dinilig ang mga halaman.
Tumutulong si Tipaklong kay Mang Atong araw-araw
mula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong,
Sigarilyas at Okra. Kapag oras ng pahinga’y
nagkakantahan sila habang naggigitara siya.
Minsan silang
inabutang ganoon ni
Mang Atong. Sa isang
kumpas, huminto ang
lahat. Nakahanda sila
sa galit na akala.
Ngunit, ngumiti iyon at
nagsabing “Magaling
ka palang tumugtog.
Kung magtatagal ka pa,
ibibili kita ng gitara.”
Ngumiti ang mga mata ni Tipaklong. Mula noo’y
sumipag pa siyang lalo. Amoy ng pambihira niyang
ilong ang mga kulisap, malapit man o malayo. Kita ng
pambihira niyang mga mata ang mga nagtatago, sa mga
dahon man o sa puno. Kaya, lalo pang bumilog at
lumusog ang mga alaga niya.
Laging nakatawa si Gumamela. Madalas
kumakanta si Okra. Tuwi-tuwina’y patalun-talon si
Talong. Kaagad-agad namang napapasayaw sina Petsay
at Sigarilyas.
Isang umaga, nagtataka
si Tipaklong. Sinalubong
siya ni Talong na
nagsusumbong. Inabutan
niya si Ampalaya na
nagdadadamba.
Kinain ng isang
dosenang higad ang murang
mga dahon ni Ampalaya.
Nagtatago pala sila sa puno
ng akasya. Nangako si
Tipaklong. “Mahuhulog sila
sa aking patibong.”
Naghukay si Tipaklong sa di kalayuan
sa malagong baging ni Ampalaya.
Nilagyan niya ito ng murang mga talbos.
Paborito ito ng masisibang higad. Naamoy
nila agad ang katakam-takam na bango.
Nagmamadali silang bumaba sa puno
ng akasya at nag-uunahan sa pagkain.
Hindi nila napapansin ang nagyayari sa
paligid nila. Binubuhusan na ng tubig ni
Tipaklong ang hukay na palibot.
Nang maubos na ang mga talbos at
mabusog ay dahan-dahan silang kumilos.
Nakita nilang paligid na sila ng tubig at
hindi makatawid. Nagmamakaawa sila kay
Tipaklong. Nangako silang hindi na muling
babalik doon kung tutulungan silang
makaalis.
“Kapag hindi kayo tumupad
sa usapan, hinding-hindi na kayo
makakawala,” sabi ni Tipaklong.
Una-unahan ang mga higad na tumawid sa tulay na
siit. Isang yarda ang ngiti ni Ampalaya nang makita niya
ang huling higad na pausad-usad. Nagpasalamat siya kay
Tipaklong.Mula noon, lalong dumami ang mga
bulaklak niyang dilaw at bumilog ang kanyang
mga bunga.
Lalong gumanda ang
halamanan at gulayan nina
Mang Atong at Aling Bebang.
Napansin ito ng mga
taganayon ng Palong-Palong.
Nagtataka rin sila kung bakit
lalo pang sumipag at lumakas
ang mag-asawa.
Naging bukambibig
tuloy sa nayon. Gamot sa
panghihina at pagtanda
ang pag-aalaga ng
halaman.
Isang araw, kinausap ng
mag-asawa si Tipaklong.
“Labis-labis na ang
pagsisilbi mo sa aming hardin.
Maaari ka nang umuwi kung
ibig mo,” malungkot ang tinig
ni Mang Atong.
“At hindi sapat ang
pasasalamat namin sa
pambihira mong sipag,”
dagdag ni Aling Bebang.
“Hindi ko gustong
umuwi. Ito lang ang aking
tahanan,” malungkot ang tinig
ni Tipaklong. “Huhusayan ko
pa ang pag-aalaga sa mga
halaman. Pagkain ko’y sige
bawasan.” Nalungkot ang mga
nakikinig na halaman.
“Ito na ang tahanan mo,
kung gayon,” masayang tugon
ng mag-asawa. Pareho rin ang
pagkain ni Tipaklong.
Dadagdagan pa ang oras ng
pahinga kung kailangan niya.
Tumalon nang tumalon sa
tuwa si Tipaklong.
Mula noon kapag
may nagtatanong, “Ano
hong abono ang
ipinaiinom ninyo sa
halaman, Mang Atong?”
Nakangiti siyang
tutugon:
“Kayo na ang
magkaroon ng
hardinerong Tipaklong!”

You might also like