You are on page 1of 4

ANG

PAGTATAKS
IL NI
ADOLFO
Nilusob nila Florante ang reynong Albanya,
nasakop ito at nailabas sa piitan ang hari,
ang kanyang ama at si Adolfo, na ikinulong
sa karsel ng palasyo kasama ng ibang
kaginoohan sa Albanya. Labis ang
kagalakan ng hari at si Adolfo lamang ang
nagdadalamhati sa kapurihang tinanggap ni
Florante. Muling sinalakay ng pangkat ni
Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni
Florante ang mga kalaban. Labimpitong
kaharian pa ng mga Moro ang
pinagtagumpayan nila ni Menandro.
Sa Etolya, may sulat na nagtatagubilin kay
Florante ang Haring Linceo na iwanan ang
hukbo kay Menandro at umuwing nag-iisa
sa palasyo nito. Hindi niya akalain na
pagdating niya ay dinakip agad siya ng may
30,000 sandatahan ni Adolfo at dali-dali
siyang ikinulong sa bilangguan. Ang lahat
pala ng naganap sa palasyo, ang pagpatay
sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo.
Nalaman din niyang malapit nang ikasal si
Laura kay Adolfo. Dahil dito, ninais na
niyang mawalan ng sariling buhay.
SA
KROTONA
Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik
pumunta sila sa palasyo at doon ay
sinalubong sila ng hari at mamamayan ng
Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga
mamamayan kay Florante dahil ang bayan
nila ngayon muling nabuksan at balot na
balot ito ng kaligayahan.Ilang araw ding
Hindi nakatulog ang mga mamamayan ng
Krotona dahil sa hindi mapantayan na
ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang
nunong hari nakapagitan roon ang
pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat
muli, kaya din naniwala ang batang loob ni
Florante na sa mundo'y walang lubos na
kaligayahan dahil sa minsang ligayang
nararamdaman may mga problem pa rin ang
mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si
Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa
Albanya. Sa kanilang paglalakad parang
hindi siya mapalagay at parang gusto na
niyang makabalik agad sa Albanya.

You might also like