You are on page 1of 1

Arvin A.

Campay

DROGA SA KABATAAN?

(Argumentatibo)

ni Cristine Castillo

Isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng bansa ay ang kasalukuyang hindi maayos na


gawain ng mga kabataan. Mga gawang pawing nakakasira sa harapan ng iba katulad na lamang
ng masasamang bisyo. Ang pagkalat at pagpapabaya sa mga naiwang problema ay nagiging
sanhi o mas lalo pang nagiging malaki itong problema na siyang kakalat pa sa marami.

Marami na akong nalalaman tungkol sa masamang gawaing gawa ng mga kabataan. dahilan na
ng mga balitang naririnig ko sa telebisyon at radio. Isa na rito ang pagkalulong sa droga. Ngunit
masama ba talaga ito sa tao ?

Pagkalulong sa droga. Marami tayong nababalitaan na nangyayari na tumutukoy sa masamang


bisyong ito. Maraming namamatay araw-araw dahil sa pagpatay sa mga lulong sa bisyong ito.
Oo, at naniniwala na ako na sobrang masamang-masama na ang naidudulot ng ilegal na droga
sa kabataan ngayon ay nakakagawa tayo ng maling gawain. Hindi maayos ang nagiging laman ng
ating isip at lalong-lalo na hindi sumasang-ayon sa tama ang tibok ng puso. Sa katunayan,ang
droga, isa na itong kadahilanan kung kaya’t hindi nakakapagtapos ng pag-aaral ang mga bata sa
bansa. Ang ilan ay nalulong na rito at pawang dito na lamang nakatuon ang kanilang mga isip at
pansin. Ang droga ay masama dahil ginagawa niya tayong pabaya sa mga baga-bagay na dapat
nating gawin.

Ngunit mayroon nagsasabi na hindi delikado ang paggamit ng droga. Ang droga ay nakaka adik
lamang ngunit wala pang patunay na masama ito sa atin. Ang mga sumusulpot na balitang
katulad nito ay mga bagay-bagay lamang na sadyang nagpapatunay na ito ay walang masamang
epekto.

Oo, marahil isipin ng iba na magulo ang sitwasyon ngayon tungkol rito. May mga positibo at
negatibong ebidensya pero hindi pa ito maayos napapatunayan. Ang totoong dahilan lang
naman kung bakit ito ay mabuti ay nakakaadik at nagiging masama lamang ito dahil sinasabing
nakakasira ng buhay. Sabi nga nila, lahat ng masarap ay nakakaadik at kaya sila gumagamit kasi
gawi at nakasanayan na nila ito.

You might also like