You are on page 1of 15

IETI College of Science and Technology

Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG INTERNET SA PAG-AARAL NG MGA


MAGAARAL NA NASA KURSONG HRM NG IETI COLLEGE OF SCIENCE AND
TECHNOLOGY

Isang Pananaliksik na Isinagawa Bilang Pampinal na Bahagi ng Pag-aaral sa Asignaturang


Filipino: Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina

Ipinasa nina:
Pennie Joy P. Kosca
Christine Joy C. Guevara

Ipinasa kay:
Mrs. Nelia Gregorio Abejar

Marso, 2020
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

Kabanata I

Ang Suliranin at Saligan Nito

1.1 Panimula

Ilang taon pa lamang ang nakalipas, kapag may takdang aralin o pananaliksik na ukol sa

kasaysayan, ang unang pinupuntahan ng mga mag aaral ay ang bolyu-bolyum na

ensiklopidya sa mga silid-aklatan. Sa bagong milenyo, ang unang pupuntahan ng mag-aaral

ay ang harapan ng kompyuter, at maari na niyang makuha sa isang pindot ang impormasyon

na hinahanap sa malawak na pook ng internet.

Isa sa mga dahilan ang internet kaya’t mahalaga sa edukasyon, dahilang kayamanan ng

impormasyon sa naglalaman ng internet, isa ito sa pakinabang ng mga mag-aaral. Nagbibigay

ng isang mas mahusay na komunikasyon sa anumang mundo, ito ay mahusay na paraang

komunikasyon at transakyon sa anumang negosyo at personal na buhay. Ito ay ay isang

malaking tulong para sa isang mas mahusay na edukasyon dahil sa pamamagitan ng internet,

maari nang gawing madali ang mga pananaliksik na nakaatas ng walang nasasayang na oras.

Makatutulong ito sa mga mag-aaral na magkaroon ng maraming ideya at impormasyon na

maaring makatulong sa paghahanap at pagtatalakay ng bawat indibidwal.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

1.2 BatayangTeoretikal

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG INTERNET SA


PAG-AARAL NG NASA KURSONG HRM NG IETI

RRL RRL
Ayon naman kay Lawang (2014), Ang Internet
Ayon kay Chua (2009), ang internet ay isang
Connection ay isa sa mga patok na gamit ng
malawak na pook at bilang salamin ng kaisipan na
teknolohiya, dahil bukod sa mga libro na ginagamit
kung saan ay ang lahat ng maaring hanapin ng mga
ng mga mag-aaral dito rin sila kumukuha ng dagdag
mag-aaral dito ay madali na lamang nila makukuha
na impormasyon.
dahil sa dami ng impormasyon at ideya na

lumalabas sa cyberspace.

UGNAYAN
Ang mga batayang teoretikal na nabanggit ay nagpapatunay na ang internet ay may malaking

ambag sa larangan ng akadamiko.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

1.3 Batayang Konseptwal (Konseptwal na Balangkas)

KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG INTERNET SA


PAG-AARAL NG NASA KURSONG HRM NG IETI

INPUT OUTPUT
PROCESS
Nais ng mga mananaliksik na Makalap kung ano ang
Magsasagawa nang talaan ang
matuklasan ang kahalagahan magiging kahalagahan ng
mga mananaliksik sa mga
ng paggamit ng Internet sa internet sa mga mag-aaral ng
mag-aaral na kumukuha ng
pag-aaral ng mga mag-aaral na HRM sa IETI.
kursong HRM na nag-aaral sa
nasa kursong HRM ng IETI
IETI College of Science and
College of Science and
Technology.
Technology sa pamamagitan

ng pagtatanong at pagsagot sa

talaan ng mga mag-aaral


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

1.4 Paglalahad ng Suliranin/Layunin

1.4.1 Pangkalahatang Layunin

Layunin ng pananaliksik na ito na malaman kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng internet

sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng HRM sa IETI College of Science and Technology.

1.4.2 Mga Tiyak na Layunin

 Malaman kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng internet sa mga mag-aaral ng IETI

 Malaman kung paano ito nakatutulong sa kanilang pag-aaral.

 Malaman ang epekto ng paggamit ng internet sa mag-aaral ng HRM.

1.5 Kahalagahan ng Pag-aaral

Mag-aaral- Ang pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga mag-aaral dahil mabibigyan ang

mga ito ng impormasyon patungkol sa mga kahalagahan ng paggamit Internet sa pag-aaral ng

mga mag-aaral na kumukuha ng kursong HRM. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa

pagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga mag-aaral ng HRM.

Mga Guro- Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga guro upang mas mabigyan ang mga ito

ng karagdagang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga

mag-aaral.
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

Mananaliksik- Ang pag-aaral na ito ay lubusang makatutulong sa mga susunod

pang mananaliksik dahil bukod sa napaglaanan ng mga mananaliksik ang pag-aaral ay

nadaragdagan din ang kaalaman ng mga ito at maaari itong ipagpatuloy ng mga mananaliksik sa

hinaharap.

1.6 Saklaw at Delimitasyon


Ang mga tumutugon sa aralin na ito ay ang mga mag-aaral sa kursong HRM mula ika-una

hanggang ika-apat na taon sa kolehiyo ng IETI College of Science and Technology. Makikita

dito kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng HRM.

1.7 Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Guro-Ang nagtuturo o nagbibigay kaalaman sa mag-aaral sa isang paksang kanilang tinatalakay.

Mag-aaral- isang taong nag aaral ng mga bagay sa isang paaralan o unibersidad.

Mananaliksik- Ang mananaliksik o researcher sa ingles ay isang tao kumakalap at naghahanap

ng mga impormasyon at mahahalagang detalye patungkol sa isang paksa.

Talaan/Survey- Ang palatanungan o kuwestiyonaryo isang pangkat ng nakalimbag o nakasulat

na mga tanong na mayroong mapagpipiliang mga sagot, naidinisenyo para sa mga layunin ng

isang pagsusuri.

Tumutugon/Respondent- Ang isang tumutugon ay isang tao na atin wag na mag-isyu ng tugon

sa isang komunikasyon na ginawa ng isa pa.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

Internet- Ang internet ay isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang mapagkonekta ang

mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng

telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono.

Kurso- Ang Kurso ay isang hakbang o isang daan na pinipili kung saan ay patungo sa pangarap

nainaasam at isang partikular na bagay na minimithi ng isang tao ng may pagmamahal at pasyon.

SilidAklatan- Pangunahing takbuhan ng mga mananaliksik.

Ensiklopedya- ay isang sangunianan na nag bibigay ng mga buod na impormasyon.

Bolyum- Mga artikulo na nag lalaman ng nagiisang pahina.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga nasuring literatura at mga pag-aaral na

kung saan ay nagkaroon ng kaugnayan sa kasalikuyang pag-aaral.

2.1 Kaugnay na Literatura (Foreign)

Samantala sinasabing ang pagkakaroon ng Internet connection sa tahanan ng mga

mag-aaralo ay may malaking naitutulong sa pag-aaral, pananaliksik, paghahanapbuhay,

pangangalakal, libangan, pakikipag-ugnayan at iba pa.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Gonzales et al,(2016), lumabas sa

pagsusuri na mayroong pinakamabuting epekto ang teknolohiya partikular na ang

internet sa mga mag-aaral. Nakakapagpadali ito sa pagsasaliksik ay pagkatuto.

Pumapangalawa ditto ay ang maraming impormasyon ang maaring makuha.

Pangatlo naman ay nakakatulong ito sa pakikipag komunikasyon sa mga kaklase at guro

sa pamamagitan ng cellphone at social media na nakakapag patipid sa oras, na may

parehong bahagdan. Ang pangapat naman na mabuting epekto nito ay nakatutulong ito sa

mga gawaing pampaaralan at ang tatlong sumunod dito na mag kakaparehong bahagdan

ay ang nagiging mulat ang mga mag-aaral sa mga bagong impormasyon na nagaganap sa

mundo, mas nagiging malikhain, at mas maiintindihan ang mga guro sa pamamagitan ng

video at powerpoint sa pamamagitan ng projector.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

Ayon kay issaYalu, (2018), ang internet ay nagsisilbing makabagong

ensayklopediya. Nakakatulong ito sa mga magaaral upang masagot ang mga tanong nila

sa iba’t ibang aralin. Bukod dito, hindi lamang ito isang sanggunian, may iba’t ibang

websites na nakakatulong sa mga magaaral. Ito rin ay nagsisilbing komunikasyon ng mga

estudyante sa kapwa estudyante at guro. Maaring magaplitan ng mensahe sa

pamamagitan ng internet or emails. Sa pamamagitan din ng internet,ang magaaral ay

hindi nahuhuli sa mga bagong kaalaman.Ang mga anunsyo o bagong kaalaman ay

naibabahagi sa iba’t ibang panig ng mundo.

2.2 Kaugnay na Literatura (Local)

Ang internet ay may malaking naitutulong sa pag-aaral, pananaliksik,

paghahanapbuhay, pangangalakal, libangan, pakikipag-ugnayan at iba pa.

Teknolohiya Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya

aynakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya aymay

masamang epekto sa ating lipunan, pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng

teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sapamumuhay ng mga Pilipino.

“Epekto ng Teknolohiya”, (2008)

Gamit ang internet, maraming mga bagay ang aking natutunang gawin, tulad na

lamang ang paggawa ng iba’t ibang proyekto sa paaralan na maaring hindi o mahirap

hanapin sa libro ang mga pamamaraan. Sa Internet, i-type mo lamang ang isang salita ay
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

mahahanapan mo na ito ng libo-libong kahulugan at impormasyon na

makapagpapalawak ng iyong isipan.

Ayon kay acebuchejayza (2016), Unang-una na magandang dulot ng social

media para sa akin ay ang pagkakaroon ng malawak na komunikasiyon sa mga mahal ko

sa buhay, saan man silang parte ng mundo. Ikalawa, ang pagbibigay ng tamang

impormasyon na nakakatulong sa aking mga ginagawang pananaliksik lalo na sa aking

mga takdang aralin, ngunit mas mainam pa rin ang pagbabasa ng aklat. Ikatlo,

makakatulong ito sa pagpapalago ng aking self-confidence. Kapag nagbabahagi tayo ng

mga video ng ating mga sayaw, pagbabahagi ng mga gawa nating mga drawing sa mga

social media, nakakatulong itong maibahagi ang ating mga talento sa iba. Ikaapat,

nakakatulong itong maging malapit tayo sa ating mga guro at magkaroon ng magandang

komunikasyon sa kanila tungo sa ating pagkatuto.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

Kabanata III
Mga Pamamaraan ng Pananaliksik at Pinagkunan ng Datos at Paglalagom

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang isasagawang pananaliksik ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik. Ngunit napili ng mga

mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey Research Design” na gumagamit ng

talatanungan (Survey Questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mga

mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali

ang pangangalap ng datos mula sa mga napiling respondente.

3.2 Setting ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gaganapin sa IETI College of Science and Technology Inc. at

dito magmumula ang mga mag-aaral na magiging respondente sa pananaliksik na ito.

3.3 Mga kalahok sa Pag-aaral

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa kursong HRM

mula sa IETI College of Science and Technology. Malayang pumili ang mananaliksik nang isang

daang (100) mag-aaral na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.


IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

3.4 Mga Instrumentong gagamitin

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati

sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan.

Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng mga

talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

Pangalan: ______________________________________ Kasarian:____________________

Panuto: Bilugan ang titik ng sagot na iyong pipiliin. Pumili lamang ng isa. 

1. Sapat ba ang impormasyon na nalilikom niyo sa internet upang makatulong sa inyong

kursong HRM?

a. Oo b. Hindi c. di-tiyak

2. Nakakatulong ba ang internet sa inyong akademiko?

a. Oo b. Hindi c. di-tiyak

3. Napapagaan ba ng internet ang inyong mga gawain?

a. Oo b. Hindi c. di-tiyak

4. Maganda ba ang nagiging epekto ng internet sa inyong pag-aaral?

a. Oo b. Hindi c. di-tiyak

5. Pabor ka ba sa paggamit ng internet sa iyong pag-aaral?

a. Oo b. Hindi c. di-tiyak
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

3.5 Paglalagom

3.6 Konklusyon

Batay sa mga datos na isinuri at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na madalas

ginagamit ng mga mag-aaral ang Internet dahil sa mga sumusunod:

1. Napapagaan nito ang Gawain ng isang mag-aaral.

2. Nakakakuhya ng bagong impormasyon.

3. Napapalawak ang kanilang kaalaman.

4. Nakaka-konekta sila sa mga bagong nauuso maging eto man ay sa ibang bansa

5.

3.7 Rekomendasyon

Batay na din sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, iminumungkahi ito sa mga

sumusunod:

1. Sa mga guro upang mas maging malawak ang kanilang kaalaman tungkol sa kahalagahan

ng paggamit ng internet sa pag-aaral ng nasa kursong HRM.

2. Sa mga hinaharap na mananaliksik upang ipagpatuloy ang ginawang pag-aaral at mas

palawakin ang pananaliksik, kung maaari ay kalapan ng datos ang buong bilang ng mga

mag-aaral na nasa kursong HRM ng IETI College of Science and Technology San Pedro

Laguna.
IETI College of Science and Technology
Magsaysay Ave, San Pedro, Laguna

3. Sa mga mag-aaral na nasa kursong HRM upang makalapan sila ng reaksyon

o impormasyon ukol sa paksa, kung ito ba ay lubos na kapakipakinabang sa kanilang

pag-aaral.

You might also like