You are on page 1of 3

ABSTRAK

Pamagat : Paggamit ng Internet Bilang Kagamitan sa

Pag-aaral ng ICT ng Senior High School

sa Pamantasan ng Silangan, Maynila

Mga Mananaliksik : Bruza, Daniel David L.

Conception, Josiah C.

Esteban, Bernadette Anne C.

Lavarias, Marielle N.

Mariano, John Russel M.

Reyes, Jedine C.

Urbano, Charles Wilcent I.

Dulog ng Pamamaraan : Kwantitatibo

Institusyon/Paaralan : Pamantasan ng Silangan, Maynila

(Senior High School)

Tagapayo : Propesor Romhel M. De Jesus


Sa isinagawang pananaliksik, naipakita na mahalaga ito sa mga mag-aaral, guro,

mga nasa posisyon at unibersidad. Sa mga mag-aaral, ito ay makakatulong sa kanila

na maglabas ng saloobin ukol sa paggamit ng internet sa kanilang pag-aaral ng ICT.

Makakatulong din ito sa mga guro at mga nasa posisyon sa kanilang pagtuturo,

pagtatrabaho at upang malaman nila ang epekto ng paggamit ng internet sa mag-aaral,

at pang-huli, sa unibersidad na may asignaturang ICT.

Sinikap ng pag-aaral na ito na tugunan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang profile ng mga respondente batay sa:

1.1. Edad.

1.2. Kasarian.

1.3. Gadgets na gamit

1.4. Lugar kung saan kadalasan gumagamit ng internet.

1.5. May Akademikong Karangalan (Wala o Meron).

2. Ano ang dulot ng pagkakaroon ng internet sa isang paaralan?

3. Kailan kailangan ang internet sa Pag-aaral?

4. Ano ang pamamaraan ng paggamit ng internet sa pag-aaral ng mga mag-aaral?

5. Paano ang mahusay na paggamit ng internet sa pag-aaral?

Sa pag-aaral na ito, gumamit ng deskriptibong pamamaraan ang mga mananaliksik.

Nagsagawa ng talatanungan o sarbey ang mga mananaliksik ng sa gayon ay

masagutan ang mga inilathalang suliranin. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa rin ng

“Pilot-testing” sa mga kapwa nito kamag-aral at mananaliksik ng sa gayon ay

magkaroon sila ng pagkakataong makita ang oras na kinakailangan at para na rin


makapagplano. Matapos ang pilot-test, lumapit ang mga mananaliksik sa Principal

upang kumuha ng permit na gagamitin upang humingi ng pahintulot sa mga

repondente. Nang nakalap na ang mga datos, ang mga mananaliksik ay maayos na

inorganisa ang mga datos sa pormal na pamamaraan. Sa paraang ito, hindi lamang

nasagutan ang mga inilathalang tanong sa pag-aaral kundi nakapagbigay din ito ng

sapat na perspektibo kung saan mas maiintindihan ng lahat ang iba’t ibang pananaw ng

mga respondente.

Batay sa naisagawang pag-aaral, sa pamamagitan ng internet, mas mapapadali nito

ang pangangalap ng impormasyon na makatutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral at

makakatulong sa akademikong pag-uusap ng mga miyembrong magkakalayo ang

lokasyon madalas gamit ang kanilang smartphones o cellphone. Samakat’wid, ang

paggamit ng internet bilang kagamitan sa pag-aaral ay nakatutulong sa pag-aaral ng

mga mag-aaral ng ICT.

Inihanda ni:
Leanne Joyce H. Quinto
ABMA 12-2P

You might also like