You are on page 1of 4

Epekto ng Kakulangan sa Kagamitan sa Pagkatuto ng Mga

Piling Mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa


Pag-aaral ng Teknolihiyang Pang-Impormasyon

Mga Mananaliksik:

Labong, Crystalene A.

Lampas, Eron U.

Lapiad, Lei D.

Limen, Jefferson

Litaban, Strawberry C.

Padilla, Nica Joy G.

Rontas, John Alfred E.

Tagapayo sa Pananaliksik

Bb. Monica Soliven

Introduksyon

Teknolohiya ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng iba’t ibang impormasyon sa pang
araw-araw na pamumuhay. Nakatutulong ito sa pagkalap ng panibagong kaalaman at nagiging mabilis
ang pagpasa ng impormasyon papunta sa iba. Ayon sa TechTarget, ang Information Technology ay ang
paglikha, pagproseso, pag-iimbak, ligtas na paghahatid at pagpapalitan ng lahat ng uri ng elektronikong
data. Kasama sa Information Technology ang paggamit ng mga computer, networking, storage, at iba
pang pisikal na device.
Ayon kay Jade Short (2022) sa blog na may pamagat na “Computers in the classroom: desktop vs.
laptop vs. tablet”, mahalaga ang mga computer sa mga mag-aaral sapagkat inihahanda nito ang
mga mag-aaral sa pagpapaunlad ng kasanay sa teknolohiya

Ang kakulangan o kawalan ng kagamitan ay maaring labis na makapagpahirap sa pag-aaral ng bawat


mag-aaral, lalo na sa panahon ng makabagong henerasyon. Kung saan halos lahat ng impormasyon na
ating kinakailangan ay mahahanap na natin sa pagamit ng internet. Kaya't mahirap sa ibang mag-aaral ang
makasabay sa daloy ng leksyon dulot ng kawalan ng kagamitan, gaya ng access sa internet, telepono at
compyuter.

Ang pananaliksik na ito ay hangaring alamin ang karanasan ng bawat mag-aaral na may kakulangan sa
kagamitan sa Pamantasan ng Lungsod ng Malabon. Nais ng pag-aaral na ito matugunan ang anumang
suliranin na kinahaharap ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mungkahing matulungan
ang bawat mag-aaral na may kakulungan sa kagamitan.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong ilarawan at tuklasin ang mga epekto ng kakulangan sa
kagamitan sa pagkatuto ng mga piling mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa pag-aaral ng
Teknolohiyang Pang-impormasyon:

1. Anu-ano ang mga kadahilanan ng kakulangan sa kagamitan ng mga mag-aaral?


2. Anu-ano ang mga naging epekto ng kakulangan sa kagamitan sa pagkatuto ng mga piling mag-
aaral?
3. Paano nasulusyunan ng mga piling mag-aaral ang kakulangan sa kagamitan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:


Sa mga guro - ang pananaliksik na ito ay magbibigay kaalaman sa mga guro tungkol sa mga hinaing at
problemang kinakaharap ng kanilang mga estudyante; sa pamamagitan nito ay mas mauunawaan at
magagabayan nila ang kanilang mga estudyante sa pagtuturo.

Sa mga magulang - ang pananaliksik na ito ay magbibigay daan upang kanilang maintindihan ang mga
problemang kinakaharap ng kanilang mga anak sa nasabing Pamantasan. Magbibigay daan ito upang
mabigyan nila ng sapat na suportang pinansyal o emosyonal ang kanilang mga anak.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap - Maaari itong makatulong bilang gabay sa mga susunod pang
estudyanteng magsasagawa ng pananaliksik na may kinalaman sa ganitong paksa.

Saklaw at Limitasyon

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang epekto ng kakulangan sa kagamitan sa pakatuto ng mga


piling mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa pag-aaral ng Teknolohiyang Pang-
impormasyon. Saklaw din ng pag-aaral na ito ang mga naging suliranin na kinaharap ng mga piling mag-
aaral sa kanilang pagkatatuto dahil sa kakulangan sa kagamitan.

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay lamang sa epekto ng kakulangan sa kagamitan sa pagkatuto


ng limangpung (50) piling mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Malabon sa Teknolohiyang Pang-
impormasyon. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng survey questionnaire bilang paraan upang makuha
ang mga hinaing ng nasabing respondenteng nakarehistro ngayong taong panuruan 2022-2023.

You might also like