You are on page 1of 2

METODOLOHIYA

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng mga website o search


engines sa pagkuha ng mga impormasyon o datos, obserbasyon at
sarbey. Ang internet ang pinakamalaki at pinakamalawak na gamitin ng
kompyuter networkl pinag-uugnay nito ang milyon-milyong mga
kompyuter sa buong mundo. Gayundin ang paggamit ng sabey
kwestyoner ay isang napakahalagang instrumento sa pangangalap ng
impormasyon. Ito ay lipon ng mga nakasulat na tanong ukol sa paksa
ng isinagawang pag-aaral, ihinada at ipinasagot sa layuning makakuha
ng mga sagot at opinion mula sa mga taong kalahok sa pananaliksik.
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang mga ito para sa
paksang pagaaralan sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng
datos mula sa maraming respondent.
Upang makuha ang mga kinakailangang mga datos at impormasyon
na kinakailangan para sa pag-aaral na ito, noong ika-10 ng Oktubre,
2017 hanggang Oktubre 12, 2017 isinagawa ang pagsasarbey. Ito ay
nilahukan ng mga estudyante na nagmula sa Far Eastern University sa
kahit anong kurso. Ang mga kalahok sa pananaliksik ay binubuo ng
_____ respondente at ___ naman sa pangalawang sarbey.
Bilang isang kabataan, kinakailangang magkaroon ng kamalayan sa
mga balitang kumakalat lalo na sa mga social networking site kung ito
ba ay totoo, haka-haka o opinion lamang ng isang tao at walang
pinagbabatayang impormasyon.
Ang pangangalap ng datos ay isinasagawa tuwing hapon pagkatapos
ng klase sa loob ng nasabing unibersidad, kabilang ang paggamit ng
internet.
Ang mga katanungan na ginawa ng mga mananaliksik ay isa sa
pinaka-mahalagang kasangkapan na ginamit sa pag-aaral sa tulong ng
lahat ng mga respondente. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga
katanungan, kami ay nangalap ng mga mahahalagang datos kung
gaano nakakaapekto ang mga Fake News na kumalat sa kanilang
pangaraw-araw na buhay.

Ang mga nakolektang mga datos ay sumasagot sa sumusunod na


katanungan:
1. Napaniwala ka na ba sa isang balita na hindi mo nalalaman na itoy
hindi totoo o peke lamang?
2. Nasubukan mo na ba itong ikalat sa social media?
3. Nagamit mo ba ito sa iyong pag-aaral?
4. Naapektuhan ba nito ang grado mo?
5. Naapektuhan ba nito ang pagtingin mo sa iba pang balita, kung
makatotohanan ba ito o hindi?
6. Bumalik ba ang pananaw mo sa mga balitang nagviviral sa
internet?

7. Nagbabagong isip kaba pag tumitingin ng balita sa internet kung


papaniwalaan mo ito?

You might also like