You are on page 1of 3

VIRGEN MILAGROSA COLLEGE OF

UNIVERSITY FOUNDATION ARTS & SCIENCES

GECC 221- FILDIS


FILIPINO SA IBA'T IBANG DISIPLINA

MODULE #1
KONSEPTONG PAPEL

I. PAKSA: KONSEPTONG PAPEL

II. LAYUNIN:
a. Natutukoy ang kahulugan ng konseptong papel at ang iba't ibang bahagi nito.
b. Nakagagawa ng konseptong papel ng pananaliksik na nais gawin.

III. Nilalaman:

 KONSEPTONG PAPEL
 Nakasaad ang pangkalahatang balak sa isasagawang pananaliksik.
 Nakalahad dito ang pangkalahatang larangan ng paksang nais talakayin, ang
tulak o rasyonal ng papel na nais isagawa, ang layuning nais tugunan ng
pagtalakay, ang pamamaraan o metodolohiya ng pananaliksik na nais
isagawa at ang inaasahang bunga ng isasagawang pananaliksik.
 Maikli lamang, maaaring dalawa hanggang tatlong pahina lamang.

 BAHAGI NG ISANG KONSEPTONG PAPEL

 Tiyak na Paksa
 Kailangang nalimita na ang paksa.
 Maaaring limitahan ang mga paksain sa pamamagitan ng pagbibigay-diin
sa mga usaping may kinalaman sa panahon, lugar o espasyong
pinangyarihan, heyograpiya, proseso ng paglikha o pag-iral, wika at iba
pang salik ng buhay at kulturang nakaaapekto sa isang paksa.

 Rasyonal
 Ito ang pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng pananaliksik.
 Ano ang dahilan at napili ang paksa?
 Anong mga karanasan at pangyayari ang nagtulak sa pagpili ng
paksang ito?
 Maaaring maging isang karanasang tuwirang nasaksihan ng nagsasagawa
ng pag-aaral o di kaya'y isang konsepto, bagay o ideya na nakapukaw ng
kanyang pansin at nakapag-iwan ng malalim na bakas ng pagtuklas na
nais tuntunin ng nagsusulat ng pananaliksik.

 Layunin

1
VIRGEN MILAGROSA COLLEGE OF
UNIVERSITY FOUNDATION ARTS & SCIENCES

 Ito ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang


nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
 Kailangang ang layunin o sulranin ay may sapat na lawak, tiyak na sakop
ng pagsisiyasat upang makapagbigay ng pagkakataon sa isang
mananaliksik na makagawa ng hustong pagkakataon upang mausisa ang
pangkalahatang usapin sa pag-aaral.

 Pamamaraan
 Mga planong hakbang sa pangangalap ng datos at pag-iimbestiga ukol sa
napiling paksa.
 Maaaring gumamit ng isa o higit pang pamamaraan.

 Inaasahang Bunga
 Ilalahad sa bahaging ito ang resulta ng isinasagawa ang pananaliksik.
 Ano ang magiging pakinabang o benipisyo ng pananaliksik?

 Maaring banggitin dito ang mga idinagdag gaya ng apendiks.

IV.GAWAIN:
Panuto: Bumuo ng konseptong papel ng pananaliksik ayon sa napili ng inyong pangkat.

Isang Konseptong Papel ng Pananaliksik:

PAMAGAT

Mga Miyembro

I. Paksa
II. Rasyonal
III. Layunin
IV. Pamamaraan
V. Inaasahang Bunga

2
VIRGEN MILAGROSA COLLEGE OF
UNIVERSITY FOUNDATION ARTS & SCIENCES

You might also like