You are on page 1of 44

1

Tsapter 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Nakapagpahaba ng interes ng mambabasa ang mga sulating

pampanitikan. Nagsasalaysay ito tungkol sa buhay, pamumuhay,

lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng

iba’t-ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,

kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at

pangamba. Isa itong uri na mahalagang panlunas na tumutulong sa tao

upang makapagplano ng sari-sariling buhay, upang matugunan ang

kanilang mga suliranin at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng

pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang kayamanan ng isang

tao at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang

panitikan. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aralan ang larangan

ng literatura sa mga paaralan.

Sa aklat na isinulat nina Atienza, Ramos, Zalazar, at Nazal (2001)

na pinamagatang Panitikang Filipino, ipinapahayag na “ang tunay na

panitikan ay yaong walang kamatayan, yaong nagpapahayag ng

damdamin ng tao bilang ganti niya sa reaksyon sa kanyang pang-

araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanilang

kapaligiran at gayundin sa kanyang pagsusumikap na makita ang

Maykapal.
2

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na nasa

anyong tuluyan at ito’y nabubuo sa pamamagitan ng mga pangungusap

at talata. Nailalahad din dito ang isang maselang pangungusap sa buhay

ng pangunahing tauhan.

Sa aklat nina Arrogante, Ayuyao at Lacanlale (2004) na

pinamagatang Panitikang Filipino, sinasabing ang maikling kwento ay

isang masining na anyo ng panitikan. Ito’y isang paggagad ng realidad.

Inilalarawan nito ang iyong mga paningin, ang bughaw na langit at

kapag humina’y ipahabong naman ang putik sa mga lubak-lubak ng

baku-bakong landas.

Kaya sinasabi na ang katha o kwento ay walang humpay na

paghahanap ng realidad. Hinahalughog ang isipan at damdamin, at

tuloy na nililirip ang kanyang mga hangarin at mithiin, ang kanyang

mga pangamba at pagkasiphayo, ang kanyang ligaya at lumbay, pati ang

mga hamon at pagpupunyagi.

Kung bibigyan nang masusing pansin ang mga mahahalagang aral

at mga balyung maikikintal mula sa mga maikling kwento, dito papasok

ang usaping moralidad na akma sa kasalukuyang panahon.

Mapapansing marami sa mga kabataan ngayon ang kakikitaan ng

kawalang-galang sa mga matatanda maging sa mga guro at kapwa mag-

aaral. Sa halip na pagtuunang-pansin ang pag-aaral ay nahuhumaling

sa pag-inom, paninigarilyo at paggamit ng droga. Ang pambu-bully,

pangongopya, pagkakalat ng mga basasura, “vandalism”, palaging huli


3

sa klase, madaldal, tamad, matigas ang ulo at hindi pagsunod sa

patakaran ng paaralan ay ilan lamang suliraning pampaaralan na bunga

ng kakulangan sa pagpapahalaga sa moralidad.

Mahalaga ang moralidad sa pang-araw-araw na pamumuhay ng

bawat tao. Isa itong pangunahing kailangan upang makamit ng tao ang

kanyang mga hangarin sa buhay.

Likas sa tao ang pagiging makatarungan, ang magpanatili ng

magandang pakikipag-ugnayan, ang umunawa at magbigay hindi

lamang sa pamilya at mga kaibigan kundi maging sa mga higit na

nangangailngan. Sa aklat ni Agapay (2009), ganito ang kanyang sinabi:

“ A morally good act is that which sound in all aspects –


in its nature, motive, and circumstances. In the scrip-
tures, the morally upright is a just man,one who weighs
his action in relation to what the law demands, to what
the circumstances would allow, and to what fits his
nature as a rational being. A morally good action,
therefore, is a just act.”

Ang tao, upang maging makatao ay nararapat na maging tunay na

mabuti sa kapwa. Bago gumawa ng isang aksyon, iisipin muna niya ang

kapakanan ng kanyang kapwa kung ito’y nakabubuti o nakasasama.

Dumarating sa puntong kailangang kalimutan ang sarili alang-alang sa

ikabubuti ng iba. Sinasabing maging makatarungan sa lahat ng

pagkakataon.

Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa, mahalagang

ipakita at ipadama sa kapwa ang mabuting pag-uugali at kagandahang-

loob. Ayon sa kawikaan:

“A good character is worth more than gold.”


4

(Lardizabal, 2001)

Hindi nasusukat ang tunay na tagumpay sa kayamanan kundi sa

kakayahang ipakita ang kabutihan. Pinupuri at minamahal ang tao,

hindi sa kanyang salapi kundi sa kanyang mabuting pakikitungo at

pakikipagkapwa. Ang tunay na kaligayahan ay hindi napapantayan ng

salapi ngunit masasabing ang susi ng tunay na kaligayahan ay ang

mabuting pag-uugali. Ito ay lalong pinatunayan sa konsepto ni

Confucius:

“Happiness can only be attained by man by


Fulfilling the virtues of kindness, wisdom and
truthfulness.” (Ariola, 2009)

Ang katuwiran, ang katotohanan at ang kabutihan ay siyang

bunga ng pagpapahalagang moral. Kung ang lahat ay magbibigayan,

magtutulungan, magmamahalan at magtuturingang tunay na

magkakapatid mawawala ang lahat nang kaapihan at mananariwang

muli sa puso ang tunay at wagas na pag-ibig sa kapwa. Sa gayon, ang

bayan na dati’y puno ng hinagpis ay matutulad sa isang tunay na

paraiso.

Masasalamin ang mga mahahalagang aral at mga balyung

inihayag nina Agapay, Lardizabal at Ariola sa mga piling maikling kwento

ni Rogelio R. Sicat. Pinag-aaralang mabuti ang mga akdang sinulat niya

at binigyang-diin ang mga diyalogong ginamit ng mga tauhan upang

mapalutang ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa

mga piling maikling kwento.


5

Kung mauunawaan lamang sanang lubos ang tunay na kahulugan

at kabuluhan ng maikling kwento sa buhay ng isang tao, kung gaano

kasuperyor at kapaki-pakinabang ang makukuha dito, matitiyak na mas

magiging magantimpala at maluwalhati ang tagumpay na tatmuhin ng

bawat isa dahil bawat kwento ay nag-iiwan ng isang kakintalan o

impresyon sa isip ng mga mambabasa, hango sa tunay na buhay at higit

sa lahat kinakikitaan ng katangi-tanging aral.

Batayang Teoretikal

Nagiging matagumpay ang isang pag-aaral lalo na’t may

katulong na mga teorya na siyang gagamiting gabay upang makamit ang

minimithi ng mananaliksik. Isinalig ng mananaliksik sa Teoryang

Moralistiko ang kanyang pag-aaral. Sa teoryang ito, layunin ng

panitikang ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad

ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang

mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng

isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan (Dinglasan,

2005). Samaktwid, napagkakasunduan ang moralidad ayon na rin sa

kaantasan nito. Ang aral na pinahahalagahan sa mga akda ay nasa

larangan ng moralidad ng kilos at gawi sa pang-araw-araw na buhay ng

tao bilang isang mamamayan o kasapi ng komunidad.

Ang moralistikong teorya ay nagbibigay-diin sa mga layuning

dakila at pinahahalagahan nito ang kabutihan, ang tama, ang


6

kagandahang asal, tamang pakikipagkapwa, mabuting pag-uugali at

wastong reaksyon ng tao sa kanyang kapwa.

Upang higit na maging makabuluhan ang ginagawang pagsusuri

ay idinagdag ang Ginintuang Patakaran ni Confucius na nagsasaad na

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. (Brown,

2011) Nangangahulugan itong huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong

gawin sa iyo. Kung ano ang makakasama sa iyo, makasasama rin ito sa

iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa

kanya sapagkat siya ang iyong kapwa-tao. Magkakatulad ang inyong

pagkatao bilang tao. Ayon nga sa kawikaan (Proverbs 22.8) ng

matandang tipan ng Bibliya, “Siyang naghasik ng kasamaan ay aani ng

kapahamakan; at ang pamalo ng kanyang poot ay maglilikat.” Ang

kasamaan na inihasik ng marami sa ngayon, aanihin niya pagdating ng

araw. Ang lahat ng kasamaang gawin ng tao ay unti-unting magtutulak

sa kanya sa walang hanggang kapahamakan. Ito ang batas ng

katalagahan sa ating mga tao upang umiral ang katarungan ng Diyos.

Datapwat sa mga gumagawa ng mabuti, hindi naman mawawala ang

gantihin sila ng Diyos.

Sa mga nabanggit na teorya ibinatay ng mananaliksik ang

kanyang ginawang pagsusuri sa mga piling maikling kwento ni Rogelio

R. Sicat. Mula sa kanyang mga akda, nakatitiyak ang mananaliksik na

makikita ang hinahanap na mahahalagang aral at mga balyung


7

maikikintal na magiging gabay tungo sa tamang landasin. Ito ang aakay

sa tao tungo sa kabutihang panlahat.

Batayang Konseptwal

Ang batayang konseptwal ay inilalahad ng mananaliksik upang

tuwirang maipakita ang daloy ng pagsusuring gagawin sa mga piling

maikling kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ng mananaliksik ang pinag-

ugatang pagpapahalagang moral na angkin ng mga tauhan sa kwento.

Ang mga Pagpapahalagang Moral (Malayang Ensiklopedya, 2012) ay ang

mga sumusunod: Pagmamahal sa Diyos (Love of God), bilang nilikha ng

Diyos, marapat na siya ay mahalin. Siya ang pinagmulan ng pag-ibig at

ng tao at Siya rin ang patutunguhan ng tao. Pagpapahalaga sa

Katotohanan (Love of Truth), ang katotohanan ay maaaring tuklasin ng

tao dahil sa kanyang karunungan at kagustuhan. Ang pag-iisip ng tao ay

may kapasidad na magsuri, magmunimuni at timbangin ang

katotohanan ng bawat bagay. Ang katotohanan ay hindi nagbabago

kahit magbago man ang panahon. Paggalang sa Buhay (Respect for Life),

ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao. Ang paggalang dito ay

paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa Diyos. Paggalang sa

Kapangyarihan (Respect for Authority), ang unang tatlo sa sampung utos

ng Diyos ay patungkol sa paggalang sa kapangyarihan ng Diyos. Siya

ang nagbigay ng buhay kaya nararapat lamang na sambahin at igalang

Siya. Ang pang-apat na utos ay paggalang sa mga magulang. Ang mga

magulang ay nararapat na igalang dahil sila ang umalalay sa mga anak.


8

Paggalang sa mga magulang dahil sila ang paraan at tinatawag na

kasama sa paglikha ng tao sa mundo at paggalang sa mga pinuno ng

bayan dahil sila ang namumuno sa kaayusan at kabutihan ng lahat.

Panggalang sa Sekswalidad (Respect for Human Sexuality), ang pagiging

mabuting lalaki at mabuting babae ay sukatan ng mabuting pagkatao.

Walang kahinatnan ang dunong at yaman kung walang paggalang sa

sekswalidad at sekswalidad ng iba. Ang pagiging marangal na tao ay

nababatay sa kung paano ka kumilos ayon sa kasarian. At Wastong

Pamamahala ng mga Materyal na Bagay (Responsible Dominion Over

Material Things), naunang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, may

buhay o wala kaysa tao kayat ang tao ang siyang ginawang

tagapangasiwa ng mga ito. Ang tao ay lilipas sa mundong ito ngunit

mananatili ang mga bagay sa mundo.

Makatutulong ang mga konseptong ito upang maging

matagumpay ang pag-aaral. Isa ito sa magiging lunsaran upang lubos na

makilala ang tunay na katangian at pagkatao ng mga tauhang

matatagpuan sa kwentong ginamit sa pag-aaral. Ang mga nabanggit na

konsepto ang naging basehan ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga

piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat. Masasabi ng

mananaliksik na sa mga kathang ito ay matatagpuan ang mga

mahahalagang aral at balyung maikikintal na maging gabay ng tao

upang tunguhin ang tamang landasin at mamuhay nang may

kabuluhan.
9

Matutunghayan sa sumusunod na dayagram ang mga hakbang na

ginawa ng mananaliksik upang maging matagumpay ang ginawang

pagsusuri sa mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ng

mananaliksik ang pinag-ugatan ng mga pagpapahalagang moral tulad ng

Pagmamahal sa Diyos, Pagpapahalaga sa Katotohanan, Paggalang sa

Buhay, Paggalang sa Kapangyarihan, Paggalang sa Sekswalidad at

Wastong Pamamahala ng Mga Materyal na Bagay. Hinimay-himay ang

mga ito at binigyang-kahulugan sa pamamagitan ng mga teoryang

ginamit. Sa mga pagpapakahulugan, inilahad ang mga mahahalagang

aral at balyung maikikintal sa lipunang kinabibilangan ng mga tauhan

at ng mga mamamayan sa kasalukuyan.


10

Mga Katangiang Inilalahad ng mga Tauhan


batay sa Ipinapahayag na mga Diyalogong Matatagpuan sa
mga Piling Maikling Kwento ni Rogelio R. Sicat

Pinag-uugatang Pagpapahalagang Moral


 Pagmamahal sa Diyos (Love og God)
 Pagpapahalaga sa Katotohanan (Love of Truth)
 Paggalang sa Buhay (Respect for Life)
 Paggalang sa Kapangyarihan (Respect for Life)
 Paggalang sa Sekswalidad(Respect for Human Sexuality)
 Wastong Pamamahalsa sa mga Materyal na Bagay
(Resposible Dominion Over Material Things)

Mahahalagang Aral at Balyung Maikikintal

Figura 1. Iskematik Dayagram na naglalahad sa pagpapahalagang

moral na taglay ng mga piling maikling kwento ni Rogelio Sicat


11

Paglalahad ng Suliranin

Naglalayon ang pananaliksik na ito na matukoy ang mga

mahahalagang aral at balyung maikikintal sa ginawang pagsusuri sa

piling maikling kwento ni Rogelio R. Tinangkang sagutin ng

mananaliksik ang sumusunod na mga katanungan:

1. Anu-ano ang mga katangiang inilalahad ng mga tauhan batay

sa inihahayag ng mga diyalogo sa mga piling maikling kwento

ni Rogelio R. Sicat?

2. Anu-ano ang mga pinag-ugatang pagpapahalagang moral ng

mga ipinapahiwatig ayon sa:

a. Pagmamahal sa Diyos (Love og God)


b. Pagpapahalaga sa Katotohanan (Love of Truth)
c. Paggalang sa Buhay (Respect for Life)
d. Paggalang sa Kapangyarihan (Respect for Life)
e. Paggalang sa Sekswalidad(Respect for Human Sexuality)
f. Wastong Pamamahalsa sa mga Materyal na Bagay
(Resposible Dominion Over Material Things)

3. Anu-ano ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal sa

mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon gamit ang mga

napiling kwento ni Rogelio R. Sicat.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga mahahalagang

aral at balyung maikikintal mula sa mga piling maikling kwento ni

Rogelio R. Sicat. Ito ay ang mga sumusunod:


12

1. Matukoy ang mga katangiang inilalahad ng mga tauhan batay sa

inihahayag ng mga diyalogo sa mga piling maikling kwento ni

Rogelio R. Sicat.

2. Maipakita ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng mga

tauhan batay sa Pagmamahal sa Diyos, Pagpapahalaga sa

Katotohanan, Paggalang sa Buhay, Paggalang sa Kapangyarihan,

Paggalang sa Sekswalidad at Wastong Pamamahala sa mga

Materyal na Bagay.

3. Maibigay ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal mula

sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat sa mga mag-

aaral sa kasalukuyang panahon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sinasabing ang panitikan ay salamin ng buhay. Dahil dito maaring

makatulong ito upang lalong mapabuti ang pag-uugali ng isang tao

lalung-lalo na sa kanyang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa

kapwa.

Hangarin ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga mahahalagang

aral at balyung maikikintal mula sa mga piling maikling kento ni Rogelio

R. Sicat. Inaasahan ng mananaliksik na magkaroon ng malaking ambag

ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:

Punung-guro. Mapaalalahanan ang mga punong-gurong hikayatin

ang mga guro na bigyan ng pagpapahalaga ang pagtuturo sa panitikan

bilang isang makabuluhang paksa.


13

Guro. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro. Sila ang

tinaguriang magulang sa loob ng paaralan. Hinuhubog nila ang isipan,

damdamin at maging ang pagkatao ng isang mag-aaral. Inasahang

makatutulong ang pag-aaral na ito lalo na sa mga guro ng panitikan.

Mapalalago ang kanilang kamalayan at mapalalawak ang kanilang

imahinasyon tungo sa pagpapabuti ng kanilang pagtuturo. Magagamit

nila ito upang lalong mapahalagahan ang mga pagpapahalagang moral

na matatagpuan sa bawat kwento.

Mananaliksik. Makatutulong sa mga mananaliksik ang

karagdagang impormasyong nakuha sa pag-aaral na ito. Magsisilbi itong

lunsaran sa pangangalap ng datos na may kaugnayan sa kanilang

ginagawang pananaliksik.

Mag-aaral. Mapalalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol

sa kahalagahan ng moralidad. Mabibigyan ng wastong pagpapahalaga

ang kabutihang-asal upang maging patnubay sa pang-araw-araw na

buhay tungo sa kaunlaran ng sambayanan.

Mambabasa. Mapahahalagahan ng mga mambabasa ang

pagkahilig nila sa pagbasa ng maikling kwento dahil alam nilang hindi

lamang aliw ang dulot nito kundi naragdagan pa ang kanilang kaalaman

lalo na sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Panatiko ng Pantikan. Patuloy nilang tangkilikin ang pagbabasa

ng mga akdang pampanitikan at ibahagi sa kapwa ang mga kahalagahan

at natutunang aral mula dito upang iangat ang estado ng ating bansa.
14

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Makabuluhan ang mga akdang pampanitikang

nakapagpapayaman sa isip, humuhubog sa isang indibidwal at

nakapagbibigay ng inspirasyon upang gumawa ng kabutihan.

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang mga pagpapahalagang moral

na taglay ng mga tauhan na kapupulutan ng mahahalagang aral at

balyung maikikintal mula sa walong maikling kwento ni Rogelio Sicat—

Ama (1960), Impeng Negro (1962), Tata Selo (1962), Handog sa Kanyang

Ina (1962), Lumang Kotse (1963), Ang Kura at Ang Agwador (1963),

Nawawalang Pasko (1963) at Tinik ng Nakaraan (1964).

Isinagawa ang pananaliksik ngayong taong 2013-2014 sa paaralng

St. Michael’s College, lunsod ng Iligan.

Depinisyon ng mga Terminong Ginamit

Sa bahaging ito, binigyan ng mga kaukulang kahulugan ang ilang

terminong madalas ginamit sa pag-aaral upang lubusang maunawaan

ang kabuuan ng pananaliksik.

Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values). Ito ang

pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinanggap ng tao

bilang mabuti at mahalaga. Ito ang mga prinsipyong etikal (ethical

principles) na kanyang pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang-

araw-araw na buhay. Ito ay ang mga mithiing tumatagal at nananatili;

ito ay katanggap-tanggap at makabuluhan para sa lahat ng tao anuman

ang kanyang lahi o relihiyon. (Dy, 2007)


15

Maikling Kwento. Isang akdang pampanitikan na may isang

kakintalang nililikha ng mga inilalarawang pangyayari sa pamamagitan

ng pinakamatipid na paggamit ng mga salita. Ito ay may iisang

impresyon o kakintalan, may iisang pang-unang tauhang inilalarawan at

may iisang paksa o diwang pinagsisikapang diwang maipaliwanag.

(Rubin et. Al, 2001)

Moralidad. Ito ay ang pagkakakilala ng tao sa kung alin ang tama o

mali. Ito ang pamantayan ng pag-uugali at kagandahang-asal. Bilang

aral, ito ang leksyon o turo sa tama, wasto o angkop na kaasalan o pag-

uugali.

Moralistiko. Inilalarawan sa teksto ang mga paksang pagtatagumpay sa

kabutihan laban sa kasamaan, pagwawagi ng katarungan laban sa

pang-aapi, pangingibabaw ng kalinisan at pagkatao at katatagan sa

harap ng mga pagsubok at kahinaan. Ipinapakita ang pagtutunggali ng

lakas ng katwiran at impluwensya ng mga elementong sumisira sa tao.

Ang akda ay kapupulutan ng mga aral at pagwawasto sa mga maling

landasin sa buhay. 

Paggalang sa Buhay. Ang buhay ay dakilang kaloob ng Diyos sa tao.

Ang paggalang dito ay paraan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa

Diyos.

Paggalang sa Kapangyarihan. Siya ang nagbigay ng buhay kaya

nararapat lamang na sambahin at igalang Siya. Paggalang sa mga

magulang dahil sila ang paraan at tinatawag na kasama sa paglikha ng


16

tao sa mundo at paggalang sa mga pinuno ng bayan dahil sila ang

namumuno sa kaayusan at kabutihan ng lahat.

Paggalang sa Sekswalidad. Ang pagiging mabuting lalaki at mabuting

babae ay sukatan ng mabuting pagkatao. Ang pagiging marangal na tao

ay nababatay sa kung paano ka kumilos ayon sa kasarian.

Pagmamahal sa Diyos. Marapat lamang na ang Diyos ay mahalin

sapagkat siya ang pinagmulan ng pag-ibig at ng tao at Siya ring ang

patutunguhan ng tao.

Pagpapahalaga. Anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit, kapuri-puri

at kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon, magaan ay kasiya-

siya sa pakiramdam at kapakipakinabang.

Pagpapahalaga sa Katotohanan. Ang pag-iisip ay may kapasidad na

magsuri, magmuni-muni at timbangin ang katotohanan ng bawat bagay.

Ang katotohanan ay hindi nagbabago kahit magbago man ang panahon.

Pananaliksik. Ito ay isang mapanuring pagsisiyasat ng mga ideya, isyu,

konsepto, o anumang bagay na nagangailangan ng ganap na paglilinaw,

pagpapatunay, at maaari ring pagpapasubali sa mga kaisipang inilatag

ng mga naunang pag-aaral. (Atanacio et. Al, 2009).

Panitikan. Pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga

bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at

sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. Ang paraan ng

pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay ng


17

kalooban at kaluluwa, nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o

lungkot, pag-asa o pangamba. (Panganiban et. Al, 2005).

Wastong Pamamahala ng mga Materyal na Bagay. Naunang likahain

ng Diyos ang lahat ng bagay, may buhay o wala kaysa tao kayat ang tao

ang siyang ginawang tagapangasiwa ng mga ito.


18

Tsapter 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalarawan ang mga piling maikling kwentong pinag-aralan sa

kasalukuyang mga pangyayari na nararanasan ng bawat indibidwal.

Sinulat ito ni Rogelio R. Sicat. Inilalahad dito ang mga pagpapahalagang

moral na taglay ng bawat tauhan na kapupulutan ng mga mahahalagang

aral at mga balyung magiging patnubay sa buhay. Kadalasan,

inilalarawan dito ang positibong pag-uugali ng mga Pilipino sa panahon

ng kagipitan, ang pagpupunyaging labanan ang mga pagsubok sa buhay

at handang magpakasakit alang-alang sa katahimikan at kaligayahan ng

lahat. Inilalantad sa kanyang mga kwento ang problemang panlipunan

at pampulitika makikita magpahanggang ngayon.

A. Kaugnay na Literatura

Maraming bagay ang hindi nalalaman at lalong di naiintindihan

ng tao sa panahong ito. Marami ang ligaw, bulag, bingi, at salat sa

kaalaman sa katotohanan. Mas maraming humahanap ng kalayawan at

aliwan kaysa ang humanap sa katotohanan patungo sa Diyos. Mas

maraming sumasamba sa materyal at makamundong gawain kaysa

pagsamba sa tunay at nag-iisang Diyos. Ito ay sa dahilang labis ng

pagnanasa ng tao sa makamudong kaligayahan.

Ayon kay Aristotle (Esteban, 2000), ang “ultimate end” o

pinakamatayog na layunin ng tao ay ang kaligayahan. Ang kaligayahan

ay maaring nasa kasarapan, karangyaan o yaman sa buhay. Ito ay nasa


19

karangalang maibibigay ng ibang tao. At ang kaligayahan ay maaaring

nasa birtud na moral. Kinakailangan pa rin ng tao ang makatikim ng

sarap, magtamo ng karangalan subalit mapanatili ang moral na birtud.

Pangmatagalan ito, may kasarinlan, aktibo at panghabambuhay. Mula

sa mga katangiang nabanggit, dito makikita na ang layuning makagawa

ng maganda o mabuti ang magbibigay ng kaligayahan sa tao. Magiging

lubos lamang ang pagpapakatao kung makikipagkapwa-tao.

Ayon pa rin sa etika ni Aristotle isinasaad na ang birtud ay isang

anyo ng kabutihan o kagandahang-asal. Ang birtud tulad ng katapatan,

kawanggawa, kalinisan, mapagpatawad, mapagbigay at pagiging

maawain ay ilan lamang sa pagkakataon kung saan kongkretong

mamalas ang kagandahang-loob o kabutihan.

Ang pangalagaan ang kabutihan ng kapwa ay isang karangalan.

Isang marangal na gawain ang isapuso at isip ang mapanatili ang

kabutihan ng ating kapwa. Kaakibat nito ang pagkakaroon ng malasakit

sa kapakanan ng iba.

Ang bigyang-kasiguruhan ang kabutihan ng nakararami ay

marangal at banal. Isa sa makapagpatunay sa isinaad ni Arestotle sa

kanyang etika ay si Mother Theresa ng Calcutta. Nagawa ni Mother

Theresang bigyan ng pag-asa at pagkalinga ang mas higit na may

pangangailangan sa lansangan. Kaya naman, kahit nabubuhay pa

lamang siya ay itinuturing na siyang isang banal.


20

Ang tao bilang persona ayon kay Santo Tomas de Aquino, ay

indibidwal na maaaring tumindig sa sarili niya dahil sa kanyang

kamalayan at kalayaan. Ang tao dahil siya ay persona ay orihinal ang

kabutihan, at ang paggawa ng mabuti ay pagkapersona o pagpakatao

(Dy, 2007).

Nakaugat ang angking kabutihan o kagandahang-loob ng tao sa

kanyang loob. Ang loob ng tao ang siyang nagsisilbing munting tinig na

gagabay o gumagabay sa bawat kilos nito. Ang pagkakaroon ng likas na

kagandahang-loob ang magbibigay-daan para sa pakikipagkapwa. At ang

pakikipagkapwa-tao ang siyang magbibigay kaligayahan sa tao na siyang

ultimong layunin ng tao.

Napag-alaman ang ugnayan ng loob, kabutihan at pakikipagkapwa

ayon sa aral ni Santo Tomas at ng iba pang mga pilosopo. Bigyang-diin

ngayon ang kabutihan bilang repleksyon ng isang magandang buhay.

Ang kagandahang-loob sa kapwa ay isang ekspresyon ng

kagandahang buhay. Ang kabutihan, kagandahang-loob ay

maipaliliwanag sa iba’t ibang pagkaunawa. Nilikha ang taong kawangis

ng Diyos na Manlilikha. Likas na kaloob ng Diyos ang kagandahang-loob

o kabutihan. Dahil dito, pinagkalooban ang tao ng espiritwal at materyal

na kabutihan. Pinag-ugatan ang kagandahang-loob ng mabuti at

magandang pag-iisip, damdamin, at gawa ng habang namumuhay ito

nang matiwasay. Hindi magiging ganap ang kagandahang-loob kung


21

hindi ito maipamamalas sa iba. Ito ay nararapat na magmula sa

kalooban at maibahagi sa kapwa para sa ikabubuti ng marami.

Nakasalalay ang kagandahang-loob at mabuting buhay sa antas ng

kamalayan o pang-unawa kung ano nga ba talaga ang mabuti (Alejo,

2001).

Gayunpaman, may malaking papel na ginampanan ang

pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga

kabataan. Ayon sa 1987 na Konstitusyon ng Pilipinas, Artilkulo II,

Seksyon 13:

“Kinikilala ng Estado ang napakahalagang tungkulin ng


Kabataan sa pagbuo ng bansa at dapat magtaguyod at
mangalaga ng kanilang kagalingang pisikal, moral, espi-
ritwal, intelektwal at sosyal. Dapat nitong ikintal sa mga
kabataan ang pagkamakabayan, nasyonalism at pasig-
lahin nila ang paglahok sa mga gawaing baya’t sibiko.

Lalong pinagtibay ito sa Artikulo II, seksyon 17:

“Dapat mag-ukol ng prayoridad ang Estado sa edukasyon,


agham, at teknolohiya, mga sining at kultura at pampala-
kasan upang mapabulasang pagkamakabayan at nasyu-
nalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at mai-
taguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao.”

Ganito naman ang isinaad sa Artikulo XIV, Seksyon 2: Ang Estado

ay dapat magtatag, magpanatili at magtustos ng isang kumpleto, sapat

at pinag-isang sistema ng eduksyong angkop sa pangangailangan ng

sambayanan at lipunan; magtatag at magpanatili ng isang sistema ng

libreng pambayang edukasyon sa elementary at mataas na paaralan.

Hindi bilang pagtatakda ng likas na karapatan ng mga magulang sa pag-

aaruga ng kanilang mga anak, sapilitan ang edukasyong elementarya sa


22

lahat ng mga batang nasa wastong edad ng pag-aaral; magtatag at

magpanatili ng isang sistema ng mga kaloob ng mga scholarship, mga

programang pautang sa mga estudyante, mga tulong sa salapi, at iba

pang insentibo na dapat ibigay sa mga karapat-dapat na mga estudyante

sa mga paaralang publiko; pasiglahin ang di pormal, impormal at

katutubong mga sistema sa pagkatuto, at gayundin ang mga

programang pagkatuto sa sarili, sarilinang pag-aaral at pag-aaral sa

labas ng paaralan lalo na yaong tumutugon sa pangangailangan ng

pamayanan; at mag-ukol sa mga mamamayang may sapat na gulang,

may kapansanan, at mga kabataang nasa labas ng paaralan ng

pagsasanay ng sibika, kahusayang bokasyonal at iba pang kasanayan.

Inilahad naman ni Belvez (2001), na kaisa ang paaralan sa

hangaring ito at malinaw na isinasaad sa layunin ng edukasyon sa ating

saligang batas:

“Ang pamahalaan ang magpapairal ng isang ganap at


Sapat na pamamaraan ng edukasyong pangmadla at
Magtatakda ng mga paaralang walang bayad para sa
pang-unang pag-aaral man lamang at ng pagsasanay
sa pagkamamamayan sa matanda. Dapat maging
layunin ng paaralan ang paglinang ng kagandahang-
asal, disiplinang pansarili, budhing sibiko at kasana-
yang bokasyunal at ang pagtuturong tungkulin sa pag-
kamamamayan.”

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EP) ay asignaturang bahagi ng K

to 12 na gagabay at huhubog sa mga kabataan. Ang tunguhin ng EP ay

makahubog ng kabataang nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan


23

tungo sa kabutihang panlahat. Nangangahulugan itong lilinangin at

pauunlarin ang pagkataong etikal ng bawat mag-aaral.

“(EP) Edukasyon sa Pagpapakatao is the Basic


Education that teaches grade school pupils. And
high school students character education, moral
values, and ethics. It supports the national edu-
cation goal to provide a well-rounded education
that will assist each individual in society to attain
his/her potential as a human being and enhance the
range and quality of the individuals within the
group.

The EP Curriculum is guided by the following


beliefs:Man must develop virtue not for his own sake
but as a means to an end; that end being the ulti-
mate good, God. Andethics and moral values are a
set of guiding principles that enable man to discern
right from wrong in thoughts, words, decisions, and
actions. They are manifested through good habits of
behavior that are practiced habitually, consistently
and constantly. Ehtical behavior is seen in a per-
son’s treatment of oneself, in elating to other people,
country/world and God (Agapay, 2008).

Ang paaralan ay hindi lamang naglalayong matuto ng mga bagong

kaalaman ang mga mag-aaral kundi ito rin ay naglalayong hubugin ang

birtud ng bawat mag-aaral tungo sa maunlad at mapayapang lipunan.

Dagdag pa ni Ramirez (2009):

“When the teacher takes an active role in developing


Virtue among children, he/she is not only helping in the
Formation of the person but also significantly contribu-
ting to the development of the society.”

Maging ang mga guro ay mayroong malaking papel na

ginagampanan. Ang hubugin ang kaisipan ng mga kabataan ay hindi

sapat. Responsibilidad ng mga guro na bigyan ng masusing pansin ang


24

mabuting pag-uugali ng mga kabataan. Ito ang natatanging daan sa

ikatatagumpay at ikauunlad ng bayan.

Makakamit man ng tao ang lahat ng bagay dito sa mundo ay

mawawalan naman ito ng saysay o halaga kung hindi ito nailaan sa

isang mabuti at maayos na layunin o patutunguhan. Tandaan na hindi

mahalaga ang materyal na bagay, maging ang pisikal, o materyal na

kalikasan dahil ang mga ito ay lumilipas.

Ang tao ay moral na ispiritwal na nilalang. Siya ay may kapasidad

na maiangat ang kanyang sarili mula sa kanyang pisikal o materyal na

kalikasan o kalagayan. Madaling makamit ang materyal na bagay at ang

mga luho at sarap ng katawan ay panandalian lamang. Mamamatay

ang kanyang materyal o pisikal na katawan ay mamamatay subalit ang

ispiritwal na kalikasan ay nangangailangan ng mabuting patutunguhan.

Higit sa lahat, ang ispiritwal na kalikasan ay ang kapasidad na

magmahal at makaalam. Ito ang nagbibigay-halaga sa materyal na

kalikasan. Walang kabuluhan ang katawan kung hindi nito malalaman

ang mga kahalagahan nito para sa kanya. Ang kapasidad sa

pagpapasya ay nasa paggamit niya ng rasyonal na pag-iisip at

kalayaang maunawaan, isabuhay at itangi ang mga moral na

pagpapahalaga. Ang tunguhin nito kung gayon ay ang moral na taong

kumikilos kung ano ang tama at kung ano ang dapat.

Moral ang kilos kung naaayon ito sa kalikasan niya. Dahil nga na

likas na mabuti ang tao, kinikilala niya ang dikta ng kanyang kaisipan,
25

kalooban at konsyensya. May kaugnayan ang pagiging moral sa pagiging

ispiritwal. Ang kalikasang ispiritwal ang siyang nag-aangat mula sa

pagkamoral tungo sa sukdulang ispiritwal. Moral ang isang asawa kung

tinutupad niya ang kanyang obligasyon bilang asawa at ama ng kanyang

mga anak. Subalit maiaangat niya ang kanyang pagiging moral

patungong ispiritwal kung mananatili siyang tapat sa kanyang asawa at

huwarang ama sa kanyang mga anak. Sa kabilang dako, ayon kay Sauco

(2001), ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa ay katulad ng

isang walang katapusang daloy ng tubig sa batisan. Magwawakas

lamang ito kung mawawala sa daigdig ang mga nakalimbag ng

titik at kung mawalan na ang mga tao ng kakayahan sa pagpapahayag

ng kaisipan, damdamin at karanasan.

Mangyayaring mawala ang kaunlarang materyal gayundin ang

diwa ng materyalismo ngunit hindi kailanman mawawala at mawawasak

ang tunay nakaluwalhatian ng panitikan. Mabisang lakas itong

tumutulong sa pag-unlad ng sibilisasyon at lipunan ng bawat bansa.

Samantala, Sa aklat ni Buensuceso (2000), sinabi niyang ang

panitikan ay isang sining sa mayos at magandang pagpapahayag ng

damdamin ng tao, pasalita o pasulat, hinggil sa mga bagay bagay na

may kaugnayan sa kanyang sarili o sa pakikitungo niya sa kapwa.

Sa larangan ng sining at panitik, ito’y may tiyak na kabuluhan.

Matapat. ang panitikan sa muling paglikha ng buhay ng isang masining

na paraan. Pag-aayos ito ng payak ngunit makahulugang mga


26

karanasan ng taong hinabi sa pamamaraang ninanais ng may katha

nito. Matatagpuan ang tunay na kahulugan ng panitikan sa

katotohanang nauukol ito sa mga niloloob, sa mga ideya at damdamin

ng tao.

Sa pagbabasa ng nobela, dula, maikling kwento, tula at iba pang

mga babasahing pampanitikan hindi lamang aliw ang hatid nito kundi

mga bagong kaalaman at higit sa lahat, ng mga magagandang aral sa

buhay.

Ayon kay Reyes (2000), sa moralistikong pananaw, ipinalalagay na

ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi

lamang ng literal na katotohanan kundi ng panghabambuhay at

unibersal ng mga katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga

(values). Samakatwid, ang karaniwang pinahahalagahan ng tula o nobela

hindi dahil sa mga partikular na katangian nito bilang likhang-isip na

may sinusunod na mga sariling batas at prinsipyo sa kanyang pagiging

malikhain, kundi dahil sa mga aral o leksyon na naidudulot nito sa mga

nakikinig o bumabasa.

Dagdag pa niya, anuman ang mukha ng moralistikong pananaw,

may ilan itong mga presuposisyon na nagbibigay-hugis sa mga

artikulasyong kritikal. Pinatotohanan nito ang pambihirang bisa ng

panitikan sa buhay ng karaniwang tao; at sa mga pagsusuri, hindi

gaanong tinitingnan ang akda bilang likhang-isip na may sariling

kakayahan bilang sining. Itinuturing ang mambabasa sa ganitong


27

kritikal na oryentasyon, na indibidwal na madaling maantig ang

damdamin at isipan na siyang nagtutulak sa kanya upang isabuhay ang

mga aral na kanyang napulot sa kanyang nabasa.

Nagturo ang nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal ng isang

napakainspirasyunal na paglalakbay. Kapupulutan ng maraming aral

tulad ng diwang nasyonalismo, pagiging tapat at magalang, pagigigng

marespeto at pagkakaroon ng malakas na paninindigan at katapangan.

Ang “Florante at Laura” ni Francisco Balagtas na nagturo ng

pagtutulungan at pagkakaisa, pagkamagalang, pagmamahalan,

katapangan at kabayanihan.

Samantalang ang tulang “Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos ay

punung-puno ng mga aral para sa buhay ng mag-asawa. Ito’y nagturo na

ang pag-aasawa ay hindi tulad ng isang kaning mainit na isusubo na

kapag napaso ay basta na lamang iluluwa. (Ignacio, 2003)

Nagturo sa kabataan ang kwentong “Mabangis ang Lungsod” ni

Efren Reyes Abueg na magkaroon ng lakas ng loob upang harapin ang

hamon ng buhay. Nangaral din itong paghandaan ang buhay habang

bata pa dahil ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran at napaliligiran

ng maraming pagsubok, krisis at tukso. (Ignacio, 2003)

Maraming mapupulot mula sa panitikan – kaalaman tungkol sa

moralidad, kabatiran tungkol sa pang-araw-araw na buhay, pag-unawa

hinggil sa puso at damdamin ng tao, mga batas at alituntunin ng

wastong kilos at gawi sa konteksto ng isang komunidad.


28

Sa isang pagpapahalaga sa Urbana at Feliza, buong katatagang

binigkas ng kritiko ang sumusunod:

“Kung tunay na patay man ang kumatha ng Urbana


at Feliza, ang pangalan naman niya ay buhay pa rin
sa ating mga guniguni, sapagkat siya ang nakapag-
iwan sa atin ng isang lapat at mabisang gamot na
nagbibigay-lunas sa lasong makamandag na nalalang-
hap ng ating mga kabataan. Ito’y ang mali at di tum-
pak na gawain ng ating mga kabataan sa ating
lipunan ngayon. Ang kanyang iniwan ay isang mahala-
gang hiyas na mapapatampok ng karangalan sa
bawat sumupling na bunso ng Inang Bayan. Sa
ating pagtahak ng magulong landas ng buhay, nawa’y
ang kahalagahang hiyas na iyan na kanyang iniwan
ang siyang magsisilbing tanglaw natin sa pagtatalun-
ton sa tugatog ng walang hanggang tagumpay.”
(Reyes, 2000)

Ang mga kaalaman at kabatiran na inilahad ng mananalikisik ay

kaugnayan sa kanyang pag-aaral. Siya’y lubos na naniniwalang

nakatutulong ito nang malaki upang maging matagumpay ang ginawang

pananaliksik.

B. Kaugnay na Pag-aaral

May kaugnayan ang pag-aaral ni Dalman (2010) na pinamagatang

“Makatotohanang Pangyayaring Naganap sa Mga Pangunahing Tauhan

sa Mga Piling Maikling Kwento ni Liwayway A. Arceo.” Natuklasan niya

na ang mga kwento ni Liwayway A. Arceo ay kakakitaan ng mga

makatotohanang pangyayari at pagbabago sa kamalayang sikolohikal,

ispiritwal, at emosyunal na kamalayan ng mga tauhan. Ipinakita ni

Liwayway A. Arceo kung paano nakipaglaban ang mga tauhan sa agos ng

buhay. Hindi naging hadlang ang kahirapan upang ang tao ay hindi
29

mabuhay at lumigaya sa gitna ng kawalan, na siyang positibong pag-

uugali at magandang katangian na nakikita sa buhay ng mga Pilipino.

Sa ginawang pag-aaral ni Jumalon (2008) na may pamagat na

“Mga Pagpapahalagang Moral sa Mga Piling Maikling Kwento ni

Genoveva Edroza Matute” kanyang natuklasan ang kagandahang-asal na

matatagpuan sa mga tauhan ng kwento na dapat tularan ayon sa

itinakda ng lipunan. Kanya ring natuklasan na ang mga kwento no

Genoveva Edroza Matute ay hitik sa pagpapahalagang moral na taglay ng

mga tauhan. Ang mabuting katangian ay nagingibabaw pa rin

hanggang sa kasalukuyan dahil ang tao ay likas na mabuti kaya

sumusunod siya sa mga alituntunin ng batas ng kagandahang-asal.

Sa pananaliksik naman ni Calisagan (2005) na pinamagatang

“Mga Piling Sugilanon ni Marcel M. Navarra : Kabang-yaman ng Mga

Paniniwala at Kaugaliang Sebwano,” isa sa kanyang mga natuklasan na

ang mga Sebwano ay kilala sa pagiging relihiyoso. Maging ano mang

relihiyon ang kanilang kinabibilangan, ang mga Sebwano ay likas na

nananalig sa Panginoon. Ito ay pinatutunayan sa kanilang

pangungumpisal, pagrorosaryo bago matulog at ang pangingilin sa

mahal na birhen.

Sa isinasagawang pag-aaral ni Mauhum (2001), na may pamagat

na “Pagsusuri ng Panlipunang suliranin na Napapaloob sa Nobelang

Ginto ang Kayumangging Lupa” ni Dominador B. Mirasol. Ito’y sinusuri

sa pamamagitan ng pagdulog na moralistiko at sosyolohikal na


30

ginagamitan ng pamaraang palarawan, kanyang natuklasan ang mga

makatotohanang pangyayaring naganap, ang pagkitil ng buhay ng mga

kriminal sa kanilang nagiging biktima ng pagnanakaw dahil sa

kahirapan at kawalan ng edukasyon.

Ang pag-aaral na ito ay iniuugnay ng mananaliksik sa kanyang

isinasagawang pag-aaral sapagkat ito’y makapagbibigay kanya ng

malawak na kaalaman. Nakikita ng mananaliksik ang kalagayan sa

lipunan ng mga tauhan sa nobelang ginamit.

Sa riserts ni Dizon (2000), na pinamagatang “Mahalagang Ugaling

Pilipino na Matatagpuan sa Maikling Kwento na nalathala sa Liwayway

Huling Taon 2000” ay kanyang natuklasan na ang bawat kwentong

sinuri ay naglalaman ng mahahalagang ugali na dapat taglayin ng

sinuman. Bagaman, ang mga kwento ay isang kathang-isip lamang, ito

naman ay naglalarawan ng tunay na buhay, pamumuhay, ugali,

pamamahala at ukol sa lipunan.

Ang mga mahahalagang pag-uugali gaya ng pagpapahalaga sa

sarili, pakikisama o pakikipagkapwa, pagkamakabayan at pagkamaka-

Diyos ay mga katangi-tanging ugali na dapat angkinin upang

makapamuhay nang matiwasay at maunlad. Ang kagandahang-asal o

ugali ng isang tao ay maipagkakapuri, hindi lamang sa kanyang sarili,

bagkus sa buong bansa na rin.

Sa pag-aaral ni Trihos (1998), higit niyang binigyang-diin ang mga

moralidad na mga gawain tulad ng pagkakasangkot sa bawal ng gamot,


31

pagpapakatiwakal at pagpatay, pang-aabuso sa kapangyarihan,

paninirang puri at isyung ekolohikal ay maiiwasan kung ang tao ay may

wastong pananampalataya sa Diyos at magagabayan ng malinis na

budhi o konsensya.

Ayon naman sa pag-aaral ni Tamine (1996), aniya, “Ang

kaalamang moral na natutunan ng tao mula sa tahanan,

paaralan, simbahan ay higit na makabuluhan at makatotohanan

kung ito ay naipagsasabay.” Tinukoy niya rito ang kaalamang moral na

natutunan ng tao ay lubhang mahalaga, lalo na kung gagamitin ito sa

pamumuhay. Natuklasan niya sa kanyang pag-aaral na ang mga

pagpapahalagang moral tulad ng pagmamahal sa kapwa,

pagmamalasakit, pagtitiis sa karukhaan, pagpapahalaga sa buhay at

katarungang panlipunan, at gayundin ang sapat na pananalig sa Diyos

ay magiging kalugud-lugod sa mga maibigin sa katarungan at

kaayusang panlipunan.

Matutunghayan sa pananaliksik ni Mahinay (1997), hinggil sa

“Ang Katutubong Panitikan ng Malinao, Aklan: Kung saan nasasalamin

ang kanilang mga Kaugalian at Pagpapahalaga sa Buhay”, na ang

nilalaman ng mga salawikain ng mga taga-Malinao, Aklan ay nakabatay

sa mga naging karanasan ng mga unang taong naninirahan sa naturang

lalawigan. Mababakas ang kanilang kaugalian at mga pagpapahalaga sa

paraan ng kanilang pamumuhay. Ipinapakita sa pananalik na ang mga

Malinaonon ay nagsisikap na umunlad at nagtitipid. Mababakas din ang


32

ugaling mapagkumbaba. Ipinakita sa kinalabasan ng pag-aaral na

sumunod sila sa ilang batas na pinaiiral, iginagalang ng bawat

mamamayan ang mga batas na ito upang maging mabuting

mamamayan. Ang paggalang sa pananampalataya ng bawat

mamamayan ay nakikita rin sa kanilang salawikain.

Sa pag-aaral ng ginawa ni Tejero (1981), “The Seleced Common

Proverbs of Catanduanes ang Their Relevance to the Scope and Sequence

in character Education”, kanyang natuklasan na mayaman ang

naturang lugar sa mga salawikain na nagpapayaman sa

pagpapahalagang moral, espiritwal, disiplinang pansarili,

pangkabuhayan, sosyal, mapang-agham na pag-iisip at estetikong

pagpapahalaga. Napatunayan na mainam na isasanib sa pagtuturo ng

character education ang mga naturang salawikain.

Sa pag-aaral naman ni Badal (1980), tungkol sa Integration of

Moral Values in the School Curriculum as Viewed by School

Administrators sa Labangon, Cebu city, napatunayan ng mga guro na

may mataas na kakayahan ang pinagsanib na pamamaraan ng

pagtuturo sa pamamagitan ng paksang tula, awit, salawikain at dula-

dulaan sa pamamagitan ng pagsanib ng kalagayan ng mga mag-aaral ng

kalinisan, katapatan at paggalang. Bilang epekto nito napansin na

talamak ang vandalism sa naturang paaralan.

Iniugnay ng mananaliksik sa kanyang pag-aral ang mga nabanggit

na pag-aaral sapagkat naniniwala siyang makatutulong nang malaki ang


33

mga impormasyong nakapaloob sa ginagawang pananaliksik upang

mapagtibay ang kahinaan nito.


34

Tsapter 3

METODOLOHIYA

Sa tsapter na ito makikita ang mga pamaraang ginamit ng

mananaliksik at ang prosesong gagawin sa kanyang pag-aaral. Layunin

ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mahahalagang aral at balyung

maikikintal mula sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat.

Matutunghayan ang mga hakbang na ginawa ng mananaliksik upang

maging matagumpay ang ginawang pagsusuri sa mga piling maikling

kwento ni Rogelio Sicat. Tinukoy ang mga pagpapahalagang moral na

taglay ng bawat tauhan sa kwento. Hinimay-himay ang mga ugaling ito

at binigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng mga teoryang ginamit. Sa

mga pagpapakahulugan, inilahad ang mga mahahalagang aral at

balyung maikikintal sa mga mag-aaral at ng mga mamamayan sa

kasalukuyan.

Metodolohiyang Ginamit

Pamamaraang Palarawan (Descriptive Analysis) at pangnilalamang

pagsusuri (Content Analysis) ang ginamit ng mananaliksik sa kanyang

ginawang pag-aaral. Binigyang-diin ang mga diyalogo ng mga tauhan sa

kwento upang mapalitaw ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng

bawat tauhan sa mga piling maikling kwento ni Rogelio R. Sicat na

kapupulutan ng mga mahahalagang aral at mga balyung magiging gabay

sa landas ng buhay.

Kagamitang Ginamit sa Pag-aaral


35

Gumamit ng walong (8) maikling kwento ni Rogelio Sicat ang

mananaliksik. Pinili niya ang mga kwentong ito dahil lubos siyang

naniniwala na punung-puno ito ng mga pagpapahalagang moral. Ang

walong(8) maikling kwento ay: Ama (1960), Impeng Negro (1962), Tata

Selo (1962), Handog sa kanyang Ina (1962), Lumang Kotse (1963), Ang

Kura at Ang Agwador (1963), Nawawalang Pasko (1963) at Tinik ng

Nakaraan (1964).

Kraytirya sa Pagpili ng Maikling Kwento

Bago ginamit ng mananaliksik ang mga maikling kwento na

isinulat ni Rogelio R. Sicat, binasa at pinagpipilian muna niya ang

karapatdapat na gagamitin sa pagsusuri. Siya ay nagkaroon ng kraytirya

sa pagpili. Ito ay ang mga sumusunod: Isinulat ni Rogelio R. Sicat ang

mga maikling kwento. May mga tauhan ang kwento na siyang

gagamiting ihemplo ng mananaliksik upang ipakita na mayroon pa ring

mga tao sa kasalukuyan na katulad ng mga tauhan sa kwento. May mga

diyalogong ginamit ang manunulat na magpapatunay sa mga

pagpapahalagang moral na taglay ng mga tauhan. Kakikitaan ng

mahahalagang aral sa buhay at mga balyu ang kwento.

Ang mga kraytiryang ito ang siyang basehan ng mananaliksik

upang maging matagumpay ang ginawang pag-aaral. Ito rin ang aakay

sa tamang landasin tungo sa matagumpay na resulta ng pananaliksik.


36

Daloy ng Pag-aaral

Nasa ibaba ang daloy ng Gawain sa pag-aaral na ito.

Unang Pagbasa ng Piling Maikling Kwento ni


Rogelio Sicat
(Pagkuha ng Tema)

Pangalawang Pagbasa
Pagtukoy sa mga Katangiang Ipinamalas
ng mga Tauhan Batay sa Diyalogong
Ginamit sa Kwento

Pangatlong Pagbasa
Pagsisiyasat sa mga Pagpapahalagang Moral
na Taglay ng mga Tauhan
Batay sa Kanilang Diyalogong Ginamit

Pag-uuri-uri ng mga Pagpapahalagang


Moral na Taglay ng mga Tauhan batay sa
Pinag-ugatang Pagpapahalagang Moral

Muling Pagsusuri at Internalisasyon


Pagtatala ng mga Mahahalagang Aral at Balyung
Maikikintal Mula sa mga Piling Maikling Kwento ni
Rogelio R. Sicat Batay sa mga Diyalogong Ginamit ng
mga Tauhan sa Kwento
/Pagbuo ng Talahanayan

Figura 2. Daloy ng Gawain


37

Sa unang pagbasa ng mga kwento, iniisa-isang tiningnan ng

mananaliksik ang banghay ng kwento upang alamin ang tema nito.

Tinukoy ang kaugnayan ng pamagat at tema sa kabuuan ng kwento. Sa

pangalawang pagbasa, isinaalang-alang niya ang pagtukoy sa mga

katangiang ipinamalas ng mga tauhan batay sa diyalogong ginamit na

nakapaloob sa walong maikling kwento. Sa pangatlong pagbasa,

siniyasat ang mga pagpapahalagang moral na taglay ng mga tauhan sa

kwento batay sa kanilang diyalogo. Pagkatapos malikom, inuuri-uri ang

mga ito batay sa anim na pinag-ugatang pagpapahalagang moral.

Isinunod ang pagsusuri at internalisasyon, itinala ang mga

mahahalagang aral at balyung maikikintal mula sa mga piling maikling

kwento ni Rogelio R. Sicat batay sa mga diyalogong ginamit ng mga

tauhan sa kwento. Gumamit ng talahanayan ang mananaliksik upang

malinaw niya itong maipaliwanag.

Sa huling talakay ay binigyan ng interpretasyon ang mga

natuklasan sa pagsusuri ng mga mahahalgang aral at balyung

maikikintal na napapaloob sa kwento.

Maikling Talambuhay ni Rogelio Sicat

Si Rogelio Sicat (1939-1996) ay isang Pilipinong piksyonista,

mandudula, tagasalinwika at guro. Anak siya nina Estanislao Sicat at

Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa San

Isidro, Nueva Ecija. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid.

Nagtapos si Rogelio Sicat ng Batsilyer ng Sining sa Pamamahayag mula


38

sa Pamantasan ng Santo Tomas at M.A. sa Filipino sa Unibersidad ng

Pilipinas.

Nakatanggap si Rogelio Sicat ng maraming pampanitikang premyo

at gawad. Mas lalo siyang naging tanyag dahil sa “Moses, Moses”, ang

kanyang dulang nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa

Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang kwento ang lumabas sa Liwayway,

isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang

nangyaring pagpapahalaga kay Sicat sa kanyang mga nagawa ay

nalalahad sa “Living and Dying as a Writer,” na isinulat ni Lilia-

Quindoza Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen ang Ink III.

Si Rogelio Sicat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Arte at

Literatura sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang

1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa Kolehiyo ng

Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na

pelikula na pinamagatang “Munting Lupa” batay sa “Tata Selo” ni Sicat,

na isa pang premyadong kwento. Lumikha naman ang director ng

pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong

1999 na batay sa “Impeng Negro” ni Sicat. Noong 1998, bagaman

sumakabilang buhay na si Sicat, pinarangalan siya ng Manila Critics

Circle ng isang National Book Award para sa pagsasaling-wika.

Buod ng Maikling Kwento

Ama (1960)

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang amang magsasaka. Napag-


39

utusan siya ng gobernardor na iligpit ang isang magsasaka rin dahil

ikinalat nitong ang gobernador ang utak ng pang-aagaw ng lupa sa

lalawigan. Dala nang matinding kahirapan, pumayag siyang gumawa ng

karahasan dahil sa halagang ipinangako sa kanya at may posibilidad

pang mabigyan siya ng magandang trabaho sa kapitolyo. Subalit hindi

niya naipagpatuloy ang masamang balak na iyon nang makita niya ang

taong kanyang papatayin na isa ring amang tulad niya na ibinabangon

ang anak na may sakit at katabi nito ang dalawa pang bata. Nagpasya

siyang isauli ang karbin na hiram sa kaibigan at babalikan na lamang

niya ang kanyang palay.

Impeng Negro (1962)

Ang “Impeng Negro” ay tungkol sa isang batang agwador ng tubig.

kulot ang buhok at maitim ang kanyang balat. Ang pagkakaroon niya ng

kaaibang itsura ang siyang dahilan ng panlalait sa kanya. Hindi

nagkulang sa pagpapaalala ang kanyang ina na huwag patulan ang mga

nanunukso sa kanya. Hanggang isang araw, siningitan ni Ogor ang

kanyang balde. Bantulot niyang binawi ang kanyang balde at

nagpasyang umuwi na lamang. Ngunit pinatid siya ni Ogor. Nabuwal

siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa balde at nagdugo ito.

Napasigaw siya. Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw kaya

sinipa siya nito sa tagiliran. Nang muling aangat ang kanang paa ni Ogor

upang siya’y sipaing muli, sinunggaban na niya iyon, niyakap at kinagat

hanggang sa bumagsak si Ogor. Hindi na siya bumitaw. Nagpagulung-


40

gulong sila hanggang sa napasuko niya si Ogor.

Tata Selo (1962)

Si Tata Selo ay nasa istaked kung saan pinagkakaguluhan ng mga

tao. Nataga at napatay niya si Kabesang Tano sa kadahilanang pinaaalis

siya sa lupang sinasaka. Pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at

kaya pa niyang magsaka. Ayaw niyang tanggalin siya sa pagsasaka dahil

ito lamang ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya subalit tinungkod siya

nang tinungkod ng Kabesa.

Handog sa Kanyang Ina (1962)

Isang maalalahaning bata si Ben. Tuwing kaarawan ng kanyang

ina ay may handog siyang regalo dito. May sakit ang kanyang ina sa

araw ng kaarawan nito. Umalis siya ng bahay upang bilhan ng regalo.

Treinta sentimos lamang ang kanyang pera. Habang naghahanap ng

mabibiling regalo naisip niyang sana’y mayaman siya upang mabili niya

ang relo, singsing, pulseras, kwentas at ipabalot nang maganda. Ayaw

niyang umuwi hanggang sa makasalubong niya ang nagbebenta ng

balot. Bumili siya ng isa. Para sa kanya, ang isang balot ay sapat na.

Lumang Kotse (1963)

Si Florencio ay nagsusumikap makatapos ng pag-aaral bilang

ganti sa paghihirap na naranasan ng ama, mabigyan lamang siya ng

magandang kinabukasan. Hindi naman niya binigo ang kanyang ama.

Naging accountant, nagkaroon ng magandang trabaho at nagkapamilya.

Hangad niya ang kaligayahan ng ama. Para sa kanya, hindi sapat ang
41

pagpapadala ng pera at pagbibigay ng gamot sa tuwing ito’y nagkasakit.

Bago namatay ang kanyang ama, binilhan niya ito ng lumang kotse na

nakapagdulot nito ng labis-labis na kaligayahan sa mga huling sandali

ng buhay nito.

Ang Kura at Ang Agwador (1963)

May dalawang magkababatang agwador. Si G. Manuel (Padre

Gonzales) at Diego (Egong Laki). Paglipas ng panahon, si G. Manuel ay

naging pari at si Diego na kilala sa tawag Egong Laki ay nananatiling

agwador, ang pag-igib ng tubig ang tangi niyang ikinabubuhay. Mula

pagkabata hanggang sa naging pari si Padre Gonzales ay palaging

binibiro ni Egong Laki na humantong sa pisikal na pananakit ang

kanyang mga biro. Ito ang naging daan ng pagbabago ni Egong Laki at

nagpasyang siya na ang tagaigib ng tubig ni Padre Gonzales.

Nawawalang Pasko (1963)

Si Bert na isang doktor ay hindi umuwi sa kanilang bayan upang

ipagdiwang ang Pasko, samantalang ang kanyang mga kasamahan sa

Medical Mission ay nagsipag-uwian na. Para sa kanya ang pasko ay

hindi tarhetang pamasko, hindi tugtuging pamasko at hindi regalong

pamasko. Ito ay nadarama.

May kakilala siyang mag-asawang hirap sa buhay, si Haman at

Tanya. Buntis si Tanya. Bisperas ng Pasko, pinuntahan siya ni Haman

at hiningan ng tulong dahil manganganak ang kanyang asawa.


42

Nahirapan si Tanya ngunit sa tulong ni Bert ay nailigtas niya ito. Laking

pasasalamat ng mag-asawa sa aginaldong bigay ni Bert.

Tinik ng Nakaraan (1964)

Lumuwas ng Maynila si Mr. Camilo Marcelo. Dumaan siya sa

bahay ng kanyang pamangkin na si Tindeng. Dito niya nalaman na mag-

aasawa na si Juaning, anak niya sa unang asawa. Alam niyang may

hinanakit sa kanya ang kanyang anak. Namatay ang ina nito ni hindi

siya nakipaglibing at nakatapos ng pag-aaral ay wala man lang siyang

naitulong. Nabalitaan niyang ikakasal ito ngunit hindi man lang

nagsabi sa kanya bagay na nagdulot sa kanya ng labis-labis na

kalungkutan na kahit sa panaginip ay dala-dala niya.


43

Tsapter 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT IMPLIKASYON

Sa tsapter na ito, inilahad, sinuri at binigyang-kahulugan ng

mananaliksik ang mga mahahalagang aral at balyung maikikintal na

taglay ng mga tauhan batay sa diyalogong ginamit mula sa kwento ni

Rogelio Sicat.

Sa bahaging ito, makikita ang ginawang pagsusuri at pag-aaral.

Gamit ang talahanayan, inihanay ang mga pamagat ng maikling kwento

at hinimay-himay ng mananaliksik ang mga pagpapahalagang moral na

taglay ng bawat tauhan batay sa kanilang diyalogong ginamit at ito’y

sinuri batay sa anim na pagpapahalagang moral upang madaling

maunawaan ng babasa nito ang isinagawang pag-aaral.

Sa mga inihandang talahanayan, makikita mula sa mga piling

maikling kwento ni Rogelio R. Sicat ang natuklasan ng mananaliksik na

mga mahahalagang aral at balyung maikikintal. Sa pamamagitan ng

masinsinang pagbasa at pag-uuri-uri, tinukoy at inisa-isa ang mga

natuklasang pagpapahalagang moral upang maipakita ang pag-uugaling

nararapat taglayin at gamitin ng babasa nito.


44

Talahanayan 1

Mga Piling Maikling Kwento ni Rogelio R. Sicat

Pamagat Taon ng Pagkakasulat


1. Ama 1960
2. Impeng Negro 1962
3. Tata Selo 1962
4. Handog sa Kanyang Ina 1962
5. Lumang Kotse 1963
6. Ang Kura at ang Agwador 1963
7. Nawawalang Pasko 1963
8. Tinik ng Nakaraan 1964

Matutunghayan sa talahanayan 1 ang mga napiling maikling

kwento ni Rogelio R. Sicat at ang taon kung kailan ito sinulat. Ang “Ama”

na sinulat niya noong 1960, “Impeng Negro”,1962, “Tata Selo”, 1962,

“Handog sa Kanyang Ina”, 1962, “Lumang Kotse”, 1963, “Ang Kura at

ang Agwador”, 1963, “Nawawalang Pasko”, 1963 at “Tinik ng Nakaraan”

na sinulat noong 1964.

You might also like