You are on page 1of 3

1.

Layunin: matulungan ang isang baguhan sa pagsasalin In English: To help a novice in Translation

I. Preliminaryong Gawain A. Paghahanda Ang tagasalin ay dapat na: 1. may sapat na pag-aaral sa
linggwistika 2. handa at pamilyar sa tekstong isasalin ang tekstong isasalin ay maaring: • mga materyal
teknikal o siyentipiko (agham, teknolohiya, karunungan) • di teknikal o malikhaing panitikan (tula,
maikling kwento, nobela)

Katangian ng Mahusay Tagasalin:


o Premilinaryong Gawain

3.  I. Preliminaryong Gawain A. Paghahanda habang binabasa ang teksto ay dapat na: • markahan ang
mga bahaging may kalabuan • magsagawa ng pag-aaral sa background material na makukuha: -may-
akda; -kalagayan habang isinusulat ang teksto; -layunin sa pagkakasulat, kultura ng tekstong isasalin;
-kung para kanino ang teksto.

4.  I. Premiliminaryong Gawain B. Pagsusuri (Analysis) habang binabasa ang teksto ay dapat: 1. maingat
sa pag-aaral sa mga key word. 2. pag-ukulan ng pansin ang pagkilala sa simula at wakas ng teksto
sapagkat dito mahuhulaan ang paksang-diwa. 3. tuklasin kung ano ang ipinapahiwatig ng mga ginamit na
cohesive devices pang-ugnay. 4. kilalanin ang pinakamahalagang bahagi. 5. bigyan ng angkop na
katumbas sa wikang pagsasalinan na may diin sa bahaging binibigyang- halaga ng may akda.

5.  I. Preliminaryong Gawain B. Pagsusuri (Analysis) 6. inaalam ang lahat ng pangyayari at kalahok. 7.


pansinin ang iba pang kahulugan, mga matalinhagang kahulugan at mga tungkuling pangretorika ng mga
salita, parirala, sugnay o pangungusap.

6.  II. Aktwal na Pagsasalin A. Paglilipat (Initial Draft) 1. nagaganap sa isip ng tagapagsalin. 2. paglilipat
ng kahulugan sa ikalawang wika. 3. mga pamamaraang pantalinhaga o panretorika ng simulaang wika. 4.
mga anyong panggramatika ang gagamitin upang higit na masabi ang tamang kahulugan.

7.  II. Aktwal na Pagsasalin B. Pagsulat ng Unang Burador 1.basahin muli ang ilan sa mga bahagi o
tingnan muli sa diksyunaryo. Mapapansin dito ang anyo ng tekstong isinasalin. 2.ang burador na
kaniyang isusulat ay dapat lilitaw na natural o malinaw nang hindi tinitignan ang simulaang lenggwahe.
3.iwasto ang mga nawalang impormasyon.

8.  II. Aktwal na Pagsasalin C. Pagsasaayos ng Unang Burador 1. Higit na mabuti kung hindi galawin ang
burador ng isa or dalawang linggo sapagkat sa ganitong paraan nagkakaroon ng bagong pagtingin. 2.
Pagbabasa ng manuskrito ng malakas 1) Mga bahagi na masyadong may maraming salita 2) Mga maling
anyong panggramatika o malabong kayarian 3) Maling kaayusan 4) Mali ang koneksyon 5) Collocational
clashes 6) Malabo/Di maintindihan 7) Istilo

9.  II. Aktwal na Pagsasalin C. Pagsasaayos ng Unang Burador 3. Tingnan ang kawastuhan ng kahulugan
1. May nawala 2. May nadagdag 3. Iba ang kahulugan 4. Walang kahulugan 4. Malinaw na lumulutang
ang paksang-diwa o pangunahing kaisipan
10.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 1. Paghahambing ng salin sa orihinal Ang layunin nito ay upang
tingnan kung pareho ang nilalamang impormasyon ng dalawa at matiyak na ang lahat ng impormasyon
ay nailipat sa salin. Hindi dapat pareho ang salin sa forms (paimbabaw na istruktura o ang mga salita
parirala, sugnay, pangungusap na sinasalita o sinusulat) ng Simulaang Wika. Hindi dapat pareho ang salin
sa forms (paimbabaw na istruktura o ang mga salita parirala, sugnay, pangungusap na sinasalita o
sinusulat) ng Simulaang Wika.

11.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 2. Balik-salin (Back-translation) Isang taong bilinggwal sa mga wikang
kasangkot sa pagsasalin. Kailangan hindi nabasa ang source text o tekstong isasalin. Bago ang back-
translation mayroon munang Literal rendering ng salin. Isa-isang tumbasan upang maipakita ang
kayarian o structure ng salin. What is your name? salin: Ano ang iyong pangalan? Literal rendering: What
the your name? Balik-salin: What is your name?

12.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 3. Pagsubok sa pag-unawa Ang layunin nito ay upang malaman kung
ang salin ay naiintindihan nang wasto o hindi ng mga katutubong nagsasalita ng wikang pinagsalinan.
Tester | Respondent 1. Higit na mabuti kung ang tester ay hindi ang taong nagsalin. 2. Alam ng
respondent na hindi siya ang sinusubok kundi ang salin. 3. Itinatala ng tester ang lahat ng mga sagot ng
respondent. 4. Magsasagawa ng evalwasyon ang tester at ang tagasalin. 1. Overview. Ipinapasalaysay sa
respondent ang materyal na binasa. -upang matiyak ang pangunahing pangyayari/paksang-diwa ay
maliwanag. 2. Pagtatanong tungkol sa salin. Dapat ito’y nakahanda, napag-isipan ng maayos. Upang
makapagbigay ng impormasyon tungkol sa istilo, tema, o detalye ng akda.

13.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin
(Naturalness Test) Ang layunin nito ay upang matiyak na ang anyo ng salin ay natural at nababagay ang
estilo. Madaling basahin at malinaw ang mensahe. • Ginagawa ito ng review (manunulat/skilled writers,
bilinggwal) • Handang mag-ukol ng panahon para basahin ng mabuti Paraan: 1. Babasahin ng reviewer
ang buong salin upang tingnan ang daloy at pangkalahatang kahulugan. 2. Mamarkahan ng reviewer ang
mga bahaging mahirap basahin/hindi malinaw.

14.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 4. Pagsubok sa Pagiging Natural ng Wikang Ginamit sa Salin
(Naturalness Test) 3. Babalikan niya ang mga bahaging minarkahan niya. 4. Magbibigay siya ng mga
mungkahi sa nagsalin gaya ng pagpili ng tamang salita, wastong gramatika.

15.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 5. Pagsubok sa Gaan ng Pagbasa (Readability Test) Ito’y isinasagawa
ng mga nagsalin o tester sa pamamagitan ng pagbasa ng isang tagabasa sa isang bahagi. Ang readability
test ay maari rin maapektuhan ng formatting matters. (tipo, bantas, baybay, laki ng marjin, at puwang sa
pagitan ng linya)

16.  III. Evalwasyon ng Pagsasalin 6. Pagsubok sa Konsistent (Consistency Test) • May kinalaman sa
nilalaman ng salin • May kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon o paggamit ng pananalita.
Maaaring hindi na naging konsistent ang tagasalin sa paggamit ng mga leksikal na katumbas para sa ilang
mga key terms.

Introduction…
Ang mga katangian na dapat taglayin ng tagasalin:

You might also like