You are on page 1of 12

Hulyo-Agosto 2013 Tomo 1 / Blg. 1 www.facebook.

com/sanandres

Pantalan Ang

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pamahalaang Lokal ng San Andres

Lamang ang Maagap. Upang mapagsilbihan pang mabuti ang mga Calolbonganon, agarang ipinalabas ni
Mayor Cua ang direktibang isailalim sa pagsasaayos ang buong munisipyo. Ayon sa bagong alkalde, mahal-
agang maging maganda ang bahay-pamahalaan dahil sinisimbulo umano nito ang buong munisipalidad. RTA

Kahandaan sa pagdating ng sakuna, pinaigting


SA PAGPASOK ng tag-ulan, mas naging aksidente at sakunang maganap. ligtas ang mga ito para maging pansam-
abala pa ang San Andres Municipal Disas- Sinabi ni Suaviso sa isang panayam na antalang tuluyan ng mga magsisilikas sa
ter Risk Reduction Management Council hinihintay na ng kanyang pamunuan ang panahon ng kalamidad.
(MDRRMC) sa pagpapaigting ng disaster pagdating ng 8 set ng safety equipment at Sa ulat ni Central Fire Marshal SFO2
preparedness bilang bahagi ng paggunita ng isang service vehicle na magagamit sa Nelson Marino, mga kapilya, paaralan
ng National Consciousness Month noong operasyon ng grupo at makakatulong sa at barangay session hall ang kalimitang
Hulyo na may temang “Ligtas na Bayan, pagpapalawig ng kanilang Information ginagawang evacuation sites sa mga ba-
Maunlad na Pamayanan.” and Education Campaign (IEC). rangay.
Sa pamumuno ng bagong alkalde Napag-alaman ding karamihan sa
at MDRRMC Chairman Peter Cua at Sa Pagsisiyasat mga siniyasat na gusali ay walang first aid
MDRRMO Designate Adoracion S. Suavi- Sa tulong ng San Andres Munici- firefighting equipment at depektibo ang
so, binuo ang Emergency Response Team pal Engineering Office at Bureau of Fire electrical installation.
na ang miyembro ay pawang mga regular Protection, nagsagawa rin ng inspeksyon KAHANDAAN/ p.10
na kawani ng munisipyo. si Suaviso sa mga itinalagang evacuation
Ang binuong grupo ang itinakdang centers sa 38 barangay sa San Andres.
umaksyon at rumesponde sakaling may Ito ay upang tiyaking maluwag at

Cua, inilatag ang agendang HELENISM


ANG PUNDASYON ng isang mainam na “The agenda of my administration
gobyerno ay ang mga mamamayang nag- [is] coined after the word “Hellenism”, an
sisikap pang maging mas mahusay sa mga ideology which manifests itself in the cel-
larangang kanilang napili. ebration of beauty, intellect and most im-
Ito ang tinumbok ng bagong luklok portantly, excellence,” paglalahad ni Cua.
na alkalde ng San Andres, Mayor Peter Ayon pa sa alkalde, ang HELENISM
C. Cua, nang ilatag niya sa Sangguniang ay isang acronym na kumakatawan sa
Bayan ang agendang HELENISM sa naga- walong mahahalagang bagay na pagtutu-
nap na Inaugural Session sa unang araw unan ng pansin ng kanyang administra-
Ang bagong alkalde, Peter C. Cua, bilang guest
ng kanyang panunungkulan noong ika-1 syon upang makamit ng San Andres ang speaker sa SAVS Supreme Student Government
ng Hulyo, 2013. CUA/ p.2 Induction and Ball noong Agosto 6, 2013. RTA
2 Balita Hulyo - Agosto 2013

MNAO designate sa mga magulang: Cua mula p. 1


kasipagan, pangontra sa gutom pag-unlad.
“Health, education, livelihood and
economy, environmental protection,
networking and partnership, infrastruc-
ture, social order and peace, and mech-
anization in agriculture will be given
optimum focus in the first term of my
administration,” iginiit ni Cua.
Binigyang-diin din niya sa kanyang
talumpati na sa kabila ng mga pagbaba-
gong kanyang ipatutupad, kinakailan-
gan pa ring ipagpatuloy ang magagan-
dang proyektong nasimulan ng dating
mga namumuno sa lalawigan.
Ayon sa kanya, ang ilan sa mga
programang dapat panatilihin ay ang
dating College Unified Assistance 40-
60 percent sharing scheme sa pagitan
ng pamahalaang bayan at pamaha-
laang panlalawigan; ang pagsuporta
sa proyektong Save Our Sea Turtles na
naglalayong sagipin ang mga pawikan sa
pagkaubos; at ang pagsusulong ng me-
kanisasyon sa pagsasaka.
“There is an urgent need to move
on and reorient our goal towards a more
substantive and radical agenda with a
sense of parallelism to those projects we
have initiated in yesteryears,” dagdag pa
ni Cua.
Hiniling din ni Cua ang buong su-
porta ng Sangguniang Bayan para sa
ikatatagumpay ng kanyang mga tun-
guhin para sa San Andres.
Lusog-busog.Upang maging mas matingkad ang culminating activity para sa buwan ng nu-
trisyon noong Hulyo 30, nagtayo ang MNAO at BNSSA sa Plaza Bonifacio ng mini-agro fair na “Without the legislative backings of
nagtampok ng iba’t ibang masasarap at masusustansyang pagkain. RTA this [Sanggunian], these plans will re-
main far from reality. It will be rendered
SA PANAHON ng krisis, bawal ang tata- gardening sa bawat tahanan. futile and unresponsive to the basic
mad-tamad. “Mga parents, magtanim po tayo ng needs of our people,” paliwanag niya.
Sa paggunita ng Buwan ng Nutrisyon mga namumungang halaman sa paso, lata Sa kanyang pagtatapos, sinabi ni-
noong Hulyo, muling ipinaalala ng pama- o kahit sa plastic dahil kahit papaano’y yang malaki ang tiwala niyang matutu-
halaang lokal sa mga nasasakupan nito makakatulong ito sa nutrisyon ng pami- gunan ng kanyang administrasyon ang
na kasipagan ang siyang pinakamabisang lya. Tiyaga at pagsisiskap ang kasagutan sa mga suliraning kinakaharap ng bayan sa
paraan upang malabanan ang pagkalam gutom,” giit ni Taule na siya ring Munici- pamamagitan ng pagtutulungan ng mga
ng sikmura. pal Agricultural Technologist. mamamayan at ng mga nakaupong lider
Sa ginanap na programa sa Plaza Kinumpirma naman ni Mayor Peter sa kanyang pamunuan.
Bonifacio noong huling araw ng Hulyo, Cua sa kanyang talumpati na malaking “Together let us build a new hope
ipinaliwanag ni Municipal Nutrition and bahagdan umano ng populasyon sa buong for San Andres and remain steadfast to
Agriculture Office (MNAO) designate lalawigan ang nakararanas ng pagkagu- our resolve to make a difference which
Salve Taule sa mga dumalong Day Care tom na humahantong sa malnutrisyon. will truly matter for our people,” paha-
Center pre-schoolers at kasamang mga “Dahil sa limitadong income asin yag ng alkalde.
magulang ang kahalagahan ng backyard budget kan satong munisipyo, nasakitan
MNAO/ p.11
Hulyo - Agosto 2013 Balita 3

YellowCat, namahagi ng mga aklat-pambata


MARAMING BATA sa mga may kalayu- san nasisira pa ang mga reading materials
ang barangay ng San Andres ang natuwa dahil binabaha kami kapag bumabagyo.
nang makatanggap ang kanilang paaralan Additional learning materials talaga yan
ng mga bagong libro mula sa Yellow La- para sa mga bata,” pasasalamat ni Meli-
dies Association of Catanduanes (Yellow- za Toledo, guro sa ikalimang baitang ng
Cat), isang Non-Governmental Organiza- Paaralang Elementarya ng Tominawog.
tion (NGO) na ang pangunahing layunin Ipinarating naman ni Molina sa isang
ay makatulong sa mga mahihirap na panayam ang kanyang pasasalamat sa
mag-aaral at kabataan sa lalawigan. pamahalaang lokal sa pagsuporta nito sa
Sa tulong ng pamahalaang lokal, bu- adhikain ng pinamumunuang samahan.
misita ang naturang grupo noong Agosto “Our primary goal is to reach out and
sa mga Paaralang Elementarya ng Tomi- help the pupils living in remote areas. It Di hadlang ang gulang. Kahit karami-
nawog at Catagbacan upang magbigay ng is good to know na di nagdalawang isip han sa kanila ay retirado na, boluntaryo at
masigla pa ring tumutulong sa mga kabata-
tigsasampung librong pambata sa mga si Mayor Cua to lend us a vehicle for this an ang YellowCat dahil hindi umano mata-
silid aklatan sa pangunguna ng pangulo voluntary work we are conducting in San tawaran ang galak na naidudulot sa kanila
nitong si Nanette Gianan Molina. Andres. Nu mag-abot pa an mas dakol tuwing makakapagpangiti sila ng mga mag-
aaral. RTA
Ayon kay Molina, ang mga libro ay na donations, bibisitahon mi an gabos na
donasyon ng Philippine Board on Books elementary schools in this municipality ,”
for Young People, isa ring NGO na nagsu- sabi ni Molina na isa ring pharmacist sa
sulong ng mga panitikang pambata at siya Eastern Bicol Medical Center (EBMC). supporting this association,” paglalahad
ring pangunahing ahensyang namahala Binigyang diin pa ni Molina na sa ni Molina.
sa ika-39 pagdiriwang ng National Chil- ngayo’y sinisikap ng YellowCat na patiba- Bukod sa pamamahagi ng mga kag-
dren’s Book Day na ginunita noong Hulyo yin at magkaroon pa ng mas malawak na amitan sa eskwela, sa kasalukuya’y nilal-
16. koneksyon sa iba pang pribado at pansi- akad din ng grupong makapag-ambag ng
Sa isinagawang mga pagbisita, ang bikong grupo upang mas marami pa sil- isa pang ambulansya sa EBMC at mai-
ilang miyembro ng organisasyon na ang matulungang kabataang Calolbonga- paayos ang mga nasirang seawall sa mga
karamiha’y retiradong mga guro at kawani non. coastal areas.
ng gobyerno, ay nagsagawa ng story-tell- “The solicited books, slippers and Ang YellowCat ay ang opisyal na
ing activity sa mga silid-aralan bilang ba- other school supplies given to the pupils Catanduanes Chapter ng People’s Power
hagi ng kanilang “Read-a-Book Project” come from National Bookstore, Vibal Foundation na pinamumunuan ni Pinky
upang ipaalala sa mga mag-aaral doon Publishing House, PAGCOR, and other Aquino Adellada, ang kapatid ni Pangu-
ang kahalagahan ng pagbabasa ng aklat. civil-spirited donors. Honestly, we avoid long Benigno Aquino III at siyang pangu-
“Thankful kami sa YellowCat dahil too much assistance from politicians. We nahing nagsusulong ng yellow boat advo-
talagang kinakapos kami sa libro. Min- are being sustained by those good-hearted cacy sa bansa.

Tungo Sa Pag-unlad. Malugod na ipinahayag ng Sangguniang Bayan ang pagsuporta nito sa bagong alkalde ng San Andres, Mayor Peter C.
Cua; at isa sa kanilang mga napagkasunduan ay ang palakasin pa ang turismo sa bayan. RTA /YALI
4 Opinyon Hulyo - Agosto 2013

Unang Larga
EDITORYAL Pamahalaang Lokal
ng San Andres

A
Kgg. Peter C. Cua
ng gobyerno, sa kabuuan, ay laging binabatikos dahil sa kurapsyon,
Alkalde
kawalang-aksyon, at iba pang pang-aabuso sa kapangyarihan ng ilang mga
nakaupo sa pwesto. Kgg. Leo Z. Mendoza
Upang tugunan ang hinaing ng mga Calolbonganon na magkaroon ng ganap Bise-Alkalde
na kalinawan sa ating lokal na pamahalaan, inilathala ang unang isyu ng “Ang
Pantalan,” ang opisyal na pahayagan ng pamahalaang lokal ng San Andres. Kgg. Medin T. Zafe
Ang salitang “pantalan” ay kasingkahulugan ng salitang “piyer” na animo’y ka- Kgg. Jonathan D. Joson
kambal na ng bayan ng San Andres sapagkat dito matatagpuan pinakamagandang Kgg. Nenito F. Aquino
daungan sa lalawigan ng Catanduanes. Kgg. Alfeo L. Somido
Ang San Andres Port ay hindi lamang isang “coastal gateway” para sa mga Kgg. Honesto V. Lumabi
magnanais sumadya sa isla. Napakalaki rin ng bahaging ginagampanan nito upang Kgg. Alan S. del Valle
maiugnay ang mga Catandunganon sa makabagong teknolohiya, emansipasyon at Kgg. Susan M. Flores
Kgg. Andres S. Facundo
pag-unlad.
Mga Kasapi ng Sangguniang Bayan
Kawangis ng isang maganda at episyenteng pantalan, ang naturang publikasyon
din ay naglalayong mapalapit pa ang pamahalaang bayan sa ating mga mamamayan Kgg. Esperidion D. Santelices
sa pamamagitan ng kusang pagbibigay ng mga esensyal na balita. Tunguhin din ng Ex-Officio Member
pahayagang ito na imulat ang mga tao sa mga napapanahong isyu na sadyang mal-
aki ang kinalaman sa mga pagbabago at pag-unlad ng San Andres. Kgg. Roselyn P. Qua
Bukod pa rito, isa rin itong paraan ng pagsuporta sa tunguhin ng kasalukuyang Pangulo ng San Andres SK Federation
administrasyon na himayin sa mata ng publiko ang aktwal na produkto ng pag-
sisilbi ng ating mga pinuno at tiyaking napupunta sa magagandang proyekto ang
badyet na inilalaan para sa mga lokal na pamahalaan.
Samakatwid, isinasakongkreto ng pahayagan ang pagsusulong ng “transparen-
cy” o kalinawan at “accountability” o pananagutan ng ating mga bagong luklok
na lider. Sa bawat artikulong nakapaloob dito, ang isang simpleng mamamaya’y
binibigyan ng pagkakataong maging malay sa mga mahahalagang pangyayari sa
kanyang bayan at maging kabahagi sa programang isinusulong ng Local Govern-
ment Unit (LGU) para sa kanya.
Bagamat magkakaroon na ng opisyal na website ang pamahalaang lokal at may
mga nosyong hindi na kailangan ng LGU ng isang pahayagan dahil di-hamak na
mas madali umano ang pangangalap ng impormasyon sa internet, dapat maun-
awaan na ang publikasyong ito na isang print media ay magsisilbing daluyan ng
impormasyon para sa mga mambabasang walang gaanong kapasidad sa suyudin
ang cyberspace dahil sa layo nila sa pook-urban o di kaya’y dahil sa kawalan ng
resources tulad ng computer at koneksyon sa internet. Dapat maintindihang ang
mga naturang mambabasa na karamiha’y mga may edad nang mangingisda at
magsasaka ang silang bumubuo sa pinakamalaking bahagdan ng populasyon.
Ang Opisyal na Pahayagan ng Pamahalaang Lokal ng San Andres
Asahan namang ilalathala pa rin sa LGU website ang mga artikulo sa paha-
yagang ito para sa kapakanan ng mga kabataang nawiwili sa modernong paraan Dave S. Tolentino
ng pakikipagtalastasan. Dahil dito’y makakaani ng mga sariwang suhestiyon at re- Punong Patnugot
komendasyon ang pamahalaang lokal mula sa bagong henerasyon.
Ruben T. Aldave
Sa pinaka-una nitong sirkulasyon, umaasa ang buong patnugutan ng “Ang
Patnugot sa Larawan at Grapiks
Pantalan” na magagawa nitong pag-ugnayin ang bisyon ng bawat Calolbonganon
at ang makabuluhang perspektibo at aksyon ng pamahalaang lokal tungo sa isang Sonny R. Tablate
matatag, progresibo at matagumpay na San Andres. Patnugot sa Online at Multi-media
Sa huli, hindi patitiklop ang mamamayan at pamahalaan din mismo ang kail-
angang gumawa ng paraan upang tumugma ang ibibigay nitong musika sa har-
monyang nais ng mga taong nakatadhana nitong paglingkuran.
Hulyo - Agosto 2013 Balita 5

MTC, magkakaroon na ng bagong courtroom


INAASAHANG MAGIGING pribado na
ang mga susunod paglilitis na isasagawa
ng Municipal Trial Court (MTC) matapos
ianunsyo ni Mayor Peter C. Cua na mag-
kakaroon na ng maayos na silid ang court-
room na ngayo’y nasa bulwagan lamang
ng ikalawang palapag ng munisipyo.
Ayon kay Cua, ang tanggapan at
courtroom ng MTC ay ililipat sa mas
maluwag at katabi nitong opisina ng Mu-
nicipal Assessor (MAO).
Ang hakbang na ito ay tugon uma-
no ng alkalde sa kahilingan ng mga MTC
personnel na magkaroon ng pribado at
patas na paglilitis ang mga nasasakdal.
“Ang courtroom ay sagrado. The ac-
cused has the right of secrecy of infor- Dahil Lantad. Sa mga panahong walang kasong dinidinig, ang mesa ng MTO na dapat sa-
mation until proven guilty,” paliwanag ni na’y ginagamit lamang sa tuwing may paglilitis ay nagiging multi-purpose at nagsisisilbi na ring
David G. Ebo Jr., Clerk of Court II. drawing table ng mga draftsman ng MAO. RTA
Ayon pa kay Ebo, hiniling na raw
nila sa dating administrasyon ang pagka- na siyang tumutukoy sa ipapataw na bu- Ang SAWAD naman ay ililipat muna
karoon ng isang ‘close-door’ courtroom wis sa mga pribadong lupain, ay mapa- sa San Andres public market.
ngunit hindi ito napagbigyan kung kaya’t palapit na sa Municipal Treasurer’s Office “Priority talaga nin bagong Mayor
maaga nila itong ipinarating ngayon sa (MTO) at sa opisina ng Bureau of Internal an pagpa-repair asin pagpapagayon nin
bagong luklok na punong-bayan. Revenue (BIR). mga opisina. At least, mamo-motivate an
Samantala, mapupunta ang MAO Idinagdag pa niyang ang agaran uma- satuyang mga empleyado na magtrabaho
sa kasalukuyang Municipal Disaster nong direktiba na isailalim ang buong ba- nin marinas,” sabi naman ni Municipal
and Risk Reduction Management Office hay-pamahalaan sa pagsasaayos ay upang Engineering Office (MEO) Department
(MDRRMO) na nasa unang palapag ng lalo pang mapabuti ang serbisyo-publiko Head Engr. Maria Evangelica Balmadrid
main building ng munisipyo. para sa mga Calolbonganon. sa isang panayam.
“Kailangan na rin talagang ilipat ang Pansamantala namang mamamala- Si Engr. Balmadrid ang siyang in-
MAO sa baba. Kawawa naman yung mga gi ang mga kawani ng MDRRMO sa charge sa kabuuang proseso ng pagsasa-
senior citizens na umaakyat pa ng hagdan ngayo’y opisina ng San Andres Water saayos at pagpapanatili ng mga opisina sa
para makapunta sa MAO,” sabi ng alkalde. District (SAWAD) habang hindi pa naisa- munisipyo.
Aniya, mas magiging mabilis na sakatuparan ang panukalang pagpapa-
umano ang transaksyon dahil ang MAO tayo ng bagong MDRRMO Building.

Mga pansibikong samahan, PSOs, hihikayating magpa-accredit


MAS LALO pang palalakasin sa bayan 2013 na ang hakbanging ito ng SB ay may magkaroon ng opisyal na kinatawan ang
ng San Andres ang partisipasyon ng mga kaugnayan umano sa Artikulo 6 ng Mga mga samahang ito sa mga bubuuing Local
mamamayan matapos aprubahan noong Panuntunan at Regulasyon sa Pagpapa- Special Bodies (LSB), salig sa DILG Mem-
Hulyo 12, 2013 ang inihaing resolusyon tupad ng Batas Republika Blg. 7160. orandum Circular No. 2010-73.
ng Sangguniang Bayan (SB) na naglalay- Itinataguyod ng naturang artikulo Ang mga namumuno sa mga sama-
ong hikayating sumailalim sa akredita- ang pagtatag ng iba’t ibang uri ng sama- han ay maaaring katawanin ang kanilang
syon ang mga pansibikong samahan tulad hang panlipunan na inaasahang makakat- grupo sa mga sumusunod na LSB: Local
ng mga Non-Govermental Organizations ulong sa pakikibahagi at paglago ng mga Development Councils, Local Health
(NGOs) at Peoples’s Organization (POs); mamamayan bilang bahagi ng pamaha- Boards, Local School Boards at Local
at mga Private Sector Organizations laang lokal. Peace and Order Councils.
(PSOs). Ang pag-aaplay naman para sa Ang mga nasabing LSB ang magig-
Nakasaad sa Resolusyon Blg. 387- akreditasyon ay kinakailanagan upang
MGA PANSIBIKO/ p.8
O
MAGING ISANG guro sa Ingles- ito ang
PERASYON-TULONG

itinugon sa akin ng 15 taong gulang na si


Debbie nang siya ay tanungin ko kung ano
ang kanyang pinakatatanging ambisyon.
Ngunit sa ngayon, aminado ang dalagita
muntong umano si Debbie ng elementa-
rya, may mga pagkakataong hindi na siya
nakakapagtimpi sa tuwing may nang-iin-
sulto sa anak.
“Nung Grade 1 siya hanggang Grade
3, sinasaktan siya ng mga classmate n’ya.
Binabato siya tapos binabansagan syang
bungi o kaya bingot. Masakit iyon para
sa’kin bilang magulang kaya napapaaway
talaga ako minsan para ipagtanggol siya,”
mga nagpuntang doctor. Sinabihan ko si
Debbie na magpunta doon para mating-
nan at maoperahan. Akala ko nagpunta
talaga siya pero ang sabi nya sa’kin the
other day, hindi sila nakapunta dahil sa
wala raw silang pamasahe,” malungkot na
pagbabahagi ni Vargas.
Sa isang panayam naman kay Mari-
tess Zafe, MAPEH techer ni Debbie,
ibinahagi niyang bukod sa pagiging pal-
na tila suntok sa buwan ang pangarap na mangiyak-ngiyak na pagsasalaysay ni Al- akaibigan at palaaral, may angking galing
ito hangga’t hindi naaalis ang mabigat na ing Gloria. umano ang dalagita sa pagsayaw. Nang
pasaning kanya nang dala-dala simula pa Ngunit sa kabila ng kalagayan, likas magkaroon nga raw ng folk dance contest
pagkabata. daw na masayahin, mabait at matulungin noong nakaraang taon sa kanilang esk-
Alam niyang mananatili lamang ang dalagita. Madalas daw sabihin ni Deb- welahan, nagkampeon ang grupong kin-
itong pangarap hangga’t hindi siya suma- bie sa ina na gustung-gusto niyang lumu- abibilangan ni Debbie.
sailalim sa isang operasyon. was ng Maynila sa oras na makatapos ng Subalit iginiit ni Zafe na magpahang-
Isinilang si Debbelyn Villegas, resi- hayskul upang mamasukan at makatulong gang ngayon, hindi maiiwasang may mga
dente ng Brgy. Mayngaway, San Andres, sa kanyang pamilyang umaasa lamang sa tao pa ring makitid ang pang-unawa ukol
na may cleft lip at cleft palate, isang con- biyaya ng dagat. sa kondisyon ng dalagita lalo na sa labas
genital deformity na sanhi ng abnormal “Kahit dalawampiso lang ang baon ng paaaralan kung saan hindi nila nasusu-
na facial development habang nasa sina- niya simula elementary hanggang ngay- baybayan ang estudyante.
pupunan pa lamang. ong 3rd year high school na siya, nagti- “Sinasabihan ko na lang si Debbie na
Ayon sa mga pag-aaral, 1 sa bawat tiyaga siyang pumasok dahil gusto nyang huwag damdamin ang mga panunukso sa
700 na sanggol ang isinisilang sa mundo makatapos. Sabi ko ‘anak, tiis-tiis lang kanya. Basta’t alam ng Diyos na napaka-
na may naturang kondisyon. muna kasi mahirap tayo,’” dugtong pa ni bait n’yang bata. Kung wala ngang kapan-
Ngunit sabi ng kanyang nanay na si Aling Gloria. sanan yan si Debbie, napakaganda n’yan!
Aling Gloria, 45, nagkaganito raw si Deb- Tingnan mo ang mata, brownish ang col-
bie dahil habang ipinagbubuntis, pinag- Nang Kupkupin ng Silid-aralan or,” nakangiting ipinahayag ng guro.
lihi niya umano ang anak sa ampalayang Ayon kay Mayngaway National High Nang aking tanungin si Debbie kung
may mapupulang laman at nabiyak sa School officer-in-charge (MNHS-OIC) ano ginagawa niya sa tuwing pinupukol
pagkahinog . Evangelin Posada, kahit may iniindang siya ng pangungutya, nakabibilib ang ma-
kapansanan, bihira raw lumiban sa klase bilis niyang sagot: “Wala po. Hindi ko sila
Pamumukol at Panlilibak si Debbie at sadyang mahilig mag-aral. pinapansin.”
Makatlong ulit na ipinatingin ni Aling “Nagre-recite talaga yang batang yan Sa puntong iyon, nabakas sa mukha
Gloria si Debbie sa mga espesyalista nang sa klase ko. Minsan nga lang talaga, nahi- ng dalagita ang katapangang naging
ito ay paslit pa lamang. Gusto na umano hirapan siyang magsalita dahil sa kanyang pananggalang niya laban sa 15 taong
niyang paoperahan ang bata subalit tu- kalagayan. Kapag sumasagot siya, ini-in- pangyuyurak ng ibang tao. Ngunit di na-
mutol ang kanilang mga kamag-anak da- terpret ng mga kaibigan niya ang mga glaon, ang mga matang dating mapungay
hil baka hindi raw kayanin ni Debbie ang sinasabi nya. Alam kong marami siyang sa simula ng panayam ay unti-unting di-
operasyon at baka hindi nila makayanan gustong ipahayag, pero kadalasan, nahi- nungawan ng mga malalaking butil ng
ang halaga ng gamot na kakailanganin sa hirapan siyang mailabas,” dagdag pa ni luha.
kanyang pagpapagaling. Posada. Ilang minuto pa, hindi na napigil ni
Bunga ng naturang kondisyon, nag- Ipinarating naman ni Asuncion Var- Debbie ang kinikimkim na sama ng loob
ing tampulan si Debbie ng pang-aapi gas, dating 2nd year adviser ni Debbie, at tuluyan na siyang napahagulgol.
at panunukso. Naging sanhi rin ito ng ang kanyang panghihinayang nang min-
kawalan niya ng tiwala sa sarili at pagig- sang nakaalpas kay Debbie ang pagka- Sa Muling Pagsayaw
ing mahiyain sa harap ng mga taong hindi kataong sumailalim sa libreng operasyon. Dahil sa galing niyang umindak sa
kilala. “Nagkaroon kasi noon ng medical saliw ng katutubong musika, isa si Debbie
Dagdag pa ni Aling Gloria, nang tu- mission sa Virac at magagaling daw ang sa mga napiling magtanghal ng isang folk
Hulyo - Agosto 2013 Lathalain 7

Pagdapo ng posibilidad sa katuparan ng mga pangarap ni Debbie

dance intermission number sa MNHS grupo ang tumulong kay Debbie dahil na gan anumang oras para lumuwas ng lung-
Parents-Teacher Association (PTA) In- rin sa uganayang namamagitan sa mga sod upang masuring maigi ng espesyalista
duction na ginanap noong Hulyo 30. NGOs na walang pasubaling tumugon sa at sumailalim sa operasyon.
Muling nagpamalas ang dalagita ng pagdulog sa kanila ng pamahalaang lokal. “Maugma tabi ako na pwede nang
katapangan sa kabila ng pagiging espe- Maari umanong wala nang gastusin ang matupad an pangarap ko na maging
syal; at ito ang nakaagaw-pansin sa alkalde pamilya ng dalagita mula sa operasyon teacher. Dati habo ko talaga magpunta
ng San Andres na nagkataon namang hanggang sa tuluyan niyang pagpapag- sa doktor. Ngunyan natakot pa man si-
panauhing pandangal at inducting officer aling. yempre tabi ako magpaopera ta maku-
nang gabing iyon. log daa… Pero baging mas makulgan pa
Nang sumunod na araw, isinangguni Pasasalamat akong gulpi pag dae ako [nagpaopera],”
ni Mayor Peter Cua ang kalagayan ni Deb- Dahil sa bilis ng mga pangyayari, malumanay na isinagot sa akin ni Debbie.
bie sa Municipal Social Welfare and De- sabi ng kanyang mga magulang, wala na Alam ng dalagita na isang sugal ang
velopment (MSWD) upang agarang mat- raw mapaglagyan ng katuwaan sa puso gagawing operasyon. Alam niya ring
ulungan at maisaprayoridad ang kanyang ni Debbie at ng mga taong nakapaligid sa maaari siyang matigil ng ilang buwan sa
kaso. kanya. pag-aaral at di na makasali sa folkdance
Sinabi ni Asst. Social Welfare Officer “Mabalos tabi. Dakulang mabalos sa competition sa taong ito sakaling mag-
Francisca Lucero sa isang panayam na il- mga tabang na itao nin munisipyo asin iba karoon ng komplikasyon ang proseso.
ang beses na umano niyang hinikayat na pang grupo para sa ikarahay kan sakuy- Ngunit buo na ang kanyang pasya.
magpakonsulta sa mga medical mission ang aki,” pasasalamat ni Aling Gloria sa Isang kongklusyon ang nabuo ko
si Debbie ngunit ayon sa mga tuminging mga grupo at indibwal na nagpapahalaga mula sa mga taong nakausap: kahan-
doctor, malabo raw maoperahan ang da- sa kanyang anak. ga-hanga ang pagharap ni Debbie sa bu-
lagita dito sa lalawigan sapagkat kulang Samantala, naghayag din ng kanyang hay. Tulad ng nais iparating ng tulang
ang ating mga ospital sa mga aparato at pasasalamat si Gng. Zafe bilang kinatawan aking nabasa, sakali mang kailanganing
kagamitang kakailanganan upang maging ng buong MNHS faculty, “Nagbunga rin huminto si Debbie matapos ang opera-
matagumpay ang isasagawang operasyon. ang pagtuturo namin ng mga katutubong syon, alam ng lahat na magiging daan ito
Mabilis namang umaksyon si sayaw sa mga mag-aaral, lalung-lalo na sa kanyang muling pag-ikot.
MSWD-OIC Rosemarie Breva sa pagsa- kay Debbie. Sa pagperform at pagpapa-
sagawa ng isang intensibong pag-aaral kita niya pala ng talento, doon pala
sa kalagayan ni Debbie. Ayon kay Breva, mapapansin ang kanyang pan-
idinulog na umano ng pamahalaang lo- gangailangan bilang isang ka-
kal ang case study report ng dalagita sa bataan. Nagpapasalamat kami
YellowCat, isang Non-Governmental Or- at sana patuloy pang maging
ganization (NGO) sa lalawigan na may maayos ang plano ng Diyos
layuning matulungan ang mga kabataang para sa kanya.”
Catandunganon. Sa pagtatapos ng
“Sa ngayon, magsasagawa tayo ng aking panayam sa dala-
pre-assessment kay Debbie para malaman gita, inalam ko ang
natin kung ano ba talaga ang hakbang kanyang saloobin
na dapat gawin. Kapag lumabas na ang ngayong possible
resulta, we will send it to kay Dr. Ofel Sy na ang kanyang
through YellowCAt to determine if there’s pangarap na mag-
really a need to bring her to Manila for turo ng isang wikang
immediate surgery,” pahayag ni Breva. global. Tinanong ko
Si Dr. Ofelia Samar Sy ang kasalukuy- rin siya kung may t
ang Medical Director ng Ibalong Medi- takot ba siyang
cal Center sa Lungsod ng Legazpi at siya nararam-
ring chairman ng People’s Power Founda- daman
tion-Bicol Chapter. ngayong
Ayon pa kay Breva, malaki uma- maaari na
no ang posibilidad na mas marami pang siyang tawa-
8 Balita Hulyo - Agosto 2013

Toolkits mula sa C4TP, magsisilbing puhunan


ng 23 kabataang Calolbonganon
HANDA NANG maging self-employed
ang 23 kabataan mula sa San Andres mat-
apos nilang matanggap noong Hulyo 24,
2013 ang mga toolkits na kanilang ma-
gagamit upang makapagtayo ng sariling
negosyo at kumita nang marangal.
Ang naturang mga kabataan ay beni-
pisyaryo ng Cash-for-Training Program
(C4TP) na isang tambalang proyekto ng
Technical Education Skills Development
Authority (TESDA) at Department of So-
cial Welfare and Development (DSWD).
Ang pangunahing layunin ng pro-
gramang ito ay maibsan ang lumalalang
unemployment rate sa bansa at matu-
lungang makahanap ng pagkakakitaan
ang mga walang trabahong mamamayan,
lalung-lalo na ang mga out-of-school
youth na may edad 18 hanggang 30 taong
gulang.
Sa 23 kabataang Calolbonganon, 11 Pahabol. Sa kabila ng huling pagdating ng pondong inilaan para sa mga C4TP toolkits na
ang kumuha ng Electrical Installation nasa larawan, nagpahayag pa rin ng pasasalamat ang pamahalaang lokal sa TESDA at DSWD
dahil malaki umano ang maitutulong ng mga naturang kagamitan sa pagpapayabong ng lakas
and Maintenance-NC II at 12 naman ang paggawa sa San Andres. RTA
nag-enroll sa Commercial Cooking-NC
II.
Ang nasabing mga kabataan ay su- the snack allowance of the instructors,”
mailalim sa dalawang buwang on-skills dagdag pa ni Ariola. Mga Pansibiko mula p. 5
training sa kani-kanilang kursong napili Itinalaga ng LGU-San Andres ang ing katuwang ng pamahalaang lokal sa
na sinimulan noong Pebrero hanggang Eco-Park upang maging pook-sanayan paggawa ng mga batas. Tungkulin din ng
Abril nang kasalukuyang taon. ng mga kumuha ng Electrical Installation mga itong tumulong sa pagpaplano, pag-
“Malaking tulong talaga ang C4TP and Maintenance samantalang sa kitch- papatupad, pagmomonitor at pagtatasa ng
para sa’kin. Yung mga kabataan na gusto en area naman Day Care Center ng Brgy. mga programa at proyektong pambayan.
nang kumita tulad ko, pwede na magtra- Ezperanza isinagawa ang Commercial Nakasaad pa sa naturang memoran-
baho after nila makapasa sa assessment ng Cooking classes. dum na kailangang magsagawa ng imben-
TESDA,” sabi ni Joel Tano, 20, isa sa mga Optimistiko ang pamunuan ng Mu- taryo ng mga organisadong samahan ang
iskolar at residente ng Brgy. Carangag, nicipal Social Welfare and Development Municipal Planning and Development
San Andres. sa pangunguna ni OIC Rosemarie Abreva Office (MPDO) ngayong Agosto upang
Sa isang panayam, ipinarating naman na magkakaroon pa ng mga susunod na mapadali ang akreditasyon at pagpili ng
ni Ma. Joevy M. Ariola, Administrative batch ng mga trainees ang programa an- mga kinatawan mula sa iba’t ibang organ-
Officer V ng TESDA Catanduanes, ang upa’t maraming kabataan sa San Andres isasyon.
kanyang lubos na pasasalamat sa LGU- ang natutulungan nitong umunlad. Ang proseso ng pagpili sa mga ma-
San Andres para sa suportang ibinigay Gayunpaman, hindi naipagkaila ni giging kinatawan ng LSB ay gaganapin sa
nito upang maging matagumpay ang pro- Ariola ang pagkadismaya dahil huli nang unang linggo ng Setyembre.


grama. naipamahagi sa mga iskolar ang tool-
“Sa halip na pumunta pa ang mga kits na dapat sana’y naibigay na sa araw
scholars sa main TESDA center sa Ca-
bugao, the LGU, through the MSWDO,
provided us venues where we could con-
ng kanilang pagtatapos noong ika-20 ng
Hunyo.
“Sana next time, hindi na madelay sa
Calolbon mahalon,
lalong pauswagon!

duct formal classes. They also shouldered taas dahil para naman iyon sa ikauunlad
the expenses for electric consumption and ng mga kabataan,” sabi ni Ariola.
Hulyo - Agosto 2013 Balita 9

Opisyal na website ng LGU San Andres, ilulunsad


DAHIL SA impluwensyang nagagawa ng order na ang Department of Science and kinakailanagang taglayin ng mga LGU
internet sa mga mamamayan, kasalukuy- Technology- Information and Communi- alinsunod sa direktiba ng Department of
an nang pinaplantsa ang paglulunsad ng cations Technology Office (DOST-ICTO) Interior and Local Government (DILG).
opisyal na website ng Pamahalaang Lokal ang ahensyang mamamahala sa GWHS Idinagdag pa niyang magkakaroon
ng San Andres upang mas mapadali ang upang tiyakin ang seguridad at ang kato- pa umano ng mga workshop para sa web
pagkuha ng impormasyon at lalo pang tohanan ng impormasyong ipapaloob sa development, online technical writing
pagtibayin ang kalinawan at pananagutan mga iho-host na website. at photo-video editing and uploading sa
ng kasalukuyang pamunuan. “We must maximize the use of tech- mga susunod na buwan upang sanayin pa
Sa presentasyong isinagawa noong nology in delivering services to the Calol- ang mga kawaning mangangasiwa sa mga
Agosto 12, sinabi ni LGU San Andres IT bonganons. The website could actually in- bagong website na ilulunsad.
staff Aldrin J. Solero na ang website uma- vite other people to visit San Andres and Sina Solero at Abejo ang mga ipinad-
no ay isasakatuparan salig sa Administra- improve our tourism. It will also make alang delegado ng munisipyo ng San An-
tive Order No. 39, s. 2013 na nag-aatas our public service more accessible and ef- dres sa nakaraang Bicol Orientation on
sa lahat ng institusyon at ahensyang nasa ficient,”pahayag ni Solero. Website Planning sa Lungsod ng Legazpi
ilalim ng pamahalaan na tangkilikin o di Ayon naman kay Zoning Officer 1 noong Hulyo 29-30.
kaya’y lumipat sa Government Web Host- Abegail Abejo ng Municipal Planning and Inaaasahang ilulunsad na sa cyber-
ing Service (GWHS). Development Office (MPDO), ang pagka- space ang LGU-San Andres Official Web-
Nakasaad sa naturang administrative karoon ng opisyal website ay isa sa mga site sa Oktubre.

DBP, nag-alok ng salary loan program


SA KANYANG ipinadalang sulat kay
Mayor Peter Cua noong Hulyo 25, nagpa-
hayag si Development Bank of the Phil-
ippines (DBP)-Catanduanes Branch Head
Vicente Balmaceda ng kagustuhang pu-
masok sa isang kasunduan kasama ang
LGU San Andres sa pag-aalok ng Salary
Loan Program para sa mga nahalal na
opisyal at regular na kawani.
Nakitaan naman ng positibong
reaksyon ang alkalde nang talakayin niya
ito sa ginanap na general assembly noong
Agosto 16.
Sa paghahambing na isinagawa ni
Cua, sinabi niyang kung babayaran ang
halagang uutangin sa loob ng tatlong taon,
higit na mas mababa umano ang 15%
fixed interest rate ng Salary Loan Program
na inaalok ng DBP kung ikukumpara sa Kwentahan.Isang mabusising kompyutasyon ang ibinungad ni Mayor Peter Cua sa mga em-
22% interest rate ng Rural Bank of Cama- pleyado nang talakayin niya sa general assembly ang kaibahan sa interes rate ng salary loan pro-
lig (RBC) na kasalukuyang katuwang ng gram ng RBC at ng DBP. RTA
LGU sa paghahatid ng parehong pro-
grama para sa mga empleyado nito. Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na pleyado na ang desisyon kung saan sila
Nauna na umanong sinulatan ng al- wala siyang balak na putulin ang memo- maglo-loan,” pahayag ni Cua.
kalde ang RBC upang hilinging babaan randum of agreement (MOA) sa pagitan Sa kasalukuyan, humigit P200,000.00
nang kahit kaunting porsyento ang interes ng RBC at ng pamahalaang lokal kung ang ibinabayad ng pamahalaang lokal
sa mga pautang. Subalit negatibo ang tu- sakali mang magkaroon ng panibagong sa RBC buwan-buwan para sa monthly
gon ng pamunuan ng RBC dahil 77% kasunduan ang DBP at LGU San Andres. amortization ng 43 empleyadong nasa
lang umano ang remittance na kanilang “Kung makapasok ang DBP, the two ilalim ng salary loan program ng naturang
natatangap mula sa LGU bunga ng prob- banks, RBC ang DBP could have a healthy bangko ayon sa LGU-San Andres Admin-
lema sa account ng ilang mga empleyado. competition in this LGU. Nasa mga em- istrative Office.
10 Balita Hulyo - Agosto 2013

Iginiit ni Suaviso na kailangang maki-


bahagi ng kabataan sa mga mitigation ac-
tivities tulad ng mangrove planting upang
maging malay at handa rin sila sa mga
sakunang pwedeng mangyari.
“4550 mga punla ng bakawan ang
naitanaim sa buwan ng Hulyo at may
20,000 propagules pa kaming itatanim sa
mga susunod na buwan,” dagdag pa niya.

Bagong-gusali
Samantala, inihayag pa ni Suaviso na
may P2 milyong pisong inilaan para sa
pagpapatayo ng bagong MDRRMO Build-
ing na magiging relief operation center
2 in 1. Sunod-sunod ang isinagawang mangrove planting activity sa pangu-
nguna ng MDRRMO dahil ayon sa ahensya, malaki umano ang maitutulong din ng bayan.
nito upang maibsan ang pagbaha dulot ng madalas na pagtaas ng lebel ng Ang naturang gusali ay itatayo uma-
tubig-dagat at magsisilbi pang lunduyan ng mga isda. RTA
no sa loteng pag-aari ni Mayor Peter Cua
na magsisilbing donasyon ng alkalde sa
“Majority of the barangays are in pamahalaang lokal.
Kahandaan mula p. 1
coastal areas and San Andres is prone “One way man ini tanganing ma-fa-
“Kaipuhan ining gibuhon ta may mga to typhoons. Pirming nagkakaigwa nin cilitate nin marinas ang tax-paying public
instances na sa mga evacuation centers storm surges and flashfloods kaya kaipu- dahil io-occupy na ng Municipal Assessor,
pa lugod nadidiskwido an mga evacuees. han ta nin mga bakawan as protection. an opisina mi ngunyan once na mahaman
Nao-overlook ang safety nin mga centers,” At the same time, as they grow, they may na an samong bagong building,” pahayag
paglilinaw ni Suaviso. contribute to the livelihood of our fish- ni Suaviso
er folks because mangrove forests serve Binigyang diin pa ni Suaviso na sa
Workshop sa Barangay as marine sanctuaries”, paglalahad ng pagdating ng mga bagong kagamitan sa
Naging kabalikat naman ng MDRRMO designate. pagsasalba, mangangailanagan na rin
MDRRMC ang Department of Interior Sinundan pa ito ng mangrove refor- umano sila ng mas malaking espasyong
and Local Government (DILG) upang estation sa campus fish pond ng San An- paglalagayan ng mga ito.
maging posible ang dalawang Three-day dres Vocational School (SAVS) nang su- Ang pagpapatayo ng bagong istruk-
Barangay Risk Reduction and Manage- munod na araw katuwang ang mga guro tura ay sisimulan na sa susunod na taon
ment Planning Workshop na ginanap sa at mag-aaral ng naturang paaralan. ayon kay Suaviso.
Amenia Beach Resort noong Hulyo-18-20
para sa una at Agosto 22-24 naman para
sa ikalawang batch ng mga barangay A N U N S Y O

I
Sinabi ni Suaviso na ang pangunah-
Real property mula p. 12
naanyayahan namin ang lahat ng
ing layunin ng workshop ay ang maituro maka-avail ng 20% discount,” paliwanag kabataan, edad 13-19, na magpasa
sa mga opisyal ng barangay ang tamang ni Zafe. ng kanilang sanaysay sa Filipino
paghahanda ng Barangay Disaster Risk Nang tanungin naman ang depart- tungkol sa kahit anong napapana-
Reduction Management Plan (BDRRMP). ment head kung ano ang maidudulot ng hong isyu sa San Andres.
“Mas isi nin mga barangay officials rebisyon sa bayan ng San Andres, mabilis
Ilagay lamang sa entri ang inyong buong
ang needs and hazards nin saindang mga niyang itinugong makatutulong umano
pangalan, edad, tirahan, at paaralan.
barangay. Kaipuhan sindang i-guide kung ito sa pagtaas ng kita ng munisipyo upang
paano and sain gagamiton an saindang makapaglunsad pa ng mas magagandang Ang mga ipapasang sanaysay ay dapat
Calamity Fund kesa naman kami ang proyekto para sa mga Calolbonganon. na nakasulat sa sumusunod na format:
magdetermine nin mga gagastusan nin- Nagbitaw naman si Zafe ng pahayag Times New Roman (12 pt), double
da,” dagdag pa niya. para sa mga nagmamatigas na magbayad spaced at hindi lalagpas sa 700 salita
ng buwis, “We are really encouraging the Ipadala ang inyong mga artikulo sa
Bakawan people to pay their taxes to raise revenues angpantalan@yahoo.com.ph.
Nanguna rin ang ahensya sa isinaga- and improve our local funds. If hindi sila
wang mangrove planting sa mga latian at makapagbayad ng tamang buwis for two Ang mapipiling sanaysay ay ilalathala
baybayin ng Brgy. Asgad noong Hulyo 25 to three consecutive years, the law states sa sususunod na isyu ng Ang Pantalan.
bilang pag-aksyon ng pamahalaang lokal that their properties could be subjects for
-Ang Punong Patnugot
sa lumalalang global warming. auction.”
Hulyo - Agosto 2013 Balita 11
na daa ang bitis niya nin lakaw. Dakulang
Libre mula p. 12
miling rin ng buong partisipasyon sa mga
pasalamat mi po ta makatuwang an nin
grabe. For the first time, magkakaigwa na
Bilang ng botante
guro at magulang para sa ikakatatagump-
ay ng proyekto.
nin service an samong mga aki,” pahay- sa Brgy Elections,
ag ni Aling Rowena, magulang ng isang
“Sana pirmi nang present ang mga Grade 2 pupil sa CES. tumaas ng 2.43%
estudyante. Sana alagaan nyo ang dyip na Hiniling naman ni San Andres DILG
an na sarong magayon na proyekto na Operating Officer Salvador C. Vargas Jr. sa MATAPOS ANG huling araw ng pag-
[produkto] nin diretsong pag-aksyon nin mga opisyal ng barangay ang pagtatalaga paparehistro noong Hulyo 31, nakapag-
LGU buda ni Mayor,” dagdag ni Soneja. ng Brgy. Tanod sa bawat biyahe upang ti- tala ang San Andres Commission on
Base sa mga ulat, napag-alamang yakin ang kaligtasan ng mga pasahero na Elections (COMELEC) ng 2.43% pag-
ang layo sa pagitan ng mga barangay at karamihan ay edad 7-12 taong gulang. taas sa bilang ng mga botanteng mag-
ng paaraalan ay isa sa mga pangunahing Sasagutin ng LGU-San Andres ang sisihalal sa Barangay Elections.
sanhi ng madalas na pagliban sa klase at sweldo ng tsuper at gastos sa gasolina ng Ayon sa consolidated report ng
mataas dropout rate ng mga estudyante. school jeepney sa mga unang buwan ng COMELEC, mula sa bilang na 24, 450
“Su aki ko gataram na habo n’ya pagapasada nito. sa nakaraang senatorial elections noong
muna daa magpaeskwelahan ta napagal Mayo, ang voting population ng bayan
ay nadagdagan pa ng 595 botante.
Sa kabuuan, inaasahang 25, 450
botante ang dadagsa sa mga itinakdang
voting precints ng COMELEC sa Ok-
tubre 28 upang magpasya kung sinu-si-
no ang mga uupong chairman at kaga-
wad sa kani-kanilang mga barangay.
Sa bilang na 1,978, Brgy. Manam-
brag ang nagtala ng pinakamaraming
botanteng boboto sa darating na ha-
lalang pambarangay.
Samantala, sa kabila ng mga prop-
osisyong buwagin na ang Sangguniang
Kabataan (SK), 2,058 kabataan pa rin
mula sa San Andres, edad 15-17, ang
nagparehistro ngayong taon upang
maging bahagi ng SK Elections.
Nagtala naman ng pinakamaram-
ing botante para sa SK Elections ang
Bilang bahagi ng high school life. Nang maihatid ang mga mag-aaral sa elementa- Brgy. Cabcab kung saan 185 kabataan
rya, isinakay naman ng school jeepney ang mga estudayante ng Mataas na Paaralan ng Manam-
brag mula Brgy. Cabungahan upang makapaghanda at hindi mahuli sa kanilang pinakahihintay ang naiulat na nagparehistro.
na SSG Induction and Ball noong Agosto 14. RTA

MNAO mula p. 2 mga maaring ibunga ng gutom at malnu-


trisyon sa bayan at sa mga mamamayan.
ang pagdiriwang sa pagtampok ng mga
inaning prutas, gulay at lamang-kati o
an mga lideres na maitao an pangangaipo “Malnutrition and hunger go hand rootcrops mula sa iba’t ibang mga baran-
nin lambang pamilya [kaya] pigahagad in hand. They may result to high infant gay sa San Andres.
ko an cooperasyon nin gabos. Dai ipag- mortality rate, poor health statistics, de- “Kulang na kulang an pondo para sa
laom sa gobierno an gabos na solusyon layed physical and mental development barangay nutrition program. Kaipuhan
nin satong mga problema,” dagdag pa ng and could be a hindrance to economic tang maghigos buda maghiwas nin kusa
alkalde. growth,” pahayag ni Concepcion. para magdakol ang production ng fruits
Pinakiusapan niya ang mga ma- Samantala, dinagsa naman ng mga and vegetables tanganing mai-promote
gulang na “magsipag, magtrabaho at mamimili ang agro-fair na isang tama- sa satuyang mga aki an mga masusustan-
maging responsible sa mga obligasyon; balang proyekto ng MNAO at ng Baran- syang kaunon,” pahayag ni Brgy. Kagawad
at huwag sayangin ang mga araw sa mga gay Nutrition Scholars of San Andres Teresa O. Samonte, pangulo ng BNSSA sa
walang halagang bagay.” (BNSSA). isang panayam.
Inisa-isa rin ni JMA Hospital Nutri- Sinadya itong ilunsad kasabay ng na-
tionist at Dietician Aida Concepcion ang turang programa upang patingkarin pa
12 Balita Hulyo - Agosto 2013

TAPOS NA ANG LAKARAN

Libreng school service, pumasada


HINDI NA kailangang sumagupa sa ang dyip na pribado niyang pag-aari upa-
Real property assessments,
matinding sikat ng araw o di kaya’y lu- ng bumiyahe sa rutang Lubas-Cabungah-
isinasailalim sa rebisyon musong sa putikan at baha ng mga bata an. Babagtasin din ng school jeepney ang
HALOS WALA nang pahinga ang mga sa Brgy. Lubas sa araw-araw na pagpasok Cabungahan-Manambrag upang mak-
empleyadong nakatalaga sa San Andres sa paaralang halos limang kilometro ang inabang rin ang 41 kabataang taga-Brgy.
Municipal Assessor’s Office (MAO) layo mula sa kanilang mga tahanan. Cabungahan na nag-aaral sa Mataas na
mapabilis lamang ang isinasagawa nil- Sa pagbubukas ng Agosto, sini- Paaralan ng Manambrag.
ang pangkabuuang rebisyon ng mga real mulan nang pumasada ng handog na “Talagang pighinguha mi tabi na
property assessments na siya nang ma- school jeepney ni Mayor Peter Cua upa- matabangan kamo ta kahinalayo kang
giging basehan na ng mga babayarang ng maghatid-sundo sa 71 mag-aaral ng distansyang pigabatlay nin saindong
buwis sa taong 2014. Cabungahan Elementary School (CES) na mga saraday na aki. Naisihan mi pati na
Ayon kay MAO Head Rosemarie pawang mga residente ng Brgy. Lubas. pag-gaulan, apektado daang grabe an at-
Zafe, ang kanilang dagdag na pagsusu- Ang proyektong ito ay bunga ng naga- tendance,” sabi ni Suaviso nang abisuhan
mikap nitong mga nakaraang buwan ay nap na pagpupulong noong Agosto 1 nang niya ang mga magulang ng mga mag-aaral
dahil kailangan na umano nilang mag- idulog ni MDRRMO designate Adoracion isang linggo bago opisyal na bumiyahe
sagawa ng tax declaration bago mag-Di- Suaviso sa alkalde ang suliranin ng mga ang dyip.
syembre anupa’t may natuklasan silang taga-Barangay Lubas patungkol sa hirap Ipinahatid naman ng Department of
humigit-kumulang 4000 real property na pinagdaraanan ng mga kabataan doon, Education (DepEd) ang pagsuporta nito
units sa buong San Andres na di pa na- makapag-aral lamang. sa sa pamamagitan ni San Andres West
karehistro sa munisipyo. Agad namang umaksyon ang alkalde District Supervisor Julian Soneja na hu-
Ang hakbanging ito ay salig sa nang ipagkaloob niya sa mga residente LIBRE/ p.11
Provincial Ordinance No. 008-2011 na
nag-aproba sa mga renibisang iskedyul
ng base unit market values para sa mga
lupain; at unit of construction cost para
sa mga ipapatayong gusali at istruktura
sa buong Catanduanes.
Nakasaad din sa R.A. 7160 o Local
Government Code of 1991 na kailan-
gang isailalim ng mga provincial, city at
municipal assessor sa naturang rebisyon
ang lahat ng real property units kada 3
taon upang maiakma sa kasalukuyang
panahon ang katumbas nitong halaga sa
merkado.
“Dahil sa general revision,” sabi ni
Zafe sa isang panayam, “tataas ang pre-
syo ng mga real property units na isang
bentahe para sa mga gustong magbenta
ng lupa pero magiging dahilan din ito
ng pagtaas ng mga babayarang buwis.”
Sa kabila nito, idiniin niyang walang
dapat ikabahala ang mga nagmamay-ari
ng lupa.
“Kaya kailangan talaga naming
matapos kaagad [ang general revision]
para pwede nang makapagbayad ng bu-
wis ang mga taxpayers natin. If they will
pay their taxes for calendar year 2014 in
advance this December, pwede pa sila Sa Pag-arangkada. Simula noong unang linggo ng Agosto, ang school jeepney na ipinagkaloob ni
Mayor “Boss Te” ay palagi nang puno ng mga mag-aaral na dati-rati’y nagsisimula nang maglakad ng
REAL PROPERTY/ p. 10 alas singko ng madaling araw upang makahabol lamang sa flag ceremony ng kanilang mga paaralan.
Lubos naman ang pasasalamat ng kanilang mga magulang sa tulong na ibinigay ng lokal na pamahalaan.

You might also like