You are on page 1of 2

Editoryal:

Editoryal:

Happy pa ba sa Happy Island?

Ang sabihing maka-Diyos, masayahin, tahimik,at mapagparaya ang mga tao ng isla ng Catandunganes
hindi isang kalabisan, bagkus ay isang bagay na maipagmamalaki. Gayunpaman, ang katotohanang ito
ay patuloy na sinusubok ng panahon.

Noong maitayo ang standee ng slogan na Happy Island sa memorial park noong nakaraang Oktubre, tila
ba naging kakatuwa ang mga sumunod na pangyayari. Binayo tayo ng bagyong Ursula at Tisoy at
naganap ang kahindikhindik na krimen sa pagpatay ng dalawang guro ng DepEd sa magkahiwalay na
okasyon na sumindak sa buong probinsiya. Sa isang balita, halos hindi na lumalabas kapag gabi ang mga
tao sa sentro ng bayan ng Caramoran sa pagsapit ng dilim.

At noong ika-8 ng Pebrero, pinatay naman ang isa pang binatilyo na kung saan ang nakatatanda nitong
kapatid ay nauna na ring pinaslang sa pagitan lamang ng isang buwan sa magkaparehong paraan, ang
riding in tandem.3s

Ang sindak na ganito ay hindi na rin iba kung ikokompara sa pagkakadiskubri ng mega-shabu lab na
sinundan ng pagpatay ng isang kilalang negosyante ng Virac ilang taon na ang nakakaraan ngunit hindi
pa rin natutuldukan.Kamakailan nga lang ay naibalita naman ang isang riding in tandem na bumaril sa
isang Municipal Councilor sa bayan ng Caramoran. Kung idadagdag pa natin ang isyu-politikal, malamang
ay magiging palaisipan sa bawat isa sa atin ang slogan na Happy Island.

Sa isang dako, ang konsepto ng Happy Island ay matagal ng nakatanim sa ating komunidad bago pa man
maimbento ang slogan na ito. Dahil nga sa isla, malayo at malaya tayong namumuhay sa isang payapang
komunidad na hindi masyadong bukas sa impluwensiya ng mga kalungsuran at metropolitan. Ilang beses
na rin tayong naisali sa isa sa pinakamahusay na probinsiya sa larangan ng peace and order order sa
buong Bikol at naisali din sa 42 probinsiya na "peaceful and ready for development".

Ang kapayapaan ng isang komunidad ay isang yamang hindi matatawaran ng materyal na bagay o kahit
pa dagling kaunlaran. Malinaw ito sa mga Catandunganon at ang simbolong ito na pinakita sa
pagbantayog at paninindigan ng isang slogan na kayang pangatawan ng bawat isa. Sa sikolohikal na
aspeto, mayroon tayong kolektibong kamalayan na matagal ng nakaugat sa ating kaisipan na isang
sandalan upang mapangalagaan ang konsepto ng payapang komunidad.

Maaring sinusubok tayo ng pagbabago ng panahon. Sa kabila ng pagsubok na ito, ang sektoral na
partisipasyon ng LGU, PNP, simbahan, civil society at iba pang ahensiya kasama ang ating kamalayan sa
isang payapang probinsiya, ang magpapanatili sa ating natutunang konteksto ng payapang isla.

Alam na natin ang pamamaraan kung paano natin napanatili ang kapayapaan na nasa atin na sa loob ng
mahabang taon. Dahil tayo na mismo ang happy island, tayo rin ang gagawa ng happy island.

You might also like