You are on page 1of 7

IKAAPAT NA YUGTO:

DISASTER
REHABILITATION AND
RECOVERY
Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa
yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa
pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at
mga naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang
pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema
ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig
at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay
ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang
pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at
pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling
malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na
trahedya.
Noong 2006, ang Inter-Agency Standing Committee (IASC) na binubuo
ng iba't ibang NGO, Red Cross at Red Crescent Movement, International
Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ng
United Nations ay nagpalabas ng Preliminary Guidance Note.
Ito ay tungkol sa pagpapakilala ng Cluster Approach na
naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba't ibang sektor ng
lipunan. Makatutulong ito upang maging mas malawak at ang
mabubuong plano at istratehiya at magagamit ng mahusay ang
mga pinagkukunang yaman ng isang komunidad.
Noong Mayo 10, 2007, ipinalabas ang NDCC Circular No. 5-2007, ito ay isang
direktibo na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster
Management System sa Pilipinas.

Iminumungkahi rin nito na magtalaga ng pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para
sa tatlong antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal. Noong taong 2007 rin, sa bisa ng
Executive Order No. 01-2007, nabuo ang Ayuda Albay Coordinating Task Force na
syang namuno sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong
Reming.

Noong July 2007, sa bisa ng E.O. No. 02-2007, ay binuo naman ang Albay Mabuhay
Task Force Layunin nito na ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa
pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad.
Sa bisa ng DepEd Order No. 55 ng
taong 2008, binuo ang Disaste Risk
Reduction Resource Manual upang
magamit sa ng mga konsepto nar
kaugnayan sa disaster risk reduction
management sa mga pampublikong
paaralan.
Thank You!

You might also like