You are on page 1of 2

An Eco-town is an environmentally sustainable community that is developing to have zero

emission of carbon dioxide and other greenhouse gases. To help build the country’s climate
resilience and promote green growth, the Climate Change Commission (CCC) has partnered
with the Global Green Growth Institute (GGGI) to implement the Demonstration Eco-town
Framework Project.
Ito ay isang lokal na yunit ng pagpaplano (halimbawa na lamang ng munisipalidad) na
matatagpuan sa loob at paligid ng mga hangganan ng mga lugar na kritikal o mataas ang tyansa
ng panganib sa pagbabago ng klima, halimbawa na lamang ay pagkakaroon ng mga pagbaha at
landslides.
Una itong nakilala sa Japan sa Kitakyushu Ecotown kung saan pinasimulan nila ang recycling-
oriented community noong 1997.

Layunin ng Ecotown Framework na makatulong sa lokal na pamahalaan na maadapt ang climate


change at maiwasan ang mga posibleng epekto nito. Ang ideya sa likod nito ay upang bumuo ng
matatag na komunidad, hindi lamang upang tumugon sa mga epekto ng pagbabago ng klima,
kundi pati na rin ang pagbuo ng isang komunidad na napapanitiling maayos ang ating kalikasan
kasabay rin ng pag-unlad nito.
Ito ay nagbibigay ng metodolohikal, at sciene-based na pagpapaplano para sa mga agaran at
hinaharap na epekto ng pagbabago ng klima. Mayroon itong anim na bahagi:

Ang isa sa mga lugar na binigyang prayoridad sa


pagtatatag ng Eco-town Framework ay ang Munisipalidad ng San Vicente sa Palawan dahil sa
dalawang kadahilanan: ito ay matatagpuan sa tabing-dagat at malaki ang posibilidad ng
malawak na pagbaha sa tuwing tumataas ang lebel ng dagat at sa likas na yaman lamang
nakasalalay ang kabuhayan ng mga tao dito na siyang naapektuhan ng pagbabago ng klima kaya
lumalala ang kahirapan sa lugar.
(E-trikes or Electric tricycles, isa sa mga unang investment projects na resulta ng Eco-town
Planning)

Ang Climate and Disaster Exposure Database o CLIMEX.DB naman ay isang app na idinisenyo
upang tulungan ang komunidad at ang local government na makapagplano kung papaano
makakaligtas sa mga sakuna, paano makapag-adapt sa climate change at kung paano
papaunlarin at gagawing ligtas ang bawat lugar. Sila ay kumukuha ng mga data sa bawat
kabahayan at establisyemento upang alamin ang mga lugar na mataas ang tyansa sa panganib.

Una itong isinagawa sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Sendong (2011), ang Cagayan de
Oro City at Iligan City. Ito ay pinalawak na at tinawag ng Resilience and Preparedness for
Inclusive Development o RAPID.

You might also like