You are on page 1of 3

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto K-12)

Abstrak:
Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtututo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo
na may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa
ugnayan ng wika at kulturang Filipino. May iba’t ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit
itinatampok ang pagtingin sa wika bilang “daluyan” o “sisidlan” ng kultura. Gayumpaman, hindi
humihinto ang pananaw na ito sa enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay,
pangyayari, konsepto, at iba pang sagisag-kulturang Filipino, at sa halip, laging iginigiit na
ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang konteksto. Naglatag din ng isang
kongkretong modelo, at halimbawang aplikasyon, sa pagsusuri ng mga cultural domain o
pangkulturang larang na nakatuon sa wika. Sa huling bahagi ng papel ay iminungkahi kung
paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-12 ang wika at kultura na nakabalangkas ayon sa wika
ng paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan, wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.

Rekomendasyon:

Galileo, Z., (2016). Katipunan Journal ng mga Pag-aaral sa Wika, Panitikan, Sining at
Kulturang Filipinp., http://ateneo.edu/rcw, journals.is@ateneo.educ

Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan

Abstrak:

Sa paggamit sa mga salitang hiram sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo,
kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkakaroon na rin ng
katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at nagiging kasangkapan na sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino. Ingles man ang salita, o Kastila kaya, sa sandaling gamitin
iyon ng isang Pilipino, ang magiging pagpapakahulugan ay atas ng kulturang katutubo sa kanya.

Layunin ng papel na ito na maipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa wikang


kasangkapan sa pagpapahayag at sa kulturang kinabubuhulan ng dalawang wikang isinasaalang-
alang sa pagsasalin.

Rekomendasyon:

Bisa, S., (2015). Philippine E-Journals., https://ejournals.ph/article.php?id=7692, vol. 22 no. 1

Ang Pagkatuto ng Pangalawang Wika at Asimilasyon ng Kultura

Abstrak:

Hindi mapaghihiwalay ang wika at kultura. Layon ng papel na ito na mailahad ang kaugnayan ng
wika at kultura sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika partikular ang wikang Filipino.
Tatalakayin ng papel na ito ang paniniwala ng guro sa pagtuturo, ang paniniwala, layon at
saloobin ng mag-aaral na makaaapekto sa estilo ng kanilang pagkatuto, at ang asimilasyon ng
kultura sa pag-aaral ng pangalawang wika sa pamamagitan ng imersyon. Sa pangkalahatan,
nakabuo ng kongklusyon kung paano mabilis at epektibong natututo ng wikang Filipino ang mga
mag-aaral bilang pangalawang wika kalakip ang asimilasyon ng kulturang Filipino na ibinatay sa
kaganapan sa programang FLACIPS.

Rekomendasyon:

Mangahis, J., (2010), Philippine E-Journals., https://ejournals.ph/article.php?id=7983, vol. 23


no. 1

You might also like