You are on page 1of 5

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIK

 Ito ang kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon.
 Kakayahan ng wika na nagangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginamit, Savignon(1997).
 Ayon pa kay Savignon ang competence ay ang batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika samantalang ang
performance ay paggamit ng tao ng wika
May mahalagang paktor ng lingguwistikong interaksyon na ipinakilala ni Dell Hymes noong 1974 at inilapat niya ito sa akronym na
SPEAKING.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON

S –(SETTING) – Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mmga tao.
 upang maiangkop ang mga paraan ng pananalita
P ( PARTISIPANTS)- Ang mga taong nakikipagtalastasan.
 Isinasaalang-alang ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kakausapin.
 Iba ang paraan ng pakikipag-usap sa guro kaysa sa kaibigan o kamag-aral
E ( ENDS) - Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan
A ( ACT SEQUENCE) - Ang takbo ng usapan
 Mainit na usapan humahantong sa mapayapang pagtatapos. Niruan na nauuwi sa pikunan.
N (NORMS)- Paksa ng usapan. May mga sensitibong bagay na minsan limitado ang ating kaalaman. Kaya humahantong sa usapang
panlalaki lamang o usapang pangbabae lamang.
G ( GENRE) –Ang diskursong gagamitin, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran

KAKAYAHANG PRAGMATIK
 Natutukoy ng taong ito ang kahulugan o mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
 Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng ,mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit nito sa konteksto.
 Nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng mga nagsasalita o nagpapahatid ng mensah at ang kahulugan nito.
Nararapat ding malaman na may ibat ibang salik pa na dapat isaalang-alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektuwal na kalagayan
ng decoder, kalinawan ng encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang interpretasyon
SA KOMUNIKASYON:
Ito ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamgitan ng pasalita o pasulat na paraan.
Ito ay ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring verbal o
di verbal
.
Verbal - ang tawag sa komunikasyon kapag ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.

Di verbal. - Kung ito ay hindi ginagamitan ng mga salita bagkus ay ng mga kilos io galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe
ALBERT MEHRABIAN
Propesor sa Clarl University.
Sa kanyang pag-aaral na lumnalabas sa kanyang aklat na Silent Messages: Implicit Communication of Emotions and Attitudes, isang
aklat hinggil sa komunikasyong di verbal, 7% ng komunikasyon ay nanggagaling sa mga pasalitang binibigkas, 38% nanggaling sa
tono ng ating pagsasalita, at 55% ay sa galaw ng ating katawan

Mahalaga ang di verbal na komunikasyon dahil inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan
ng mensahe at pinanatili nito ang resiprokal na interaksyon ng tagapagdala at tagatanggap

Iba’t Ibang Pag-aaral sa mga Anyo ng Di Verbal na Komunikasyon

1. Kinesika (Kinesics) – Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hal. Pagdikit ng ng hintuturong daliri sa labi ay indekasyon
ng kailangang tumahimik.

2. Ekspresyon ng Mukha ( Pictics) – Ito ay ang pag-aaral ng ekpresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid

3. Galaw ng Mata (Oculesics) – Hal. Panlilisik kung galit, panlalaki kung nagulat.

4. Vocalics – Ito ay ang pag-aaral ng di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. Hal. Pagsutsotm buntinghininga.

5. Pandama o Paghawak ( Haptics) hal. Pagpisil o paghablot sa kamay, pagtapik sa balikat

6. Proksemika (Proxemics) - Ito ay pag-aaral ng komunukatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binubuo ng
antropologong si Edward T. Hall. Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap. Ang pag-uusap na intimate ay makikita sa magkausap na
may distansyang 0-1.5 feet, personal kung 1.5- 4 ft., social distance kung 4ft- 12 at public distance kung 12ft. Na makikita sa mga
nagtatalumpati

1
7. . Chronemics – Ito ay tumutukoy kung paanong oras ay nakakaapekto sa komunikasyon. Hal. Maaga sa job interbyu ay
nangangahulugang may disiplina ang nag-aaplay at interesado sa inaaplayan. Ang pagtawag sa telepono sa dis-oras ng gabi ay
pang-iintorbo o emergency ang kahulugan.

8. Iconics – Ito ay ang mga simbolo o icons. Hal. sa botelya ng lason ay may simbolong bungo.

9. Colorics – Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin. Itim kung nagluluksa.

10. Objectics - Paggamit ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe Hal. Ay sinturon, bulaklak o baril

11. Olfactorics – nakatuon naman ito sa pang-amoy . Hal pagtatakip ng ilong

SPEECH-ACT THEORY
 konseptong pinasimulan ni John Austin (1962) at ipinagpatuloy nina Searle (1969) at Grice (1975)
 -Nagagamit anf wika sa pagganap ng kilos at kung paanong ang kahulugan ng kilos ay maiuugnay sa
wika
 Ayon kay Yule (1996&2003), ito ang mga kilos na ginaganap ng mga pagpapahayag.
 tinawag ni Austin na berbal na komunikasyon.
 may magkakaibang akto ayon sa aklat ni Yule(1996) sa aklat niyang Pragmatics.
 Locutionary act- ang batayng akto ng pagpapahayag o paggawa ng isang makabuluhang lingguwistikong pahayag
 Illocutionary act- tumutukoy sa intensyon at gamit ng pahayag. Ang paggawa ng mga lingguwistikong pahayag ay
hindi lamang ginagawa ng walang dahilan. May nasasaisip na paggagamitan ang mga ito.
 Perlocutionary act- tumutukoy sa epekto ng mismong pahayag.

Hal. NAGTIMPLA AKO NG LEMONADA

Locutionary act- ang mismong pagsasabi ng naturang pahayag


Illocutionary Act – Ang intensyon sa pagsasabi ng pahayag na iyon, upang anyayahan ang kausap na uminom.
Perlocutionary act – Mula sa intensyong yayain ang kausap, inaasahang sasaluhan siya nito sa pag-inom
COOPERATIVE PRINCIPLE
-ayon sa prinsipyong ito, ang mga kasanggkot sa komunikasyon ay inaasahang makikiisa para sa isang
makabuluhang pag-uugnayan.
- naglahad si Grice ( 1975 ; nasa Clark, 2007) ng apat na prinsipyo na magagamit sa pakikisangkot sa mga
interaksyong interpersonal
1. Ang prinsipyong kantidad ay naiuugnay sa dami ng impormasyong kailangang ibigay.
2. Ang prinsipyong kalidad ay naiuugnay sa sa katotohanan ng ibinigay na impormasyon.
3. Ang prinsipyo ng relasyon ay naiuugnay sa halaga ng ibinibigay na impormasyon.
4. Ang prinsipyong pamamaraan ay naiuugnay sa paraan ng pagbibigay ng impormasyon.

KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
Ito ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang
mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
hal. Sa isang bagong nag-aaral ng salitang hindi pa bihasa sa paggamit ng wika nakatutulong ang di verbal sa salita
tulad ng kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng mukha. Gumagamit din ng istratedyik kapag nakalimutan ang salita kaya’t
sinasabi ay” nasa dulo ng aking dila” o kaya naman ay pag nguso o pagkumpas ng kamay kung nagtatanong ng lokasyon o
lugar.

KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
Ito ay ang kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang
mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon.
hal. Sa isang bagong nag-aaral ng salitang hindi pa bihasa sa paggamit ng wika nakatutulong ang di verbal sa salita
tulad ng kumpas ng kamay, tindig, ekspresyon ng mukha. Gumagamit din ng istratedyik kapag nakalimutan ang salita kaya’t
sinasabi ay” nasa dulo ng aking dila” o kaya naman ay pag nguso o pagkumpas ng kamay kung nagtatanong ng lokasyon o
lugar.

KOHISYON - ayon kay Halliday at Hassan (1076) ay tumutukoy sa ugnayan ng kahulugan sa loob ng teksto. Maituturing na
may kohisyon ang mga pahayag kung ang interpretasyon ng isang pahayag ay nakadepende sa isa pang pahayag.Hal.
Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa
komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain.

Semantikong Kohisyon:

Halimbawa: Magara ang sasakyan. Politiko ang may-ari.


2
Kahit walang leksikal na kohisyon tulad ng naunang halimbawa, may may koneksyon pa rin ang pahayag. Ang
pagiging politiko ng may-ari ng sasakyan ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang makabili ng ganoobg klaseng sasakyan.
Ito’y tinatawag na sematikong kohisyon.

KOHIRENS
Kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya. Hal.
Maraming pagbabago sa pakikisama ni Sarah. Naging madalas ang kanyang pagdalo sa mga gawain sa
komunidad. Napapadalas na rin ang pagboboluntaryo niya upang manguna sa mga gawain. Si Sarah ay may asawa.

Pagpapalawak ng Pangungusap

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga. Napapahaba ang mga pangungusap gamit ang mga katagang pa, ba, man,
naman, nga, pala at iba pa.
Mabilis ang pagtakbo ng oras.
Mabilis pala ang pagtakbo ng oras.
Mabilis nga ang pagtakbo ng oras.
Mabilis nga pala ang pagtakbo ng oras.

2. PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN NG PANURING. Napapahaba ang pangungusap gamit ang mga panuring na na
at –ng.
Si Camiella ay estudyante.
Si Camiella ay estudyanteng manlalaro.
Si Camiella ay estudyanteng manlalaro ng basketbol.

3 PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN NG KOMPLIMENTO Ito ay bahagi ng berbal na panaguri na nagbibigay kahulugan sa :

A. KOMPLIMENTONG AKTOR- Nagsasaad sa gumaganap ng kilos. pandiwa.Pinangungunahan ng panandang ang at


mga panghalip.
Iwinagayway ni Tracy ang bandila.

B. KOMPLIMENTONG LAYON – Tumutukoy sa ipinapahayag ng pandiwa, Ginagamit ang panandang ng.


Sumasaya ng ballet si Mica.

C. KOMPLIMENTONG BENEPAKTIBO- Isinasaad kung sino ang makikinabang sa sinasabi ng pandiwa. Ginagamitan ito
ng para sa, para kay, at para kina.
Nagpakain ng sopas at pandesal para sa mga kapuspalad si Susan.

D. KOMPLIMENTONG LOKATIBO – Isinasaad dito ang ginanapan ng kilos.


Namamasyal sa Windmill Farm sina Mica at Camiella.

E. KOMPLIMENTONG DIREKSYONAL. Isinasaad dito ang patutunguhan ng kilos.


Dumalaw si Joshua kay Mica

F. KOMPLIMENTONG INSTRUMENTAL- Nagsasaad ito sa instrumentong ginamit upang maisagawa ang kilos.
Inikot ni Gab sa pamamagitan ng motor ang buong village
.
G. KOMPLIMENTONG KOSATIBO – isinasaad ang kadahilanan ng pagkilos. Ginagamitan ng panandang sa o kay at mga
panghalili.
Si Amadeus ay nakapag-aral dahilan sa iskolarsyip grant.

3. PAGPAPAHABA SA PAMAMAGITAN NG PAGTATAMBAL. Napapahaba ang isang payak na pangungusap kung gagawin
itong tambalan. Gagamitin ang mga pangatnig o panimbang na at, ngunit, datapwat at iba upang maisagawa ito.
Kabahagi ng Ang Sanrok si Joshua.
Myembro si Joshua ng Boy Scout of the Philippines.
“ Kabahagi ng Ang Sanrok si Joshua at myembro rin siya ng Boy Scout of the Philippines.”

PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

1. Pakikibagay (adaptability)- May kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
2. Paglahok sa pag-uusap (Conversational Involement)- May kakayahan ang isang tao na gamitin ang kaalaman tungkol sa
anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
3. Pakikibagay (adaptability)- May kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
3
4. Paglahok sa pag-uusap (Conversational Involement)- May kakayahan ang isang tao na gamitin ang kaalaman tungkol sa
anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
5. Pakikibagay (adaptability)- May kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-
ugnayan.
6. Paglahok sa pag-uusap (Conversational Involement)- May kakayahan ang isang tao na gamitin ang kaalaman tungkol sa
anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

PANANALIKSIK
- Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik
at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at resolusyon nito.
- Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyong hinggil sa isang tiyak na pakasa
I suliranin (Aquino, 1974)
- Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang
partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan (Manuel at Medel:1976)
- Ang pananaliksik naman para kay Parel (1966) ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang katanungan ng mananaliksik.
- Ito ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
eksplanasyon
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang penomena. Hal. Ang alkohol ay isang batid na
penomenon at sa pananaliksik maaaring makalikha ng isang fuel mula sa alkohol na ang kalidad ay katulad sa gasolina.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon. Hal.
Sakit na kanser.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements. Hal. 92 elements na at naging 100 . Ngayon ay may 118 na sa
pinakahuling ulat.
5. Higit na maunawaan ang kalikasan ng dati nang kilalang substances at element. Hal. Napag-alaman ang epekto ng
amphetamine hydrochloride sa katawan ng tao kaya ipinagbawal.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakala, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. Hal.
Pagpapatupad ng K-12 ng DepEd.
Ma-satisfy ang kuryosidad ng manaliksik. Hal. Si Thomas Edison ay nagsaliksik kung paano nangingitlog ang manok at
kaunay nakagawa siya ng incubator
7. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

MGA KATANGIAN NG MABUTING MANANALIKSIK

1. SISTEMATIKO. May sinusunod itong proseso o magkakasunod na hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon, o ano
pa mang nilalayon ng mananaliksik.
1. KONTROLADO. Lahat ng mga baryabol ay kinakailangang manatiling konstant.
3. EMPERIKAL. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging sa mga datos na
nakalap.
4. MAPANURI. Kailangang masuri nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga
datos na kanyang nakalap
5. OBHETIBO, LOHIKAL AT WALANG KINIKILINGAN. Lahat ng tuklas at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa
mga emprikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
6. GUMAGAMIT NG MGA KWANTETIBO O ESTADISTIKAL NA METODO. Ang mga datos ay dapat mailahad sa
pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng estadistikal tritment upang matukoy ang kanilang kahalagahan at gamit.
7. ORIHINAL NA AKDA. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at
hindi mula sa panulat, tuklas ng ibang mananaliksik.
8. AKYUREYT NA IMBESTIGASYON, OBSERBASYON AT DESKRIPSYON. Lahat ng kongklusyon ay dapat nakabatay sa mga
aktwal na ebidensya.
9. MATIYAGA AT HINDI MINAMADALI. Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito at ginagawa ng may pag-iingat
10. PINAGSISIKAPAN. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
11. NANGANGAILANGAN NG TAPANG. Maaari siyang makaranas ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik
12. . MAINGAT NA PAGTATALA AT PAG-UULAT. Lahat ng datos ay kailangang maingat na maitala.

MGA URI NG PANANALIKSIK


1. ANALISIS. Sa pananalisik na ito, kinakalap ang iba’t ibang uri ng datos at pinag-aaralan upang hanapan ng pattern na
maaaring magsilbing gabay sa mga sumusunod pang hakbangin.
2. ARAL-KASO O CASE STUDY. Inoobserbahan dito ang mga gawi o pagkilos ng isang subject sa isang sitwasyon o kaligiran.
3. KOMPARISON. Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o subject ang pinag-aaralan dito upang tukuyin ang kanilang mga
pagkakatulad at pagkakaiba.
4. KORELASYON- PREDIKASYON. Sinusuri rito ang mga estadiostikal na datos upang maipakita ang pagkaugnay ng mga ito sa
isa’t isa upang mahulaan o mahihinuha ang kalalabasan ng mga baryabol sa katulad o kahawig o maging sa ibang sitwasyon
4
5. EBALWASYON. Inaalam sa pananaliksik na ito kung nasunod nang wasto ang mga itinalagang pamamaraan kaugnay ng
pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay at sinusuri kung nakamit ba ang mga inaasahang bunga.

6. DISENYO- DEMONSTRASYON. Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa mga tuklas ng nakaraang pananaliksik upang
subukin ang baliditi at relayabiliti ng mga iyon.
7. SARBEY-LWESTYONEYR. Sa pamamagitan ng isang talatanungan, inaalam at iniinterpret sa pananaliksik na ito ang mga
gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preperensya ng ibat ibang pangkat hingil sa isang paksa o usapin.
8. ISTATUS. Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang natatanging katangian at kakayahan.
9. KONSTRUKSYON NG TEORYA. Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang makahanap o makabuo ng mga
prinsipyong magpapaliwanag sa pagkakabuo, pagkilos, o pangkalahatang kalikasan ng mga bagay bagay.
10. TREND ANALISIS. Hinuhulaan dito ang maaaring kahihinatnan ng mga bagay-bagay o pangyayari batay sa mga napansing
trend o mga pagbabagong naganap sa mga sitwasyong sangkot sa pag-aaral.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIK


1. Masipag
2. Matiyaga
3. Maingat
4. Sistematiko
5. Kritikal o mapanuri

MGA PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK

KATAPATAN
Kinikilala ng mananalisik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.
Bawat hiniram na termino at ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala.
Hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at binibigyan ng karampatang pagkilala.
Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-
aarala sa isang partikular na pananaw ( Atienza, et al 1996)

ANG ISYU NG PLAGYARISMO

Ito ay ang pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba
pa, nang hindi kinikilala ang pinagmulan o pinagkopyahan.
Mga halimbawa ng plagyarismo na naitala nina Atienza, et al (1996):
1. Kung ginamit ang orihinal natermino o mga salita, hindi nipinaloob sa panipi (o hindi gumamit ng italized) o hindi itinala ang
pinagkunan
2. Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkakapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan.
3. Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala
ang pinagmulan.
4. Kung isinalin ang mga termino, ideya. Pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi tinala na salin ang mga ito
5. Kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan.
6. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang nangalap ng mga
datos na ito.
MGA PARUSANG MAAARING IPATAW SA ISANG PLAGYARISTA
1 Pinakamagaang na parusa para sa mga istudyante na mabigyan ng lagpak na marka para sa kurso.
2. Kung mapapatunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikik ang estudyante sa paaralan.
3. Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas ngunit natuklasan na ang kanyang
pananaliksik ay kinopya, maaari siyang bawian ng diploma o digri.
4. Maaaring ihabla ang sino mang nangongopya batay sa Intellectual Property Law at maaaring sistensyahan ng
multa o pagkabilanggo

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK


1. Pagpili ng Paksa
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibiliograpiya
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
5. Pangangalap ng tala o Note Taking
6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas
7. Pagsulat ng Birador o Rough Draft
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

You might also like